Share

chapter: 3

Author: Betchay
last update Last Updated: 2022-04-14 17:08:27

Eloisa POV:

Lumipas ang maghapon na tanging puro higa lang ang ginawa ko. Bumabangon ako upang kumain lang. Tapos balik ako kaagad sa pagkakahiga. Naramdaman ko din na unti unti ng nawawala ang hapdi ng paa ko.

Kinabukasan pagka gising ko agad akong bumangon at kumain. mabuti at may tira pa kaming adobo na niluto ko kahapon ng tanghali. Nakita kung tulog pa si Ana marahil ay tanghali naman ang pasok niya. Pagkatapos kung kumain kaagad akong naligo. Nag suot ako ng kulay black na palda na lagpas tuhod at pinaresan ko ito ng polo blouse na hanggang siko ang manggas at yung doll shoes na sinuot ko kahapon ang pinares ko. Nagpahid ako ng pulang lipstick sa labi ko at Naglagay lang ako ng hair clip sa magkabilaang tenga at nakalugay lang ang basa ko pang buhok.

Nagpasya ako na Hindi ko na gigisingin si Ana. Lumabas ako na Bit-bit ko ang shoulder bag ko at may hawak ako na brown envelope sa kamay ko na naglalaman ng mga requirements ko.

Habang naglalakad ako sa bangketa may nadaanan akong nagtitinda ng tig singkwenta na eye glasses. Bumili ako at pinili ko yung kulay pula na square. Ito ang gusto kung maging itsura ko ang maging simple o dapat na ring tawaging nerd type. para hindi rin ako lapitan ng mga manyakis kung sakaling may mag tangka man. Mas mabuti na yung ganito ang magpaka manang hindi naman siguro importante ang panlabas na itsura sa magiging trabaho ko dahil office staff naman ang papasukan ko.

Nagpalinga linga ako sa paligid at may mga nakita akong nag tataasang gusali. Nagtanong tanong ako sa mga nadadaanan kung guwardiya kung may hiring ba sa kanila at sa kasamaang palad wala na daw bakante sa kanila. May nakapag sabi sa akin na isang guard na sa makati daw ako maghanap dahil mas marami daw akong makikitang pwedeng pasokan doon.

Napag isipan kong sundin ang payo ng guard na yun dahil wala naman masama mukhang mabait naman si manong guard. At isa pa isang sakay lang naman ako ng bus mula alabang papuntang makati. Kaya nakipag sapalaran akong magbyahe papuntang makati. Pagkababa ko palang ng bus. Napanganga ako marami nga pala talagang building dito tiyak na makakahanap na ako ng mapapasukang trabaho dito.

When I looked at the time on my cellphone its 7:45 in the morning. Kaya maaga pa at kahit buong hapon pa akong maghanap ayos lang. Kailangan umuwi ako ngayon na may trabaho. Dali dali akong tumawid ng over pass patungo sa mga naglalakihang building. May isa akong napag tanungan na hiring kaso sa manager palang ng gusali hindi na ako pumasa. Tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa at hindi na ininterview pa dahil hindi daw capable ang itsura ko dahil front desk officer daw ang kailangan nila. Dapat daw ay may pleasing personality.

Napailing ako pagkatalikod ko sa manager na yun. Bakit ganun sila ni hindi manlang tiningnan ang resume ko. Hindi ba nila alam na mas importante parin ang utak kaysa sa mukha. Nagpa tuloy ako sa paglalakad. May dalawang security guard akong nakita sa isang entrance ng pinaka malaking building dito sa makati. Nagtanong ako kung hiring sila. At pinalad naman ako na hiring nga sila. Agad nila ako pina fill up ng form at pagka fill up ko ng form na iyon ay agad nila akong pina akyat sa ikatlong palapag ng gusali. Gumamit lamang ako ng hagdan sa pag akyat dahil hindi naman ako marunong gumamit nung elevator na sinasabi nila.

Pagka akyat ko ng ikatlong palapag ay may guard na naka asign sa pinaka unang pinto. Nagtanong ako kung saan ko ibibigay ang form na pina fill up sa akin sa ibaba. Itinuro niya ako doon sa pinaka dulong pinto na kulay abo ang kulay. Napakarami palang doors dito at ibig sabihin marami din silang empleyado dito.

