Eloisa POV:
Nagpasya akong tumawid sa kabilang kalye at akmang tatawid na ako ng may biglang sasakyan na humarurot.. Sa sobrang kabiglaan ko nanigas ako at napapikit nalang. Naramdaman kong tumilapon ako at tumama ang aking likod sa semento. Nakaramdam ako ng kirot sa aking likod at pinipilit kong imulat ang aking mga mata. Nakita kung sa di kalayuan may humintong color white na sasakyan. At maya maya pa may lumabas na lalake na medyo may edad na at may kalakihan ang tiyan.Nakita kung naglalakad ito papunta sa akin."miss bakit ka naman kase hindi tumitingin sa tinatawiran mo. Napagalitan pa ako ng boss ko! Paano nalang kung hindi ko nakabig kaagad ang manibela eh di patay kana sana ngayon! At makukulong pa ako!.." saad ng lalake habang naka pamewang. Pinilit kong makapag salita kahit na namimilipit sa sakit." naku kuya ang bilis niyo naman po kase magpatakbo.. Hindi ko na po kasalanan ang nangyari.. Ako na nga ho itong nasaktan, kayo pa ang may ganang magalit! " sagot ko dito sabay irap. Pinilit kong makatayo. At nagawa ko naman.Mas Lumapit sa akin si kuya at dinuro niya ako." aba't talagang sasagot kapa huh! Lintik kang bata ka! " agad na sagot sa akin ng lalake. Magsasalita pa sana ang lalake ng biglang may nag salita sa loob sa sasakyan. "hey! Mang arturo what's going on?! Why you're going to be there for so long?! " napalingon kami ng lalake sa nag salita. "Tingnan mo ang ginawa mo babae ka. Mapapagalitan pa ako ng boss ko. Kung hindi ko lang kasama si boss malamang hindi na kita binabaan pa at kinausap.!" muling sabi sa akin ng lalake. tumalikod ito at naglakad patakbo papunta sa kotse.Lumingon sa gawi ko ang lalake. At may pinagbuksan ito sa likurang bahagi ng kotse. May lumabas na matangkad na lalake at naka eye glass ito. Lumakad ito papalapit sa gawi ko. "hey woman! You should be careful everytime you walk on the road like this! Look, you're not right crossing your path so you're almost going to get hit."Naglakad ako palapit dito. At umirap. "sir, mas lalo naman ho na hindi ko kasalanan dahil bago ho ako naglakad patawid eh luminga muna ako sa magkabilaan at wala naman ho ako nakitang sasakyan! Kayo nalang ho itong biglang susulpot!" agad na sagot ko dito. Napansin kung nag tiim ang bagang ng lalake. At nagsalita" alright let's stop this conversations woman! " at nilabas ang kanyang wallet at may kinuha. Inabutan niya ako ng pera. Tinanggap ko ito at binilang. Umabot sa sampung libo ang pera na lilibohin. Tumingin ako sa kanya at nakita kung tumaas ang kanang bahagi ng kanya labi." is that enough miss?! If you have any concerns, you can contact me.." sabay abot ng calling card niya sa akin. Magsasalita pa sana ako ngunit bigla ng tumalikod ang lalake at sumakay na sa kotse.Napakamot ako sa ulo. Buti nalang talaga hindi masama ang pagkakabagsak ko sa semento dahil kung hindi mas lalo akong matatagalan makapag hanap ng trabaho. Ipinasok ko sa aking bag ang pera na iniabot ng lalake pati na ang calling card. Nagpa tuloy ako sa pag tawid sa kabilang bahagi ng kalsada at ng makatawid na ako sakto may nakita akong eskinita paloob. Naglakad ako papasok dito at napansin kung marami palang bahay sa gawing kanan. Habang ang kaliwa naman ay bakanteng lote. Lumiko ako pakanan. Sa di kalayuan may nakita akong matandang babae na nagwawalis sa may bakuran. Huminto ako at nagtanong. "ahmm.. Excuse me po.. Nay, pwede ho bang magtanong?" nakuha ko ang atensyon ng matanda at tumingin sa gawi ko. "sige iha libre lang ang mag tanong! Ano ba iyon?"Kaagad na sagot ng matanda. "may alam ho ba kayong