Niyakap agad ako ni Louie nang mahigpit pagkasara nina Bless ng pinto.
“Okay ka lang ba, mahal?” tanong ko.
“Sorry for dragging you into this...”
“Ha? Ba’t ka nag-so-sorry?” kinapitan ko ang mukha n’ya at hinarap s’ya nang diretso, “Wala nga’ng may kasalanan `di ba? At kung ipipilit mo pa rin ang sarili mo, hindi ba’t mas may kasalanan ako, dahil ako ang laging nangungulit sa `yo na makipagkita sa `kin?”
“Hindi, Josh, problema `to ng pamilya ko...”
Nalungkot ako sa sinabi n’ya.
“Ay, sorry, hindi nga pala ako parte ng pamilya mo,” bumitaw ako sa kan’ya, ”masyado na ba ako’ng nanghihimasok sa inyo?”
“No, hindi `yun ang ibig kong sabihin!” pilit n’ya. “Katatapos lang nang aksidente mo, tapos ngayon, ito naman? Nang dahil lang sa kalokohan ng anak ko, pati ikaw tuloy, nag-aalala!”
“Natural lang naman na mag-alala ako, dahil mahal kita at mahal ko `rin sina Nathan na future children ko! S’yempre mamo-mroblema
Hindi nagising si Nathan boong araw.Ayon kay Louie galing daw mismo si Nathan sa nakita n’yang bar na nagkagulo kagabi. Buti na nga lang daw at nakaalis agad sila bago pa tuluyang nagwala ang mga tao sa loob nito.Ayon naman sa doktor na nakausap namin, natural lang daw na matulog nang matagal si Nathan. Madalas daw ito’ng mangyari sa mga kaso ng drug abuse na tulad ng sa kan’ya. Heroine ang nakuha nila sa bloodstream ni Nathan na may halong sexual enhancement drug. Sabi nga ni Louie, obviously, pinilit lang si Nathan, pampagana daw kasi `yun, bakit nga naman iinom ng pampagana ang isang kilalang playboy na tulad n’ya?Sabi rin ng doktor, 2 or 3 days daw s’yang ginamitan ng heroine. Malamang `yun ang dahilan kung bakit bangag ang boses ni Nathan nang makausap s’ya ni Bless.Nakakaawa nga s’ya, eh, habang binabantayan namin s’ya, bigla s’yang nanginginig at napapasigaw sa panaginip n&rsqu
”Sorry! Sorry talaga!” ilang beses ako’ng humingi ng pasensya kay Louie paggising ko kinaumagahan.Pagdilat ko kasi kanina, nakita ko s’ya nakasimangot sa `kin! Tapos naalala ko na tinulugan ko nanaman s’ya kagabi!”It’s okay, nag-alala lang ako kagabi at bigla mo ako’ng tinulugan after mo’ng masarapan.” sarkastiko n’yang sabi sa `kin.”Sorry na nga, eh!” yumakap ako sa dibdib n’ya habang nkahiga kami sa kama. ”Gusto mo ng take two? Hindi na kita tutulugan, promise?””Take two? Dalawang beses pa lang ba `to nangyayari?””Wahhh! Galit ka talaga sa `kin?!” ngawa ko.”Haay, s’yempre hindi.” Ginulo n’ya ang buhok ko. ”Sapat na sa `kin na makita kang tulog na tulog habang may napakagandang ngisi sa mukha.””Louie, galit ka pa rin, eh!”Natawa si Louie.”H
Tulog pa rin si Nathan nang dumating kami sa ospital. Binigay namin kay Bless ang mga gamit n’ya na binalot ni Mercy, at doon na s’ya naligo sa CR sa loob ng private room. Buong araw `uli kami’ng nag-stay doon, at pagdating ng hapon, ay nagpaiwan `uli si Bless sa amin. Ang dahilan naman n’ya ngayon, eh, may pasok kami kinabukasan, habang s’ya ay nakapagpaalam na sa hospital kung saan s’ya nag i-intern. ”So, ihatid ka na muna namin?” tanong sa `kin ni Louie pagkasakay naming tatlo sa kotse n’ya. ”Ha? Saan?” tanong ko. ”Sa bahay,” sandali ako’ng nilingon ni Louie, ”may pasok na bukas, kailangan mo nang umuwi sa bahay mo.” ”Ano? Eh, sinong mag-aalaga sa `yo?” reklamo ko, ”Baka mamaya mag-alala ka nanaman masyado tapos ma-high blood ka nanaman, tapos bumagsak ka na lang kung saan!” ”Bakit Josh, anong tingin mo sa `kin?” tanong ni Mercy sa backseat. ”Alam ko... pero, ayokong umuwi! Ipapakuha ko na lang kina Ate Sol ang mga gamit ko!” pilit
