Home / Romance / My Little Trophy / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng My Little Trophy : Kabanata 61 - Kabanata 70

97 Kabanata

Chapter 32.2

 Umuwi si Amber na may baong ngiti. Hiling niya, sana ay masilayan niyang muli ang lalaki. Pakiramdam  niya kasi ay si Ashton Blumentrint ang kanyang nasisilayan. Naging magana rin siyang kumain ng hapunan. Hindi napalis ang kanyang ngiti hanggang sa humiga na siya sa kama. "Huwag ko na lang titigan 'yong mata niya." Mahina niyang turan kasabay ng pagyakap niya sa malaking unan.  Nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha nito. Ang medyo kulot nitong buhok, matangos nitong ilong at tila may umbok nitong labi. Aniya sa sarili, kahit trenta uno anyos na ito ay napakakisig pa rin nito.  "Gwapo naman ang asawa ko. Pinakagwapo sa balat ng earth." Usal pa ng babae. Nanatili itong nakapikit ngunit sumilay ang munting ngiti sa labi nito. Nakatulugan na niya iyon. At mula nang mawala ang kanyang mister ay ngayon lamang siya nakatulog ng mahimbing. Paggising ni Amber kinab
last updateHuling Na-update : 2022-02-21
Magbasa pa

Chapter 33.1

Hindi nakaimik ang lalaki sa kanyang tinuran. Sa halip ay napatitig ito sa kanya. Hindi kakikitaan ng kahit anumang emosyon sa kanyang mga mata. "Ayos lang naman kung ayaw mo. Walang namang pilitan 'to." Ngunit ang totoo ay tila sinaksak ang puso ni Amber  sa ideyang ayaw nitong pumayag. Hindi rin niya maintindihan  ang kanyang sarili kung bakit kailangan  niyang hilingin iyon sa lalaki. Alam naman niyang hindi ito si Ashton Blumentrint ngunit sa tuwing nakikita niya ito, pakiramdam niya ay ang kanyang mister ang kanyang kaharap. Tingin niya, sa ganoong paraan ay mababawasan ang pangungulila niya sa kanyang namayapang asawa.  "I can't promise. But I  will try." Wala pa rin itong kangiti-ngiti. Sa tuwing ganoon ang ekspresiyon sa mukha ng lalaki ay tila lalo niyang naaalala si Ashton Blumentrint. Para bang ito mismo ang kanyang kaharap.  "Thank you." Mahinang usal niya kasabay ng pagguhit ng mabining ngiti
last updateHuling Na-update : 2022-02-25
Magbasa pa

Chapter 33.2

"Mama!" Halos magkasabay ang dalawang bata sa  pagtawag sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Amber at kaagad na napabaling sa lalaking kasama  niya. Taranta niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa mga batang nakasilip sa bintana ng sala at kay Grei. Nakahinga siya ng maluwag nang masiguro niyang hindi pa nakikita ng dalawang bata si Grei dahil natakpan ito ng mayabong na halamang hibicus. "Magtago ka, dali!" Kaagad niyang turan sa lalaki. Gumuhit naman ang pagkabigla sa mukha ng lalaki ngunit wala na siyang nagawa nang  mabilis siyang hilain ni Amber patungo sa tapat ng halaman sa tabi ng gate.  "Magkubli ka!"  Marahan niya itong tinulak paupo. Nang mapunta ang tingin niya sa bahay na kanyang tinutuluyan ay nakita niyang nasa labas na ng pintuan ang kanyang kambal na anak. Pinilit na lamang ngumiti ni Amber. Gayunpaman ay kitang-kita pa rin ang pagkabalisa sa babae. Mula sa liwanag na n
last updateHuling Na-update : 2022-02-26
Magbasa pa

