Share

chapter: 10

Author: Betchay
last update Last Updated: 2022-04-19 14:17:30

Tinulongan ako ni ella na isarado muli ang mga bintana at pagka tapos namin i-lock ang pinto ay hinila niya na ako kaagad sa kamay pabalik sa bahay nila.

Kinabukasan ay muli akong nagpa sama kay ella na magpunta sa palengke at doon naman kami mag tatanong tanong. Kahit saan kami magpunta ay palagi kong dala dala ang Picture namin ni nanay upang ipakita sa mga taong napag tatanungan namin.

Lumipas ang anim na araw na hindi ako tumigil sa kaka tanong sa kung sino ang maaring nakakita kay nanay. Malungkot ako dahil bukas na ang alis ko ulit pabalik ng Maynila. Wala manlang nangyaring maganda sa pag uwi ko dito ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa bahay namin at kinakausap ang sarili mag isa. Mababaliw na ata ako kakahanap kay nanay. Yakap yakap ko ang mga damit niya at hawak ko ang litrato namin na magkasama habang nag sasalita.

" nay.. Nasaan kana.. Mis na mis na kita... Sana mag pakita ka naman oh.. Hirap na hirap na po ako... Pero kakayanin ko para sa inyo. Uwi ka na nay.. Promise kapag umuwi kana.. Kukunin na kita, isasama na kita sa maynila at hinding hindi na tayo magkaka hiwalay... "

Patuloy lang ako sa pag sasalita na animo'y nasa harap ko lang si nanay. Muli nanaman akong umiyak ng umiyak. Nag mistulang gripo ang aking mga mata.

" nay.. Aalis na ako bukas.. Babalik nanaman ako ng maynila.. Nag punta ako dito nay para hanapin ka.. Pero hindi ka naman nagpa kita.. Sana nasa maayos kang kalagayan.. Mahal na mahal kita nay..."

At tuloyan na akong humagulhol ng iyak. Kuyom ko ang aking mga palad na habang ibinabalik ang mga damit ni inay sa aparador. Kahit anong mangyari hindi ako susuko sa pag hahanap. Kahit na nasa Maynila na ako ay gagawa at gagawa parin ako ng paraan para mahanap siya. Alam ko dito sa puso't isip ko na buhay ang ina ko. At gagawin ko ang lahat makasama ko lang siya.

Mag aalasais na ng naisipan kong bumalik sa bahay nila ella. Kinabukasan alas singko palang ay gumising na ako upang makapag handa sa pag babalik ko sa maynila. Kagabi palang ay nag paalam na ako kina aling pasing at mang cardo at nagpa salamat sa mga ito. Nangako naman sila na hindi parin susuko sa pag hahanap sa inay ko.

Natapos na akong maligo at mag bihis ng magising si ella. Kaagad naman siyang bumangon at sinabayan na ako sa pagkain ng almusal ganoon din sina aling pasing at mang cardo ay sumabay na sa pag aalmusal sa akin. Katwiran nila ay aalis nanaman daw ako kaya gusto nilang makasalo ako sa pagkain bago mag byahe papuntang maynila.

Nang matapos kumain ay nag paalam na ako kaagad sa kanila dahil baka ma traffic ako pabalik ng maynila. Hinatid ako ni ella sa sakayan ng jeep. At nang makasakay na ako ay agad naman na itong umalis pabalik sa kanila dahil nagpapa tulong si mang cardo kay ella sa pag aani ng kanilang mga pananim na gulay. Ibinabagsak kasi nila ito sa palengke pagka ani palang mayroon na silang sinusuplayan na mga tinderang may puwesto sa palengke. Sa kanila din kunukuha ni inay dati ang mga inilalako niyang gulay.

