All Chapters of Entangled (The Ledesma Legacy Series 1): Chapter 31 - Chapter 40

75 Chapters

CHAPTER THIRTY

"Good morning." Isang malamig at suwabeng boses ang narinig ko mula sa likuran ko habang naghihintay ako ng pagbukas ng elevator. Nagme-message pa naman ako sa rider na magde-deliver ng in-order kong BTS night lamp online. Mukhang alam ko na kung sino. Lumingon ako, at tama nga, "G-good morning po, Sir Frank. Ang aga niyo po yata ngayon?" "Inspired." Ngumiti siya ng mapanukso sabay kindat sa akin. Bahagya akong napa-atras kasi hindi ko napaghandaan iyon. Aware naman ako noon pa na guwapo si Sir Frank, pero tila ba mas gumuwapo siya sa paningin ko nang gawin niya iyon. Bumukas ang elevator. Nagbigay-daan ako para paunahin siyang makasakay gawa nang sanay naman akong nauuna siya lagi sa akin lalung-lalo na sa paglalakad. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya kumilos. "Ladies first." Nasa labi niya pa rin ang mapaglarong ngiti. "My first lady." "Hala ka, Sir." Pumasok na ako sa elevator bago pa magsara iyon. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa habang
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more

CHAPTER THIRTY-ONE

"Sir, ito po 'yong mga documents for review niyo po." Iniabot ko kay Sir Frank ang folder na naglalaman ng mga dokumento na kailangan niyang makita. "Sabihin mo na lang sa akin kung tungkol saan 'yang mga 'yan," aniyang nakangiti pero seryoso ang tono ng pananalita. "'Yong dalawa po dito Sir ay draft ng reply natin sa proposal ni Mr. Chan at Mr. Robles," tugon ko. "I-finalize mo na 'yan para mapirmahan ko na. I won't look at the drafts anymore." Nakatuon ang mga mata niya sa akin habang nagsasalita. "I'm pretty sure that you have written those correctly." "S-sige po." Tumango ako nang biglang may mapansin akong bago sa kanya. "B-black na po 'yang buhok niyo, Sir!" "Kahapon pa 'yan." Napa-iling siya. "Ngayon mo lang talaga napansin?" "Sorry po." Saglit akong napa-isip. "'Yan po ba 'yong sinasabi niyo kahapon na 'di ko po kamo napupuna?" "I just wanted to look decent for you, so I changed my ash grey hair." Nagkibit-balikat siya. "Wala naman talaga 'kong pakialam
last updateLast Updated : 2022-04-29
Read more

CHAPTER THIRTY-TWO

"Anak, 'yan na yata 'yong boss mo." Isang itim na BMW ang pumarada sa labas ng bahay namin. Kotse nga iyon ni Sir Frank. Kabisado ko na rin dahil kapag maraming dokumento ang kailangan niyang iuwi sa bahay ay tinutulungan ko siyang magbitbit ng mga iyon hanggang sa parking lot. Minsan, ang gamit naman niya ay iyong Ferrari niyang kulay pula. Napalunok ako nang bumaba siya mula sa sasakyan sabay hubad ng suot na shades. Naka-ternong coat and slacks siya na kulay kalawang, puting collared polo sa ilalim ng coat at off-white naman iyong tie. Edgy talaga manamit si Sir Frank. Iyon bang mismatch ang mga kulay pero kapag siya na ang may suot, tila bumabagay na sa bawat isa. Mahilig rin siya sa mga kulay na kakaiba maliban kapag nasa opisina kami na ang lagi namang suot ng mga boss ay itim na coat at slacks. Si Mama ang nagbukas ng pinto nang kumatok si Sir. "Magandang hapon, Mommy. Nandito po ulit ako. Huli po tayong nagkita noong galing po kaming Siargao nito ni Florence,
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

