/ Romance / My Little Trophy / 챕터 71 - 챕터 80

My Little Trophy 의 모든 챕터: 챕터 71 - 챕터 80

97 챕터

Chapter 37.2

Gumuhit ang pagkabalisa sa mukha ni Amber. Tanong niya sa sarili, ano ang sasabihin niya sa binata? Ngunit bago pa siya makaimik ay tumunog ang cellphone ni Dark Indigo. Agad namang napunta roon ang atensiyon ng lalaki.  Ilang sandali nitong tinitigan ang caller ID bago ito nagdesisyong sagutin ang tawag. "I'm with Amber."  Walang kangiti-ngiting bungad nito sa caller. Ngunit maya-maya lamang ay unti-unting nagsalubong ang kilay nito. "What happened to her?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.  "Huwag mo siyang iiwan. Pupunta na ako diyan."  Nang ibaba nito ang cellphone na hawak ay kaagad nitong bumaling kay Amber.  "I'm sorry, Amber." Puno mg sinseridad ang mga mata nito. "There's an emergency and I need to go now." Pinilit namang ngumiti ng babae. "Ayos lang. Kung anuman 'yang emergency na 'yan. Sige na, pumunta ka na." "Salamat." Bago pa makaimik ang babae ay kaagad
더 보기

Chapter 38.1

Tinuyo ni Amber ang luha sa kanyang pisngi. Hindi rin niya naiwasan ang mapakunot ang noo.  "Tanders ang tawag ko sa asawa ko, Grei. Bakit? May problema ba?" Puno ng pagtatakang tanong nito. Nang hindi umimik ang lalaki ay muli siyang nagsalita. "Masama ba? Nakakabastos ba?" Kitang-kita ang pag-aalala sa magandang mukha nito.  Hindi umimik si Grei ngunit nanguyom ang kamao nito. Isang bagay na hindi naman napansin ni Amber.  "Kung bastos o masama ang dating sa'yo ,hindi naman iyon ang intensiyon ko, Grei. Gano'n ang tawag ko sa kanya kasi mas matanda siya sa'kin ng eleven years. Wala din naman akong maisip na endearment sa kanya. At saka doon na rin naman ako nasanay." Mahinahong paliwanag nito. Ngunit tila balewala naman kay Grei ang paliwanag niya. Tila iba ang laman ng isip nito.  "Hintayin na lang kita sa labas, Amber." Mahinang turan nito. Bago pa siya makaimik ay tumalikod na ang lalaki.  Parang m
더 보기

Chapter 38.2

Mula sa loob ng kotse na nakaparada sa 'di kalayuan ay matamang pinanood ni Ashton Blumentrint ang kanyang mag-iina. Tila lumukso ang kanyang puso nang makita niyang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Amber Velez-Villacorda. "Amber is very beautiful, young and a good mother to her children. I can't believed that she's legally mine." Ugong ng kanyang isipan. Nang sundan niya ng tingin ang babae ay natagpuan ng kanyang mata ang dalawang bata na nagpapasahan ng bola.  Kitang-kita niya ang pagtawa ng dalawang bata.  Hindi naman niya naiwasan ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang labi.  "Hade and Hyde are very adorable kids. How lucky am I that they are my own flesh and blood," ugong ng kanyang isipan. Para siyang maluluha sa tuwa. Aniya sa sarili, napakasuwerte niya dahil biniyayaan siya ng babaeng katulad ni Amber at may special bonus pang kambal na sobrang adorable. Halos kalahating oras din
더 보기