Alas sais ng gabi ng maka balik na ako sa apartment na inuupahan ko. Dumaan muna ako sa bahay nina aling ursula upang ipaalam dito na naka uwi na ako at iniabot ko na din ang binili kong mga pasalubong na kakanin na binili ko pa sa Quezon bago ako sumakay ng jeep papunta dito. At bumili nalang din ako ng lutong ulam at kanin sa karinderyang nadaanan ko sa may terminal ng jeep na binabaan ko kanina. Pagka kain ko ay kaagad na akong nag linis ng katawan at nag palit ng damit. Bago ako humiga sa higaan ko ay tinawagan ko na muna sina ella para ipaalam din sa mga ito na naka uwi na ako ng apartment. At sa sobrang pagod ko sa biyahe ay agad na akong naka tulog pagka lapat ko palang ng aking katawan sa higaan.

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm ng aking cellphone isinet ko kasi ito ng alas sais ng umaga para maka sigurado ako na magigising ako kaagad. Lunes kasi ngayon at paniguradong may traffic nanaman sa Magallanes area. Agad akong nag timpla ng kape at bumili nalang ako ng pandesal sa panadirya na malapit lang din dito sa paupahan. Ito nalang ang magiging agahan ko ngayon at mamaya nalang ako babawi ng kain pag dating sa trabaho. Nang matapos na akong kumain ay kaagad din akong naligo. At pagka bihis ay agad din na umalis at siyempre pa hindi ko kinalimutan na bitbitin ang binili kong pasalubong para kay ms. Devine at rina dahil panigurado akong nag aabang ang mga ito sa pasalubong ko sa kanila. Na Ikwento ko kasi sa kanila na masasarap ang mga gawang kakanin namin sa Quezon.

May 30 minutes pa bago ang simula ng aming trabaho. Nag pasya akong idaan muna ang pasalubong ko para kay rina. Ngunit wala pa si rina ng dumating ako kung kaya't inilapag ko na lamang ito sa ibabaw ng kanyang table. At tsaka gayon din si ms. Divine wala pa sa kanyang office ito. inihabilin ko nalang ito sa kanyang assistant na naunang pumasok sa kanya.

Pagka labas ko ng Hrd Department ay naka salubong ko si sir david. Kaagad ko naman itong binati.

" good morning sir david!.." And I smiled broadly before i bowed my head.

Kaagad siyang tumingin sa akin at ngumiti. Nang maka lagpas na ako sa kanya ay muli niya akong tinawag. " Ms. Macaraeg! Come to my office later. I want to talk to you.. I have something to tell you. "  he said in a very serious way.

Tango nalang ang tanging naisagot ko. Bigla akong kinabahan. Bakit kaya niya ako gustong kausapin at mukhang seryoso pa ang pag uusapan namin dahil kung hindi bakit hindi nalang niya sinabi sa akin ang gusto niyang sabihin kanina ng magka salubong kami. Hindi kaya sa pag absent ko ng isang linggo. Pero Legal naman ang pag absent ko dahil bukod sa nag paalam ako ng maayos kay ms. Divine ay nag file din ako ng absent form bago ako umabsent. Naku kung dahil lang doon ipapakita ko talaga yung absent form ko na naka file at may pirma pa ni ms. Divine. Nasa ganun akong pag iisip ng dumating si ms. Divine. " hi eloisa! Many thanks nga pala sa pasalubong mo ha!.. Tinikman ko na nga at infairness! ang sarap girl!  Agad niyang bungad sa akin.

" you're welcome ms. Divine! Mabuti naman at nagustohan niyo po.."  at ngumiti ako sa  kanya. Mag sasalita pa sana itong muli ng bigla kong maalala na itanong sa kanya kong may alam siya kung bakit ako gustong kausapin ni sir David. Baka sakaling may alam siya.

" ahmmm.. Ms. Divine, may idea po ba kayo kung bakit ako gustong kausapin ni sir david sa mismong office pa niya..?" tanong ko dito.

At agad naman siyang sumagot.

" naku wala eh.. Pero noong nakaraang araw ay kinuha niya sa akin ang resume mo at mga records mo. Wala naman siyang sinabi kung bakit.. "

" ay ganun po ba.. Sige po salamat akala ko kase may idea po kayo. Sige po tatapusin ko lang po itong ginagawa ko at pupuntahan ko na rin  po si sir david sa office niya. " huling sabi ko sa kanya at tumalikod na siya pabalik ng hrd.

Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay kaagad din naman akong nag punta sa office ni sir david. Kumatok ako sa glass door at bumungad sa akin ang kanyang secretary.

" good morning po.. Pina papapunta po ako ni sir david sa office niya. Gusto niya daw po akong maka usap.." at ngumiti lamang ako ng bahagya dito. Nakita kong pinindot niya ang intercom at may kinausap malamang si sir David ito.

Nang matapos siya sa kausap Niya ay agad siyang lumingon sa akin at ngumiti." Sige pumasok kana daw. " sabi niya sa akin.

Nag lakad ako papunta sa pinto ni sir david ngunit bago ako kumatok ay humugot muna ako ng hangin mula sa aking lalamunan at umusal ng panalangin na sana hindi bad news ang sabihin sa akin ni sir david.

And then i knock the door thrice. I heard he's baritone voice inside. " Come in Eloisa!"

Agad naman akong pumasok. Pagka pasok ko ay ngumiti lang ako at pina upo niya ako sa upuang nasa harap niya. " please seat down eloisa.."

Nang maka upo na ako sa harap niya ay napansin kong napaka seryoso ng awra niya. Pina ikot ikot pa niya ang kanya upoan habang naka upo at nilalaro pa niya sa kamay ang ballpen na hawak niya. Habang naka tingin sa folder na nasa harap niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag salita na ako.

" ahmm.. Sir david.. Bakit niyo po ako gustong maka usap? Tungkol po ba ito sa pag absent ko? Naku sir legal po ang pag absent ko ha, dahil nag file ako ng absent form bago ako umabsent, may pirma pa nga po iyon ni ms. Divine.. Kung gusto niyo po ipapa kita ko po sa inyo yung naka file ko na form.. " sinabi ko iyon ng mahinahon habang naka titig sa mukha niya.

Ini angat niya ang kanyang mukha at tumingin sa akin ng naka kunot noo. tumikhim siya bago nag salita." hey hey! What are you talking about! Wala pa nga akong sinasabi sa iyo. Can you just listen to me first. Calm down okay. "

Binawi ko ang paningin ko sa kanya at niyuko ang aking ulo. Muli siyang nag salita. Agad naman akong tumingin sa kanya.

" ganito kasi yun eloisa, pina tawag kita dito dahil may offer ako sa iyo. Nag hahanap ako ng bagong Manager para sa isa ko pang site na  bubuksan. I noticed that you are having a very good record. At nakita ko rin sa resume mo that When you were in high school you were valedictorian and also noong elementary ka palang ay mayroon ka nang good Educational background. Matalino ka pala.. Sayang hindi mo natapos ang pag aaral mo.. But anyways okay lang yun kahit hindi ka college grad nakapag college ka parin naman.. Gusto kong ipromote ka to be one of my branch manager.

I believe in you eloisa nakikita kong mapag kakatiwalaan kita. Actually, sasabihin ko sayo ang totoo, humihina ang company natin dahil kumokonti ang mga investors natin. Balak ko mag tayo ng bagong construction site at ikaw ang ilalagay kong taga pamahala dito. Maasahan ko ba ang tulong mo eloisa?.. " mahaba niyang paliwanag sa akin.

Hindi ako kaagad nakapag salita dala ng pagka bigla. Naisip kong kailangan ko talaga ito ang magkaroon ng mas malaking kita para mas makapag ipon pa ako at may pang gastos sa paghahanap sa nanay ko.

Dali dali akong ngumiti na abot hanggang tenga bago sumagot. " ay talaga po sir! Hindi ko po yan tatanggihan sir! I promise to do my best para maka tulong ako sa inyo. At ipina pangako ko rin po na mapag kakatiwalaan niyo ako!..

" very good eloisa! May tiwala ako sayo.. O paano hintayin mo nalang sa ibaba ang new contract mo na pipirmahan. Ipapaasikaso ko na ito agad kay divine. Muli niyang saad na naka ngiti sa akin. Tumayo siya at tumayo din ako. Nag kamayan kaming dalawa at nagpa salamat ako dito ng maraming beses.