”Ha! Pito ang perfect ko ngayon!” tuwang-tuwa ko’ng ipinang-paypay ang mga perfect quizes ko.”Mukhang may binabalak ka’ng masama, ha?” tanong ni Aveera na tinaasan ako ng kilay.”A-hi-hi-hi! S’yempre, promise `yun ng Louie ko, eh, lalo na ngayong nasa bahay nila ako!” napapadyak ako sa kilig.“Hay, nako, Josh, basta’t don’t forget to use protection.”“S’yempre, lagi naman kaming maingat!” agad ko’ng sagot.Si Louie pa, eh, laging may nakahandang 1st aid kit `yun sa kuwarto!“So, magpa-practice na ba tayo ng sayaw?” tanong ko kay Aveera, “Nakabisado mo na ba `yung mga steps para sa semi-final exams natin next week?”“Ugh... don’t remind me.” sagot ni Aveera, “Buti nga at natapos ko na ang damit nina Rome, pero mas gusto ko’ng unahin ang major subjects natin bago ang hinayupak na sa
Pinapasok kami ni Tita Roseanne sa loob ng malaking kuwarto. Mukha ito’ng suite, may bukana kung saan kami nag-usap, at may bedroom area kung saan nandoon ang kama ni Jinn. Nakita namin s’ya nakahiga, nakatalikod sa amin at nakasuot ng striped pajamas. “Tulog ata n’ya,” bulong ko kay Rome na mukhang naluluha nanaman. Lumapit naman dito si tita at tinapik si Jinn sa binti. ”Jinn, you have visitors!” Biglang gumalaw si Jinn na napatingin sa kanyang nanay. ”What?” tanong nito, malakas ang boses, tapos ay nagtanggal ng earbuds sa tainga n’ya. ”What did you say?” “I said you’ve got visitors,” ulit ni tita. Agad umikot si Jinn sa kama. “Rome!” Biglang nagkulay ang mukha ni Jinn na pinaliwanag ng isang napaka gandang ngiti. May benda s’ya sa ulo at sa braso, pero nagawa n’yang tumayo at tumakbo papalapit kay Rome na niyakap n’ya ng mahigpit! “Rome! Binisita mo ko! Akala ko mamamatay na lang ako nang `di ka naki
Ang tagal naming nag-stay sa room ni Jinn, ang dami naming pinag-kwentuhan, at ang dalas pa rin nila’ng mag-asaran ni Rome. Mag-aalas singko na nang mag-aya si Aveera umuwi. “Nasa baba na sundo ko,” an`ya, “mauna na `ko sa inyo.” “Sabay na rin kami,” sabi ni Harold, tumayo na rin sila ni Kevin. ”Talagang mag-best friends kayo, ano, lagi kayo’ng magkasama?” sabi ni Aveera na nag-aayos ng bag. ”Oo, iisa lang kasi inuuwian namin, eh,” sabi ni Harold. ”Malayong pinsan ko ito’ng si Kevin.” ”Ah, kaya pala,” sabi ni Rome na tumayo na rin. ”Aalis ka na rin?” tanong ni Jinn na kumapit sa polo n’ya. ”Malamang, ano naman ang gagawin ko rito?” ”Eh, `di s’yempre, aalagaan mo `ko!” ”Ay sobra, ang kapal talaga ng face! Ano akala mo sa `kin, personal nurse mo?!” ”P’wede, or you could always be my special omega,” sabi ni Jinn na tumaas-taas ang mga kilay. Natahimik si Rome na nagkulay mansanas ang mukha. “O, kakulay mo na yung apple na pinag-uuka mo kanina!” pang-asar ni Jinn, sabay tawa.