Chapter 39.1

Flashback... Puno ng pag-aalalang pumasok si Don Flacido sa pribadong silid ng hospital na pag-aari mismo ng mga Villacorda. "Where's my son?" Bungad niyang tanong nang makita niya ang tapat na tauhan ni Ashton Blumentrint. Hindi umimik ang lalaki sa halip ay makahulugan itong tumingin sa kanyang kanan. Nang sundan niya ang tingin nito ay para siyang tinakasan ng dugo sa nasaksihan. Mula sa glass wall ay kitang-kita niya ang nakaratay niyang anak. Makikita ang galos na tinamo nito sa kanyang mukha. Lumambot ang matapang na mukha ng Don nang makita niya ang mga aparatong nakakabit sa kanyang bunso. "Anong sabi ng Doctor, Tadeo?" Hindi nito inalis ang tingin sa walang malay na si Ashton. "Sa ngayon po, ligtas na po siya sa kamatayan pero kailangan pa pong hintayin ang results ng ibang test na ginawa sa kanya." Bago pa makaimik ang Don ay tumunog ang kanyang cellphone. Nang suriin nito ang screen ng kanyang  mobile ph
더 보기

Chapter 39.2

Awtomatikong nagkatinginan sina Don Flacido Villacorda at Tadeo Miguero. "Can't you remember me, Hijo?" Marahan at tila alanganing umiling si Ashton Blumentrint sa tanong ng kanyang ama. Kaagad namang ginagap ng Don ang kamay ng kanyang bunso. "I am your father. I am your papa, Hijo." Nang hindi umimik ang lalaki ay sandaling bumaling ang Don kay Tadeo. "And this is Tadeo, your most trusted man." Sandali namang tinapunan ng tingin ni Ashton Blumentrint ang kanyang tauhan. "Can't you remember anything?" Hindi umimik si Ashton Blumentrint sa halip ay lalo lamang lumalim ang gitla sa noo nito. Kitang-kita naman ni Tadeo Miguero ang paglunok ng Don bago ito muling nagsalita. "You are Grei." Hindi naman napigilan ni Tadeo ang napalunok sa narinig.  "You are Grei Vallejos." Walang bahid ng pag-aalinlangang turan ng Don. Lihim na lamang na nailing si Tadeo. Aniya sa sarili, ang &nbs
더 보기

Chapter 40.1

"Nasa'n na ba si Tado?" Naiinip na bulalas ni Amber.  Halos kalahating oras na rin kasi siyang naghihintay sa VIP room ng restaurant na sinabi ni Tadeo na meeting place nila.  "Pinagtri-tripan lang yata ako ng Tado na 'yon eh." Iritado niyang bulalas.  Akmang tatayo na siya upang umalis sa lugar ngunit natigilan siya nang bumukas ang pinto. Pumasok roon ang matangkad na lalaking napakagwapo ang mukha. Napakurap naman si Amber. Awtotiko rin siyang napatayo. "Grei?" Hindi niya naitago ang pagtataka. Natigilan rin si Grei sa paghakbang. Tila ba hindi nito inaasahan na makikita siya nito. "Anong ginagawa mo rito?" Pinilit niyang bigyan ito ng munting ngiti. Naaalala niyang malamig ang pakikitungo sa kanya kanina ng lalaki ngunit pinilit pa rin niyang ngitian ito. Hindi naman umimik ang ginoo. Sa halip ay tuluyan nitong isinara ang pinto at tuluyang humakbang palapit sa kanya. Kitang-ki
더 보기

Chapter 40.2

" Hayop ka, Tado!"  Muling dumapo ang isa pang malakas  na   sa kabilang pisngi ng lalaki. "Patawarin mo ako, Lady." Bahagya  itong  yumuko na para bang hiyang-hiya. "Hindi kita kinompronta noon sa ginawa mong pagsisinungaling. Kay Ashton ko ibinunton ang lahat ng galit ko noon. At mukha namang namimihasa ka na dahil  inulit mo na naman ang lokohin ako! Tarantado ka!"  Nagngangalit niyang pinaghahampas sa braso si Tadeo. Lahat naman ng iyon malugod na tinanggap ng lalaki. "Sorry, Lady." Kitang-kita ang pagpapakumbaba at sinseridad sa mga mata nito ngunit hindi naman naiwasan ni Amber ang pagtaasan siya ng kilay. "Sorry? Tingin mo ba mapapatawad kita?" Umiling-iling ito.  "Ginawa mo na naman akong tanga, Tado."  Kitang-kita ang pamumula ng mukha ni Amber dahil sa labis na galit. Bago makaimik si Tado ay muli itong nagsalita. "Imagine? Umiiyak ko ng ilang ulit sa isang
더 보기

