Share

CHAPTER SIXTY

Inilabas ko ang mga oil pastels ko at iba pang mga gamit. Gusto ko lang gumuhit ngayon, ayoko munang asikasuhin ang pag-a-apply ng bagong trabaho. Tutal, may in-apply-an ako kahapon at na-initial interview na ako. Hihintayin ko na lang muna siguro iyon kung tatawag hanggang sa susunod na linggo. Sa ngayon ay sumasapat pa naman ang mga naipon ko para sa mga gastusin namin ni Mama sa araw-araw.

Tama si Chanel. Pagbibigyan ko muna ang sarili ko ngayon. Ayoko muna mag-isip ng kung anu-ano.

Kaso, nang hugutin ko ang sketch pad ko, dinalaw na naman ako ng kalungkutan. Nakita ko kasi iyong sketch ng mukha ni Maui, na hindi ko pa natatapos. Mabagal akong gumawa kasi hindi ko talaga forte ang pag-guhit ng mukha ng tao.

Balak ko sana iyon ibigay sa kanya sa unang anibersaryo namin. Siguro sa panahong iyon ay na-perpekto ko na ang paggawa.

Pero hindi na nga rin mangyayari iyon.

Parang gusto ko tuloy magpakalayu-layo. Umuwi kaya muna ako sa probinsya namin? Bakasyon lang. Para
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status