Share

Chapter 33.1

Author: amvernheart
last update Huling Na-update: 2022-02-25 23:13:47

Hindi nakaimik ang lalaki sa kanyang tinuran. Sa halip ay napatitig ito sa kanya. Hindi kakikitaan ng kahit anumang emosyon sa kanyang mga mata.

"Ayos lang naman kung ayaw mo. Walang namang pilitan 'to."

Ngunit ang totoo ay tila sinaksak ang puso ni Amber  sa ideyang ayaw nitong pumayag.

Hindi rin niya maintindihan  ang kanyang sarili kung bakit kailangan  niyang hilingin iyon sa lalaki. Alam naman niyang hindi ito si Ashton Blumentrint ngunit sa tuwing nakikita niya ito, pakiramdam niya ay ang kanyang mister ang kanyang kaharap. Tingin niya, sa ganoong paraan ay mababawasan ang pangungulila niya sa kanyang namayapang asawa. 

"I can't promise. But I  will try." Wala pa rin itong kangiti-ngiti.

Sa tuwing ganoon ang ekspresiyon sa mukha ng lalaki ay tila lalo niyang naaalala si Ashton Blumentrint. Para bang ito mismo ang kanyang kaharap. 

"Thank you." Mahinang usal niya kasabay ng pagguhit ng mabining ngiti

amvernheart

Hello everyone. Pasensya na kung slow update ang kwentong ito. Nagkaroon lang ako ng ganap sa life lately. At sobra akong lutang. Kaya naman salamat sa inyo na hinayaang mag-stay ang MLT sa library nito. Sobra ko kayong na-appreciate kaya naman dedicated sa inyong lahat ang chapter na ito. Special dedication to Factor Norie, Lailany Bacongan and Jayzel Bercasio Colinares. Thank you. Thank you so much po sa inyong suporta <3

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • My Little Trophy    Chapter 33.2

    "Mama!" Halos magkasabay ang dalawang bata sa pagtawag sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Amber at kaagad na napabaling sa lalaking kasama niya. Taranta niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa mga batang nakasilip sa bintana ng sala at kay Grei. Nakahinga siya ng maluwag nang masiguro niyang hindi pa nakikita ng dalawang bata si Grei dahil natakpan ito ng mayabong na halamang hibicus. "Magtago ka, dali!" Kaagad niyang turan sa lalaki. Gumuhit naman ang pagkabigla sa mukha ng lalaki ngunit wala na siyang nagawa nang mabilis siyang hilain ni Amber patungo sa tapat ng halaman sa tabi ng gate. "Magkubli ka!" Marahan niya itong tinulak paupo. Nang mapunta ang tingin niya sa bahay na kanyang tinutuluyan ay nakita niyang nasa labas na ng pintuan ang kanyang kambal na anak. Pinilit na lamang ngumiti ni Amber. Gayunpaman ay kitang-kita pa rin ang pagkabalisa sa babae. Mula sa liwanag na n

    Huling Na-update : 2022-02-26
  • My Little Trophy    Chapter 34.1

    "I will think about it." Iyan ang nakuhang sagot ni Amber mula sa estrangherong si Grei. Matapos ang sandaling pag-uusap nila ay umalis din agad ang lalaki. Wala itong ibinigay na kasiguraduhan ngunit gusto pa ring umaasa ni Amber. Ngunit lumipas ang dalawang araw na kahit anino ni Grei ay hindi niya nakita. Ang umaasa niyang puso ay tila naging isang lantang halaman sa isang iglap. Naiintindihan naman niya ang lalaki. Hindi biro ang pabor na kanyang hinihiling. "Baka umuwi na siya sa lugar nila." Pang-aalo niya sa isip habang nakatanaw sa malaking bintana ng kanyang silid. Aniya sa sarili, sa sandaling panahon na nakilala niya ang lalaki ay nakita niya kung gaano ito kabuti. Kahit mukha itong masungit at hindi marunong ngumiti ay ramdam niyang mabuting tao ito. "Lady Amber." Tila bumalik si Amber sa reyalidad dahil sa pagtawag. Nang lumingon siya sa pinagmulan ng tinig ay natagpuan ng kanyang mga mata ang katulong. Hindi niya naiwasan ang mag

