Ang tagal naming nag-stay sa room ni Jinn, ang dami naming pinag-kwentuhan, at ang dalas pa rin nila’ng mag-asaran ni Rome. Mag-aalas singko na nang mag-aya si Aveera umuwi. “Nasa baba na sundo ko,” an`ya, “mauna na `ko sa inyo.” “Sabay na rin kami,” sabi ni Harold, tumayo na rin sila ni Kevin. ”Talagang mag-best friends kayo, ano, lagi kayo’ng magkasama?” sabi ni Aveera na nag-aayos ng bag. ”Oo, iisa lang kasi inuuwian namin, eh,” sabi ni Harold. ”Malayong pinsan ko ito’ng si Kevin.” ”Ah, kaya pala,” sabi ni Rome na tumayo na rin. ”Aalis ka na rin?” tanong ni Jinn na kumapit sa polo n’ya. ”Malamang, ano naman ang gagawin ko rito?” ”Eh, `di s’yempre, aalagaan mo `ko!” ”Ay sobra, ang kapal talaga ng face! Ano akala mo sa `kin, personal nurse mo?!” ”P’wede, or you could always be my special omega,” sabi ni Jinn na tumaas-taas ang mga kilay. Natahimik si Rome na nagkulay mansanas ang mukha. “O, kakulay mo na yung apple na pinag-uuka mo kanina!” pang-asar ni Jinn, sabay tawa.
Magbasa pa