Chapter 34.1

"I will think about it." Iyan ang nakuhang sagot ni Amber mula sa estrangherong si Grei. Matapos ang sandaling pag-uusap nila ay umalis din agad ang lalaki. Wala itong ibinigay na kasiguraduhan ngunit gusto pa ring umaasa ni Amber. Ngunit lumipas ang dalawang araw na kahit anino ni Grei ay hindi niya nakita. Ang umaasa niyang puso ay tila naging isang lantang halaman sa isang iglap. Naiintindihan naman niya ang lalaki. Hindi biro ang pabor na kanyang hinihiling. "Baka umuwi na siya sa lugar nila." Pang-aalo niya sa isip habang nakatanaw sa malaking bintana ng kanyang silid. Aniya sa sarili, sa sandaling panahon na nakilala niya ang lalaki ay nakita niya kung gaano ito kabuti. Kahit mukha itong masungit at hindi marunong ngumiti ay ramdam niyang mabuting tao ito. "Lady Amber." Tila bumalik si Amber sa reyalidad dahil sa pagtawag. Nang lumingon siya sa pinagmulan ng tinig ay natagpuan ng kanyang mga mata ang katulong. Hindi niya naiwasan ang mag
last updateHuling Na-update : 2022-02-27
Magbasa pa

Chapter 34.2

Halos bumuntot na ang dalawang bata kay Grei. Halos hindi na bumitaw sa kanya ang dalawa. Matapos hawakan ng kambal ang magkabilang kamay ni Grei ay hinila nila ito patungo sa sofa. "C'mon, Daddy. Let's watch together." Walang naman siyang narinig na kahit anong reklamo mula kay Grei. Nagpatianod ito sa gusto ng mga bata. Puro tango at ngiti ang sukli niya sa mga hiling ng kambal. Ang isang kinatatakutan ni Amber ay hindi pa kilala ni Grei ang mga bata. Maaaring anumang oras ay mabuko sila. Buntong-hininga na lamang siyang lumapit sa kinaroroonan ng tatlo. "Mga anak, pwede ko bang mahiram saglit ang papa niyo? Kakausapin ko lang siya saglit." Napatingin naman sa isa't-isa ang kambal. "Saglit lang naman, kakausapin ko lang ang papa niyo sandali." Ginawaran niya ng ngiti ang mga bata. "Please." "Okay po." Marahang tumango si Hyde. Tila naguguluhan namang tumayo mula sa pagkakaupo si Grei. Nang tuluyan itong makatayo ay kaagad siya
last updateHuling Na-update : 2022-03-04
Magbasa pa

Chapter 35.1

"Magmeryenda muna kayo." Pilit pinasigla ni Amber ang kanyang tinig kasabay ng tuluyang paglapit sa mesa na ilang hakbang lang ang layo mula sa mga bata. "Yeheyy! We have snack." Kaagad naman siyang sinalubong ni Hade. Tuluyan na ring tumayo si Hyde at lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang dala ni Amber na pagkain. Tuluyan na nitong nakalimutan ang pinag-uusapan nila ng lalaking inaakala niyang ama. Nanatili naman si Grei sa pwesto nito at pinagsawa ang kanyang mga mata sa mag-iina. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Amber. Nang makapwesto ng upo at magsimulang kumain ang dalawang bata ay saka  kumuha si Amber ng pagkain at  lumapit kay Grei. "Meryenda muna." Iniabot nito ang ginawa niyang sandwich at isang baso ng pineapple juice.  "Salamat." Tuluyan na ring tumayo sa pagkakaupo si Grei at saka tinanggap ang hawak ng babae. "Pasensya ka na sa mga anak ko, Grei." Hinging paumanhin niya
last updateHuling Na-update : 2022-03-13
Magbasa pa

Chapter 35.2

Nagkatinginan sina Tadeo at Grei. Ilang sandali na tila sinuri nila ang isa't-isa bago bumaling sa kanya si Tado. Kitang-kita ang gulat sa mga mata nito. Umawang din ang labi nito. Ngunit bago pa ito makaimik ay mabilis na hinawakan ni Amber ang kamay nito.  "Mag-usap tayo sa labas, Tado." Kaagad na hinila ni Amber si Tadeo Miguero palayo sa pinto. Tila naman tuod itong nagpahila. Wala itong nagawa kundi bumaling na lamang ng tingin sa kay Grei na hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon. Dinala siya ni Amber malapit sa gate. Binitiwan lamang nito ang kamay niya nang magkaharap na sila.  "Huwag ka sanang masyadong ma-shock, Tado. Baka mahimatay ka." Noon na rin napabaling ang tingin ni Tado sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kitang-kita ang pangamba sa mga mata ng babae. "Huwag ka sanang maging adavance thinker, Tado. Hayaan mo akong magpaliwanag." Hindi naman umimik si Tadeo Miguero. Nanatili itong nakatingin kay
last updateHuling Na-update : 2022-03-15
Magbasa pa

