ay ganun po ba.. Hindi niya po na banggit sa akin aling pasing.. Hindi rin naman po kasi ako na tawag sa cellphone niya na iyon.. Palaging diyan po ako sa landline niyo tumatawag. Sige ho aling pasing tatawag nalang po ako mamaya ulit kapag naka baba na ako ng bus.. Pasensya na po sa abala.. " kaagad kong sagot dito.
" ay wala yun iha basta ikaw.. Parang anak ka na rin namin... Basta tawag ka nalang mamaya at baka nandito na rin si ella maya maya.. " paalam niya sa akin bago Ibaba ang linya ng telepono.Mga ilang sandali lang ang lumipas ay nakarating na ako sa quezon sasakay nalang ako ng jeep papunta sa baryo namin. Sinubokan ko ulit kontakin sina aling pasing ngunit walang sumasagot ring lang ng ring ang kanilang telepono.Medyo matagal pa akong nag hintay ng masasakyang jeep siguro dahil bihira nalang ang bumibyahe ng ganitong oras. Nag aagaw na ang dilim at liwanag. Ganap na ala sais ng gabi ng maka sakay na ako ng jeep. Hindi ko na tinawagan pang muli sina aling pasing. Mabuti nalang at mabilis ang naging biyahe ko sa jeep 30 minutes ko lang nakuha ang biyahe dahil na rin sa walang traffic. Nang makababa na ako ng jeep ay kaagad na akong nag lakad patungo sa bahay nila ella. Doon na muna ako makikitulog sa kanila at bukas ng umaga nalang ako pupunta sa bahay namin. lalo lang akong malulungkot doon dahil wala naman si inay. Dapat sina inay at ella ang pa pupuntahin ko ng maynila. Pero heto ako ngayon bina baybay ang daan pauwi sa amin. Kung kailan medyo malaki na ang naipon ko ay tsaka naman nangyaring nawawala si inay. Napa buntong hininga ako ng malalim bago binilisan pa ang mga hakbang ko. Medyo malayo palang ako ay tanaw ko na ang bahay nila ella. Mayroon silang maliit na terrace sa harap ng kanilang bahay at maliit na hagdan sa gilid nito. Napansin kong sarado na ang kanilang pinto ngunit bukas pa naman ang kanilang mga bintana. Maaga talaga natutulog ang nga taga rito sa amin. Mga ala siyete palang ng gabi ay halos tulog na ang lahat. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng bahay nila ella ay agad na akong kumatok." Tok! tok! tok! tao po aling pasing.. Si eloisa po ito.." naka isang katok palang ako ng agad na itong bumukas at si ella kaagad ang bumungad sa akin." loisa my friend! Halika pasok ka.. Nay andito na si loisa!.. " tawag niya sa kanyang nanay at hinila niya na ang kamay ko papasok.Nang makapasok na ako ng kanilang bahay ay kaagad kung ibinaba ang backpack ko at inilabas ang mga pasalubong ko para sa kanila. " ella ito pala para sa inyo, pag pasensyahan niyo na at iyan lang ang nakayanan kong bilhin.." at ngumiti ako dito sabay yakap sa kanya." naku loisa nag abala ka pa napadami tuloy lalo ang mga dalahin mo... Halika dito ka na umupo sa lamesa at ng maka kain ka na rin.. Hindi pa nga ako kumakain pina una ko na sila nanay sabi ko sasabayan nalang kita kumain para may kasabay ka.." agad niyang sabi sa akin.Nang maka upo na ako ay tsaka namang labas sa kuwarto ng mag asawang mang cardo at aling pasing." uy eloisa iha nandiyan ka na pala.. Mabuti naman at naka rating kana.. Matutulog na sana kami ni cardo ng marinig ko ang pag tawag sa akin ni ella na dumating ka na nga daw.. Sige kumain kana muna alam kong gutom ka na.. " agad na bungad sa akin ni aling pasing. Tumayo ako at nag mano ako sa kanila." oho aling pasing mabuti nga ho at mabilis lang ang naging biyahe ko sa jeep.. Kamusta ho kayo?.. May balita na ho pala kayo sa nanay ko?... "Kaagad kong tanong sa kanila. Habang umupo na ulit ako at naka upo na rin si ella sa tapat ko." tara, loisa kain kana muna.. Nag luto si inay ng ginisang kalabasa na may sitaw at pritong galunggong.. " singit ni ella sa aming usapan." oo nga iha kumain ka na muna bago tayo mag usap.. Hihintayin namin kayo sa sala.. Doon na muna kami habang kumakain pa kayo diyan.. " saba't naman ni