"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sir Frank sa akin. "Po? M-may nagpapunta po sa 'kin dito." Itinaas ko ang mga hawak kong cardboard at ipinakita sa kanya. "Ano 'yan?" Lumapit siya sa akin. "May mga messages po," tugon ko. Binasa niya ang mga nakasulat sa bawat cardboard at umiling siya pagkatapos. "Hindi ko alam 'yan. Nagpapahangin lang ako dito." "Okay po. Babalik na lang po ako." Naisip ko kasi na baka gusto ni Sir Frank na mapag-isa. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya, "I think, alam ko na kung sinong na
Baka dalhin ako ni Sir Frank sa kuwartong iyon at gahasain ako. Patay ako. Wala akong kalaban-laban kahit mag-demanda ako. Una, ako ang kusang-loob na pumunta rito sa penthouse niya, at pangalawa, malamang mabaligtad pa ako sa dami ng pera at laki ng impluwensiya niya. Paano na ba ito? "Hello, earth to Florence." Kumaway pa siya sa harap mismo ng mukha ko noong hindi pa rin ako kumilos. "Sir..." Napahigpit ang hawak ko sa mga envelope na hawak ko. Tila ba doon ako kumukuha ng lakas. Ewan ko na. "I can't stand for too long, please." Ma-awtoridad ngunit may kalakip na paki-usap iyon. "Let's get this over and done with." Inisip ko na lang na baldado siya ngayon. Kung may balak man siyang masama, matatakasan ko siya. Pumasok ako sa loob ng home office niya. Tulad ng sala ay halos puro salamin din ang nakapalibot doon. Inaasahan ko na doon siya mauupo sa desk pero naglakad siya patungo sa circular conference table at naupo sa isa sa mga swivel chair doon. Tinangka ko s
"Sir, eh...eh siguro po, next time na lang?" alanganing tugon ko. Naisip ko kasi na hindi rin magandang tignan na abutan ako ng gabi sa penthouse ng isang lalaki na kaming dalawa lang. Saka isa pa, baka ma-tsismis ako sa opisina kung paunahin kong paalisin si Kuya Primo. "Okay, then." Tumango lang siya at kita ko ang pagka-dismaya sa mga mata niya. "Mauna na po ako." nagpaalam na ako bago pa tuluyang maawa sa kanya. "'Wag niyo na po ako ihatid sa pintuan para 'di na po kayo tumayo. Alam ko naman na po 'yong daan palabas." "Are you sure?" Unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Baka sa ibang kuwarto ka na naman.." "Sir!" Halos panlakihan ko siya ng mga mata nang putulin ko ang sinasabi niya. "Chill." Tumawa siya. "Joke lang." Hindi ko napigilang mapa-ingos. Ewan ko naman kung bakit natawa siya lalo. "Bye, Florence." Nap
"Yes, Florence. In the first place, ikaw rin naman ang gumawa ng presentation about the resort in Siargao so alam mo na rin kung paano ilalatag 'yon." Dinagsa ng kaba ang dibdib ko. "Pero ang kaya ko lang po i-present ay 'yong nalalaman ko po. Paano po kung tanungin nila ako ng mga bagay na 'di ko alam? O mga bagay na kayo lang po ang makakasagot?" "Just tell them you'll check it with me and I'll present it next meeting, ako nang bahala ro'n. They won't take it against you," aniya. "Ang sasabihin mo lang, 'yong nalalaman mo. And for sure, kung may mga itatanong sila, it's based on what you presented." Natahimik ako. Mga malalaking tao ang miyembro ng Board of Trustees ng Ledesma Development Corporation. Mga propesyunal sa kani-kanilang mga larangan at nasa matataas ding posisyon sa mga kumpanya under Ledesma Holdings. Ang iba rin sa kanila, sa pagkakaalam ko, ay mga Ledesma rin at kamag-anakan ni Sir Frank. "Kayang-kaya mo naman 'yon," dagdag pa niya na animo'y bilib na