Pagka labas ko ng office ni sir ay hanggang tenga ang ngiti ko. Maging ang kanyang sekretarya ay nginitian ko rin. Akalain mo yun kahit na may hindi magandang nangyari sa buhay namin ni inay ay mayroon din naman palang magandang mangyayari. Napaka buti talaga ng diyos.

Bumalik ako agad sa aking pwesto dahil marami pa akong mga pending na gawain mula ng umuwi ako ng quezon. Maya maya ay bumungad sa akin si ms. Divine. " wow eloisa! Congrats! Ang galing mo! Tinawagan ako ni sir David at pinagawan ka agad ng bagong contract. Wow! Site manager kana ngayon! Sabi ko na nga ba! Nung bago ka palang dito nakitaan na kita ng husay sa trabaho. At hindi nga ako nagka mali promoted kana ngayon! I'm happy for you eloisa. Mas mataas na ang posisyon mo ngayon sa akin. Proud ako sayo eloisa.. Sana hindi ka mag bago.. "  mahaba niyang litanya sa akin.

" salamat ms. Divine sa tiwala.. Ililibre ko po kayo sa unang sahod ko bilang manager.. " sabi ko dito. At iniabot niya na sa akin ang folder na naglalaman ng bago kong kontrata.

Binasa ko muna iyon bago pinirmahan. May Nakalagay na

Job Description: Site Manager at may pangalan ni sir david sa ibaba.

Company CEO: JOHN DAVID DEL CASTILLO  At may pirma niya sa ibabaw ng kanyang pangalan. Kaagad kong pinirmahan ito ngunit may naalala ako bigla. bumalik ang paningin ko sa pangalan ni sir david na nakasulat "John David Del Castillo" del Castillo muli kong bigkas. Hindi ko namalayan na naisa tinig ko na pala ito. Narinig kong tumikhim si ms. Divine at nag tanong.

" bakit loisa may problema ba? Yes, del Castillo nga ang family name nila sir david.. Bakit hindi mo ba alam?"  tanong niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakapag salita dala ng pagka bigla. Nang maka bawi ako ay iniabot ko muna kay ms. Divine ang kontrata bago nag salita.

" ahmm.. Wala naman ms. Divine, ngayon ko lang kasi napansin na maganda pala ang family name nila sir."  sagot ko dito at ngumiti.

Bahagya siyang natawa bago nag paalam. " sige ma'am eloisa congrats po ulit!" sabi niya at sabay kindat.

Related chapters

  • I fell inlove with the Wrong man    Chapter: 11

    Pagka alis ni ms. Divine ay muling sumagi sa isip ko ang apelyido nila sir david at binigkas ko itong muli. Del Castillo.. Oo nga ano bakit ba hindi ko kaagad naisip noong nasa Quezon palang ako na Del Castillo nga pala ang family name ng boss ko. Siguro ay dahil kay nanay naka tuon ang isip ko. Sinipat ko ang oras sa malaking orasang naka sabit sa pader. Malapit ng mag uwian kaya dali dali ko ng tinatapos ang aking mga gawain ng dumating naman si rina. " uy friend! Thanks for your pasalubong! Ang sarap kaya. Totoo talaga ang sinabi mong masasarap ang mga kakanin doon sa inyo.."Tumingin ako dito habang patuloy sa aking ginagawa at nginitian ito bago nag salita. " you're welcome rina! Mabuti naman at nagustuhan mo!.. Sabi ko na sayo masarap talaga ang mga kakanin sa amin. Hayaan mo kapag umuwi ako ulit sa amin, bibigyan ulit kita."" ay talaga loisa, gusto ko yan friend! Salamat! Sige ha dumaan lang ako dito sayo galing kasi akong c.r  kaya naisipan ko na daanan ka

    Last Updated : 2022-04-20
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 12