mang cardo." ay sige ho.. Kakain na po muna kami ni ella.. " agad ko namang sagot dito at ngumiti sabay kamot sa ulo.Tumango lang sa akin si mang cardo at hinila na si aling pasing sa sala. Habang kumakain ramdam ko na ang gutom siguro ay masarap din kasi mag luto si aling pasing kahit simple lang ang ulam ay sarap na sarap ako dito." ang sarap talaga mag luto ni aling pasing ella.. Kapag dito ako tumira sa inyo malamang tataba ako dito.. Na mis ko ang mga ganitong luto.. Lutong probinsiya.. At sariwa ang mga gulay.. Di gaya sa maynila na swerte lang kapag naka abot ka ng magandang klase ng mga isda at gulay.. " singit ko habang kumakain kami ni ella at bahagya lang ngumiti.Kaagad naman sumagot si ella." oo nga loisa masarap talaga yan mag luto si nanay, sayang nga at hindi ko manlang namana ang galing niya sa pag luluto, kaya heto ako ngayon unti unti na namang lumalaki.. Sige kain ka lang ng kain huwag kang mahihiya marami pang kanin at ulam dito kumuha ka lang. Tingnan mo ang laki na ng ipinayat mo.. Hindi ka yata masyadong nagkaka kain doon eh. Sabi ko naman sayo huwag mo pabayaan ang sarili mo loisa.. Lalo na ngayon na mas kailangan mong maging malakas pa dahil nawawala ang nanay mo.. "Tumango lang ako dito at Hindi na muna umimik. Sarap na sarap kasi akong kumain. Pakiramdam ko tuloy isang linggo akong hindi naka kain. Naunang matapos kumain sa akin si ella at nang matapos na rin ako ay tinulongan ko na siyang mag ligpit ng mga pinag kainan namin." sige na loisa, ako ng mag huhugas nito. Pumunta ka na muna doon sa sala dahil kanina pa nag hihintay sina inay at itay...kaya ko na to.." pagtataboy niya sa akin." o sige bahala ka maiwan na kita diyan.." at tsaka dumiretso na ako sa sala. Naabutan kong naka upo nga ang mag asawa at nag hihintay." halika ka loisa ma upo ka dito.. " Kaagad na yaya sa akin ni mang cardo. At umupo ako sa upoan na nasa tapat nila." wala pa kaming balita tungkol sa nanay mo eloisa.. Gina gawa naman namin ang lahat ng makakaya namin para lang mahanap ang nanay mo.. Pero wala talaga.. Lahat ng puwedeng puntahan ng nanay mo ay pinuntahan na namin.. Maging sina kapitan ay wala pa rin daw mahanap na lead kung nasaan si sonya." kaagad niyang paliwanag sa akin at umiling." oo nga iha.. Kagagaling lang namin kahapon ni manong cardo mo sa police station para maki balita.. Pero Pati sila ay wala parin daw nakukuhang lead.. Haiyssst... Sana mag pakita na ang nanay mo o di kaya sana bumalik na siya.. Alalang alala na rin kami sa kanya.. Nasaan na kaya yun.. Nakakapag tataka talaga kung bakit nalang siya biglang nawala. Bihira lang naman kong lumabas ng bahay niyo si nanay mo.. Lumalabas lang ito kapag mag sisimba o kung di naman kapag pupunta lang ito sa amin para maki balita.. Naiwan pa nga yung stick na gina gamit niya sa pag lalakad eh. " dugtong pa ni aling pasing." oo nga eloisa naiwan yung stick na ginagamit ng inay mo sa pag lalakad niya. Kaya ang sabi ng mga police maaaring may kumuha daw sa inay mo.. Pero sino naman kaya ang pwedeng kumuha sa nanay mo.. Nang i check naman ng mga police ang bahay ninyo ay wala naman silang nakitang kaka iba dahil nasa ayos naman lahat ng mga gamit ninyo sa bahay.. Naka sara pa nga ang pintuan ninyo ng madatnan ni ella hindi nga lang ito naka lock, kaya nag panic kaagad kami noong bumalik si ella dito sa bahay at sinabing wala nga daw ang nanay mo dahil hindi naman iyon umaalis ng hindi nagla lock ng bahay niyo diba.. " paliwanag pa ni mang cardo sa akin." kaya nga ho.. Hindi talaga na alis si inay ng bahay na hindi nagla lock. Lagi pa nga nito sinasabi sa akin na ipadlock nga daw ang pinto sa tuwing aalis ako dahil minsan nililipad ito ng hangin at pina pasok ng mga pusang kalye kapag walang tao.." nasa ganoon kaming pag uusap ng dumating si ella. Mukhang tapos na itong mag hugas ng pinag kainan