All Chapters of Entangled (The Ledesma Legacy Series 1): Chapter 21 - Chapter 30

75 Chapters

CHAPTER TWENTY

"Ang una po nating pupuntahan ay ang Sohoton Cove." Habang nagsisimulang lumayag ang bangkang de motor, nagpapaliwanag sa amin si Bradley sa mga destinasyon namin sa island hopping ngayong araw na ito. Kami-kami lang din ang sakay ng bangka, kaming tatlo nila Sir Maui at Sir Frank, dalawang staff ng resort at dalawang crew na siyang nagpapatakbo ng bangka. "Pagdating po natin doon, magta-transfer po tayo ng bangka para maikot niyo po 'yong jellyfish sanctuary. Mas maliit na bangka po kasi ang puwede lang pumasok doon," pagbabahagi pa ni Bradley. Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan lang ang lahat. Kaso napansin ko na medyo tahimik si Sir Frank. Nang humupa na ang usapan at naging abala na sa kanya-kanyang pagsa-sight-seeing at iba pang mga bagay ang mga sakay ng bangka, naisipan kong tanungin si Sir Frank. "Sir, okay lang po ba kayo?" "Uhh...yeah. Just a little bit of hangover I guess." Bahagya siyang ngumiti para ipakitang ayos lang siya. "Naalala ko tuloy 'yong kape m
last updateLast Updated : 2022-04-07
Read more

CHAPTER TWENTY-ONE

   Kinabukasan, pagbalik namin sa tahanan ni Tatay Gabriel ay naghanda siya ng konting salu-salo para sa amin. Inaasahan niya na ang pagdating namin ngayong araw dahil tinawagan ko na siya kahapon.   "Kailan ba ang balik niyo ng Maynila?" tanong ni Tatay Gabriel.   "Bukas na po," sagot ko.   Napuno ang salu-salong iyon ng mga kuwento ni Tatay Gabriel. Ang iba roon ay naikuwento niya na rin sa akin noong naglakad-lakad kami sa dalampasigan. Mukha namang interesado ring makinig ang mga kasama ko.   Matapos kumain ay inilibot kami ni Tatay Gabriel sa lugar.   Nang magpaalam kami kay Tatay Gabriel ay saka ko iniabot sa kanya ang ginawa kong watercolor art. "Sana po ay magustuhan niyo."   "O, itong bahay ito, ah!" bulalas niya.   "Opo. Para may alaala pa rin po kayo nitong bahay niyo, at ng orihinal na anyo ng lugar na ito." Ngumiti ako. "Dalhin niyo po
last updateLast Updated : 2022-04-09
Read more

CHAPTER TWENTY-TWO

   Para akong lutang habang kausap si Sir Maui. Huli na nang maisip ko na dapat ay tanungin ko muna si Sir Frank. Baka kasi may lunch meeting siya na tinanggap na hindi dumaan sa akin. Mayroon kasing mga kliyente na dumidirekta sa kanya.    Pumasok ako sa opisina at nag-check ng online calendar. Dito kami nagse-set ng mga appointment at kaming dalawa lang ni Sir Frank ang may access dito.    Lunch with staff.    Staff? OVPEA Staff? Kami? Hindi ko ito alam at wala ito kahapon sa online calendar.    "In-enter ko 'yan diyan kagabi pero ikaw na ang magsabi sa lahat." Nagulat pa ako nang may
last updateLast Updated : 2022-04-09
Read more

CHAPTER TWENTY-THREE

     "S-sigurado po kayo, Sir?" Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa kanya. "Ako po?"      "No other than you." diretso niyang sagot.      Hindi ko alam kung anong isasagot doon.  Napalunok na lang ako.      "I don't know if you still remember the first time we talked in the elevator," muli siyang nagsalita. "From then on, you're in my mind. I'm even asking myself why I haven't seen you before."      Pasimple kong kinurot sa ilalim ng lamesa ang bahagi ng braso ko na malapit sa pulso. Baka sakaling magising na ako sa panaginip na ito. Pero walang nagbago. Nandito pa rin ako.  
last updateLast Updated : 2022-04-09
Read more

CHAPTER TWENTY-FOUR

"Floring, halika nga rito." Sumenyas si Ate Aira sa akin na lumapit sa kanila kahit naglalakad naman na ako patungo sa grupo nila. Nakita kong tumayo si Gino para kumuha ng bakanteng upuan sa ibang table at inilipat sa lamesa nila. Dito ako magla-lunch ngayon sa pantry ng Accounting Department dahil may meeting si Sir Frank sa labas ng LDC. Hindi naman na niya ni-require na sumama ako. Iyong mga kasamahan ko sa OVPEA, as usual, sa labas ulit sila kumain. Nang makalapit ako sa kanila ay nagpasalamat ako kay Gino at doon na rin naupo. "O, ba't parang mga excited kayo diyan?" Pinuna ko sila. Nakangiti kasi silang lahat at parang may chismis na gustong i-spill sa akin. O alam na rin nila? "Alam mo ba, dumaan dito si..." Saglit na huminto sa pagsasalita si Cheska at luminga-linga muna sa paligid, wari bang tinitiyak kung may makaririnig sa kanya. Tapos ay saka bumaling ulit sa amin at nagsalita sa mas mahinang boses. "...si Sir Maui. No'ng Lunes. May pasalubong sa lahat,
last updateLast Updated : 2022-04-15
Read more