“Haaay... sana Friday na!” sabi ko kay Aveera nang lunch time, “Sana nasa bahay na `ko kasama si Louie!” “Ugh... Sana nasa ibang lugar ako, `wag lang dito.” sabi naman ni Aveera na umiwas ng tingin sa dalawang naglalambingan sa harap namin. “Hindi pa ba ubos nasa bibig mo? Subo ka pa nito... Ah~” sabi ni Rome habang kapit ang punong kutsara sa bibig ni Jinn. “Shandayi, pungu pah” shagot ni Jinn na namumulunan ang bibig. Miyerkules na, nakapasok din sa wakas si Jinn matapos ng ilang tests at interrogations mula sa mga pulis. Kasalukuyan s’yang nagpapasubo kay Rome dahil naka benda pa ang isa n’yang braso. “Bilisan mo nguya! Inom ka ng tubig! Lumunok ka na! Dali, nangangalay na braso ko!” Uminom nga ng tubig si Jinn gamit ang kanang kamay n’ya. ”Ayan, subo na ko, ahhn~” Feel na feel n’ya ang pamba-baby sa kan’ya ni Rome! ”T-tandaan mo, ha! Ngayon lang `to dahil `di mo magamit ang kaliwang braso mo!” pagpap
‘Hintayin mo na lang kami sa bahay, pauwi na rin kami, baka mgasalisi pa tayo,’ sabi sa akin ni Louie sa telepono. “Eh, bakit si Mercy, nandyan!?” tanong ko habang nakasakay sa kotse at papunta sana’ng ospital. ‘Hindi ako pumasok, I had a hunch na gigising si Kuya ngayon!’ sagot ni Mercy sa background. “Pauwi na ba talaga kayo?” tanong ko pa `uli. ‘Oo, nag-uusap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay, just wait for us back home, okay?’ “Tungkol saan?” ayan, kinabahan tuloy ako. Tungkol kaya `yun sa amin ni Louie? ’Basta’t hintayin mo na lang kami sa bahay, okay?’ “Okay,” sagot ko kay Louie. Naputol na ang linya. Binaba ko ang cell at huminga ng malalalim. Hindi naman siguro `yun tungkol sa amin ni Louie, `di ba? `Di naman siguro tutol si Nathan sa relasyon namin. Haay, ayan nanaman ako, eh, over thinking nanaman! Umiling na lang ako ng ilang ulit para maalis ang
John Denver Daniel (This is a ‘From Top to Botom’ side story from my version of the omegaverse. You may look for ‘From Top to Bottom’ in my stories here to read about the characters here, but this is pretty much stand-alone and self explanatory.) I used to believe in God. Naniniwala ako na as long as I trust in him, be good, and pray hard enough, ibibigay n’ya lahat nang hinihiling ko. Malalampasan ko ang lahat ng mga pagsubok sa buhay kung magtitiwala ako sa kanya, dahil walang imposible sa Diyos. Ipinagdasal ko na mapansin ako ng crush ko na si Nathan, at sinagot n’ya ang kahilingan ko. But I let him down because of my own stupidity. Natakot ako’ng mapagalitan at mawalan ng scholarship. Dahil doon, nabali-wala lahat ng blessings ni God sa akin. At sa huli, iniwasan niya ako at ipinagpalit sa iba. I prayed again, ’Please, please, God, let us get back together again, show me a sign!’ And he answered me with a phone call. Inisip ko noon, binigyan ako ni God ng bagong chance. `Di
Nais nyo ba'ng magbasa pa ng ibang mga kwentong nagaganap sa Omegaverse? :D Eto naman ay storya ng isang alpha na iniligtas ng kanyang 'anghel' na pinamagatang "Seeing Angels". Pero `wag kayong papaloko sa title, dahil hindi ito tungkol sa mga anghel, bagkus, ito ang storya ng isang tao na nagmula sa impyerno. Babala lang po, hindi po ito pambata >:D . ==================== . I saw an angel when I died. He was beautiful and glowing and had gentle lilac eyes. In fact, I was wondering where he was taking me, since we all know that whores go straight to hell. "There's someone else in here!" His brilliance hurt my eyes. Heaven is such a bright place, compared to the hell I’ve lived in for the past 9 years, and this being of pure light was like a beacon, engulfing me, slowly burning me into ashes. "Are you alright?" His hands are like ambers, burning my skin. I didn't know whether I laughed or cried. One thing was for sure, though, he was an angel, and he has come to take me aw
