"Uhmm...okay lang ba 'to sa 'yo? Palitan na lang kaya natin? Baka 'di ka nag-eenjoy," suhestiyon ko. "It's okay. I'm actually enjoying it," aniya. "Never seen Filipino movies for a long time." "Ito na lang pong 100 Tula Para Kay Stella," patuloy akong nag-suggest. "O itong Hello, Love, Goodbye." "Napanood mo na yata lahat 'yan, eh." Mula sa screen ay sa akin naman siya tumingin. "P-puwede namang ulitin." Feeling ko kasi mas makaka-relate siya sa mga iyon kaysa dito sa pinapanood namin na ang babata ng mga bida. "Ikaw ang bahala." Ngumiti siya. "Anong uunahin natin do'n sa dalawang sinabi mo?" "'Yong kay Stella na lang muna. Maganda 'yan." Sa wakas at pumayag siya. Nakaka-asiwa rin palang manood ng story line na halos parehas ng nagaganap sa akin sa tunay na buhay. Sa pelikula nga lang, maganda si Kath kaya natural na pag-agawan siya. Ako, ewan ko kung bakit. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay nagsalita si Sir Maui, "Hey, sweetheart. You seemed too carried a
"So were staying at Mr. Cabrera's house, right?" tanong ni Sir Frank habang sakay kami ng elevator patungo sa helipad. Sa ikalawang pagkakataon ay patungo ulit kami sa Siargao upang asikasuhin ang mga paunang pangangailangan sa resort. Pero hindi tulad noong una, hindi na namin kasama si Maui ngayon. "Opo." Tumango ako. "Para po kasing inappropriate na mag-stay pa tayo sa isang resort pero resort din po ang ipatatayo niyo doon." Nagkatawanan kami. "Saka po si Tatay Gabriel ang nag-offer nang sabihan ko siya na babalik po tayo doon," sabi ko pa. "He seems so fond of you," pagpuna niya. "Ah, nami-miss lang po siguro no'n 'yong mga anak niya," pahayag ko. "At ako naman po, baka nakakita lang ng father figure sa kanya." Alam kong magtatanong pa siya tungkol sa sinabi ko ngunit sumapit na kami sa helipad kung saan naroon ang chopper na magdadala sa amin sa Siargao. Napahawak ako sa dibdib ko. Medyo maliit lang kasi iyon at tila ba kitang-kita ang buong kapaligiran mula
"Sorry, hindi uubra 'yong totoong candlelight kasi ang lakas ng hangin. Kaya electronic na lang 'yan," paliwanag ni Sir Frank. Napatingin ako sa tinutukoy niyang mga puting tea light na kandilang nakapatong sa mga wooden planks sa buhanginan. Mga LED candles nga iyon na ipinuwesto paikot sa magkabilang gilid ng duyan upang magsilbing liwanag, bagamat sapat na rin ang liwanag ng buwan at ang dami ng bituin sa langit. Pinauna niya akong maupo sa swing bago siya naupo sa tabi ko. Inilapag niya ang dalang gitara sa buhanginan at isinandal sa poste ng duyan. "Dapat ay iniwan niyo na lang po 'yan doon sa bahay, Sir," wika ko. "Baka mag-request ka pa, eh. Kaya dinala ko na," aniya. "But, please, not those Korean songs you're playing no'ng nag-stay ako sa bahay niyo. Their language is kinda' hard to pronounce." Natawa ako. "Aleumdaun seoljeong gamsahabnida." "Damn." Napa-iling siya. "Kasasabi ko lang. Sinasabi mo na ako ang mapang-asar pero mas malakas ka rin talagang ma
Halos hindi na rin kami nakapamasyal ni Sir Frank nang mga sumunod na tatlong araw namin sa Siargao. Marami kasi kaming meetings na pinuntahan mula sa Municipal Mayor, Head Tourism Officer, at maging sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources. Bago pa man kami magtungo dito ay naisa-ayos ko na in advance ang mga pagpupulong na iyon. Pabalik na kami sa bahay ni Tatay Gabriel sakay ang kotse na nirentahan namin dito na mismo sa isla. Hindi na kasi aabot kung ipapa-cargo plane pa namin ang kotse ni Sir Frank o ang company vehicle patungo dito sa dami ng papeles na kailangang ihanda. "What's our schedule tomorrow?" tanong niya habang nagmamaneho. "Wala na po tayong meeting, Sir," tugon ko. "Para po makapahinga naman kayo bago po tayo umuwi sa susunod na araw. Maaga po tayong susunduin ng chopper." "Punta tayo sa...what's it called? 'Yong hindi natin napuntahan noong nag-island hopping tayo dahil late na?" tanong niya. Napa-isip ako. "Opo, 'yon