Pag tapat ko sa babasagin na pintuan ay kumatok ako. At may nagsalita na boses babae. "Come in!" pagkapasok ko may isang table sa kaliwang bahagi at may nakaupo na babae marahil ito ang nag salita kanina ng kumatok ako. Binati ko ito. "Good Morning ma'am!" sabay ngumiti ako ng matamis.

Pinalapit niya ako sa kanya at kinuha ang hawak kung papel. At Pinaupo niya ako sa may upoan na nasa harap ng table niya. "So you're applying for a job.. We have only one vacant job here.. Naka leave kase ang taga photo copy namin ng mga files dito dahil sa kumplikado ang pagbubuntis niya.." Pinasadahan niya ng tingin ang resume ko. Muli siyang nagsalita "para sa akin pasado ka wala naman problema at qualified ka naman sa bakanteng trabaho. Ewan ko nalang kay boss kung good mood siya today para ipasa ka niya. Saglit tatawagan ko siya.." may pinindot na intercom ang babae at may kinausap. Pagkatapos niya itong kausapin humarap siya sa akin at sinabing." sige pwede ka na pumasok sa loob. Good luck galingan mo sa interview. " at ngumiti ng bahagya. Ngumiti rin ako sa kanya ng matamis. Tumayo ako at naglakad papunta sa itinuro niyang pinto. Kumatok ako at may nagsalita i heard a baritone voice from inside." yes, come in.." pagkapasok ko ngumiti ulit ako ng matamis At bumati ako dito. "Good Morning Sir!.."

Medyo kinakabahan ako. Umusal ako ng panalangin na sana good mood nga siya at ipasa ako sa interview niya. Pinalapit niya ako at pinaupo sa upoan na nasa harap niya. "So, you're name is---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at ako na mismo ang nagpakilala sa sarili ko sa kanya. "ahmmm.. I'm Eloisa Macaraeg sir. 19 years old from the province of Quezon. I'm willing to work for you sir anytime.. I'm hoping for your trust sir. So that you can give me a chance to work here in your good company sir.." sabay ngumiti ako ng abot hanggang tenga ang lapad.

Kinalimutan ko na ang kaba ko dahil hindi ako makakapayag na umuwing luhaan dahil wala parin akong nakuhang trabaho. Seryoso siyang Nakatitig sa aking mukha na para bang kinikilatis niya ang aking pagkatao at pinasadahan niya ng tingin ang aking resume. Nakita ko siyang tumango tango habang nakayuko. Maya maya pa bigla siyang tumingin sa akin at nag salita "okay you're hired now ms. Eloisa Macaraeg! Welcome to my Company! You wait for your contract to be prepared by my secretary outside. So you can leave now and close the door.." ngumiti ako ng pagka tamis tamis dito. Hindi ko na alam ang itsura ko kase parang gusto kong tumalon sa tuwa. Bago ako lumabas ng office ni sir ay maka ilang beses akong tumango ng tumango sa kanya at paulit ulit ko ring sinabi ang salitang pasasalamat.

Pagkalabas ko ay may kausap ang kanyang secretary marahil si sir iyon na nag interview sa akin. Nang

matapos na sa kausap niya ang babae lumingon siya sa akin. "naku miss your so lucky today at ang bilis mong interviewhin ni sir David! Ibig sabihin good mood si sir! Kapag saglit lang ang interview niya ibig sabihin nun good mood siya.. " saad pa niya.

Ngiting ngiti ako sa babae habang pinapakinggan siya sa pagsasalita. tinanong niya ako kung ano-ano ang mga dala kung requirements at iniabot ko sa kanya ang buong brown envelope na dala-dala ko. "sige just wait at tatawagan ko ang HRD na i-prepare ang contract mo for signing. Anyways complete naman na itong requirements mo except sa medicals mo dahil wala ka pang medicals.. To be followed mo nalang kapag nakasahod kana.. Mukhang healthy ka naman.." muli pa niyang sabi.

At pinapunta niya na ako ng Hrd sa second floor upang doon na antayin ang magiging kontrata ko na aking pipirmahan. Pagka punta ko doon muli akong pinaupo ng guard na naka asign Malapit sa may elevator at tatawagan naman daw ako kung pa papasukin na ako sa loob ng hrd office. Tumingin ako sa oras ng aking mamahaling cellphone 11:15am

Maya maya pa may nag radyo sa guard at pinapapasok na daw ako sa loob ng Hrd. Ngiting ngiti ako dahil wala pang alas dose ng tanghali eh may trabaho na ako. Pagkauwi ko ay tatawagan ko kaagad sila nanay at babalitaan ng magandang nangyari sa akin today.

