Naka tulog din ako kaagad pag lapat palang ng katawan ko sa higaan. Kala gitnaan ng gabi ay nagising akong hinihingal at pawis na pawis. Na panaginipan ko si inay. Tinatawag niya daw ako at May humahabol daw sa kanya na mga masasamang lalake at may hawak na mga baril. habang tumatakbo papunta sa akin sa di kalayuan ay may nakita akong isa pang lalake na tumatakbo rin papunta sa gawi niya at tinatawag ang kanyang pangalan. Nang malapit na daw siya sa akin ay bigla akong may narinig na nagpa putok ng baril at natumba si inay sa harapan ko. Iyak daw ako ng iyak habang tinatawag ang pangalan ni inay.
At pagka tapos ay bigla na akong nagising. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Napa tingin ako sa kina hihigaan ni ella at nakita ko itong mahimbing na natutulog. Patuloy akong lumuluha ng tahimik habang yakap ang dalawa kong binti.Nang mapagod na ako sa kaiiyak ay naka ramdam ako na naiihi kaya tumayo ako at nag tungo sa banyo. Pagka balik ko sa kuwarto ay muli akong humiga ngunit kahit anong gawin kong pag pikit ng mga mata ko ay hindi na ako maka tulog pa ulit. Tumingin ako sa maliit na wall clock na naka sabit sa kuwarto ni ella at alas kuwatro na ng madaling araw.Mga bandang ala sais ng umaga ay nagising na rin si ella. Binati ko ito at pilit akong ngumiti sa kanya." good morning ella.." tumingin siya sa gawi ko at nag salita." good morning din loisa my friend.. Naka tulog kaba? Bakit parang namamaga yang mga mata mo?.. Umiyak ka nanaman siguro noh.." tanong niya sa akin at tsaka umupo sa tabi ko.Agad akong sumagot dito. "ahmmm... Oo naka tulog naman ako.. Kaya lang nagising ako ng alas kuwatro ng madaling araw at hindi na naka tulog pa ulit. napa naginipan ko kasi si inay na hinahabol daw siya ng mga lalake at nabaril sa harap ko ng malapit na siya sa akin. At may isa pang lalake sa panaginip ko na tumatakbo rin papunta sa gawi namin ni inay pero hindi ko siya kilala.. " napa buntong hininga ako ng malalim. At dahan dahang umupo na rin sa papag katabi ni ella." ay ganun.. Ano kaya ibig sabihin ng panaginip mo my friend... Masamang panaginip yun ah.. Kahit ako hindi na rin makaka tulog ulit kapag ganun ang napa naginipan ko.. Nakaka takot naman yang panaginip mo.. Halika na mag kape na tayo.. Doon nalang natin ituloy sa labas ang kuwentohan natin.." at hinawakan niya ako sa kamay palabas ng kuwarto niya.Pag dating namin sa kusina ay nadatnan naming nagluluto si aling pasing. Agad kong binati ito." magandang umaga ho aling pasing.. " lumingon siya sa gawi namin ni ella at ngumiti." magandang umaga rin iha... Halina kayo dine maupo na kayo. Tamang tama luto na itong pinirito kong hot dog at scrambled egg.. Nag sangag din ako baka gusto mo.."Pagka lapit namin ni ella ay agad naman kaming umupo at sabay dating din ni mang cardo na ama ni ella. Sabay sabay kaming kumain na apat. naunang natapos at tumayo si mang cardo dahil pupunta pa daw ito sa bukid at mag didilig ng mga pananim niyang gulay. Nang matapos na kami lahat sa pag kain ay nag presinta akong ako na ang mag huhugas ng mga pinag kainan namin. Habang si aling pasing ay nag tungo na sa tindahan niyang nasa may gilid lang ng bakod nila nakatayo. At si ella naman ay nag dilig ng kanilang mga halaman na naka sabit sa terrace nila. At nang matapos akong mag hugas ay nauna na akong maligo kay ella. Magpapa sama kasi ako sa kanya mamaya sa dati kung school upang mag tanong tanong baka may nakaka kilala kay inay at baka maaaring may nakakita sa kanya.Nang matapos na akong maligo ay agad akong nag bihis nag suot lamang ako ng color brown short na lagpas tuhod at t-shirt na puti. Pagka labas ko sa kuwarto ay naupo muna ako sa upoan habang hinihintay si ella na matapos maligo. At nang matapos itong maligo at mag bihis ay dumiretso kami sa tindahan kong saan nandoon si aling pasing na nag babantay. Ipagpa paalam ko si ella na mag papasama ako dito sa dati kong