maaring maupahan dito.. Kahit na maliit na kuwarto lamang po basta mura sana.. Bago lang po ako dito sa maynila at maghahanap pa ho ako ng mapapasukang trabaho.." at ngumiti ako dito. "Ay ganoon ba iha.. O sige kung gusto mo dito ka nalang sa akin umupa. May isang kwarto ako diyan sa likod kaso may nakaupa na. Kung okay lang sa iyo na dalawa kayo. Mag isa lang naman si ana diyan at madalas wala din naman dahil busy siya sa trabaho." saad nito.Napaisip ako mas mabuti pa ngang may kasama ako para hindi mabigat sa bulsa ang upa. Tumango ako dito at ngumiti na hanggang tenga. "talaga po! Kung okay lang po doon sa Ana na sinasabi ninyo wala hong problema sa akin.. Ang totoo ho niyan kanina pa talaga ako naghahanap ng mauupahan.. Teka magkano ho ba ang paupa ninyo? "Kaagad na sagot ko dito."oo naman, okay lang yun sa kanya dahil nagtitipid din naman ang batang yun. Matagal na rin siya nagpapahanap sa akin ng makakahati niya sa upa. Bale one thousand seven hundred lang ang monthly bukod ang bayad sa kuryente at tubig dahil may metro naman akong ipinalagay. Kayo nalang mag usap ni Ana kung magkano ang ambagan ninyo sa bills ng kuryente at tubig. Halika pasok kana.. Sandali kukunin ko lang ang susi. Naka lock kase yan at nasa work pa si Ana mamayang alas diyes pa ng gabi ang uwi nun.." sabi pa nito na pumasok sa loob ng bahay niya. At sa pag labas niya may hawak na siyang susi. Sumunod lang ako sa likuran niya habang naglalakad. Umikot kami sa may likurang bahagi ng kanyang bakuran. Ang laki ng bakuran ng matanda at may dalawa pang puno ng mangga sa likuran. Hindi ko napigilang mag tanong. "nay, mag isa lang ho ba kayo rito sa bahay ninyo? Ang laki ho pala ng lote ninyo.. At presko pa dahil sa mga puno.."Sumulyap siya sa akin at nagpa tuloy lang sa paglalakad. "hindi iha may kasama ako rito, kasama ko ang aking anak at apo.. Namili lang sila sandali ng mauulam namin.. Kung may gusto ka palang bilhin may tindahan doon sa may gitna pa.. Maglakad ka lang at makikita mo rin naman kaagad iyon." sabi pa nito. May hinituan kaming maliit na bahay at sa tabi nito ay may c.r na gawa sa bato. Binuksan niya ang pinto at pumasok." halika ka iha pumasok ka. Ito ang magiging kwarto mo. Maliit lamang ito dahil dito dati natutulog ang katulong ko. Malikot kase ang kamay kaya pinalayas ko. Napag isipan ko nalang na gawing paupahan para may pakinabang.""Nauna lang sayo ng dalawang buwan si Ana na umuupa sayo.. kapareho mo naghahanap din ng trabaho iyon ng mapadpad dito. Pasensya kana at iisa lang ang papag dito. Pero may isa pang kutson na extra. Eto dito ko tinago sa may likod ng pinto kuhanin mo nalang kung gagamitin mo. Oh siya sige na at maiiwan na kita ha. Baka dumating na ang anak at apo ko. Puntahan mo nalang ako kung may kailangan ka pa o katanungan. " huli pang sabi nito.Ngumiti ako ng hanggang tenga." maraming salamat ho nay.. Ay ako nga pala si eloisa.. Eloisa Macaraeg 19 yrs. Old.. " pakilala ko dito." Ay oo nga pala! ako naman si Ursula.. Pwede mo akong tawaging nanay ursula. Sige na iwan na kita para makapagpahinga ka.. " muling sabi nito at Ngumiti at tuloyan na itong naglakad palayo.Nang makaalis na si nanay ursula kinuha ko ang kutson na sinabi niya at inilapag sa sahig. Tiles ang sahig na kulay puti kaya malinis tingnan. Napabuntong hininga ako marahil sa pagod at ibinaba ko ang backpack ko at shoulder bag na maliit. Kumuha ako ng pamalit na damit isang brown na short na lagpas tuhod at t-shirt na puti. Pagkabihis ko tumingin ako sa oras ng cellphone ko mag aalas siyete na pala ng gabi. Ang