CHAPTER THIRTY-THREE

Hindi ako sigurado kung narinig ko nang malinaw ang sinabi ni Sir Frank, kaya lumingon ako sa kanya. Pero nang gawin niya iyon ay halos magkalapit na ang mukha namin sa isa't isa, kaya napa-atras ako. Magtatanong sana ako pero nagsalita na iyong host sa stage. Nabaling doon ang atensyon ko. Tapos ay dumating pa si Fraiel, ang bunsong kapatid ni Sir Frank at doon naki-upo sa table namin. Nagkuwentuhan sila, hindi nakikinig doon sa sinasabi ng ngayong nasa entablado na CEO ng Ledesma Food Corporation. "Hey, if this gets boring to you, just tell me," pabulong niyang sabi sa tenga ko. Napatuwid ako ng upo nang maramdaman ang init ng hininga niya. Pakiramdam ko ay tumayo ang mga balahibo ko sa batok. "O-okay lang n-naman po ako," tugon ko sa mahina ring boses habang nakatuon pa rin ang mga mata ko sa nagsasalita sa harap. Natatakot akong humarap sa kanya dahil may dumalaw sa aking damdamin na hindi ko maipaliwanag. Para akong may pakiramdam na mahuhulog sa bitag kapag tumingin
last updateLast Updated : 2022-05-05
Read more

CHAPTER THIRTY-FOUR

Diyos ko po! Ang puso ko! Kung hindi lang nakapatong sa balikat ni Maui ang kamay ko, baka napahawak na ako sa dibdib ko. "Hindi ko alam kung totoo 'yan. P-pero salamat." Bahagya akong tumango. Tumawa siya. "It's true. You will always stand out for me. I could find you in a sea of people, and your smile will surely light my way." Nahigit ko ang paghinga ko. Totoo ba talaga 'to? Diyos ko po, parang panaginip. Marami pa kaming napag-usapan ni Maui. Naka-ilang palit na ng tugtog ngunit hindi pa kami umaalis sa kinaroroonan namin. Parang ayoko na itong matapos kahit medyo masakit na ang paa ko sa suot kong sapatos. "Come, you must be tired already," aniya. "Medyo matagal na rin tayong nakatayo." Tumango ako. Inalalayan niya ako habang naglalakad upang hindi makabangga ng ibang mga pares na sumasayaw. "I'll introduce you to my family," masayang sabi niya na tila ba excited sa ideyang iyon. Kinabahan ako. "H-ha?" "They actually know about you already 'cause I t
last updateLast Updated : 2022-05-06
Read more

CHAPTER THIRTY-FIVE

"Mama, ngayon ka na po pupunta kay Tita Tasing?" tanong ko nang makitang bihis na siya samantalang napaka-aga pa. Alas-otso lang ng umaga. "Oo, para makabalik din agad," tugon niya habang sinusuklay ang basa pang buhok. "Hala. Akala ko po ba ay sasamahan kita." Tiniklop ko ang ginamit kong kumot. "Paano mo 'ko sasamahan, aber, eh nandiyan ang boss mo?" aniya. "Ang mabuti mong gawin eh asikasuhin 'yon. Timplahan mo ng kape o bigyan mo ng mainit na sabaw." "Mamaya ka na po kasi pumunta." Gusto ko talagang sumama gawa ng nais ko ring makita ang mga pinsan ko doon. "Ay, kita mo namang kung gaanong kahaba mag-istorya 'yong kapatid kong 'yon. Anong oras na naman tayo aabutin doon kung mamaya pa tayo aalis," pag-kontra ni Mama sa sinasabi ko. "Kung 'di lang kailangan kong dalhin 'yong mga order niyang leche flan." "Daya nito ni Mama. Nag-almusal na po ba kayo?" Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa kama kung saan magkatabi kaming natulog kagabi. "Nag-prito lang ako ng
last updateLast Updated : 2022-05-06
Read more

CHAPTER THIRTY-SIX

"Uhmm...okay lang ba 'to sa 'yo? Palitan na lang kaya natin? Baka 'di ka nag-eenjoy," suhestiyon ko. "It's okay. I'm actually enjoying it," aniya. "Never seen Filipino movies for a long time." "Ito na lang pong 100 Tula Para Kay Stella," patuloy akong nag-suggest. "O itong Hello, Love, Goodbye." "Napanood mo na yata lahat 'yan, eh." Mula sa screen ay sa akin naman siya tumingin. "P-puwede namang ulitin." Feeling ko kasi mas makaka-relate siya sa mga iyon kaysa dito sa pinapanood namin na ang babata ng mga bida. "Ikaw ang bahala." Ngumiti siya. "Anong uunahin natin do'n sa dalawang sinabi mo?" "'Yong kay Stella na lang muna. Maganda 'yan." Sa wakas at pumayag siya. Nakaka-asiwa rin palang manood ng story line na halos parehas ng nagaganap sa akin sa tunay na buhay. Sa pelikula nga lang, maganda si Kath kaya natural na pag-agawan siya. Ako, ewan ko kung bakit. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay nagsalita si Sir Maui, "Hey, sweetheart. You seemed too carried a
last updateLast Updated : 2022-05-06
Read more

