Hindi naiwasan ni Amber ang mapasimangot habang tanaw-tanaw niya mula sa 'di kalayuan si Tadeo Miguero. Nakikipaghabulan sa dalampasigan ang lalaki sa dalawang bata. Tila naman tuwang-tuwa ang kambal habang nakikipaglaro sa kanilang Tatay Tado.
Natigil lamang siyang pagmasdan ang tatlo nang maramdaman niya ang pagyakap ni Ashton sa kanyang beywang.
"Huwag ka nang sumimangot, okay?" Dinampian nito ng halik ang kayang balikat.
Mahina namang napabuntong-hininga si Amber kasabay ng pagharap siya sa kanyang mister.
Kung siya lang ang masusunod ay pauwiin niya ora mismo ang lalaking kanyang kinaiinisan.
"Please understand that we need Tadeo." Puno ng sinseridad ang mga mata nito. Masuyo ring humawak ang kamay nito sa kanyang pisngi.
"Let's give him a chance, please."
Lalo namang nagusot ang mukha ni Amber. Aniya sa sarili, hindi pa siya handang patawarin si Tado.
"We know that my life is in danger. And the c
Hi everyone, I am super overwhelmed sa pagtaas ng views and subscribers today. Maraming-maraming salamat sa inyo. Happy 100k word count na rin para sa istoryang ito. So far, ito ang pinakahaba kong naisulat na kwento. And I would'nt go this far without you. Bilang masasalamat, I want to dedicate this chapter to all of you. Special thanks to Celso Ortiz, Bhebie Fuentes Lelis, EllaAgorin, Nolram Lacao and Julie Roxas. Thank you so much for your support.
Napalunok si Amber sa narinig. Hindi niya naiwasan ang mapakurap. "B-bakit?" Aniya sa sarili, sa dinami-dami ng taong pwedeng maalala ni Ashton, bakit si Indigo pa na hindi nito kasundo? "Kaninang sumakit 'yong ulo ko parang narinig ko 'yong boses mo. You mentioned a name Indigo." Tila naman nanuyo ang lalamunan ni Amber. Naramdaman rin niya ang pagkabog ng kanyang puso. "Ano pang sinabi ko?" Pag-uusisa niya. Marahang umiling si Ashton. "Hindi ko masyadong naintindihan." Tila naman nakahinga ng maluwag si Amber. Sa totoo lamang ay hindi pa siya handang magkwento tungkol kay Indigo. Lalo na at para sa kanya ay awkward ang relasyon nilang tatlo. "So, who is he?" Muling napalunok si Amber sa narinig. Kumurap-kurap siya at pinilit ngumiti bago nagsalita. "Si Indigo, pamangkin mo siya." Marahan namang napatango si Ashton bago nagsalita. "So, he's a kid?"
Hindi inaasahan ni Ashton ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Amber. Kinabukasan, matapos silang makauwi galing sa bakasyon ay dinala siya rito ng babae. Sa pagbaba nila ng sasakyan ay tumambad sa kanya ang magarang mansion. Malalaki ang mga bintana nito at gano'n rin ang pinto. Nangingibabaw ang kulay krema at ginto na siyang dahilan upang maging elegante ito sa paningin. "Ito ang mansion ninyong mga Villacorda," saad ni Amber matapos mapansin ang panunuri ng lalaki sa paligid. Naging dahilan naman iyon upang mapunta ang tingin n Ashton sa kanyang misis. "Nahahati ang mansion sa lima. Mayroong main house at may tig-iisang bahay para sa inyong apat na magkakapatid." Bago pa makaimik si Ashton ay nakuha ng atensyon nila ang isang tinig. "Hijo, I'm glad you're back." Parehong napunta ang tingin nina Amber at Ashton sa nagsalita. Mula sa malaking pintuan ng mansion ay lumapit sa kanila ang nakatungkod na si Don Flac
Pinanood ni Amber kung paano iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa paligid. Kitang-kita rin ang pagtataka sa mga mata nito kung bakit siya dinala ng kanyang misis sa isang makipot na eskinita. Sa paligid ay makikita ang dikit-dikit na mga bahay. Masasalamin rin ang kahirapan sa lugar dahil sa tagpi-tagping sako, lumang tarpaulin at plywood na dingding ng bahay. Bilang lamang sa mga bahay na naroon ang gawa sa semento at may maayos na bubong. "What are we doing here?" Puno ng pagtatakang bumaling siya sa babae. "Dito tayo unang nagkita. Dito tayo nagkakakilala." Hindi naman naiwasan ni Amber ang mapabuntong-hininga matapos suriin ang paligid. Aniya sa sarili, mahigit sampung taon na rin ang lumipas ngunit bilang lamang sa daliri ang nagbago sa lugar. Ilan lamang sa mga bahay ang nabago ng anyo. Kung meron man siguro kapansin-pansin na pagbabago sa lugar. Iyon ay ang pagkakaroon na ng maayos na lamp post. "Dito tayo nagkakilala?"