namin. Umupo siya sa isa pang upuan na nasa kaliwa ko at nag salita." alam mo loisa may sasabihin pala ako sa iyo.. Hindi ko ito binanggit noong nasa maynila kapa dahil nag aalala ako na baka mas lalo kang mag isip.. Noong naka raaang araw lang habang nag lalakad ako papunta sa bahay ninyo dahil balak ko sanang dalawin si aling sonya ng may makita akong dalawang lalake na kahina hinala sa tapat ng bahay ninyo.. Kaagad pa nga akong nag tago noon sa likod ng puno dahil baka mapansin nila ako.. Nakaka takot ang mga itsura nila at mukhang hindi taga rito sa atin.. Nakita ko pa nga na may sinasabi sila sa isa't isa. Tapos ayun bigla nalang umalis pagka tapos na mag usap nung dalawang lalake na yun.. At eto pa loisa.. " at nakita kong bigla siyang tumayo at may kinuha sa loob ng drawer. Ng maka balik ay may iniabot siya sa akin na maliit na papel. Kaagad ko namang tiningnan ito at may naka sulat na Ramon del Castillo 09281234567 bumalik agad ang tingin ko kay ella dahil muli itong nag salita." Ayan loisa.. Baka kilala mo yan.. Nakita ko yang naka ipit sa ilalim ng radyo niyo. noong araw na makita ko yung dalawang lalake sa tapat ng bahay ninyo matapos nilang umalis ay dali dali akong pumasok sa bahay ninyo at sinubokan kung mag hanap pa at baka may makita pa akong kaka ibang bagay na hindi napansin ng mga police noong sila'y nag halughog sa bahay ninyo.. At iyan nga ang nakita ko kapirasong papel na naka ipit sa radyo ninyo. At sinubokan ko na rin ito tawagan ngunit out of coverage area or cannot be reached lang ang sinasabi ng operator. baka kilala mo yan or nabanggit sayo ni aling sonya..? " tanong pa niya sa akin.May mga ilang segundo akong hindi nakapag salita at nag isip kong may nabanggit nga sa akin si inay tungkol sa Ramon del Castillo na ito. At kung may kamag anak ba kami or naging amo dati sa trabaho na ganito ang pangalan. Ngunit kahit anong gawin kong pag iisip wala talaga akong maalala.Muli akong tumingin kay ella at umiling. " wala ella eh.. Inisip ko na lahat ng mga kakilala namin maging mga kamag anak at mga dati naming pinag trabahuan ni inay ay wala akong kilala na ganito ang pangalan.."Agad naman na nag salita muli si ella. " yung tungkol nga pala sa dalawang mga lalake na nakita kong naka tayo sa harap ng bahay ninyo ay nabanggit ko na kay kapitan at ang sabi niya ay pati tingnan niya nalang daw palagi sa mga tanod niya ang bahay ninyo."Muling nag salita si aling pasing. " o paano iha mag pahinga kana muna at bukas nalang tayo mag usap ulit.. Alam kong pagod ka pa dahil mahaba ang iyong biniyahe kanina.. Inaantok na rin kami ng manong cardo mo. Tabi nalang kayo muna ni ella sa pag tulog. Pasensya ka na dalawa lang ang kuwarto ng aming bahay.. Ella, anak ikaw na ang bahalang mag asikaso kay eloisa ha.. Bigyan mo nalang siya ng mga unan at kumot.."At nakita kong humikab pa ito matapos mag salita.Kaagad namang sumagot si ella."sige ho inay.. Ako na ho ang bahala kay loisa.."Kaagad namang tumayo si aling pasing at hinila na sa kamay si mang cardo. Nang makaalis na ang mag asawa ay Nag pasya na rin kaming pumasok sa kuwarto ni ella. Binigyan niya ako ng unan at kumot at pina tabi sa papag niyang pang dalawahan.Naka tulog din ako kaagad pag lapat palang ng katawan ko sa higaan. Kala gitnaan ng gabi ay nagising akong hinihingal at pawis na pawis. Na panaginipan ko si inay. Tinatawag niya daw ako at May humahabol daw sa kanya na mga masasamang lalake at may hawak na mga baril. habang tumatakbo papunta sa akin sa di kalayuan ay may nakita akong isa pang lalake na tumatakbo rin papunta sa gawi niya at tinatawag ang kanyang pangalan. Nang malapit na daw siya sa akin ay bigla akong may narinig na nagpa putok ng baril at natumba si inay sa harapan ko. Iyak daw ako ng iyak habang tinatawag ang pangalan ni inay.At pagka tapos ay bigla na akong nagising. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Napa tingin ako sa kina hihigaan ni ella at nakita ko itong mahimbing na natutulog. Patuloy akong lumuluha ng tahimik habang yakap ang dalawa kong binti.Nang mapagod na ako sa kaiiyak ay naka ramdam ako na naiihi kaya tumayo ako at nag tungo sa banyo. Pagka balik ko sa kuwarto ay muli akong hum