school.Pumayag naman si aling pasing at sinabihan lang kami na mag iingat. Nag baon kami ng tinapay at tubig para may makain kami kapag naka ramdam kami ng gutom.Sumakay lang kami ng traysikel papunta sa dati kong school.. Mabuti nalang mag katabi lang ang naging school ko ng elementary at high school. Medyo malayo lang ng kaunti ang naging school ko nung college. Alas otso imedya na ng makarating kami sa school. Pagka baba namin ng traysikel ay kaagad kaming nag lakad palapit sa dati kong mga school. Kada estudyante o empleyado man na may pumapasok sa gate ay ipina pakita ko sa mga ito ang litrato ko noong graduation ko ng high school na kasama si nanay. Umaasa talaga ako na baka may nakakita sa mga ito. Nang mag aalas dose na ng tanghali ay umupo kami at nag pahinga muna kami ni ella sa waiting shed na katabi ng gate at inilabas ko mula sa plastic na puti ang baon naming tubig at tinapay." ella.. Pasensya kana ha.. Pati ikaw nadadamay sa problema ko.. At alam kong napapagod na rin kayo sa kakahanap sa nanay ko.." sabi ko dito sabay tungo ng ulo. Nahihiya na kasi talaga ako sa pamilya ni ella. Kahit hindi ko naman sila kadugo ay pati sila naaabala ko na. Nangingilid na ang aking luha ng mag salita siya at hinawakan ang mga kamay ko." ano ka ba loisa.. Okay lang yun.. Sino pa bang mag tutulongan dito kundi tayo lang.. Mahal kita my friend at hangga't kaya kong tulongan ka ay tutulong ako sayo.. Kapag sa akin naman nangyari ito siguro tutulongan mo rin naman ako diba.." kaagad niyang sabi at pinisil ang mga kamay ko.Nag buga ako ng hangin mula sa aking bibig at muling nag salita. " oo naman ella.. Hindi rin naman kita pababayaan.. Sobrang nahihiya na kasi ako sa inyo.. Malaking abala na ang nagagawa ko sa inyo.. Kaya nag papasalamat ako ng malaki sa pamilya ninyo.." at tuloyan ng tumulo ang mga luha ko sa mata. Hindi ko na napigilan pa ang pag daloy ng aking mga luha. Para itong tubig sa gripo na tuloy tuloy ang pag daloy. Tumayo si ella at Niyakap niya ako habang naka upo ako at hinimas ang aking likuran." tahan na loisa.. Alam kong malalagpasan mo rin ito.. May awa ang diyos makikita natin si aling sonya ng ligtas at walang anumang masamang nangyari. Kapit ka lang nandito kami kasama mo.." sabi pa niya at muling umupo." oo ella.. Hindi ako susuko na hanapin si inay.. At lalong hindi ako mapapagod na mag hanap sa kanya.. Pagka tapos dito nakaka hiya man pero, samahan mo rin ako sa school ko noong college ha.. Baka doon sakaling may nakakita na sa kanya.." muli kong saad dito." oo naman loisa kering keri ko lang yan bakasyon ko pa naman sa klase at may isang buwan pa ako para tumulong sa pag hahanap.. Tara kumain na tayo para may lakas tayo.. " kaagad nitong sabi sa akin.At kinain na namin ang baon naming tinapay. Habang kumakain kami ay may dumaan na nag titinda ng buko juice. Bumili ako at binigyan ko si ella. Maya maya ay may dumaan nanaman na nag titinda ng siomai muli akong bumili at dinamihan ko na para may makain ulit kami mamaya pag sakaling nagutom ulit kami.Nang matapos na kaming kumain ay dali dali kaming nag punta naman sa dati kong school ng college napag kasundoan naming lakarin na lamang ang pag punta dito. Para kung may makaka salubong man kami na nag lalakad din gaya namin ay maari din kaming makapag tanong sa mga ito. Ngunit bigo kami at wala paring nakapag bigay sa amin ng impormasyon tungkol kay inay. Naka rating na kami sa school ko noong college na siyang school din ni ella ngayon. Wala masyadong tao na pumapasok at lumalabas dahil sem break nila ella. Tanging yung ibang guro lang at estudyante na may special class ang nag pupunta dito. Bukod pa doon ay wala na nag tanong na rin kami sa mga guard na naka bantay dito. Ngunit sa kasamaang palad wala talaga kaming nakuha impormasyon tungkol kay inay. Mag aala singko na ng hapon ng maisipan naming umuwi na.Naka uwi kami ng alas siyete na ng gabi at agad kaming