CHAPTER THIRTY-SEVEN

"So were staying at Mr. Cabrera's house, right?" tanong ni Sir Frank habang sakay kami ng elevator patungo sa helipad. Sa ikalawang pagkakataon ay patungo ulit kami sa Siargao upang asikasuhin ang mga paunang pangangailangan sa resort. Pero hindi tulad noong una, hindi na namin kasama si Maui ngayon. "Opo." Tumango ako. "Para po kasing inappropriate na mag-stay pa tayo sa isang resort pero resort din po ang ipatatayo niyo doon." Nagkatawanan kami. "Saka po si Tatay Gabriel ang nag-offer nang sabihan ko siya na babalik po tayo doon," sabi ko pa. "He seems so fond of you," pagpuna niya. "Ah, nami-miss lang po siguro no'n 'yong mga anak niya," pahayag ko. "At ako naman po, baka nakakita lang ng father figure sa kanya." Alam kong magtatanong pa siya tungkol sa sinabi ko ngunit sumapit na kami sa helipad kung saan naroon ang chopper na magdadala sa amin sa Siargao. Napahawak ako sa dibdib ko. Medyo maliit lang kasi iyon at tila ba kitang-kita ang buong kapaligiran mula
last updateLast Updated : 2022-05-12
Read more

CHAPTER THIRTY-EIGHT

"Sorry, hindi uubra 'yong totoong candlelight kasi ang lakas ng hangin. Kaya electronic na lang 'yan," paliwanag ni Sir Frank. Napatingin ako sa tinutukoy niyang mga puting tea light na kandilang nakapatong sa mga wooden planks sa buhanginan. Mga LED candles nga iyon na ipinuwesto paikot sa magkabilang gilid ng duyan upang magsilbing liwanag, bagamat sapat na rin ang liwanag ng buwan at ang dami ng bituin sa langit. Pinauna niya akong maupo sa swing bago siya naupo sa tabi ko. Inilapag niya ang dalang gitara sa buhanginan at isinandal sa poste ng duyan. "Dapat ay iniwan niyo na lang po 'yan doon sa bahay, Sir," wika ko. "Baka mag-request ka pa, eh. Kaya dinala ko na," aniya. "But, please, not those Korean songs you're playing no'ng nag-stay ako sa bahay niyo. Their language is kinda' hard to pronounce." Natawa ako. "Aleumdaun seoljeong gamsahabnida." "Damn." Napa-iling siya. "Kasasabi ko lang. Sinasabi mo na ako ang mapang-asar pero mas malakas ka rin talagang ma
last updateLast Updated : 2022-05-13
Read more

CHAPTER THIRTY-NINE

Halos hindi na rin kami nakapamasyal ni Sir Frank nang mga sumunod na tatlong araw namin sa Siargao. Marami kasi kaming meetings na pinuntahan mula sa Municipal Mayor, Head Tourism Officer, at maging sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources. Bago pa man kami magtungo dito ay naisa-ayos ko na in advance ang mga pagpupulong na iyon. Pabalik na kami sa bahay ni Tatay Gabriel sakay ang kotse na nirentahan namin dito na mismo sa isla. Hindi na kasi aabot kung ipapa-cargo plane pa namin ang kotse ni Sir Frank o ang company vehicle patungo dito sa dami ng papeles na kailangang ihanda. "What's our schedule tomorrow?" tanong niya habang nagmamaneho. "Wala na po tayong meeting, Sir," tugon ko. "Para po makapahinga naman kayo bago po tayo umuwi sa susunod na araw. Maaga po tayong susunduin ng chopper." "Punta tayo sa...what's it called? 'Yong hindi natin napuntahan noong nag-island hopping tayo dahil late na?" tanong niya. Napa-isip ako. "Opo, 'yon
last updateLast Updated : 2022-05-18
Read more
PREV
1234568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status