Tapos na akong pumirma ng magiging contract ko sa del Castillo corporation. 2 yrs. Ang nakalagay na magiging contract ko sa kanila. At ayun pa sa aking nabasa kung maganda daw ang trabaho ko sa kanila ay maari pa akong I-extended ng contract or gagawin nila akong permanent employee. Pagkalabas ko ng office napagpasyahan kung kumain na muna ng lunch bago magbyahe pauwi.

Sa aking paglalakad sa kahabaan ng kalye napahanga ako sa mga nag tataasang gusali. Mayaman pala talaga ang siyudad ng makati walang wala ang bayan namin na quezon. Lalo na ang baryo namin madalas walang signal ang mga telepono at bihira lang sa amin ang mayroong mga telebisyon sa kanilang bahay at isa na kami doon. Tanging lumang radyo lang ang aming nagiging libangan. Lalo na kapag makikibalita kami kung mayroong parating na bagyo at kung minsan pa wala rin pati signal.

Pero kahit ganun ang bayan kung sinilangan maipagmamalaki ko parin ito dahil marami namang mga pasyalan dito. May mga lugar na nadedevelop at nagiging tourist spot pa ito. At bukod pa doon napaka presko ng hangin kahit mataas pa ang sikat ng araw ay may kalamigan parin dahil na rin sa tulong ng mga nagtatayugang mga puno at kung iisipin di hamak na mas matatanda pa ang mga ito sa akin.

Hindi gaya dito sa maynila hindi na sariwa ang hangin. At sobrang init pa. Patuloy ako sa paglalakad para humanap ng murang makakainan. Sa di kalayuan may nakita akong mga naka kulompon na tao. Lumakad ako palapit sa lugar na yun at nalaman ko na isa pala itong kainan na kung saan pwede kumain sa labas. Pumasok ako sa tindahan at tiningnan ang mga menu nila nalula ako sa presyo ng mga pagkain nila nasa 450 ang pinaka mura at yung iba mayroong tig 650 at mayroong 1000 pataas pa ang presyo. Shocks may mga ganoon palang presyo ng pagkain.

Grabe samantalang sa amin halos wala ng makain ang karamihan dahil sa kawalan ng maayos na pagkakakitaan. Nagpasya akong humanap pa ng ibang makakainan. Patuloy ako sa paglalakad ng may makasalubong akong isang may katabaang lalake na naka suot ng color black cap. Nakatingin siya sa akin habang papalapit kaya hindi ko rin maiwasan na tingnan siya. Napaisip ako dahil familliar sa akin ang mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

Napagod nalang ako sa kalalakad wala talaga akong makitang murang makakainan. Siguro mayayaman talaga ang mga tao dito. Pakiramdam ko isa akong naliligaw na nilalang sa lugar na ito dahil halos lahat ng nakaka salubong ko ay magaganda ang mga kasuotan at halatang mga mamahalin pa. Narinig kung tumunog ang tiyan ko tanda na gutom na talaga ako.

Nagpasya akong tumungo nalang sa sakayan ng istasyon ng bus baka sakaling makahanap ako doon ng mga vendor sa tabi tabi at doon na lamang ako bibili ng maari kung kainin. Kailangan kung tipirin ang natitira kung pera. Mahirap na kung kakapusin ako ng panggastos wala akong kamag anak dito kahit isa. At nakakahiya naman kung manghihiram pa ako kay ana dahil maliit lang din naman ang sinasahod nito.

Nang makarating na ako malapit sa labasan papuntang high way Nakakita na ako ng mga vendor na naka hilera sa tabing daan. Tiningnan ko kung ano ang maari kung kainin at mabuti nalang si manong bukod sa tinda niyang mga kendi at sigarilyo may tinda din siyang mga biscuits at tinapay na may palamang peanut butter. Pinili ko ang tinapay na may peanut butter na palaman at sa katabi ni manong mayroon naman vendor na nagtitinda ng mineral water. Nang makabili na ako may humintong bus malapit sa kinatatayuan ko at sumakay na ako. Sa bus ko na lamang kakainin ang mga ito para mabilis akong makauwi.