bilis ng oras at narinig kong tumunog ang sikmura ko. Patunay na gutom na talaga ako. Naisipan kung lumabas para bumili ng makakain.Hahanapin ko yung tindahan na sinabi ni nanay ursula. Lumiko ako sa kanan pagkalabas ko ng gate nila at naglakad. Sa di kalayuan napansin ko na kaagad ang tindahan dahil maliwanag ang ilaw na nagmumula sa labas ng tindahan. At bukod pa doon may mga nakatambay na umiinom ng soft drinks. Mga costumer ito marahil na inuubos lang ang binili nilang pagkain. Pagkalapit ko sa tindahan sakto nakaupo din ang tindera at kaagad na napag bilhan ako. Bumili lang ako ng buns na tinapay at isang de latang sardinas. At bumili na rin ako ng kape para may matimpla ako bukas ng umaga pagka gising ko. Pagka bigay sa akin ng tindera kaagad na naglakad ako pabalik ng bahay.Pagka pasok ko ng kwarto naghanap ako ng plato at kutsara hihiramin ko muna ang gamit ni Ana. Bibili nalang ako bukas kaagad pagka gising ko upang may matawag naman ako na gamit ko. Nakakahiya kay Ana at pinakialaman ko ang gamit niya. Huhugasan ko nalang kaagad ito pagkatapos ko kumain.Nang matapos na ako kumain. Tumayo ako at nakiinom muna sa mineral water ni Ana. Sabay hugas na rin ng mga pinag kainan ko. Pagkatapos ko mag hugas dumiretso ako sa banyo na nasa labas. Doon na ako naghilamos at nag toothbrush. Pagkalabas ko ng banyo agad na humiga na ako. Naalala kung i-text pala si ella para iinform na nakarating na ako ng maynila at may nakuha na rin akong paupahan. Pagka send ko ng text messages inilapag ko na kaagad ang cellphone ko at hindi ko na talaga kaya ang pagod. Hapong hapo kase ang katawan ko. Pakiramdam ko lalagnatin ako. Pagkalapat palang ng katawan ko sa higaan nakatulog ako kaagad.Kinabukasan naalimpungatan ako dahil may lumagabog na ingay galing sa kusina. May nakita akong babae na nakatayo sa lababo. Marahil ito na si Ana ang babaeng makakahati ko dito sa bahay. Tiningnan ko ang oras sa cellphone alas sais na pala ng umaga napasarap ang tulog ko dala ng sobrang pagod ko kahapon sa paglalakad. Agad akong tumayo at binati si Ana "Good morning!" at bahagyang ngumiti. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Good morning din! Ikaw ba si Eloisa? Kakauwi ko lang kase at nakita ko si nanay ursula na nagwawalis diyan sa labas at nabanggit niya sa akin na may makakahati na nga daw ako sa upa dito sa bahay.." saad niya."oo ako nga si Eloisa.. Pasensya kana wala pa akong gamit.. Mamaya palang ako makakabili.." agad na sagot ko dito. "okay lang yun naranasan ko din yan noong bagong salta din ako dito sa maynila.. Kung gusto mo sasamahan kita mamaya mamili" sabi niya pa."ay naku huwag na nakakahiya.. Alam kung pagod ka dahil galing ka pang work.." sabi ko."naku hindi naman.. Doon ako sa boyfriend ko kase natulog kagabi nag date kami kagabi at tinamad na akong umuwi pa dito.. Kaya hindi naman ako puyat.. At isa pa day-off ko naman ngayon.. " muling sabi pa ni ana."sige ikaw bahala.. Total hindi ko pa naman alam ang palengke dito.." at ngumiti ako dito ng abot hanggang tenga. Umokey naman na kase ang pakiramdam ko dahil na rin siguro sa haba ng naitulog ko kagabi. Bumangon ako at nagtimpla ng kape na nabili ko kagabi at kinuha ko ang tinapay na natira ko kagabi muli ko itong pinalamanan ng sardinas. Habang nagkakape ako sa maliit na lamesa na sadyang pang dalawahan lang talaga umupo din si Ana at nakipag kwentohan. Napag alaman kong bago lang sila ng boyfriend niya na nakilala niya sa trabaho niya. Isa siyang Sales lady sa malapit na mall dito sa alabang.Inalok niya ako mag apply sa kanila