Hiyang-hiya ang pakiramdam ko kahit wala naman akong ginawang masama. Ngunit magkaganoon man, tatapusin ko pa rin ang pine-present ko. Trabaho ito at hindi ko puwedeng iwanan sa ere. "Wait, before we start meddling with something personal, let us at least let her finish." Pumagitna ang company President na si Sir Thomas. "I hope you, Ledesma youngsters, would know the proper time to declare your love to a lady. Look, she's blushing." Wala sa loob na napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Ayos na sana, kaso pinuna niya pa iyon. Natawa ang ilan sa mga naroon sa meeting. "Come on, young lady, continue," aniya pa. Bahagya akong tumango. "I'm...I'm down to my last slide na po." Hindi ko na alam kung paano ko naitawid ang mga sumunod na sandali. Iyon na yata ang pinaka-awkward na nangyari sa buhay ko. Tapos ay mataman pang nakatingin sa akin si Sir Maui at si Sir Fr
"Good morning." Isang malamig at suwabeng boses ang narinig ko mula sa likuran ko habang naghihintay ako ng pagbukas ng elevator. Nagme-message pa naman ako sa rider na magde-deliver ng in-order kong BTS night lamp online. Mukhang alam ko na kung sino. Lumingon ako, at tama nga, "G-good morning po, Sir Frank. Ang aga niyo po yata ngayon?" "Inspired." Ngumiti siya ng mapanukso sabay kindat sa akin. Bahagya akong napa-atras kasi hindi ko napaghandaan iyon. Aware naman ako noon pa na guwapo si Sir Frank, pero tila ba mas gumuwapo siya sa paningin ko nang gawin niya iyon. Bumukas ang elevator. Nagbigay-daan ako para paunahin siyang makasakay gawa nang sanay naman akong nauuna siya lagi sa akin lalung-lalo na sa paglalakad. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya kumilos. "Ladies first." Nasa labi niya pa rin ang mapaglarong ngiti. "My first lady." "Hala ka, Sir." Pumasok na ako sa elevator bago pa magsara iyon. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa habang
"Sir, ito po 'yong mga documents for review niyo po." Iniabot ko kay Sir Frank ang folder na naglalaman ng mga dokumento na kailangan niyang makita. "Sabihin mo na lang sa akin kung tungkol saan 'yang mga 'yan," aniyang nakangiti pero seryoso ang tono ng pananalita. "'Yong dalawa po dito Sir ay draft ng reply natin sa proposal ni Mr. Chan at Mr. Robles," tugon ko. "I-finalize mo na 'yan para mapirmahan ko na. I won't look at the drafts anymore." Nakatuon ang mga mata niya sa akin habang nagsasalita. "I'm pretty sure that you have written those correctly." "S-sige po." Tumango ako nang biglang may mapansin akong bago sa kanya. "B-black na po 'yang buhok niyo, Sir!" "Kahapon pa 'yan." Napa-iling siya. "Ngayon mo lang talaga napansin?" "Sorry po." Saglit akong napa-isip. "'Yan po ba 'yong sinasabi niyo kahapon na 'di ko po kamo napupuna?" "I just wanted to look decent for you, so I changed my ash grey hair." Nagkibit-balikat siya. "Wala naman talaga 'kong pakialam
"Anak, 'yan na yata 'yong boss mo." Isang itim na BMW ang pumarada sa labas ng bahay namin. Kotse nga iyon ni Sir Frank. Kabisado ko na rin dahil kapag maraming dokumento ang kailangan niyang iuwi sa bahay ay tinutulungan ko siyang magbitbit ng mga iyon hanggang sa parking lot. Minsan, ang gamit naman niya ay iyong Ferrari niyang kulay pula. Napalunok ako nang bumaba siya mula sa sasakyan sabay hubad ng suot na shades. Naka-ternong coat and slacks siya na kulay kalawang, puting collared polo sa ilalim ng coat at off-white naman iyong tie. Edgy talaga manamit si Sir Frank. Iyon bang mismatch ang mga kulay pero kapag siya na ang may suot, tila bumabagay na sa bawat isa. Mahilig rin siya sa mga kulay na kakaiba maliban kapag nasa opisina kami na ang lagi namang suot ng mga boss ay itim na coat at slacks. Si Mama ang nagbukas ng pinto nang kumatok si Sir. "Magandang hapon, Mommy. Nandito po ulit ako. Huli po tayong nagkita noong galing po kaming Siargao nito ni Florence,