”Ha! Pito ang perfect ko ngayon!” tuwang-tuwa ko’ng ipinang-paypay ang mga perfect quizes ko.
”Mukhang may binabalak ka’ng masama, ha?” tanong ni Aveera na tinaasan ako ng kilay.
”A-hi-hi-hi! S’yempre, promise `yun ng Louie ko, eh, lalo na ngayong nasa bahay nila ako!” napapadyak ako sa kilig.
“Hay, nako, Josh, basta’t don’t forget to use protection.”
“S’yempre, lagi naman kaming maingat!” agad ko’ng sagot.
Si Louie pa, eh, laging may nakahandang 1st aid kit `yun sa kuwarto!
“So, magpa-practice na ba tayo ng sayaw?” tanong ko kay Aveera, “Nakabisado mo na ba `yung mga steps para sa semi-final exams natin next week?”
“Ugh... don’t remind me.” sagot ni Aveera, “Buti nga at natapos ko na ang damit nina Rome, pero mas gusto ko’ng unahin ang major subjects natin bago ang hinayupak na sa
Pinapasok kami ni Tita Roseanne sa loob ng malaking kuwarto. Mukha ito’ng suite, may bukana kung saan kami nag-usap, at may bedroom area kung saan nandoon ang kama ni Jinn. Nakita namin s’ya nakahiga, nakatalikod sa amin at nakasuot ng striped pajamas. “Tulog ata n’ya,” bulong ko kay Rome na mukhang naluluha nanaman. Lumapit naman dito si tita at tinapik si Jinn sa binti. ”Jinn, you have visitors!” Biglang gumalaw si Jinn na napatingin sa kanyang nanay. ”What?” tanong nito, malakas ang boses, tapos ay nagtanggal ng earbuds sa tainga n’ya. ”What did you say?” “I said you’ve got visitors,” ulit ni tita. Agad umikot si Jinn sa kama. “Rome!” Biglang nagkulay ang mukha ni Jinn na pinaliwanag ng isang napaka gandang ngiti. May benda s’ya sa ulo at sa braso, pero nagawa n’yang tumayo at tumakbo papalapit kay Rome na niyakap n’ya ng mahigpit! “Rome! Binisita mo ko! Akala ko mamamatay na lang ako nang `di ka naki
Ang tagal naming nag-stay sa room ni Jinn, ang dami naming pinag-kwentuhan, at ang dalas pa rin nila’ng mag-asaran ni Rome. Mag-aalas singko na nang mag-aya si Aveera umuwi. “Nasa baba na sundo ko,” an`ya, “mauna na `ko sa inyo.” “Sabay na rin kami,” sabi ni Harold, tumayo na rin sila ni Kevin. ”Talagang mag-best friends kayo, ano, lagi kayo’ng magkasama?” sabi ni Aveera na nag-aayos ng bag. ”Oo, iisa lang kasi inuuwian namin, eh,” sabi ni Harold. ”Malayong pinsan ko ito’ng si Kevin.” ”Ah, kaya pala,” sabi ni Rome na tumayo na rin. ”Aalis ka na rin?” tanong ni Jinn na kumapit sa polo n’ya. ”Malamang, ano naman ang gagawin ko rito?” ”Eh, `di s’yempre, aalagaan mo `ko!” ”Ay sobra, ang kapal talaga ng face! Ano akala mo sa `kin, personal nurse mo?!” ”P’wede, or you could always be my special omega,” sabi ni Jinn na tumaas-taas ang mga kilay. Natahimik si Rome na nagkulay mansanas ang mukha. “O, kakulay mo na yung apple na pinag-uuka mo kanina!” pang-asar ni Jinn, sabay tawa.
“Haaay... sana Friday na!” sabi ko kay Aveera nang lunch time, “Sana nasa bahay na `ko kasama si Louie!” “Ugh... Sana nasa ibang lugar ako, `wag lang dito.” sabi naman ni Aveera na umiwas ng tingin sa dalawang naglalambingan sa harap namin. “Hindi pa ba ubos nasa bibig mo? Subo ka pa nito... Ah~” sabi ni Rome habang kapit ang punong kutsara sa bibig ni Jinn. “Shandayi, pungu pah” shagot ni Jinn na namumulunan ang bibig. Miyerkules na, nakapasok din sa wakas si Jinn matapos ng ilang tests at interrogations mula sa mga pulis. Kasalukuyan s’yang nagpapasubo kay Rome dahil naka benda pa ang isa n’yang braso. “Bilisan mo nguya! Inom ka ng tubig! Lumunok ka na! Dali, nangangalay na braso ko!” Uminom nga ng tubig si Jinn gamit ang kanang kamay n’ya. ”Ayan, subo na ko, ahhn~” Feel na feel n’ya ang pamba-baby sa kan’ya ni Rome! ”T-tandaan mo, ha! Ngayon lang `to dahil `di mo magamit ang kaliwang braso mo!” pagpap
