Share

CHAPTER SIXTY-THREE

"Si Kimverly?!" Hindi talaga ako makapaniwala. "Sigurado ba sila?"

"Proven, mamsh!" May konbiksyon ang sagot ni Eya. "Na-trace ang mga email niya at tawag doon sa kasabwat niya sa kabilang kumpanya. May mga CCTV footage din na mga ilang beses siyang pumunta sa Bermudez."

Naalala ko tuloy iyong pagkakataon na nakita ko siya noon sa building ng Bermudez Builders, ngunit sabi niya nga ay hindi naman daw siya iyon. Naniwala naman ako, wala naman kasi akong nakikitang dahilan noon para magsinungaling siya.

"At, ito pa, itotodo ko na ang pagka-Marites ko, ah. Ang nasagap kong chismax, itong pinagbigyan ni Kimverly ng resort plan ay jowa niya mismo," kuwento pa ni Eya.

"S-sino doon?" Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko matanggap na si Kimverly ang gumawa noon. Itinuring ko siyang kaibigan. Mga ilang buwan lang ang nakalilipas ay nakapagpalitan pa kami ng PM sa Messenger.

"'Yon yatang Project Manager mismo ng resort," tugon ni Eya.

"'Yong si Timothy Mariano?" Kumuno
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marie Bual
grabe sir frank sana all nlang tlga na my ganyan pang lalake na handang mag give way at mag antay chance muna tlga yan hahahaha go florence
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status