Alas tres ng hapon ng makauwi ako sa bahay na inuupahan ko at nagpasya akong magpaload muli ng mayroong pantawag para matawagan ko sila inay at mababalitaan ko sila ng magandang nangyari sa akin ngayon.

Ngunit Nakaka ilang dial na ako wala parin its either cannot be reach or out of coverage area ang sinasabi ng operator. Mamaya nalang ako tatawag kay inay baka sakaling magka signal na sila. Iidlip nalang muna ako para marami akong lakas bukas dahil maaari na daw akong mag simula bukas sa trabaho.

Nagising ako ng alas singko ng hapon. Lumabas ako at bumili sa tindahan ng dalawang kilong bigas at isang de latang meat loaf. Ito na muna ang kakainin ko ngayon dahil bukas pagka galing ko sa trabaho dadaan nalang ako ng palengke para doon maghanap ng maaring lutoin para sa hapunan at umagahan ko kinabukasan.

Kinagabihan Alas sais palang ay kumain na ako ng hapunan at pagkatapos ko kumain ay inihanda ko na ang aking susuotin kinabukasan. Excited na akong pumasok sa trabaho sana swertehin ulit ako sa unang araw ko. Nang matapos kung makapag handa ng mga susuotin at dadalhin ko kinabukasan ay agad na rin akong humiga. Habang nagpapa antok ay sumagi sa isip ko ang lalaking naka sumbrero na naka salubong ko kanina. Very familiar talaga ang mukha niya siguro kung wala lang siyang sumbrero ay baka mas nakilala ko pa siya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at hindi ko na rin naramdaman ang pag uwi ni ana.

Kinabukasan ay naginising ako sa alarm ng aking cellphone. Alas singko ng umaga na at alas otso lamang ang pasok ko sa trabaho. Kailangan maaga lang akong umalis dahil baka matraffic ako mahirap na at first day ko ngayon sa trabaho. Lumingon ako sa higaan ni Ana upang alamin kung nakauwi siya kagabi. At nakita ko itong natutulog pa at may konting hilik marahil ay napagod ito sa trabaho. Kaagad akong nag timpla ng kape at nag saing ng kanin. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing muli kung pinirito sa kawali ang tira kung tatlong hiwa ng meat loaf kagabi.

Nang maluto na ang sinaing kaagad na din akong kumain at ng matapos ay naligo na ako. Sinuot ko lamang ay isang slacks na kulay brown na medyo may kaluwangan at tinernohan ko ito ng blouse na kulay dilaw at tsaka isinuot ang nag iisa kong doll shoes. Mamaya pag daan ko ng palengke ay bibili na rin ako ng pang alternate na sapatos at baka bumigay na itong sapatos na ito sa tagal dahil ginagamit ko pa ito sa school noong ako ay nag-aaral pa.

Nag lagay lang ako ng headband na kulay itim at isinuot ko ang nabili kong eye glass na kulay pula at nagpahid ng manipis na lipstick sa aking labi. Matapos ay umalis na. Habang binabaybay ko ang eskinita palabas ay mayroon akong naka salubong na mga lalaking nagkukwentohan at napansin Kung nakatingin Sila sa akin habang papalapit. Nang kaunti nalang ang distansya namin ay bigla silang nagtawanan at narinig ko pang sabi ng isa " mukhang bago lang tong babae na to pre!" at sumagot naman ang isang lalake " oo nga pre mukhang hindi pa nabibinyagan.." At muli ko silang narinig na nagtawanan. Nakaramdam ako ng takot dahil mga mukha silang adik. Yung alam mong mga tambay at palamunin lang ng mga magulang.

Pagka lagpas ko sa kanila ay napa buga ako ng hangin sa takot na baka may kung anong gawin sila sa aking masama. Pagkarating ko sa labasan ay naghintay ako ng dadaang bus. Napakaraming pasahero pala ng ganitong oras. Maya maya pa ay may dumaan na bus at dali daling sumakay ang mga tao na animong nag tutulakan lahat ay gustong makasakay ng bus. Mabuti nalang at medyo matangkad ako sa taas na 5'5" ay hindi ako kaagad na maitutulak ng sinumang nasa likod ko. Nakasakay ako ng bus ngunit wala ng available na upoan. "Okay na yung nakatayo ng ganito at least Nakasakay na ako.." bulong ko sa aking sarili.