    Huling Na-update : 2022-02-27
  • My Little Trophy    Chapter 34.2

    Halos bumuntot na ang dalawang bata kay Grei. Halos hindi na bumitaw sa kanya ang dalawa. Matapos hawakan ng kambal ang magkabilang kamay ni Grei ay hinila nila ito patungo sa sofa. "C'mon, Daddy. Let's watch together." Walang naman siyang narinig na kahit anong reklamo mula kay Grei. Nagpatianod ito sa gusto ng mga bata. Puro tango at ngiti ang sukli niya sa mga hiling ng kambal. Ang isang kinatatakutan ni Amber ay hindi pa kilala ni Grei ang mga bata. Maaaring anumang oras ay mabuko sila. Buntong-hininga na lamang siyang lumapit sa kinaroroonan ng tatlo. "Mga anak, pwede ko bang mahiram saglit ang papa niyo? Kakausapin ko lang siya saglit." Napatingin naman sa isa't-isa ang kambal. "Saglit lang naman, kakausapin ko lang ang papa niyo sandali." Ginawaran niya ng ngiti ang mga bata. "Please." "Okay po." Marahang tumango si Hyde. Tila naguguluhan namang tumayo mula sa pagkakaupo si Grei. Nang tuluyan itong makatayo ay kaagad siya

    Huling Na-update : 2022-03-04
  • My Little Trophy    Chapter 35.1

    "Magmeryenda muna kayo." Pilit pinasigla ni Amber ang kanyang tinig kasabay ng tuluyang paglapit sa mesa na ilang hakbang lang ang layo mula sa mga bata. "Yeheyy! We have snack." Kaagad naman siyang sinalubong ni Hade. Tuluyan na ring tumayo si Hyde at lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang dala ni Amber na pagkain. Tuluyan na nitong nakalimutan ang pinag-uusapan nila ng lalaking inaakala niyang ama. Nanatili naman si Grei sa pwesto nito at pinagsawa ang kanyang mga mata sa mag-iina. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Amber. Nang makapwesto ng upo at magsimulang kumain ang dalawang bata ay saka kumuha si Amber ng pagkain at lumapit kay Grei. "Meryenda muna." Iniabot nito ang ginawa niyang sandwich at isang baso ng pineapple juice. "Salamat." Tuluyan na ring tumayo sa pagkakaupo si Grei at saka tinanggap ang hawak ng babae. "Pasensya ka na sa mga anak ko, Grei." Hinging paumanhin niya

    Huling Na-update : 2022-03-13
  • My Little Trophy    Chapter 35.2

    Nagkatinginan sina Tadeo at Grei. Ilang sandali na tila sinuri nila ang isa't-isa bago bumaling sa kanya si Tado. Kitang-kita ang gulat sa mga mata nito. Umawang din ang labi nito. Ngunit bago pa ito makaimik ay mabilis na hinawakan ni Amber ang kamay nito. "Mag-usap tayo sa labas, Tado." Kaagad na hinila ni Amber si Tadeo Miguero palayo sa pinto. Tila naman tuod itong nagpahila. Wala itong nagawa kundi bumaling na lamang ng tingin sa kay Grei na hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon. Dinala siya ni Amber malapit sa gate. Binitiwan lamang nito ang kamay niya nang magkaharap na sila. "Huwag ka sanang masyadong ma-shock, Tado. Baka mahimatay ka." Noon na rin napabaling ang tingin ni Tado sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kitang-kita ang pangamba sa mga mata ng babae. "Huwag ka sanang maging adavance thinker, Tado. Hayaan mo akong magpaliwanag." Hindi naman umimik si Tadeo Miguero. Nanatili itong nakatingin kay