pero hindi naman ako pwede doon dahil hindi ako pala make up at bukod pa doon hindi naman ako nag susuot ng maiksing palda. Nasanay ako sa mahahabang kasuotan. Dala na rin ng takot ko na baka malapitan ako ng mga manyakis lalo na dito sa maynila na hindi ko pa kabisado. Mahirap ng magtiwala.Pagkatapos ko kumain at magkape nag paalam na ako kay Ana na maliligo na muna dahil amoy ko pa ang natuyong pawis ko kahapon. Hindi ko na nagawang makaligo kagabi dala ng sobrang pagod ko. Nagdala na rin ako ng masusuot na damit sa banyo at doon na nagbihis. Nagsuot lamang ako ng itim na slacks at white polo shirt. Nilugay ko lamang ang buhok ko na basa pa.Pagkalabas ko ng banyo nagyaya na si Ana na samahan akong mamili ng mga gamit ko sa palengke. Mabuti at may malapit na palengke dito. Nilakad lang namin dahil hindi naman kalayuan. Namili ako ng isang unan at kumot. Plato baso at kutsara na rin. Yun nalang muna ang binili ko dahil ayoko gumastos ng malaki dahil wala pa akong trabaho. Pagkabili namin agad na kaming umuwi.Napag isipan kong bukas na ako mag a-apply dahil ramdam ko padin ang hapdi ng paa ko. Ako na ang nagluto ng tanghalian namin ni ana bumili lang ako ng kalahating kilong manok at inadobo ko ito. Habang nagpapahinga nag kwentohan lang kami ni ana.. At kina tanghalian pagkatapos naming kumain naisipan kung umidlip muna para may lakas ako bukas sa paghahanap ko ng trabaho.Nagising ako ng alas dos ng hapon. Naalala kung magpaload ng pantawag para matawagan ko sila inay at makumusta ko na rin sila doon. Ngayon lang kami nagkahiwalay ni nanay ng ganito. Lumaki akong siya ang palagi kung kasama kaya hindi ko maiwasan maluha. Nakaka isang dial palang ako ng may sumagot kaagad ng tawag ko at nabosesan ko si ella."hello, ella! Kamusta kayo diyan? Si nanay ko kamusta siya? Pasensya na kayo kung ngayon lang ako nakatawag ha. Sobrang pagod ko kase kagabi kaya hindi na ako nakapag paload ng may pantawag. Narisib mo ba ang text messages ko kagabi?..""uy loisa! Salamat naman at tumawag kana.. Late ko na nabasa ang text message mo eh kaninang umaga ko lang nabasa. Alam mo naman dito sa atin pahirapan ang signal. Buti nga at nagkataon na may signal ng tumawag ka ngayon.. Ayun kagagaling ko lang kanina sa bahay ninyo. At naabutan kong kumakain ng tanghalian ang nanay mo.. Huwag ka mag alala dito sa amin okay lang kami dito. Ikaw ang mag iingat diyan dahil hindi mo pa kilala ang mga ugali ng mga tao diyan sa maynila. Huwag kang magtitiwala kaagad ha. Hayaan mo at sasabihin ko kay aling sonya na tumawag kana.." kaagad na sagot ni ella." salamat talaga ella ha.. Kung wala ka hindi ko na alam kung paano makikibalita kay inay.. Namili ako ng mga gamit ko ngayon at bukas ng umaga ako mag hahanap ng trabaho ginabi na kase ako kahapon kakahanap ng mauupahan na mura.. Huwag niyo rin ako alalahanin dito.. Okay lang ako.. Mabait ang nakasama ko dito sa bahay si Ana.. Mukhang magkakasundo kami.. Basta mag iingat din kayo diyan ha.. Mis ko na kayo kaagad ella.. Lalo na ang nanay.. Pakisabi aalagaan niya ang sarili niya ha.." magsasalita pa sana ako ng biglang maputol ang tawag marahil ay nawalan nanaman ng signal doon. Napabuntong hininga na lamang ako. At umusal ng panalangin ng pasasalamat na nakahanap na ako ng mauupahang bahay at mura lang. At least kahit papaano natawagan ko sina ella. Bukas kailangan makahanap na ako ng trabaho.Ella POV:Pagkababa ko ng tawag ni loisa nandoon pala si nanay at narinig niyang si loisa ang kausap ko."si Eloisa ba yung kausap mo anak?.. Mabuti naman at tumawag na siya.. Nagpunta