CHAPTER TWENTY-FIVE

   "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sir Frank sa akin.   "Po? M-may nagpapunta po sa 'kin dito." Itinaas ko ang mga hawak kong cardboard at ipinakita sa kanya.   "Ano 'yan?" Lumapit siya sa akin.   "May mga messages po," tugon ko.   Binasa niya ang mga nakasulat sa bawat cardboard at umiling siya pagkatapos. "Hindi ko alam 'yan. Nagpapahangin lang ako dito."   "Okay po. Babalik na lang po ako." Naisip ko kasi na baka gusto ni Sir Frank na mapag-isa.   Tatalikod na sana ako nang magsalita siya, "I think, alam ko na kung sinong na
last updateLast Updated : 2022-04-15
Read more

CHAPTER TWENTY-SIX

Baka dalhin ako ni Sir Frank sa kuwartong iyon at gahasain ako. Patay ako. Wala akong kalaban-laban kahit mag-demanda ako. Una, ako ang kusang-loob na pumunta rito sa penthouse niya, at pangalawa, malamang mabaligtad pa ako sa dami ng pera at laki ng impluwensiya niya. Paano na ba ito? "Hello, earth to Florence." Kumaway pa siya sa harap mismo ng mukha ko noong hindi pa rin ako kumilos. "Sir..." Napahigpit ang hawak ko sa mga envelope na hawak ko. Tila ba doon ako kumukuha ng lakas. Ewan ko na. "I can't stand for too long, please." Ma-awtoridad ngunit may kalakip na paki-usap iyon. "Let's get this over and done with." Inisip ko na lang na baldado siya ngayon. Kung may balak man siyang masama, matatakasan ko siya. Pumasok ako sa loob ng home office niya. Tulad ng sala ay halos puro salamin din ang nakapalibot doon. Inaasahan ko na doon siya mauupo sa desk pero naglakad siya patungo sa circular conference table at naupo sa isa sa mga swivel chair doon. Tinangka ko s
last updateLast Updated : 2022-04-26
Read more

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"Sir, eh...eh siguro po, next time na lang?" alanganing tugon ko. Naisip ko kasi na hindi rin magandang tignan na abutan ako ng gabi sa penthouse ng isang lalaki na kaming dalawa lang. Saka isa pa, baka ma-tsismis ako sa opisina kung paunahin kong paalisin si Kuya Primo.    "Okay, then." Tumango lang siya at kita ko ang pagka-dismaya sa mga mata niya.    "Mauna na po ako." nagpaalam na ako bago pa tuluyang maawa sa kanya. "'Wag niyo na po ako ihatid sa pintuan para 'di na po kayo tumayo. Alam ko naman na po 'yong daan palabas."    "Are you sure?" Unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Baka sa ibang kuwarto ka na naman.."    "Sir!" Halos panlakihan ko siya ng mga mata nang putulin ko ang sinasabi niya.    "Chill." Tumawa siya. "Joke lang."    Hindi ko napigilang mapa-ingos. Ewan ko naman kung bakit natawa siya lalo.    "Bye, Florence." Nap
last updateLast Updated : 2022-04-26
Read more

CHAPTER TWENTY-EIGHT

"Yes, Florence. In the first place, ikaw rin naman ang gumawa ng presentation about the resort in Siargao so alam mo na rin kung paano ilalatag 'yon." Dinagsa ng kaba ang dibdib ko. "Pero ang kaya ko lang po i-present ay 'yong nalalaman ko po. Paano po kung tanungin nila ako ng mga bagay na 'di ko alam? O mga bagay na kayo lang po ang makakasagot?" "Just tell them you'll check it with me and I'll present it next meeting, ako nang bahala ro'n. They won't take it against you," aniya. "Ang sasabihin mo lang, 'yong nalalaman mo. And for sure, kung may mga itatanong sila, it's based on what you presented." Natahimik ako. Mga malalaking tao ang miyembro ng Board of Trustees ng Ledesma Development Corporation. Mga propesyunal sa kani-kanilang mga larangan at nasa matataas ding posisyon sa mga kumpanya under Ledesma Holdings. Ang iba rin sa kanila, sa pagkakaalam ko, ay mga Ledesma rin at kamag-anakan ni Sir Frank. "Kayang-kaya mo naman 'yon," dagdag pa niya na animo'y bilib na
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more

CHAPTER TWENTY-NINE

   Hiyang-hiya ang pakiramdam ko kahit wala naman akong ginawang masama. Ngunit magkaganoon man, tatapusin ko pa rin ang pine-present ko. Trabaho ito at hindi ko puwedeng iwanan sa ere.    "Wait, before we start meddling with something personal, let us at least let her finish." Pumagitna ang company President na si Sir Thomas.  "I hope you, Ledesma youngsters, would know the proper time to declare your love to a lady. Look, she's blushing."    Wala sa loob na napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Ayos na sana, kaso pinuna niya pa iyon. Natawa ang ilan sa mga naroon sa meeting.    "Come on, young lady, continue," aniya pa.    Bahagya akong tumango. "I'm...I'm down to my last slide na po."    Hindi ko na alam kung paano ko naitawid ang mga sumunod na sandali. Iyon na yata ang pinaka-awkward na nangyari sa buhay ko. Tapos ay mataman pang nakatingin sa akin si Sir Maui at si Sir Fr
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
PREV
1234568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status