Chapter 41.1

"At hinayaan ni balae na mangyari 'to? Pa'no na lang kung nakunan 'tong anak ko?" Humalukipkip si Amaya Velez. Hindi rin nito napigilan na paningkitan ng mata ang kanyang manugang.  Kulang na lamang ay mag-alburuto ito sa galit matapos sabihin sa kanila ni Amber ang nangyari. Mabuti na lamang at nariyan si Norberto na pumipigil sa kanyang misis. "Nakakapanggigil! Hindi man lang nila inisip ang kalagayan ng anak ko! Kung nandito lang si balae, pepektusan ko talaga 'yon!" Nagngangalit nitong turan.  "Ma!" Kaagad namang saway ni Amber sa kanyang ina ngunit hindi naman siya inintindi ni Amaya.  Ni hindi man lang  siya nito binalingan. Nanatili itong nakatingin kay Ashton Blumentrint. Para bang isa itong pulis na nasa isang interogasyon. "Iyak ng iyak ang anak ko noon tapos ngayon malalaman namin na wala naman pala siyang dapat ikaiyak." Tumaas ang kilay nito. "Gusto mo hampasin kita ng dospordos para matuluyan ka na, ha?"
더 보기

Chapter 41.2

Hindi naiwasan ni Amber ang mapasimangot habang tanaw-tanaw niya mula sa 'di kalayuan si Tadeo Miguero. Nakikipaghabulan sa dalampasigan ang lalaki sa dalawang bata. Tila naman tuwang-tuwa ang kambal habang nakikipaglaro sa kanilang Tatay Tado. Natigil lamang siyang pagmasdan ang tatlo nang maramdaman niya ang pagyakap ni Ashton sa kanyang beywang. "Huwag ka nang sumimangot, okay?" Dinampian nito ng halik ang kayang balikat.  Mahina namang napabuntong-hininga si Amber kasabay ng pagharap siya sa kanyang mister.  Kung siya lang ang masusunod ay pauwiin niya ora mismo ang lalaking kanyang kinaiinisan. "Please understand that we need Tadeo."  Puno ng sinseridad ang mga mata nito. Masuyo ring humawak ang kamay nito sa kanyang pisngi. "Let's give him a chance, please." Lalo namang nagusot ang mukha ni Amber. Aniya sa sarili, hindi pa siya handang patawarin si Tado. "We know that my life is in danger. And the c
더 보기

Chapter 42.1

Napalunok si Amber sa narinig. Hindi niya naiwasan ang mapakurap. "B-bakit?" Aniya sa sarili, sa dinami-dami ng taong pwedeng maalala ni Ashton, bakit si Indigo pa na hindi nito kasundo? "Kaninang sumakit 'yong ulo ko parang narinig ko 'yong boses mo. You mentioned a name Indigo." Tila naman nanuyo ang lalamunan ni Amber.  Naramdaman rin niya ang pagkabog ng kanyang puso.  "Ano pang sinabi ko?" Pag-uusisa niya. Marahang umiling si Ashton. "Hindi ko masyadong naintindihan."  Tila naman nakahinga ng maluwag si Amber. Sa totoo lamang ay hindi pa siya handang magkwento tungkol kay Indigo. Lalo na at para sa kanya ay awkward ang relasyon nilang tatlo. "So, who is he?" Muling napalunok si Amber sa narinig. Kumurap-kurap siya at pinilit ngumiti bago nagsalita.  "Si Indigo, pamangkin mo siya." Marahan namang napatango si Ashton bago nagsalita. "So, he's a kid?"
더 보기
이전
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status