"Welcome back, Florence." Ang maamong mukha ni Maui ang bumungad sa akin sa lobby ng LDC pagpasok ko isang umaga ng Biyernes. Hindi ko napigilang mapangiti. Kung bakit naman kasi napaka-guwapo ng lalaking ito. Nasabi ko kasi sa kanya kagabi nang tawagan niya ako na napaaga ang balik ko ng Maynila at kahit leave ko pa rin itong Friday ay papasok na ako. "Let's have breakfast first, before we start the day," nakangiting paanyaya niya. "Sir, b-baka ma-late ako." Napatingin ako sa malaking wall clock na nasa receptionist's area. "Ako nang bahala," aniya sa nangungumbinsing tono. "Sige na." Mukhang hindi naman niya mapapayagang tumanggi ako kaya sumang-ayon na lamang ako. Buti na lang, madalas ay 30 minutes before o mas maaga pa before my scheduled time ako pumapasok. Sa isang resto na malapit sa building kami nagpunta. "Bakit nga pala napaaga ang balik niyo?" tanong niya sa akin habang nag-i-slice ng kanyang pancake with maple syrup and strawberries. "Hindi ko a
Pag-uwi sa bahay ay tila nakalutang pa rin ako sa alapaap. Totoo na ito. May boyfriend na ako. Diyos ko po. Hindi na ako NBSB. At ang pinaka-masayang bahagi ay ang unang naging kasintahan ko ay ang lalaking hinahangaan ko ng matagal nang panahon. Pakiramdam ko ay nakangiti ako nang makatulog at tila ba nanaginip pa ako ng kasalan. Susmaryosep! Hindi ko lang sigurado kung ako ba iyong ikinakasal sa panaginip ko, basta lahat ay kulay pink mula suot ng mga babaeng nasa simbahan, mga disenyong bulaklak, at iba pang detalye. Hindi ko nga lang nakita ang sarili ko. Nagising lang ako sa tunog ng nagri-ring kong cellphone. Dinampot ko iyon at nang tignan ay si Maui. Video call! Hala. Teka. Wala pa akong kaayos-ayos. Bumalikwas ako ng bangon. Mamaya ko na lang kaya sagutin? Maghihilamos lang ako, magsusuklay, magpupulbo.. Natapos ang pagri-ring. Natatarantang tumakbo ako sa CR at naghilamos ng mukha. Narinig kong muli ang pagri-ring ng cellphone. Mabilis kong pinunasan ang mukha
Sa bahay nila Sir Frank sa Tagaytay kami nakarating ni Maui. Hindi ko alam ang tungkol sa lugar na ito, salamat na lang at nakarating na rin pala si Maui rito ng ilang beses. Nakutuban ko lang na dito dadalhin ni Sir ang mga labiˊ ng kanyang ina at hindi doon sa penthouse niya dahil ito naman ang talagang tahanan nila. Hindi na rin kasi ma-contact si Sir Frank sa kanyang Messenger at sa mismong numero niya. Marahil ay nais muna nitong mapag-isa sa kanyang pagluluksa sa pagkamatay ni Ma'am Connie. Hindi naman kami nagkamali dahil naroon nga si Sir Frank. Malugod naman niya kaming tinanggap bagamat kahit napangiti siya nang makita kaming dalawa ni Maui, bakas sa kanyang mukha ang bigat na dinadala. Kahit naparito kami para makiramay, hindi ko maiwasang mamangha sa gara ng bahay nila Sir Frank. Sobrang laki nito para sa kanilang dalawa ng mom niya, at mas lalo ngayon na mag-isa na lamang siya. Nakalulungkot isipin ang bagay na iyon. Pagpasok sa dual front door na palagay ko ay gaw
"Sir, sigurado po ba kayong dito? Parang party po ito, ah," sabi ko kay Sir Frank. Noong makarating kasi kami sa floor kung saan namin imi-meet iyong sinasabi niyang kaibigan na may proposal, sinalubong kami ng malakas na sound system at kadiliman na ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang mga strobe lights na may iba't ibang kulay. "Frank's here, guys!" Isang lalaki ang nagsalita nang makita kami. Lumapit sa direksyon namin ang mga taong naroon. Mabilis kong binilang sa utak ko ang mga tao doon, nasa pitong lalaki kasama iyong nagsalita kanina, at sampung babae. Pamilyar ang mga mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay mga model at beauty queen ang ilan sa kanila. Bahagya akong napahakbang paatras nang halos dumugin nila si Sir Frank. Halatang excited sila na makita ito. Dalawa sa mga babae na naka-suot ng bodysuit with leopard prints at black boots ang umangkla agad sa magkabilang braso ni Sir. "We missed you, bro!" "Long time!" "By the way, we heard what happened
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's