Ngayon naman ay alamin natin kung paano nagkakilala sina Tito Eric at ang kanyang habibi na si Dr. Aahmes Abdel. Sabi nila, opposites attract, at magandang halimbawa nito ang dalawang genious na ito. ==================== . Old clothes and stale coffee. That was my first impression of him. That was what he smelled of. There I was, stark hopping mad with anticipation, ready to meet this brilliant mind that is well known through out the international scientific community for his advanced and unparalleled research concerning the omega gene. Then I see this... uncouth man in front of me, sipping tepid coffee from a chipped cup in his pajamas. “Sino `to?” he asked the lab assistant who ushered me inside the maze-like laboratory. “Sir, this is Dr. Aahmes Abdel!” the assistant said excitedly, “In the flesh!” He looked back at me from head to toe and smiled. Then he turned to his assistant with the same fake smile stuck in his face. “Sino `yun?” “Sir, s’ya `yung sikat na scientist n
Muli po, maraming-maraming salamat sa lahat nang tumangkilik sa "Good Luck Charm"! Sana po y lubos kayong nasiyahan sa storyang ito, at kung sakaling medyo bitin o naghahanap pa kayo ng kasagutan sa ilang katanungang inyong naisipan sa pagbasa nito, ay narito ang ilang karagdagang kwento tungkol sa ibang mga tauhan sa ating storya :) Eto po ang maiksing intro sa kwento ni Nathan Del Mirasol, ang pasaway na unico hijo ni Atty. Louie Del Mirasol. ==================== ’It's survival of the fittest, baby.’ sabi ng magandang artista sa telebisyon. Siya ang pinaka sikat na babaeng artista dito sa Pinas, pati na rin abroad. Well, at least hindi na sila tinatratong parang mga diyosa ngayon. Matapos kasi makapaglabas ng gamot ang isang Filipino scientist para sa covid22, ay unti-unti nang dumarami `uli ang population ng babae sa mundo. Nang una ay naging national treasure ang mga female born dahil iilan lang sa kanila ang natira, pero matapos lumabas ang Secondary Genders ng mga lalaki,
And that is the last chapter of our novel, "Good Luck Charm" Sana po ay nagustuhan ninyo ito at napulutan ng aral :D (meron ba? ehehehe) Maraming-maraming salamat po sa lahat ng inyong suporta sa pagbasa at pagtapos ng kuwento'ng ito! :) Sana po at tuluyan nyo pa ako'ng masuportahan by reading, following, voting for and leaving comments on my stories! :D And if you wish to support me further, you can always do so by buying me a cup of ko-fi here: ➜ ko-fi.com/psynoidal I thank you in advance for your generosity! :D And did you know? I've been planning to turn this novel into a web comic, but sadly, I haven't found an NSFW artist that could work on it on a 50-50% profit basis. Baka may kakilala kayo? :D Anyway, mukhang suntok sa buwan pa ang pangarap kong iyon ^^' For now, I'm happy that there are people reading it :) So thanky you once again! And I'll see you in my other stories! - Ako g.vecino . alex rosas . psynoid al
