Naglakad na rin ako palayo bago pa may makakita sa akin na umiiyak at mukhang miserable. Ni hindi ko man lang makita sa mga mata ni Maui na nanghihinayang siya sa pinagsamahan namin. Buong-buo na talaga ang desisyon niya. Ganoon lang kabilis siyang naniwala na ako ang may kagagawan ng design leakage. Ganoon lang kabilis niyang itinapon ang lahat. Walang patid ang pagdaloy ng mga luha ko. Naki-restroom na nga ako sa isang fastfood chain na nadaanan ko sa paglalakad para lang kalmahin ang sarili ko. Tama na, Florence. Sa bahay mo na lang iiyak 'yan, paalala ko pa sa sarili ko habang naghihilamos sa lababo. Nang matapos ako ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ako na mismo ang naawa sa sarili ko nang makita ko ang mugto kong mga mata at wala sa ayos na buhok, habang tumutulo ang mga patak ng tubig sa aking mukha. Inayos ko ang sarili ko. Nang pakiramdam ko ay mukhang kaya ko nang humarap muli sa mundo, huminga ako ng malalim bago lumabas ng restroom. "
"Ate Aira! Kumusta ka diyan?" Na-excite ako nang makita ko ang mukha ng dati kong kasama sa LDC sa screen ng phone ko. Magka-video chat kasi kami isang hapon. Nasa Dubai na siya ngayon, fresh na fresh dahil mga isang linggo pa lang nang lumipad siya roon mula dito sa Pilipinas. "Ikaw ang kumusta? Ang dami kong nababalitaan tungkol sa 'yo." Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Okay ka lang ba?" "'Yong totoo, Ate, hindi talaga." Umiling ako. "Pero kakayanin naman." "Halika na rito, samahan mo 'ko," paanyaya niya. "Iwanan mo 'yong mga nang-aaway sa 'yo diyan." "Hala, para namang nandiyan ka lang sa kabilang kanto," natawa ako at maging siya rin. Kapagkuwan ay sumeryoso siya. "Pero totoo, hiring kami dito, mamsh. Dami naming kailangan na tao. Try mo. Si Eya nga sinabihan ko na rin, eh. May Assistant Project Manager, Market Development Officer, basta madami pang iba. Send ko sa 'yo 'yong bulletin." "Kung mag-a-abroad ako, baka isipin naman ng LDC o Bermudez na
Inilabas ko ang mga oil pastels ko at iba pang mga gamit. Gusto ko lang gumuhit ngayon, ayoko munang asikasuhin ang pag-a-apply ng bagong trabaho. Tutal, may in-apply-an ako kahapon at na-initial interview na ako. Hihintayin ko na lang muna siguro iyon kung tatawag hanggang sa susunod na linggo. Sa ngayon ay sumasapat pa naman ang mga naipon ko para sa mga gastusin namin ni Mama sa araw-araw. Tama si Chanel. Pagbibigyan ko muna ang sarili ko ngayon. Ayoko muna mag-isip ng kung anu-ano. Kaso, nang hugutin ko ang sketch pad ko, dinalaw na naman ako ng kalungkutan. Nakita ko kasi iyong sketch ng mukha ni Maui, na hindi ko pa natatapos. Mabagal akong gumawa kasi hindi ko talaga forte ang pag-guhit ng mukha ng tao. Balak ko sana iyon ibigay sa kanya sa unang anibersaryo namin. Siguro sa panahong iyon ay na-perpekto ko na ang paggawa. Pero hindi na nga rin mangyayari iyon. Parang gusto ko tuloy magpakalayu-layo. Umuwi kaya muna ako sa probinsya namin? Bakasyon lang. Para
"Welcome to Dubai!" Si Ate Aira mismo ang sumalubong sa akin sa airport. Kasama niya iyong nag-interview sa akin online na HR Specialist, namumukhaan ko siya! At may isa pang lalaki na mukhang pinoy din. Ipinakilala sa akin ni Ate Aira ang dalawang kasama niya. Si Darius iyong lalaki at tama ako, pinoy siya. Iyong HR staff naman ay Indian at Binita ang pangalan. Paglabas ng airport ay isang puting van ang naghihintay sa amin, at ang driver - pinoy pa rin! Si Kuya Ben. Dumiretso kami sa apartment na tinutuluyan ng mga empleyado ng Dacha Properties, Ltd. o DPL. Habang nasa sasakyan ay hindi maubos-ubos ang kuwentuhan namin tungkol sa kahit anong bagay tungkol sa Pilipinas. Pero nag-iingles kami kasi baka akalain ni Binita na siya ang pinag-uusapan namin. Ang lakas pa namang tumawa ni Darius. Ipinakilala nila ako sa mga tenant na naroon. Lahat sila, Pilipino! Sabi ni Ate Aira, kalahati mismo ng workforce ng DPL ay mga Pinoy. Maigi naman kung ganoon at para pa rin ako