Tinulongan ako ni ella na isarado muli ang mga bintana at pagka tapos namin i-lock ang pinto ay hinila niya na ako kaagad sa kamay pabalik sa bahay nila.Kinabukasan ay muli akong nagpa sama kay ella na magpunta sa palengke at doon naman kami mag tatanong tanong. Kahit saan kami magpunta ay palagi kong dala dala ang Picture namin ni nanay upang ipakita sa mga taong napag tatanungan namin.Lumipas ang anim na araw na hindi ako tumigil sa kaka tanong sa kung sino ang maaring nakakita kay nanay. Malungkot ako dahil bukas na ang alis ko ulit pabalik ng Maynila. Wala manlang nangyaring maganda sa pag uwi ko dito ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa bahay namin at kinakausap ang sarili mag isa. Mababaliw na ata ako kakahanap kay nanay. Yakap yakap ko ang mga damit niya at hawak ko ang litrato namin na magkasama habang nag sasalita." nay.. Nasaan kana.. Mis na mis na kita... Sana mag pakita ka naman oh.. Hirap na hirap na po ako... Pero kakayanin ko para sa in
Pagka alis ni ms. Divine ay muling sumagi sa isip ko ang apelyido nila sir david at binigkas ko itong muli. Del Castillo.. Oo nga ano bakit ba hindi ko kaagad naisip noong nasa Quezon palang ako na Del Castillo nga pala ang family name ng boss ko. Siguro ay dahil kay nanay naka tuon ang isip ko. Sinipat ko ang oras sa malaking orasang naka sabit sa pader. Malapit ng mag uwian kaya dali dali ko ng tinatapos ang aking mga gawain ng dumating naman si rina. " uy friend! Thanks for your pasalubong! Ang sarap kaya. Totoo talaga ang sinabi mong masasarap ang mga kakanin doon sa inyo.."Tumingin ako dito habang patuloy sa aking ginagawa at nginitian ito bago nag salita. " you're welcome rina! Mabuti naman at nagustuhan mo!.. Sabi ko na sayo masarap talaga ang mga kakanin sa amin. Hayaan mo kapag umuwi ako ulit sa amin, bibigyan ulit kita."" ay talaga loisa, gusto ko yan friend! Salamat! Sige ha dumaan lang ako dito sayo galing kasi akong c.r kaya naisipan ko na daanan ka
Jordan's POV:Natatandaan ko ang babaeng iyon at eloisa pala ang pangalan niya. Siya ang muntik na naming mabundol ng sasakyan ilang buwan na ang nakakaraan. Wala pa nga siyang suot na salamin noon sa mata. At kanina ay naka salamin na siya kaya hindi ko siya kaagad natandaan. Kaya pala pagkakita ko palang sa kanya kanina sa office ni david sa isip ko she looks familiar. Yun pala ay nagka encounter na nga kami dati pa. kinailangan ko pang titigan ang mukha niya bago ko siya nakilala. Marahil ay malabo ang mata nito. Mabuti nalang ay walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang okay naman siya kanina. Hindi ko na nga siya noon masyado kinausap pa nag mamadali kasi kami noon dahil may biglaang meeting ako kasama ang mga matataas na tao na kasosyo ko sa negosyo sa paris. Hindi ko naman akalain na dito nila gusto sa Pilipinas ganapin ang magiging meeting namin. At nang nag inform sila through e-mails ay hindi ko naman kaagad nabasa dahil Mag hapon kong kasama si Roxanne ng araw n
Eloisa POV:Kinabukasan habang kumakain ng agahan ay sinubokan ko ulit i-dial ang telephone number nila ella. Baka sakaling may sumagot na. Naka dalawang dial na ako ng may sumagot. Nabosesan ko ito si aling pasing ang naka sagot." hello.. Magandang umaga ho aling pasing! Kamusta na ho kayo diyan? May balita na ho ba kayo kay nanay?.." kaagad kong tanong dito.Agad siyang sumagot. " magandang umaga rin eloisa! Mabuti naman kami dito. Ayun si ella at mang cardo mo ay nasa bukid. Nag patulong si cardo kay ella na mag dilig ng mga pananim na gulay.. Tungkol naman kay sonya ay wala parin kaming balita eh.. Noong Linggo nga lang ay nag punta kami ni ella sa police station upang mag tanong kung may balita na sila kay sonya.. Kaso iha wala parin daw.. " agad na sagot nito at narinig ko pa itong nag buntong hininga sa kabilang linya." ay ganun po ba.. Ikamusta niyo nalang ho ako kay ella at mang cardo.. " saad ko dito. " eh ikaw ba iha kamus
