Niyakap agad ako ni Louie nang mahigpit pagkasara nina Bless ng pinto. “Okay ka lang ba, mahal?” tanong ko. “Sorry for dragging you into this...” “Ha? Ba’t ka nag-so-sorry?” kinapitan ko ang mukha n’ya at hinarap s’ya nang diretso, “Wala nga’ng may kasalanan `di ba? At kung ipipilit mo pa rin ang sarili mo, hindi ba’t mas may kasalanan ako, dahil ako ang laging nangungulit sa `yo na makipagkita sa `kin?” “Hindi, Josh, problema `to ng pamilya ko...” Nalungkot ako sa sinabi n’ya. “Ay, sorry, hindi nga pala ako parte ng pamilya mo,” bumitaw ako sa kan’ya, ”masyado na ba ako’ng nanghihimasok sa inyo?” “No, hindi `yun ang ibig kong sabihin!” pilit n’ya. “Katatapos lang nang aksidente mo, tapos ngayon, ito naman? Nang dahil lang sa kalokohan ng anak ko, pati ikaw tuloy, nag-aalala!” “Natural lang naman na mag-alala ako, dahil mahal kita at mahal ko `rin sina Nathan na future children ko! S’yempre mamo-mroblema
Last Updated : 2022-05-27 Read more