Mabuti nalang at walang traffic kung kaya't maaga akong nakarating sa aking pagtatrabahoan. Sa ganap na alas siyete kinse ay nakaakyat na ako sa hrd at doon ako naghintay ng kung sinumang mag mamando sa akin kung saan at ano ang una kung mga gagawin. Habang naghihintay ako naisipan kong i-dial ang cellphone number ni aling pasing. Naka dalawang dial ako bago ito sumagot.

"good morning po aling pasing!.." kaagad kung bati dito. "si Eloisa po ito.. Kamusta na po kayo diyan? Pakisabi po kay nanay ko na okay lang po ako dito at ngayon po ang unang araw ko sa trabaho.."

"good morning din Eloisa!.. Mabuti naman at nasa mabuti kang kalagayan diyan. Sige papupuntahin  ko nalang mamaya si ella sa nanay mo, pagka dating niya galing sa palengke para ipaalam na tumawag ka.." kaagad na sagot nito.

"marami hong salamat aling pasing.. Paki kumusta niyo na rin ho ako kay ella.." muli kung sabi. "aba'y sige iha walang problema, basta ba't dadalasan mo lang ang pag tawag dito para hindi mag alala sa iyo ang nanay mo.."

"sige ho aling pasing salamat ho ulit.." paalam ko dito at pinindot ko na ang end call button. Maya maya pa ay may nakita na akong mga empleyado na unti unting pumapasok ng hrd office. At may lumapit sa akin na may katabaang babae na mukhang nasa 30's pa lamang ang edad. Binati niya ako at nag tanong "good morning ikaw ba si Eloisa Macaraeg?"

"yes po! Ako nga po ma'am.." sagot ko dito at bahagyang ngumiti. Agad siyang nagpakilala "ako nga pala si divine ang magiging supervisor mo.. Alam mo naman siguro kung ano ang magiging trabaho mo dito..? Halika sumama ka sa akin.." at tumango ako dito na may kasamang ngiti.

Naglakad kami patungong locker room. " dito ang mga locker Eloisa. At dito mo ilalagay ang mga gamit mo ha. Kapag break time ka lang pwede pumunta dito okay.. Kung gusto mong uminom ng tubig ayun may  water dispenser doon pwede ka kumuha ng maiinom doon. Kung may gusto kang itanong lapitan mo lang ako ha. Huwag kang mahihiya"

"okay po noted po ms. Divine.." kaagad na sagot ko. Nagsalita siyang muli "halika sumama ka ulit sa akin ituturo ko na sayo kung nasaan ang xerox machine.. At ang mga papers na kailangan mong gawan ng kopya at i-compile mo sila sa mga folders nila.."  naglalakad kami habang nauuna siya sa akin.

Related chapters

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 4

    Sonya POV:Araw ngayon ng linggo at ako ay magsisimba. Ipagdarasal ko ang kaligtasan ng aking anak. Masakit sa akin na mag trabaho ang anak ko sa malayong lugar. ito ang unang beses na nahiwalay siya sa akin. Paalis na sana ako ng dumating si ella. "magandang umaga po aling sonya! Sa simbahan din po ba ang tuloy ninyo? Tara ho sumabay na kayo sa akin. Pinapadaanan po kase kayo sa akin ni nanay para may kasama daw po kayong mag lakad.." sabi nito sa akin."magandang umaga din ella.. Oo nga at paalis na sana ako. Mabuti nga at naabutan mo ako para may kasabay akong maglakad.. Nasaan pala ang nanay mo?.." tanong ko dito.Kaagad naman siyang sumagot. "ay nandoon na po sa labasan, doon na lamang daw niya kayo hihintayin.. Tara na ho.."Eloisa POV:I started doing what ms. Divine asked me to do. Marami rami din siyang ipina photo copy sa akin. Mag aalas dose na ng tanghali ng may bumati sa aking babae. mas matangkad lang ako dito ng kaunti at m

    Last Updated : 2022-04-14
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 5