kumain dahil gutom na gutom na kami. Nauna ng kumain sina aling pasing at mang cardo at kaagad na rin silang nag paalam sa amin ni ella na matutulog na. hinintay lang daw nila kami maka uwi bago pumasok sa kuwarto. Naiwan kami ni ella sa kusina. Habang kumakain kami ay nag tanong si ella.. " anong plano mo niyan bukas friend?.. Saan mo balak mag punta ulit?"" mag pahinga muna tayo.. Sa susunod na araw nalang ulit tayo mag tanong tanong.. Pupunta muna ako sa bahay namin at mag lilinis..." kaagad kong sagot dito.Agad naman siyang nag salita." sige bahala ka. Sabagay tama ka naman kailangan din natin mag pahinga.. Ah basta sabihan mo nalang ako kapag aalis na ulit tayo.. "Tumango lamang ako dito at ngumiti ng bahagya. Nang matapos na kami kumain ay ako na ang nag hugas ng mga hugasin. Nauna ng nag linis ng katawan si ella. Nang matapos na ako sa pag huhugas ay kaagad naman akong nag linis na rin ng katawan at nag palit ng damit. Alas nuwebe na nang maka tulog kami.Kinabukasan ay maaga akong umalis kanila ella at nag tungo sa bahay namin. Pagka pasok ko palang ng bahay ay napaiyak nanaman ako. Sobrang namimis ko na si nanay. Naalala ko ang mga pag hihirap niya dati mairaos lamang ang araw araw na pagkain namin. Sa tuwing nakikita kong napapagod siya noon kaagad ko naman siyang nilalapitan at biglang yayakapin ng mahigpit sa kanyang bewang. Tapos hihimasin niya ako sa buhok ko at sasabihin niyang anak ikaw ang lakas ko.. Dahil sayo kaya ako nabubuhay... Grabe ang sakit ang sakit sakit. Bakit kailangan mangyari ito kay Nanay. Tuloyan na akong humagulhol ng iyak. Umaasang naririnig at nakikita ako ng diyos at ibalik niya na sa akin ang nanay ko.Nang mapagod na ako kakaiyak ay kinuha ko ang basahan at kaagad na nag punas ng mga alikabok at nag walis na rin. Binuksan ko ang aming mga bintana at maging ang pintuan ay hinayaan ko lang itong naka bukas. Baka sakaling bumalik na si inay at makita niya kaagad ako. Pinag pagan ko din ang aming mga higaan at tinago ang nga kumot at unan sa aparador. Maging ang mga kaldero plato at gayon din ang mga baso't tasa ay itinago ko na rin sa cabinet upang hindi gapangan ng mga ipis at daga. Nang matapos akong mag linis ay nagpa hinga muna ako at hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.Nagising ako na may tumatapik sa balikat ko. Pag dilat ko ng mata ay si ella pala. Nalaman kong Alas kuwatro na pala ng hapon at hindi na ako nakapag tanghalian. Hindi man lamang ako nakaramdam ng gutom." uy loisa, ang sarap ng tulog mo yata.. Inutosan kasi ako ni nanay na bumili ng manok sa talipapa. Kakarating ko lang din ng bahay ng maalala kong Silipin ka dito. Nadatnan kitang natutulog diyan sa upoan, hindi mo manlang talaga sinara ang pinto. Paano nalang kong bumalik yung dalawang lalake na nakita kong umaaligid dito noong nakaraan.. Baka kung anong gawin nila sayong masama lalo na sa ganda mong yan.. Ako yung natatakot para sa iyo. Dapat ka ring mag ingat lalo na at hindi natin alam kung may kumuha nga kay aling sonya.. " sabi pa nito na umiling iling pa.Bumangon ako at hinawakan ang kamay niya." my friend.. Huwag ka masyado mag alala sa akin.. Okay lang naman ako at tsaka wala naman nangyaring masama sa akin diba.. "" ah ganun! Hihintayin mo pa talagang may mangyaring masama rin sayo! Utak mo loisa masyadong mataba! Hay naku! Tara na nga bumalik na tayo sa bahay! Hinihintay na tayo ni nanay.. " pagalit nitong sabi sa akin.Tinulongan ako ni ella na isarado muli ang mga bintana at pagka tapos namin i-lock ang pinto ay hinila niya na ako kaagad sa kamay pabalik sa bahay nila.Kinabukasan ay muli akong nagpa sama kay ella na magpunta sa palengke at doon naman kami mag tatanong tanong. Kahit saan kami magpunta ay palagi kong dala dala ang Picture namin ni nanay upang ipakita sa mga taong napag tatanungan namin.Lumipas ang anim na araw na hindi ako tumigil sa kaka tanong sa kung sino ang maaring nakakita kay nanay. Malungkot ako dahil bukas na ang alis ko ulit pabalik ng Maynila. Wala manlang nangyaring maganda sa pag uwi ko dito ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa bahay namin at kinakausap ang sarili mag isa. Mababaliw na ata ako kakahanap kay nanay. Yakap yakap ko ang mga damit niya at hawak ko ang litrato namin na magkasama habang nag sasalita." nay.. Nasaan kana.. Mis na mis na kita... Sana mag pakita ka naman oh.. Hirap na hirap na po ako... Pero kakayanin ko para sa in