kase si sonya kaninang umaga dito at tinatanong niya kung tumawag na si eloisa..""oo nay, mabuti nga at may signal ng tumawag siya. Okay naman daw po siya doon may nakuha na siyang bahay paupahan.. Sige po nay balitaan ko na muna si aling sonya na tumawag na si loisa.." sagot ko kay inay." o siya sige at nag aalala yun si sonya sa anak niya. Maganda na yung mabalitaan mo siya para hindi na siya nag iisip ng kalagayan ni eloisa sa maynila.. " pahabol na sabi ni inay. Agad na akong tumayo at naglakad papunta sa bahay nila eloisa. Pag dating ko sa bahay nila eloisa nakita ko sa may tabing pintuan si aling sonya na nakaupo. Agad kung tinawag ito."magandang hapon po! Aling sonya tumawag na po si Eloisa kanina.." agad siyang tumingin sa gawi ko na parang alam na alam niya kung saan ako nakatayo. "ay talaga ba ella! Hay salamat naman sa diyos at nakontak niya tayo!.. At agad naman akong lumapit dito." opo aling sonya.. At okay naman daw po siya doon.. Medyo natagalan nga lang daw siya sa pag hahanap ng bahay paupahan.. At pinapasabi niya rin po na huwag na daw kayong mag alala sa kanya dahil mabait naman daw yung kasama niya sa paupahang bahay na si Ana.. Huwag niyo rin daw po pababayaan ang sarili ninyo at mahal niya kayo.." muli kung sabi dito.At ngumiti ito ng matamis. Kahit papaano alam kung nabunotan ng tinik si aling sonya sa pag aalala sa anak niya. Dahil wala manlang silang kamag anak o kakilala sa maynila kaya ganun nalang din ang pag aalala niya sa kaniyang anak. "salamat ella.. Ngayon kahit papaano payapa na ang kalooban ko.. Malaman ko lang ang kalagayan ni eloisa doon.. Balitaan mo ako ulit ha kapag tumawag siya ulit.." at bahagyang ngumiti ito."oho aling sonya.. Huwag po kayong mag alala.. Sabihan niyo lang po ako kung kailangan ninyo ng tulong ha. Punta lang po kayo sa bahay.. Ah sige ho aalis na po muna ako. Babalik nalang ako bukas para kahit papaano may nakakasama kayo dito." Kaagad kung sagot dito."sige iha maraming salamat ulit.."at tumalikod na ako para bumalik sa bahay. At least ngayon hindi na kami masyadong mag aalala kay loisa kahit na sa malayo siya. Sana lang palaging may signal kapag kokontakin niya kami ulit. Kung bakit naman kase pahirapan ang signal dito sa baryo namin. Paano nalang kung may emergency wala kaming kaalam alam sa mangyayari. Kahit yung mga kamag anak namin sa ibang lugar wala na rin kaming balita sa kanila.Eloisa POV:Lumipas ang maghapon na tanging puro higa lang ang ginawa ko. Bumabangon ako upang kumain lang. Tapos balik ako kaagad sa pagkakahiga. Naramdaman ko din na unti unti ng nawawala ang hapdi ng paa ko. Kinabukasan pagka gising ko agad akong bumangon at kumain. mabuti at may tira pa kaming adobo na niluto ko kahapon ng tanghali. Nakita kung tulog pa si Ana marahil ay tanghali naman ang pasok niya. Pagkatapos kung kumain kaagad akong naligo. Nag suot ako ng kulay black na palda na lagpas tuhod at pinaresan ko ito ng polo blouse na hanggang siko ang manggas at yung doll shoes na sinuot ko kahapon ang pinares ko. Nagpahid ako ng pulang lipstick sa labi ko at Naglagay lang ako ng hair clip sa magkabilaang tenga at nakalugay lang ang basa ko pang buhok.Nagpasya ako na Hindi ko na gigisingin si Ana. Lumabas ako na Bit-bit ko ang shoulder bag ko at may hawak ako na brown envelope sa kamay ko na naglalaman ng mga requirements ko.Habang naglalak
