“Binitawan ni Papa ang kaso mo?!” mukhang nagulat si Mercy sa sinabi ko. “Oo, sa Monday daw, officially iba na lawyer ko,” sagot ko sa kan’ya. “Kaya nga, walang dahilan para mahiya kami ni Louie sa mga tao. Ika nga ng best friend ko, sticks and stones may hurt me, pero ang chismis, hindi nakakasakit, maliban na lang kung magpapa-apekto ako. Nag-iibigan lang naman kami ni Louie, eh, wala naman kaming masamang ginagawa, wala rin kaming nasasaktan sa relasyon namin, so, bakit kami magpapaapekto sa kanila, `di ba?” Wala na’ng naisagot si Mercy doon, tuluyan lang s’yang tumitig nang masama sa `kin. Ang cute-cute n’ya habang nakatayo s’ya at nakapamewang sa harap ko. Mapula-pula ang kutis n’yang mala-porselana, at ang laki ng mga mata n’yang kulay light brown, tulad ng mahaba n’yang buhok na may willow’s peak. Kamukhang-kamukha n’ya ang Papa Jonas nila na nasa picture sa may front hall. Dahil dito, `di ko mapigilang mapangiti nang bahagya. “A-anong nginingisi-ngisi
Read more