Pagka alis ni ms. Divine ay muling sumagi sa isip ko ang apelyido nila sir david at binigkas ko itong muli. Del Castillo.. Oo nga ano bakit ba hindi ko kaagad naisip noong nasa Quezon palang ako na Del Castillo nga pala ang family name ng boss ko. Siguro ay dahil kay nanay naka tuon ang isip ko. Sinipat ko ang oras sa malaking orasang naka sabit sa pader. Malapit ng mag uwian kaya dali dali ko ng tinatapos ang aking mga gawain ng dumating naman si rina. " uy friend! Thanks for your pasalubong! Ang sarap kaya. Totoo talaga ang sinabi mong masasarap ang mga kakanin doon sa inyo.."Tumingin ako dito habang patuloy sa aking ginagawa at nginitian ito bago nag salita. " you're welcome rina! Mabuti naman at nagustuhan mo!.. Sabi ko na sayo masarap talaga ang mga kakanin sa amin. Hayaan mo kapag umuwi ako ulit sa amin, bibigyan ulit kita."" ay talaga loisa, gusto ko yan friend! Salamat! Sige ha dumaan lang ako dito sayo galing kasi akong c.r kaya naisipan ko na daanan ka
Jordan's POV:Natatandaan ko ang babaeng iyon at eloisa pala ang pangalan niya. Siya ang muntik na naming mabundol ng sasakyan ilang buwan na ang nakakaraan. Wala pa nga siyang suot na salamin noon sa mata. At kanina ay naka salamin na siya kaya hindi ko siya kaagad natandaan. Kaya pala pagkakita ko palang sa kanya kanina sa office ni david sa isip ko she looks familiar. Yun pala ay nagka encounter na nga kami dati pa. kinailangan ko pang titigan ang mukha niya bago ko siya nakilala. Marahil ay malabo ang mata nito. Mabuti nalang ay walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang okay naman siya kanina. Hindi ko na nga siya noon masyado kinausap pa nag mamadali kasi kami noon dahil may biglaang meeting ako kasama ang mga matataas na tao na kasosyo ko sa negosyo sa paris. Hindi ko naman akalain na dito nila gusto sa Pilipinas ganapin ang magiging meeting namin. At nang nag inform sila through e-mails ay hindi ko naman kaagad nabasa dahil Mag hapon kong kasama si Roxanne ng araw n
Eloisa POV:Kinabukasan habang kumakain ng agahan ay sinubokan ko ulit i-dial ang telephone number nila ella. Baka sakaling may sumagot na. Naka dalawang dial na ako ng may sumagot. Nabosesan ko ito si aling pasing ang naka sagot." hello.. Magandang umaga ho aling pasing! Kamusta na ho kayo diyan? May balita na ho ba kayo kay nanay?.." kaagad kong tanong dito.Agad siyang sumagot. " magandang umaga rin eloisa! Mabuti naman kami dito. Ayun si ella at mang cardo mo ay nasa bukid. Nag patulong si cardo kay ella na mag dilig ng mga pananim na gulay.. Tungkol naman kay sonya ay wala parin kaming balita eh.. Noong Linggo nga lang ay nag punta kami ni ella sa police station upang mag tanong kung may balita na sila kay sonya.. Kaso iha wala parin daw.. " agad na sagot nito at narinig ko pa itong nag buntong hininga sa kabilang linya." ay ganun po ba.. Ikamusta niyo nalang ho ako kay ella at mang cardo.. " saad ko dito. " eh ikaw ba iha kamus