Sonya POV:Araw ngayon ng linggo at ako ay magsisimba. Ipagdarasal ko ang kaligtasan ng aking anak. Masakit sa akin na mag trabaho ang anak ko sa malayong lugar. ito ang unang beses na nahiwalay siya sa akin. Paalis na sana ako ng dumating si ella. "magandang umaga po aling sonya! Sa simbahan din po ba ang tuloy ninyo? Tara ho sumabay na kayo sa akin. Pinapadaanan po kase kayo sa akin ni nanay para may kasama daw po kayong mag lakad.." sabi nito sa akin."magandang umaga din ella.. Oo nga at paalis na sana ako. Mabuti nga at naabutan mo ako para may kasabay akong maglakad.. Nasaan pala ang nanay mo?.." tanong ko dito.Kaagad naman siyang sumagot. "ay nandoon na po sa labasan, doon na lamang daw niya kayo hihintayin.. Tara na ho.."Eloisa POV:I started doing what ms. Divine asked me to do. Marami rami din siyang ipina photo copy sa akin. Mag aalas dose na ng tanghali ng may bumati sa aking babae. mas matangkad lang ako dito ng kaunti at m
Eloisa POV:Ilang araw nang naka alis si ana at ramdam ko ang kalungkutan netong bahay. Napaka tahimik at tanging yabag lang ng mga paa ko ang maririnig. Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho. Tatawagan ko sila nanay kong na receive na nila yung hinulog kong pera kahapon sa palawan. Naka ilang dial ako bago may sumagot.Nabosesan ko kaagad si ella. " hello ella, kamusta? Kamusta ang nanay? Nakuha na kaya niya ang padala ko kahapon na pera?.." kaagad na bungad ko dito.Agad naman siyang sumagot. " hello loisa!.. Mis na kita friend! Buti at napa tawag ka.. Okay naman si aling sonya kagagaling ko lang kaninang tanghali sa kanya.. At nabanggit niya nga sa akin na nag padala ka nga daw ng pera. Pinapasabi niya nga pala Salamat daw.. Maipapagawa niya na daw yung bubong ninyo na may butas."" talaga, mabuti naman.. Oo kailangan na talaga mapalitan ang mga yerong sira.. Lalo na ngayon malapit na ang tag ulan.. Hindi nanaman makaka tulog
Ella POV:Nasaan na kaya si aling sonia sana mahanap na siya kaagad. Paano nalang si eloisa kapag may hindi magandang nangyari sa nanay niya. Kawawa naman ang kaibigan kong yun ni hindi nga niya nakilala maging ang kanyang ama. Mamayang hapon ay pupuntahan ko ulit si kapitan kung may balita na sila kay aling sonya.Pupuntahan ko nga ulit ang bahay nila eloisa baka sakaling may makita akong ibedensya na makapag tutukoy kong umalis ba talaga ng kusa si aling sonya o may sapilitang nangyari kaya ito nawala.Naglalakad ako papunta sa bahay nila eloisa ng medyo malapit na ako ay may natanaw akong dalawang lalake na palinga linga sa harapan ng bahay nila. Ang isang lalake ay medyo matangkad na sa tansiya ko ay mga 5'8" ang height naka jacket ito ng itim at naka bonnet ng kulay brown. Habang ang isa naman ay mas maliit at malaki ang tiyan. Naka suot naman ito ng sumbrero na puti. Patuloy ko silang tinititigan mula sa aking kina tatayuan. May sinabi sila sa isa't
Eloisa POV:Bago ako umuwi ng apartment ay dumaan muna ako sa palengke nag hanap ako ng maaaring ipang salubong kanina ella. At nang maka bili na ako ay kaagad naman akong umuwi na dahil mag liligpit pa ako ng mga dadalhin ko bukas pauwi ng quezon. Pagkauwi ko ay agad akong nag luto ng makakain nag prito nalang ako ng manok at medyo dinamihan ko na para may agahan ako bukas at ang matitira ay babaunin ko nalang sa biyahe.Kinabukasan ay maaga akong nagising alas kuwatro palang ng madaling araw ay nagising na ako. Kumain kaagad ako at naligo. Habang nag bibihis napag masdan ko ang aking sarili sa salamin. Mas lalo akong pumayat dala na rin ng hindi ko pag kakatulog ng maayos at madalas wala rin akong ganang kumain. Malaki ang ibinagsak ng katawan ko ang dating may buhay kong mga mata ay naging malamlam at medyo nangingitim pa ang ilalim ng mga mata ko. Medyo pumuti naman ako dahil nawasa ang tubig dito sa maynila. Totoo nga yung sinasabi nila noon na naririnig ko la