    Huling Na-update : 2022-03-15
  • My Little Trophy    Chapter 36.1

    Something is off. Iyon ang naramdaman ni Amber sa mga sumunod na mga oras. Pakiramdam niya ay naging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Grei. Gayunpaman ay hindi na lamang niya ito kinompronta. Aniya sa sarili, baka kasi nag-o-overthink lamang siya. Maaaring pagod lang ang lalaki kaya biglang naging matamlay ang pakikitungo nito sa kanya. Tingin rin naman niya ay wala siyang nagawang masama. Tingin niya wala namang dahilan para magtampo o magalit ang lalaki sa kanya. "Tatabi akong matulog sa mga bata." Sandali siya nitong tinapunan ng tingin bago ito kumuha ng damit pantulog sa kanyang maleta. "Sige," maikling sagot niya. Ayaw na niyang mag-usisa pa. At isa pa maigi na rin na doon ito matulog dahil hindi rin naman siya komportable sa ideya na makakasama niya ang lalaki sa iisang silid. Hindi na rin siya kinibo ni Grei. Walang imik itong lumabas ng kanyang silid. Mukha namang naging masaya ang gabi ng mga bata dahil naririnig n

    Huling Na-update : 2022-03-22
  • My Little Trophy    Chapter 36.2

    Napalunok na lamang si Amber. Hindi niya namalayan ang biglang pagsulpot ni Hyde. Buong akala niya ay nasa silid na nila ito. "Sino po si Grei, mama?" Puno ng kainosentehang tanong nito. Pilit namang itinago ni Amber ang kanyang kaba. Pinilit niyang ngumiti sa bata bago nagsalita. "Grei? May sinabi ba akong Grei?" Napanguso naman si Hyde. "Parang gano'n po 'yong narinig ko, mama." Awkward na lamang siya napangiti. Hindi niya mawari kung anong sasabihin niya sa kanyang anak. "Namali ka lang siguro ng dinig." Sabat ni Grei. Mahinahon ngunit wala itong nakangiti-ngiti. "By the way, bakit ka nandito?" "May sasabihin po sana ako sa inyo eh." Nagkatinginan naman sina Grei. "Ano iyon?" Si Grei na ang nagtanong. "Pwede po bang matulog sa room niyo po? Tabi po tayong lahat." Ngumiti ito na tila nagpapa-cute. Muli namang nagtinginan sina Amber at Grei. "Na-miss ko na po ka

    Huling Na-update : 2022-03-23
  • My Little Trophy    Chapter 37.1

    Bumalikwas ng bangon si Amber. "Hindi niya pwedeng makita ang mga bata. Baka magkwento sila at mabuko tayo. Lalo na at close pa naman sila ni Hyde." Kaagad siyang bumaba ng kama. Bago pa muling makaimik si Tado ay muli siyang nagsalita. "Hindi rin niya pwedeng makita si Grei. Malaking trouble 'to." Mabilis ang hakbang nitong tinungo ang bintana ng silid. Marahan niyang hinawi ang kurtina upang sumilip sa labas. Kumabog ang kanyang dibdib nang makita niya ang paghinto ng kulay puting Porsche ni Dark Indigo. "Nandito na si Indigo. Anong gagawin ko, Tado?" Naramdaman ni Amber ang panginginig. Aniya sa sarili, tiyak na malaking gulo kapag nabuking ang ginagawa niya. ["Pupuntahan kita, Lady."] Kahit papaano tila nagkaroon siya ng lakas ng loob. Tila gumana ang kanyang utak. Wala siyang sinayang na sandali. Mabilis ang hakbang niyang lumabas ng silid at tinungo ang kusina. Kulan

    Huling Na-update : 2022-03-25

Pinakabagong kabanata

  • My Little Trophy    Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

    Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p

  • My Little Trophy    Epilogue

    Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum

  • My Little Trophy    Chapter 48.3

    Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n

  • My Little Trophy    Chapter 48.2

    Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak

  • My Little Trophy    Chapter 48.1

    Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n

  • My Little Trophy    Chapter 47.2

    Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap

  • My Little Trophy    Chapter 47.1

    "Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito

  • My Little Trophy    Chapter 46.2

    Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb

  • My Little Trophy    Chapter 46.1

    Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan

DMCA.com Protection Status