‘Hintayin mo na lang kami sa bahay, pauwi na rin kami, baka mgasalisi pa tayo,’ sabi sa akin ni Louie sa telepono. “Eh, bakit si Mercy, nandyan!?” tanong ko habang nakasakay sa kotse at papunta sana’ng ospital. ‘Hindi ako pumasok, I had a hunch na gigising si Kuya ngayon!’ sagot ni Mercy sa background. “Pauwi na ba talaga kayo?” tanong ko pa `uli. ‘Oo, nag-uusap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay, just wait for us back home, okay?’ “Tungkol saan?” ayan, kinabahan tuloy ako. Tungkol kaya `yun sa amin ni Louie? ’Basta’t hintayin mo na lang kami sa bahay, okay?’ “Okay,” sagot ko kay Louie. Naputol na ang linya. Binaba ko ang cell at huminga ng malalalim. Hindi naman siguro `yun tungkol sa amin ni Louie, `di ba? `Di naman siguro tutol si Nathan sa relasyon namin. Haay, ayan nanaman ako, eh, over thinking nanaman! Umiling na lang ako ng ilang ulit para maalis ang
Natahimik ang silid. Tumingin ako kay Doc Eric na tila nanghahamon ang titig kay Louie ko, at kay Louie na pumupungay ang mga mata sa galit. Tapos ay napansin ko sina Mercy na nananahimik at nakatitig lang sa pagkain nila. Muli ko’ng tinignan si Doc Eric. ”Si Papa Jonas po ba sinasabi ninyo?” tanong ko sa kanya. Napatingin silang lahat sa akin. ”Oo, ang kapatid ko na minarkahan ng isang `yan, hindi naman sila bagay sa isa’t-isa!” galit na sagot ni Doc sa akin. Sasagot na sana si Louie sa kan’ya, pero pinisil ko ang kanyang kamay. ”Pano n’yo naman po nasabi?” patay malisya ko’ng itinanong. ”Obvious ba? Ayan ka na nga, o, ang tunay n’yang fated pair! Sa madaling salita, pinagkait n’ya sa kapatid ko ang tunay nito’ng destiny, mula nang kagatin n’ya ito noong estudyante pa sila!” Napansin ko’ng mag-flinch si Louie. Alam ko, napakasakit para sa kan’ya ang mga salitang iyon. ”Pero Doc , `di po ba, sabi mo sa `
Matapos mag-merienda ay umakyat sina Nathan at Reubert sa kuwarto para hakutin ang mga gamit niya. Kami naman ay pumunta sa den kasama sina tito Eric at Dr. Aahmes Abdel para mag-usap.“So, Dr. Abdel, what do you need to know?” tanong ni Louie sa guwapong arabo na naglagay pa ng tape recorder sa tapat namin.“As you well know, I am a part of the omega resesarch team,” panimula ni Dr. Abdel, “I have been researching about fated pair mates around the world, and would like to know about your relationship.”“Bakit, hindi naman totoo ang mga fated pairs, `di ba?” pabirong sabi ni Louie habang nakatingin kay tito Eric na nakatalikod nanaman sa kan’ya. Hindi s’ya pinansin nito.Sa totoo lang, para silang dalawang bata na nag-aaway.“Don’t mind him, he’s too narrow minded to admit the existance of fated pairs,” sabi ni Dr. Abdel. “and too stubborn to admit his mistake
“Ugh! Bakit ba ang tagal ng Friday!” naiinis ko’ng sabi habang nakayuko sa mesa. “Gusto mo quiz day na agad, eh, mukhang walang pumasok sa ulo mo buong araw?” tanong ni Aveera. “Kasi naman, ang tagal dumating ng bukas, eh!” reklamo ko, “Tapos, absent pa pareho sina Rome at Jinn! Ni wala tayong balita sa kanila!” “Malamang nasa ospital pa sila, nagpapagaling.” sabi ni Aveera. “Malamang busy ang dalawa, nag-s-schedule na ng kasal!” sabi ko, na nakutusan ng kaibigan ko. “Ayan ka nanaman, `wag nga puro kalandian ang laman ng kokote!” “Class, settle down!” tawag ni Mrs. Villa na pumasok na sa silid para sa aming last class. “Since it’s already April, results for the entrance exam in M University have come out!” Lumakas ang ugong sa classroom dahil sa bulungan ng mga kaklase namin. “Naku, lumabas na pala ang results! Sana nakapasa ako!” sabi ni Aveera na magkahawak ang kamay at nagdadalangin. “Good luck, Glenn
Pagdating sa parking lot ay natagpuan ko agad ang sasakyan ni Louie. Pumarada kami malapit dito, sa parteng madilim, para `di n’ya mapansin ang sasakyan namin. Habang naghihintay naman ay nag-aral ako sa kotse sa tulong nina Ate Sol. Syempre, kailangan pa rin maka-perfect sa quiz bukas!Tinatanong pa ako ni Ate Sol ng chemical formula ng Gypsum, nang makita ko’ng lumabas ng building ang Louie ko!“Ayan na si Atorni.” sabi sa kin ni Ate Mira.“Oo, sandali, baka makita n’ya ko `pag lumabas agad ako!”Sa kabilang side ako ng kotse lumabas at dahan-dahang umikot palapit kay Louie, nang may napansin ako’ng humahabol sa kan’ya.“Louie!” tawag ng isang babae na parang galit ang boses, “How dare you walk away from me!”Namukhaan ko ang babae sa paglapit n’ya.Si Atty. Ivy!Galit na galit ang itsura n’ya, dikit ang perfact na kilay sa