ay ganun po ba.. Hindi niya po na banggit sa akin aling pasing.. Hindi rin naman po kasi ako na tawag sa cellphone niya na iyon.. Palaging diyan po ako sa landline niyo tumatawag. Sige ho aling pasing tatawag nalang po ako mamaya ulit kapag naka baba na ako ng bus.. Pasensya na po sa abala.. " kaagad kong sagot dito." ay wala yun iha basta ikaw.. Parang anak ka na rin namin... Basta tawag ka nalang mamaya at baka nandito na rin si ella maya maya.. " paalam niya sa akin bago Ibaba ang linya ng telepono.Mga ilang sandali lang ang lumipas ay nakarating na ako sa quezon sasakay nalang ako ng jeep papunta sa baryo namin. Sinubokan ko ulit kontakin sina aling pasing ngunit walang sumasagot ring lang ng ring ang kanilang telepono.Medyo matagal pa akong nag hintay ng masasakyang jeep siguro dahil bihira nalang ang bumibyahe ng ganitong oras. Nag aagaw na ang dilim at liwanag. Ganap na ala sais ng gabi ng maka sakay na ako ng jeep. Hindi ko na tinawagan pang mul
Naka tulog din ako kaagad pag lapat palang ng katawan ko sa higaan. Kala gitnaan ng gabi ay nagising akong hinihingal at pawis na pawis. Na panaginipan ko si inay. Tinatawag niya daw ako at May humahabol daw sa kanya na mga masasamang lalake at may hawak na mga baril. habang tumatakbo papunta sa akin sa di kalayuan ay may nakita akong isa pang lalake na tumatakbo rin papunta sa gawi niya at tinatawag ang kanyang pangalan. Nang malapit na daw siya sa akin ay bigla akong may narinig na nagpa putok ng baril at natumba si inay sa harapan ko. Iyak daw ako ng iyak habang tinatawag ang pangalan ni inay.At pagka tapos ay bigla na akong nagising. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Napa tingin ako sa kina hihigaan ni ella at nakita ko itong mahimbing na natutulog. Patuloy akong lumuluha ng tahimik habang yakap ang dalawa kong binti.Nang mapagod na ako sa kaiiyak ay naka ramdam ako na naiihi kaya tumayo ako at nag tungo sa banyo. Pagka balik ko sa kuwarto ay muli akong hum
Tinulongan ako ni ella na isarado muli ang mga bintana at pagka tapos namin i-lock ang pinto ay hinila niya na ako kaagad sa kamay pabalik sa bahay nila.Kinabukasan ay muli akong nagpa sama kay ella na magpunta sa palengke at doon naman kami mag tatanong tanong. Kahit saan kami magpunta ay palagi kong dala dala ang Picture namin ni nanay upang ipakita sa mga taong napag tatanungan namin.Lumipas ang anim na araw na hindi ako tumigil sa kaka tanong sa kung sino ang maaring nakakita kay nanay. Malungkot ako dahil bukas na ang alis ko ulit pabalik ng Maynila. Wala manlang nangyaring maganda sa pag uwi ko dito ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa bahay namin at kinakausap ang sarili mag isa. Mababaliw na ata ako kakahanap kay nanay. Yakap yakap ko ang mga damit niya at hawak ko ang litrato namin na magkasama habang nag sasalita." nay.. Nasaan kana.. Mis na mis na kita... Sana mag pakita ka naman oh.. Hirap na hirap na po ako... Pero kakayanin ko para sa in
Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki
Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba
Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.
Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n
Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay
Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta
Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo
KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha
KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an