oh siya sige na umupo kana muna at mag hahain na ako.." muli pang saad nito.At agad na rin akong umupo sa lamesang may pang apatan. Habang kumakain kami ay panay din ang kwentohan namin at tawanan. Hanggang sa mag salita ulit siya." babe, mag papasama sana ako sayo bukas sa bahay ng cousin ko you know Yvette diba.. Birthday niya kasi bukas.. Isasama sana kita para may escort naman ako at isa pa ipapa kilala na rin kita sa ibang mga kamag anak namin na pupunta doon.." Agad naman akong sumagot dito."naku babe sorry.. Kailangan kong umuwi bukas sa bahay at hinahanap na daw ako ni Daddy.. Alam mo naman diba na may ilang araw din akong hindi naka uwi lately.. At tsaka madalas kasi sumama ang paki ramdam ni dad this past few days.. Gusto ko rin siyang kamustahin ng personal.. " sabi ko dito at ngumiti ng bahagya. " ay ganun... Akala ko pa naman masasamahan mo ako.. Nag sabi na rin kasi ako kay Yvette na isasama kita. Di bale wala naman akong ma
David POV:Nang maihatid ko na si klariz sa meeting place nila ng kanyang ina ay tumawag muna ako sa secretary ko upang sabihin na mali late ako ng pasok dahil dadaan na muna ako sa bahay para makamusta si dad ng personal. Pag dating ko sa bahay ay nakita ko si Dad na naka upo sa upuan na malapit sa may pool. Agad ko itong binati. " Hi dad.. Good morning!" bati ko dito at nag lakad papalapit dito." good morning din iho.. Halika maupo ka dito.." sabi niya sa akin.Agad naman din ako umupo sa upuan na nasa harap niya." kamusta kana dad? Sumasama parin ba ang pakiramdam mo?.. Bakit nga ba mag isa ka lang dito, hindi ba dapat may kasama kayo palagi.. Paano nalang po kung atakihin kayo ulit walang maka kasaklolo sa inyo kaagad.." agad na tanong ko dito." meron naman ako kasama dito iho ang mommy mo pumasok lang siya saglit sa loob dahil may kukunin daw.. Salamat iho at inuwian mo ako ngayon.. Paano nalang kapag nag asawa na kayo
Eloisa POV:Isang linggo na ako sa bago kong trabaho. Araw araw akong tumatawag kay sir david para mag report dito ng mga update lalo na kung may mga bagong investors na gustong mag invest sa company namin. Tumutulong din kasi ako na mangalap ng mga puwedeng mag invest sa company. Gumawa ako ng mga fosters at slogan para mag advertise at mukhang nakaka tulong naman ito dahil may mga ilang tumatawag na para mag inquire. Masaya ako sa trabaho dahil pakiramdam ko mas lalo pang lumalawak ang kakayahan ko at mas nagkakaroon ako ng confident sa sarili ko medyo mahiyain kasi ako at unti unti na itong nawawala dahil kung sino sino ang nakaka usap ko araw-araw dito sa trabaho. mayroon na rin akong assistant si joy. Kapapasok palang namin sa office dahil katatapos lang namin mag ikot sa buong gusali. Nag sisimula na kaming gumawa ng mga panibagong advertisement ng may kumatok sa pinto. Tumayo si joy at sinilip kong sino yung kumakatok. Pag balik niya ay may dala na siyang dalawang na
Rina's POV:Alas sais imedya na ng gabi at mag sisimula na ang party ngunit wala parin si eloisa. Narito ako ngayon sa harapan ng malaking gate at nag hihintay kay eloisa. Tinatawagan ko ito ngunit hindi ko makontak. Nakita ko sina sir david at sir jordan na magka akbay habang nag uusap sa may gilid ng Entrance door at kinakamayan ang bawat taong pumapasok. Maya maya pa ay may nakita akong sasakyan na huminto sa harap mismo ng gate. Gumilid ako ng kaunti upang hindi maka abala sa daraanan nila. Maya maya pa ay may bumaba na lalaking naka uniporme marahil ay ito ang driver ng kotse. Binuksan nito ang pinto ng kotse at may bumaba na matandang lalake at kasunod ay matandang babae naman. Ang matandang lalake ay namu mukhaan ko dahil nakita ko na ito ng ilang beses na pumupunta sa office. Ito ang ama ng mag kapatid na jordan at david. At ang kasama nitong matandang babae ay marahil ito ang asawa niya ang ina nina sir jordan at sir david. Mababakas ang angking ganda nito kah
Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki
Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba
Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.
Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n
Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay
Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta
Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo
KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha
KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an