Chapter 36.1

Something is off. Iyon ang naramdaman ni Amber sa mga sumunod na mga oras. Pakiramdam niya ay naging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Grei. Gayunpaman ay hindi na lamang niya ito kinompronta. Aniya sa sarili, baka kasi nag-o-overthink lamang siya. Maaaring pagod lang ang lalaki kaya biglang naging matamlay ang pakikitungo nito sa kanya. Tingin rin naman niya ay wala siyang nagawang masama. Tingin niya wala namang dahilan para magtampo o magalit ang lalaki sa kanya. "Tatabi akong matulog sa mga bata." Sandali siya nitong tinapunan ng tingin bago ito kumuha ng damit pantulog sa kanyang maleta. "Sige," maikling sagot niya. Ayaw na niyang mag-usisa pa. At isa pa maigi na rin na doon ito matulog dahil hindi rin naman siya komportable sa ideya na makakasama niya ang lalaki sa iisang silid. Hindi na rin siya kinibo ni Grei. Walang imik itong lumabas ng kanyang silid. Mukha namang naging masaya ang gabi ng mga bata dahil naririnig n
last updateHuling Na-update : 2022-03-22
Magbasa pa

Chapter 36.2

Napalunok na lamang si Amber. Hindi niya namalayan ang biglang pagsulpot ni Hyde. Buong akala niya ay nasa silid na nila ito. "Sino po si Grei, mama?" Puno ng kainosentehang tanong nito. Pilit namang itinago ni Amber ang kanyang kaba. Pinilit niyang ngumiti sa bata bago nagsalita. "Grei? May sinabi ba akong Grei?"  Napanguso naman si  Hyde. "Parang gano'n po 'yong narinig ko, mama." Awkward na lamang siya napangiti. Hindi niya mawari kung anong sasabihin niya sa kanyang anak. "Namali ka lang siguro ng dinig." Sabat ni Grei. Mahinahon ngunit wala itong nakangiti-ngiti. "By the way, bakit ka nandito?" "May sasabihin po sana ako sa inyo eh." Nagkatinginan naman sina Grei. "Ano iyon?" Si Grei na ang nagtanong. "Pwede po bang matulog sa room niyo po? Tabi po tayong lahat." Ngumiti ito na tila nagpapa-cute.  Muli namang nagtinginan sina Amber at Grei. "Na-miss ko na po ka
last updateHuling Na-update : 2022-03-23
Magbasa pa

Chapter 37.1

Bumalikwas ng bangon si Amber.  "Hindi niya pwedeng makita  ang mga bata. Baka magkwento sila at mabuko tayo. Lalo na at close pa naman sila ni Hyde." Kaagad siyang bumaba ng kama. Bago pa muling makaimik si Tado ay muli siyang nagsalita. "Hindi rin niya pwedeng makita si Grei. Malaking trouble 'to." Mabilis ang hakbang nitong tinungo ang bintana ng silid. Marahan niyang hinawi ang kurtina upang sumilip sa labas. Kumabog ang kanyang dibdib nang makita niya ang paghinto ng kulay puting Porsche ni Dark Indigo.  "Nandito na si Indigo. Anong gagawin ko, Tado?"  Naramdaman ni Amber ang panginginig. Aniya sa sarili, tiyak na malaking gulo kapag nabuking ang ginagawa niya. ["Pupuntahan kita, Lady."] Kahit papaano tila nagkaroon siya ng lakas ng loob. Tila gumana ang kanyang utak. Wala siyang sinayang na sandali. Mabilis ang hakbang niyang lumabas ng silid at tinungo ang kusina. Kulan
last updateHuling Na-update : 2022-03-25
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status