oh siya sige na umupo kana muna at mag hahain na ako.." muli pang saad nito.At agad na rin akong umupo sa lamesang may pang apatan. Habang kumakain kami ay panay din ang kwentohan namin at tawanan. Hanggang sa mag salita ulit siya." babe, mag papasama sana ako sayo bukas sa bahay ng cousin ko you know Yvette diba.. Birthday niya kasi bukas.. Isasama sana kita para may escort naman ako at isa pa ipapa kilala na rin kita sa ibang mga kamag anak namin na pupunta doon.." Agad naman akong sumagot dito."naku babe sorry.. Kailangan kong umuwi bukas sa bahay at hinahanap na daw ako ni Daddy.. Alam mo naman diba na may ilang araw din akong hindi naka uwi lately.. At tsaka madalas kasi sumama ang paki ramdam ni dad this past few days.. Gusto ko rin siyang kamustahin ng personal.. " sabi ko dito at ngumiti ng bahagya. " ay ganun... Akala ko pa naman masasamahan mo ako.. Nag sabi na rin kasi ako kay Yvette na isasama kita. Di bale wala naman akong ma
David POV:Nang maihatid ko na si klariz sa meeting place nila ng kanyang ina ay tumawag muna ako sa secretary ko upang sabihin na mali late ako ng pasok dahil dadaan na muna ako sa bahay para makamusta si dad ng personal. Pag dating ko sa bahay ay nakita ko si Dad na naka upo sa upuan na malapit sa may pool. Agad ko itong binati. " Hi dad.. Good morning!" bati ko dito at nag lakad papalapit dito." good morning din iho.. Halika maupo ka dito.." sabi niya sa akin.Agad naman din ako umupo sa upuan na nasa harap niya." kamusta kana dad? Sumasama parin ba ang pakiramdam mo?.. Bakit nga ba mag isa ka lang dito, hindi ba dapat may kasama kayo palagi.. Paano nalang po kung atakihin kayo ulit walang maka kasaklolo sa inyo kaagad.." agad na tanong ko dito." meron naman ako kasama dito iho ang mommy mo pumasok lang siya saglit sa loob dahil may kukunin daw.. Salamat iho at inuwian mo ako ngayon.. Paano nalang kapag nag asawa na kayo
Eloisa POV:Isang linggo na ako sa bago kong trabaho. Araw araw akong tumatawag kay sir david para mag report dito ng mga update lalo na kung may mga bagong investors na gustong mag invest sa company namin. Tumutulong din kasi ako na mangalap ng mga puwedeng mag invest sa company. Gumawa ako ng mga fosters at slogan para mag advertise at mukhang nakaka tulong naman ito dahil may mga ilang tumatawag na para mag inquire. Masaya ako sa trabaho dahil pakiramdam ko mas lalo pang lumalawak ang kakayahan ko at mas nagkakaroon ako ng confident sa sarili ko medyo mahiyain kasi ako at unti unti na itong nawawala dahil kung sino sino ang nakaka usap ko araw-araw dito sa trabaho. mayroon na rin akong assistant si joy. Kapapasok palang namin sa office dahil katatapos lang namin mag ikot sa buong gusali. Nag sisimula na kaming gumawa ng mga panibagong advertisement ng may kumatok sa pinto. Tumayo si joy at sinilip kong sino yung kumakatok. Pag balik niya ay may dala na siyang dalawang na
Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki
Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba
Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.
Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n
Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay
Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta
Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo
KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha
KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an