Talaga Sir? Business trip po? Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko naman kasi sigurado kung okay ba kami talaga. Baka mamaya, nagpapaka-kaswal ako pero hindi naman pala niya gusto ng ganoon. Yeah. But not here. Dito lang kasi ang connecting flight ko. If you're busy or at work, it's fine. I just got a couple of hours anyway. Magkasunod na naging menasahe niya. Tama siya, nasa trabaho pa ako sa mga oras na ito. Pero nais ko rin siyang puntahan bilang respeto na rin sa kanya, dahil dati ko siyang boss. Saka siya na mismo ang nag-message sa akin na narito siya. "Ms. Florence, Mr. Kadir is calling us." Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-iisip nang lapitan ako ni Indah. Siya ang Indonesian na kasama namin sa team. Nag-angat ako ng tingin. "All of us," dagdag pa niya. Ang sinasabi niyang Mr. Kadir ay ang aming Project Manager. "In the conference room?" tanong ko. "Yes." Tumango siya. "Okay, will follow. Thank you, Indah." Ngumiti ako. Nginitian
"Si Kimverly?!" Hindi talaga ako makapaniwala. "Sigurado ba sila?" "Proven, mamsh!" May konbiksyon ang sagot ni Eya. "Na-trace ang mga email niya at tawag doon sa kasabwat niya sa kabilang kumpanya. May mga CCTV footage din na mga ilang beses siyang pumunta sa Bermudez." Naalala ko tuloy iyong pagkakataon na nakita ko siya noon sa building ng Bermudez Builders, ngunit sabi niya nga ay hindi naman daw siya iyon. Naniwala naman ako, wala naman kasi akong nakikitang dahilan noon para magsinungaling siya. "At, ito pa, itotodo ko na ang pagka-Marites ko, ah. Ang nasagap kong chismax, itong pinagbigyan ni Kimverly ng resort plan ay jowa niya mismo," kuwento pa ni Eya. "S-sino doon?" Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko matanggap na si Kimverly ang gumawa noon. Itinuring ko siyang kaibigan. Mga ilang buwan lang ang nakalilipas ay nakapagpalitan pa kami ng PM sa Messenger. "'Yon yatang Project Manager mismo ng resort," tugon ni Eya. "'Yong si Timothy Mariano?" Kumuno
"Hindi po ako sigurado kung puwede 'yan dito," sabi ko. Kapag lumalabas kami nila Ate Aira ay grupo lagi, bagamat ang ilan sa mga kasama namin ay magjo-jowa talaga. Hindi nga lang puwedeng ipahalata dahil hindi katanggap-tanggap sa lugar na ito ang Public Display of Affection o PDA. Kahit holding hands ay bawal. "Kailan ka ba kasi uuwi ng Pilipinas?" tanong niya. "Next year pa po," sagot ko naman. "Sa 'kin ka na umuwi," pagkasabi noon ay ngumiti siya ng matamis. "Ha?" gulat na tugon ko. "Ayaw mo pa rin sa 'kin?" Nalukot ang mukha niya ngunit mukhang biro lang naman. "'Wag mong sabihing si Maui pa rin ang mahal mo? Wala ka nang pag-asa do'n." "Pumunta po kayo dito para lang ipamukha sa akin 'yan?" Bilang ganti, kunwari ay sinungitan ko naman siya. Sumeryoso siya at tumingin ng diretso sa aking mga mata. "Oo, saka para sabihin na sana, ngayon, ako naman ang piliin mo."Nagpatuloy siya, "Mukha pa namang may gusto sa 'yo 'yong boss mong Indian. Ang sama ng tingin sa
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) Florence entered into the place with her natural radiance, like a ray of sunshine in a gloomy morning, wearing a pale yellow flowy dress. I was waiting for her here in the roof deck of a restaurant, which I rented just so we could talk privately. She simply smiled as she walked towards me. I stood up to meet her and pull a seat for her across mine. For a moment, no one between us utters a word. Maybe, were waiting for each other to initiate a conversation. I'm kinda' feeling jittery, and awkward. But I invited her over, and she decided to come. So I thought I have to make this moment worthwhile. "I...uh, ordered for us." I tried not to stammer on my words, but I did. Like a school boy in front of his childhood crush. "S-salamat." Ngumiti siya na para bang nahihiya, o naiilang? I can't figure out, but maybe a combination of the two. I can't blame her as I feel the same way. "Kumusta
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's