    Jordan's POV:Natatandaan ko ang babaeng iyon at eloisa pala ang pangalan niya. Siya ang muntik na naming mabundol ng sasakyan ilang buwan na ang nakakaraan. Wala pa nga siyang suot na salamin noon sa mata. At kanina ay naka salamin na siya kaya hindi ko siya kaagad natandaan. Kaya pala pagkakita ko palang sa kanya kanina sa office ni david sa isip ko she looks familiar. Yun pala ay nagka encounter na nga kami dati pa. kinailangan ko pang titigan ang mukha niya bago ko siya nakilala. Marahil ay malabo ang mata nito. Mabuti nalang ay walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang okay naman siya kanina. Hindi ko na nga siya noon masyado kinausap pa nag mamadali kasi kami noon dahil may biglaang meeting ako kasama ang mga matataas na tao na kasosyo ko sa negosyo sa paris. Hindi ko naman akalain na dito nila gusto sa Pilipinas ganapin ang magiging meeting namin. At nang nag inform sila through e-mails ay hindi ko naman kaagad nabasa dahil Mag hapon kong kasama si Roxanne ng araw n

    Last Updated : 2022-04-20
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 13

    Eloisa POV:Kinabukasan habang kumakain ng agahan ay sinubokan ko ulit i-dial ang telephone number nila ella. Baka sakaling may sumagot na. Naka dalawang dial na ako ng may sumagot. Nabosesan ko ito si aling pasing ang naka sagot." hello.. Magandang umaga ho aling pasing! Kamusta na ho kayo diyan?  May balita na ho ba kayo kay nanay?.." kaagad kong tanong dito.Agad siyang sumagot. " magandang umaga rin eloisa! Mabuti naman kami dito. Ayun si ella at mang cardo mo ay nasa bukid. Nag patulong si cardo kay ella na mag dilig ng mga pananim na gulay.. Tungkol naman kay sonya ay wala parin kaming balita eh.. Noong Linggo nga lang ay nag punta kami ni ella sa police station upang mag tanong kung may  balita na sila kay sonya.. Kaso iha wala parin daw.. " agad na sagot nito at narinig ko pa itong nag buntong hininga sa kabilang linya." ay ganun po ba.. Ikamusta niyo nalang ho ako kay ella at mang cardo.. " saad ko dito. " eh ikaw ba iha kamus

    Last Updated : 2022-04-20
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 14

    oh siya sige na umupo kana muna at mag hahain na ako.." muli pang saad nito.At agad na rin akong umupo sa lamesang may pang apatan. Habang kumakain kami ay panay din ang kwentohan namin at tawanan. Hanggang sa mag salita ulit siya." babe, mag papasama sana ako sayo bukas sa bahay ng cousin ko you know Yvette diba.. Birthday niya kasi bukas.. Isasama sana kita para may escort naman ako at isa pa ipapa kilala na rin kita sa ibang mga kamag anak namin na pupunta doon.." Agad naman akong sumagot dito."naku babe sorry.. Kailangan kong umuwi bukas sa bahay at hinahanap na daw ako ni Daddy.. Alam mo naman diba na may ilang araw din akong hindi naka uwi lately.. At tsaka madalas kasi sumama ang paki ramdam ni dad this past few days.. Gusto ko rin siyang kamustahin ng personal.. " sabi ko dito at ngumiti ng bahagya. " ay ganun... Akala ko pa naman masasamahan mo ako.. Nag sabi na rin kasi ako kay Yvette na isasama kita. Di bale wala naman akong ma

    Last Updated : 2022-04-20
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 15

    David POV:Nang maihatid ko na si klariz sa meeting place nila ng kanyang ina ay tumawag muna ako sa secretary ko upang sabihin na mali late ako ng pasok dahil dadaan na muna ako sa bahay para makamusta si dad ng personal. Pag dating ko sa bahay ay nakita ko si Dad na naka upo sa upuan na malapit sa may pool. Agad ko itong binati. " Hi dad.. Good morning!" bati ko dito at nag lakad papalapit dito." good morning din iho.. Halika maupo ka dito.." sabi niya sa akin.Agad naman din ako umupo sa upuan na nasa harap niya." kamusta kana dad? Sumasama parin ba ang pakiramdam mo?.. Bakit nga ba mag isa ka lang dito, hindi ba dapat may kasama kayo palagi.. Paano nalang po kung atakihin kayo ulit walang maka kasaklolo sa inyo kaagad.." agad na tanong ko dito." meron naman ako kasama dito iho ang mommy mo pumasok lang siya saglit sa loob dahil may kukunin daw.. Salamat iho at inuwian mo ako ngayon.. Paano nalang kapag nag asawa  na kayo