    Eloisa POV:Ilang araw nang naka alis si ana at ramdam ko ang kalungkutan netong bahay. Napaka tahimik at tanging yabag lang ng mga paa ko ang maririnig. Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho. Tatawagan ko sila nanay kong na receive na nila yung hinulog kong pera kahapon sa palawan. Naka ilang dial ako bago may sumagot.Nabosesan ko kaagad si ella. " hello ella, kamusta? Kamusta ang nanay? Nakuha na kaya niya ang padala ko kahapon na pera?.." kaagad na bungad ko dito.Agad naman siyang sumagot. " hello loisa!.. Mis na kita friend! Buti at napa tawag ka.. Okay naman si aling sonya kagagaling ko lang kaninang tanghali sa kanya.. At nabanggit niya nga sa akin na nag padala ka nga daw ng pera. Pinapasabi niya nga pala Salamat daw.. Maipapagawa niya na daw yung bubong ninyo na may butas."" talaga, mabuti naman.. Oo kailangan na talaga mapalitan ang mga yerong sira.. Lalo na ngayon malapit na ang tag ulan.. Hindi nanaman makaka tulog

    Last Updated : 2022-04-14
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 6

    Ella POV:Nasaan na kaya si aling sonia sana mahanap na siya kaagad. Paano nalang si eloisa kapag may hindi magandang nangyari sa nanay niya. Kawawa naman ang kaibigan kong yun ni hindi nga niya nakilala maging ang kanyang ama. Mamayang hapon ay pupuntahan ko ulit si kapitan kung may balita na sila kay aling sonya.Pupuntahan ko nga ulit ang bahay nila eloisa baka sakaling may makita akong ibedensya na makapag tutukoy kong umalis ba talaga ng kusa si aling sonya o may sapilitang nangyari kaya ito nawala.Naglalakad ako papunta sa bahay nila eloisa ng medyo malapit na ako ay may natanaw akong dalawang lalake na palinga linga sa harapan ng bahay nila. Ang isang lalake ay medyo matangkad na sa tansiya ko ay mga 5'8" ang height naka jacket ito ng itim at naka bonnet ng kulay brown. Habang ang isa naman ay mas maliit at malaki ang tiyan. Naka suot naman ito ng sumbrero na puti. Patuloy ko silang tinititigan mula sa aking kina tatayuan. May sinabi sila sa isa't

    Last Updated : 2022-04-15
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 7

    Eloisa POV:Bago ako umuwi ng apartment ay dumaan muna ako sa palengke nag hanap ako ng maaaring ipang salubong kanina ella. At nang maka bili na ako ay kaagad naman akong umuwi na dahil mag liligpit pa ako ng mga dadalhin ko bukas pauwi ng quezon. Pagkauwi ko ay agad akong nag luto ng makakain nag prito nalang ako ng manok at medyo dinamihan ko na para may agahan ako bukas at ang matitira ay babaunin ko nalang sa biyahe.Kinabukasan ay maaga akong nagising alas kuwatro palang ng madaling araw ay nagising na ako. Kumain kaagad ako at naligo. Habang nag bibihis napag masdan ko ang aking sarili sa salamin. Mas lalo akong pumayat dala na rin ng hindi ko pag kakatulog ng maayos at madalas wala rin akong ganang kumain. Malaki ang ibinagsak ng katawan ko ang dating may buhay kong mga mata ay naging malamlam at medyo nangingitim pa ang ilalim ng mga mata ko. Medyo pumuti naman ako dahil nawasa ang tubig dito sa maynila. Totoo nga yung sinasabi nila noon na naririnig ko la

    Last Updated : 2022-04-16
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 8

    ay ganun po ba.. Hindi niya po na banggit sa akin aling pasing.. Hindi rin naman po kasi ako na tawag sa cellphone niya na iyon.. Palaging diyan po ako sa landline niyo tumatawag. Sige ho aling pasing tatawag nalang po ako mamaya ulit kapag naka baba na ako ng bus.. Pasensya na po sa abala.. " kaagad kong sagot dito." ay wala yun iha basta ikaw.. Parang anak ka na rin namin... Basta tawag ka nalang mamaya at baka nandito na rin si ella maya maya.. " paalam niya sa akin bago Ibaba ang linya ng telepono.Mga ilang sandali lang ang lumipas ay nakarating na ako sa quezon sasakay nalang ako ng jeep papunta sa baryo namin. Sinubokan ko ulit kontakin sina aling pasing ngunit walang sumasagot ring lang ng ring ang kanilang telepono.Medyo matagal pa akong nag hintay ng masasakyang jeep siguro dahil bihira nalang ang bumibyahe ng ganitong oras. Nag aagaw na ang dilim at liwanag. Ganap na ala sais ng gabi ng maka sakay na ako ng jeep. Hindi ko na tinawagan pang mul