"Hindi, Ashton. Hindi 'yon magagawa ni Indigo. Mabuting tao ang pamangkin mo." Naging dahilan iyon upang mapatingin sa kanya si Ashton ngunit mabilis namang sumabat si Tadeo Miguero. "Pero may motibo pa rin si Young Master, Lady." Tila nagpanting ang tainga ni Amber sa narinig. Tumalim ang titig nito kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa tauhan ng kanyang mister. "Una sa lahat, Tado, wala kang patunay na may kasalanan si Indigo. Magpakita ka muna ng ebidensya bago ka mambintang!" Hindi nito naiwasan ang pagtaas ng kanyang tinig. Tila bigla niyang naramdaman ang pagkulo ng dugo niya sa lalaki. "Hindi ako nambibintang, Lady. Sinasabi ko lang po ang posibilidad." Mahinahon ang bitaw ni Tadeo sa bawat salitang kanyang binitiwan ngunit hindi pa rin naiwasan ni Amber ang mapakuyom ng kamao. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaki ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. "Lady, alam ko pong naging mabuti ang pakikitungo sa sa'yo
Hindi naiwasan ni Amber ang mapabuntong-hininga habang nakaupo siya sa kanilang kama at nakatuon ang tingin sa floor to ceiling wall ng silid. Nakaramdam siya ng guilt nang bumalik sa alaala niya ang laman ng usapan nila ni Dark Indigo. "Iniisip mong makakaya kong patayin ang uncle ko?" Gumuhit ang pait sa kulay kayumangging mga mata nng lalaki. "It's true na kaya kong hilingin na sana mawala na lang siya pero kahit kailan, hindi ko magagawang maging kriminal, Amber!" Nangislap ang mga mata nito na tila anumang oras ay maluluha ito. "I know, hindi kami okay ni Uncle. Well, matagal na kaming hindi magkasundo. Ayos lang naman sa akin na pagbintangan ako ng iba, expected ko na iyon. Ngunit ikaw? Para akong sinaksak ng ilang ulit sa puso, Amber." Puno ng hinanakit ang tinig nito. Hindi naman naiwasan ni Amber ang makonsensiya sa tinuran nito. Umawang ang labi niya upang magsalita sana ngunit bago pa siya makaimik ay muling naglit
Tila umabot sa langit ang kabog ng dibdib ni Amber nang baybayin nila ang hardin. Nang sandaling huminto siya sa harap ng kubo ay pilit tinatagan ni Amber ang kanyang sarili. Aniya sa isip, wala na iyong atrasan. Nanginginig ang kamay niyang pumitas ng kulay dilaw na hibiscus at saka siya humarap sa kanyang mister. "Dapat mong ihanda ang sarili mo, tanders." Marahan namang tumango ang lalaki. "What's the story of this place?" Puno ng pagtatakang iginala ni Ashton Blumentrint ang paningin. Kaysarap sa mata ang luntiang paligid ngunit ramdam niya ang tensiyong nadarama ng kanyang asawa. "Pasok tayo sa loob." Hindi na hinintay ni Amber na magsalita ang lalaki. Nagpatiuna ito sa pagpasok. Wala namang imik na sumunod sa kanya si Ashton. "So, anong meron dito?" Tanong nito matapos buksan ni Amber ang ilaw ng kubo. Hinarap siya ni Amber at saka nito inipit ang bulaklak sa kanyang tainga. "Ashton." Pan
Tila nagising si Ashton sa isang panaginip. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng kanyang silid. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay una niyang naisip ang kanyang kabiyak. "Amber?" Pagtawag niya sa kanyang misis kasabay ng kanyang pagbangon at paggala ng tingin sa paligid. Nang mapunta ang tingin niya ang kanyang kamay ay bumungad sa kanya ang IV fluid na nakakabit roon. Noon na niya naalala ang pagkawala ng kanyang malay. "Hijo, I'm glad you're awake now." Awtomatiko siyang napatingin sa pinagmulan ng pamilyar na tinig. Nasaksihan niya ang paglapit sa kanya ang nag-aalalang si Don Flacido. "Papa,"usal niya. "Sobra mo akong pinag-alala, Hijo." Kitang-kita ang sinseridad sa mga mata nito. "How are you feeling, Ashton?" Usisa naman ng kanyang kuya Florence na agad ring lumapit sa kanya. Sumunod rin sa paglapit sa kanyang kama ang isa pa nilang kapatid na si Gabriel. Ngunit sa halip
Labis na nanibago si Ashton Blumentrint sa kanyang pag-uwi. Walang Amber na sumalubong sa kanya sa malawak na sala ng kanilang bahay. Bagamat nagtataka ay kinalma pa rin niya ang sarili. Aniya, baka nasa kwarto lamang nila ang kanyang misis at nagpapahinga. "I'm home!" Deklara niya nang makapasok siya sa loob ng kanilang silid ngunit katahimikan ang sumalubong sa kanya. Kumabog ang kanyang dibdib kasabay ng kanyang paghakbang papasok. "Amber?" Tawag niya rito kasabay ng pagsilip niya sa walk in closet ngunit bigo siyang mahanap roon ang kanyang maybahay. Sunod niyang tinungo ang gallery room ngunit wala rin doon ang babae. Maging ang banyo at veranda ay 'di niya pinalampas ngunit bigo siyang makita ang hinahanap. Nagdesisyon siya tunguhin ang iba pang bahagi ng bahay. Pinuntahan niya sa kanilang silid ang kambal ngunit mahimbing naman ang tulog ng mga ito. Wala ring bakas na naroon ang kanyang misis. Matapos niyang ting