"In all fairness, the food here is good," walang anu-ano'y nag-komento siya. "Tama ka nga." "Sabi sa 'yo, eh." Nag-thumbs up ako. Bagnet with garlic rice ang kanya at tapa flakes with garlic rice naman ang sa akin. "You know what, I've been a lot of places overseas, but I've never got the chance to explore our very own," pagbubukas niya ng panibagong usapan. "Siargao is surreal, and this place seems to have hidden treasures too. Ilocos for sure is a good destination also." "Oo. No'ng nagpunta kami dito ng mga kaibigan ko, do'n sa Luna, dito pa rin sa La Union, may falls do'n. Saka 'yong beach naman do'n, hindi katulad dito na sand, doon puro pebbles. Sa sobrang dami ng pebbles may Bahay na Bato na nga do'n," kuwento ko. "As in majority sa materyales ng bahay na 'yon, gawa sa bato. Tapos sa labas ng bahay may mga structures at statues na gawa din sa bato." "If only we have more time to explore this place." Napa-iling siya. "You seem to have enjoyed your stay here before.
Terakhir Diperbarui : 2022-05-26 Baca selengkapnya