Chapter 12 Hindi ako pinansin ng mga tao sa pag-alis ko. Sino nga ba ako, kung `di isang side character lang sa love story nina Jinn and Rome na pang box-office hit ang peg? Eto na ang grand happy ending na hinihintay nila.Well, happy rin ako para sa kanila.“You happy now?” O-oo sana ako sa paglingon ko, nang makaharaap ko ang nanay ni Rome na naghihintay sa labas ng sunken area. “You just gave my son a lifetime of hardships and misery!”Muli ako’ng lumingon sa malalaking TV screens sa magkabilang side ng stage.Nakayapos si Rome sa dibdib ng mate n’ya, at punung-puno ng saya ang mukha nilang dalawa habang ini-interview ng MC ng battle of the bands turned grand pasabog.“Does that look miserable to you?” tanong ko sa kan'ya.“Ngayon lang `yan. Habang masaya pa ang mga tao sa paligid nila. Habang sikat pa si Jinn at mahal ng kan'yang mga fans. `Di magtatagal, pagsasawaan din s’ya at mababaliwala, and when the make-up fades and the lights die away, then, they will know just how mi
Chapter 11 ”Yuu Jinn! Si Yuu Jinn Gunn!””We love you Yuu Jinn!” Tili ng mga tao sa paligid.Pati si Rome, napatitig sa stage at mukhang maiiyak.Tumingin rin ako sa entablado. Sure enough, nandoon si Jinn, kinakausap ang MC at pinalilibutan ng ilang mga fans n’ya.Lalong humigpit ang kapit sa `kin ni Rome.”H-halika... alis na tayo, ate Aveera.” Hinatak n’ya ko paalis.”Sandali, nasa direction na `yan ang bodyguard mo,” pigil ko sa kanya, ”Kung babalik tayo, baka makasalubong naman natin ang mommy mo.””I don’t care. Ayoko’ng makita si Jinn,” matigas n’yang sinabi.“Kahit pa balak ng mama mo na ipa-abort ang baby ninyo?”That did it.Namutla si Rome na nanlaki ang mga matang napuno ng luha. Nanginig ang mga labi n’ya at `di na nagawa pang makapagsalita. Ni `di na s'ya nakalakad pa.“Let’s just stay here for a while,” sabi ko sa kanya. "Hintayin nating mapunta lahat ng atensyon kay Jinn, tapos saka ako
Chapter 10Nakaupo na sa isang mesa ang mommy ni Rome nang dumating kami sa cafe. Nakakapagtaka, naunahan pa n’ya kami na halos walking distance lang ang layo rito.Tumayo s’ya nang makita kami at itinipa ang mga braso para yakapin ang anak n’yang nag-aalangan lumapit sa kanya.Maganda s’ya, artistahin, walang kakulu-kulubot sa makinis n’yang mukha, `di mo iisiping dalawa na ang anak. Hanggang balikay ang light brown na buhok nito na mukhang bagong cellophane at naninilaw ang katawan sa suot na mga gintong accessories.S’ya ang tipong babae na pag nakita mo, alam mo’ng mayaman at `di mo ma r-reach, also, hindi papayag na makanti mo man lang. Kitang-kita naman sa dalawang bodyguard na nasa tabi n’ya, maliban kay kuya Jun sa likod na masama ang tingin sa `kin.“Mommy! I’m so sorry...” `yun ang unang-unang sinabi ni Rome, at doon pa lang, alam ko, talo na kami.“It&
Chapter 9 ”Nako, eh, sira-ulo pala `yang syota mo, eh!” sabi ni Albert, ”Dapat pala, inubos mo mga tanim ni mama, baka kunsakali matamaan mo s’ya!””Anong matamaan, eh, ang lalayo ng bato ni kuya Rome!” tumatawang sabi ni Alvin, ”Type mo pa rin, eh, `no? `Di mo masaktan? Aminin!”“May punto rin naman `yung jowa mo, eh, wala rin ako’ng tiwala kay Star! Kahit sa mga labas n’ya `pag ume-extra s’ya sa TV, kung `di s’ya mayaman na mayabang, eh, basagulerong tambay ang role n’ya!” sabi ni Andrew.“Pero imbes na magalit, dapat nag-usap na lang muna kayo,” payo ni papa, “Paano kayo magkaka-ayos kung uunahin mo ang galit?”“Tama, iho,” si mama. “Pati tuloy `yung mga halaman ko nadamay sa away n’yo...”“S-sorry po talaga, tita...” sumisinghot na sagot ni Rome, “kasi naman... sa dinami-raming kantang pagpipilian, `yun pa ang naisipan n’ya!”“Nya-ha-ha-ha-ha! Oo nga, eh! Insulto!” gatong pa ni Albert.“Well, given na bobo talaga si Jinn sa ganyang bagay, a