    Last Updated : 2022-04-20
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 16

    Eloisa POV:Isang linggo na ako sa bago kong trabaho. Araw araw akong tumatawag kay sir david para mag report dito ng mga update lalo na kung may mga bagong investors na gustong mag invest sa company namin. Tumutulong din kasi ako na mangalap ng mga puwedeng mag invest sa company. Gumawa ako ng mga fosters at slogan para mag advertise at mukhang nakaka tulong naman ito dahil may mga ilang tumatawag na para mag inquire. Masaya ako sa trabaho dahil pakiramdam ko mas lalo pang lumalawak ang kakayahan ko at mas nagkakaroon ako ng confident sa sarili ko medyo mahiyain kasi ako at unti unti na itong nawawala dahil kung sino sino ang nakaka usap ko araw-araw dito sa trabaho. mayroon na rin akong assistant si joy. Kapapasok palang namin sa office dahil katatapos lang namin mag ikot sa buong gusali. Nag sisimula na kaming gumawa ng mga panibagong advertisement ng may kumatok sa pinto. Tumayo si joy at sinilip kong sino yung kumakatok. Pag balik niya ay may dala na siyang dalawang na

    Last Updated : 2022-04-20
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 17

    Rina's POV:Alas sais imedya na ng gabi at mag sisimula na ang party ngunit wala parin si eloisa. Narito ako ngayon sa harapan ng malaking gate at nag hihintay kay eloisa. Tinatawagan ko ito ngunit hindi ko makontak. Nakita ko sina sir david at sir jordan na magka akbay habang nag uusap sa may gilid ng Entrance door at kinakamayan ang bawat taong pumapasok. Maya maya pa ay may nakita akong sasakyan na huminto sa harap mismo ng gate. Gumilid ako ng kaunti upang hindi maka abala sa daraanan nila. Maya maya pa ay may bumaba na lalaking naka uniporme marahil ay ito ang driver ng kotse. Binuksan nito ang pinto ng kotse at may bumaba na matandang lalake at kasunod ay matandang babae naman. Ang matandang lalake ay namu mukhaan ko dahil nakita ko na ito ng ilang beses na pumupunta sa office. Ito ang ama ng mag kapatid na jordan at david. At ang kasama nitong matandang babae ay marahil ito ang asawa niya ang ina nina sir jordan at sir david. Mababakas ang angking ganda nito kah

    Last Updated : 2022-04-20
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 18

    Eloisa's POV:Mag aalas diyes na ng gabi ng makarating ako sa venue ng party. Natagalan ako sa biyahe dahil may nag banggaan na truck at van sa kalye ng zapote area papuntang cavite. Tumagal ng halos isang oras bago nakuha ang dalawang sasakyan na naka hambalang sa kalsada. Nang makababa ako ng taxi ay kaagad kong tinawagan si rina upang ipaalam dito na nasa labas na ako ng gate. Nang makausap ko na ito ay maya maya lang ay natanaw ko na siya na naglalakad papunta sa gawi ko.Agad ko siyang sinalubong sa pag lalakad. Saglit kaming nag yakapan at nag beso beso. Iniabot niya sa akin ang dala niyang Paper bag na nag lalaman ng aking pamalit na damit. Kinuha ko iyon at agad niya ako sinamahan sa comfort room na nasa gilid ng hardin. Pumasok ako sa loob ng medyo may kalakihang cubicle at doon nag bihis. Pagkalabas ko ng cubicle ay kaagad akong nilapitan ni rina na nag hihintay lang sa gilid ng pintuan. Naka suot ako ng kulay pulang bistida na pa v-neck an

    Last Updated : 2022-04-20

Latest chapter

  • I fell inlove with the Wrong man    Last Chapter

    Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki

  • I fell inlove with the Wrong man    Chapter: 71

    Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 70

    Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 69

    Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 68

    Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 67

    Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 66

    Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 65

    KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 64

    KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status