    Last Updated : 2022-04-17
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 9

    Naka tulog din ako kaagad pag lapat palang ng katawan ko sa higaan. Kala gitnaan ng gabi ay nagising akong hinihingal at pawis na pawis. Na panaginipan ko si inay. Tinatawag niya daw ako at May humahabol daw sa kanya na mga masasamang lalake at may hawak na mga baril. habang tumatakbo papunta sa akin sa di kalayuan ay may nakita akong isa pang lalake na tumatakbo rin papunta sa gawi niya at tinatawag ang kanyang pangalan. Nang malapit na daw siya sa akin ay bigla akong may narinig na nagpa putok ng baril at natumba si inay sa harapan ko. Iyak daw ako ng iyak habang tinatawag ang pangalan ni inay.At pagka tapos ay bigla na akong nagising. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Napa tingin ako sa kina hihigaan ni ella at nakita ko itong mahimbing na natutulog. Patuloy akong lumuluha ng tahimik habang yakap ang dalawa kong binti.Nang mapagod na ako sa kaiiyak ay naka ramdam ako na naiihi kaya tumayo ako at nag tungo sa banyo. Pagka balik ko sa kuwarto ay muli akong hum

    Last Updated : 2022-04-18
  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 10

    Tinulongan ako ni ella na isarado muli ang mga bintana at pagka tapos namin i-lock ang pinto ay hinila niya na ako kaagad sa kamay pabalik sa bahay nila.Kinabukasan ay muli akong nagpa sama kay ella na magpunta sa palengke at doon naman kami mag tatanong tanong. Kahit saan kami magpunta ay palagi kong dala dala ang Picture namin ni nanay upang ipakita sa mga taong napag tatanungan namin.Lumipas ang anim na araw na hindi ako tumigil sa kaka tanong sa kung sino ang maaring nakakita kay nanay. Malungkot ako dahil bukas na ang alis ko ulit pabalik ng Maynila. Wala manlang nangyaring maganda sa pag uwi ko dito ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa bahay namin at kinakausap ang sarili mag isa. Mababaliw na ata ako kakahanap kay nanay. Yakap yakap ko ang mga damit niya at hawak ko ang litrato namin na magkasama habang nag sasalita." nay.. Nasaan kana.. Mis na mis na kita... Sana mag pakita ka naman oh.. Hirap na hirap na po ako... Pero kakayanin ko para sa in

    Last Updated : 2022-04-19
  • I fell inlove with the Wrong man    Chapter: 11

    Pagka alis ni ms. Divine ay muling sumagi sa isip ko ang apelyido nila sir david at binigkas ko itong muli. Del Castillo.. Oo nga ano bakit ba hindi ko kaagad naisip noong nasa Quezon palang ako na Del Castillo nga pala ang family name ng boss ko. Siguro ay dahil kay nanay naka tuon ang isip ko. Sinipat ko ang oras sa malaking orasang naka sabit sa pader. Malapit ng mag uwian kaya dali dali ko ng tinatapos ang aking mga gawain ng dumating naman si rina. " uy friend! Thanks for your pasalubong! Ang sarap kaya. Totoo talaga ang sinabi mong masasarap ang mga kakanin doon sa inyo.."Tumingin ako dito habang patuloy sa aking ginagawa at nginitian ito bago nag salita. " you're welcome rina! Mabuti naman at nagustuhan mo!.. Sabi ko na sayo masarap talaga ang mga kakanin sa amin. Hayaan mo kapag umuwi ako ulit sa amin, bibigyan ulit kita."" ay talaga loisa, gusto ko yan friend! Salamat! Sige ha dumaan lang ako dito sayo galing kasi akong c.r  kaya naisipan ko na daanan ka

    Last Updated : 2022-04-20

Latest chapter

  • I fell inlove with the Wrong man    Last Chapter

    Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki

  • I fell inlove with the Wrong man    Chapter: 71

    Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 70

    Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 69

    Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 68

    Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 67

    Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 66

    Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 65

    KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha

  • I fell inlove with the Wrong man    chapter: 64

    KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status