Share

Chapter 99

Pagdating namin sa Design club, ang una naming napansin, ay ang mga kasamahan namin na nagkukumpulan sa likod.

“Anong meron?” tanong ko.

“Shh!” sabi ng isang kasamahan namin, “`Wag kayong maingay, baka dumating si Kuya Jun.”

“Ha?” kumunot ang noo si Aveera, at sa paglapit namin, ay nakita naming may inaayusan silang babae.

Teka, sandali... babae ba talaga `to?!

“Jinn?!”

“Namukhaan n’yo agad ako?” nakanguso nito’ng tanong.

“Ay, hindi, sanay lang kami’ng makakita ng maskuladong babae na may clown make-up.” sabi ni Aveera. “Ano nanaman ba’ng kalokohan `yan?”

“Ayaw ako’ng palapitin ng ermats ni Rome sa kan’ya, kaya kailangan ko’ng mag disguise,” sabi nito.

“Mas bagay sa `yo ang term na costume,” sabi ni Aveera na mukhang naiirita, “Ang disguise, para `di mapansin! Maslalo kang mabubuking d’yan sa itsura mo, eh!”

Hinatak ni Aveera ang suot ni Jinn na blazer na namumutok at pinunasan ang makapal

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status