Share

Chapter 32.2

 Umuwi si Amber na may baong ngiti.

Hiling niya, sana ay masilayan niyang muli ang lalaki. Pakiramdam  niya kasi ay si Ashton Blumentrint ang kanyang nasisilayan.

Naging magana rin siyang kumain ng hapunan. Hindi napalis ang kanyang ngiti hanggang sa humiga na siya sa kama.

"Huwag ko na lang titigan 'yong mata niya." Mahina niyang turan kasabay ng pagyakap niya sa malaking unan. 

Nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha nito. Ang medyo kulot nitong buhok, matangos nitong ilong at tila may umbok nitong labi.

Aniya sa sarili, kahit trenta uno anyos na ito ay napakakisig pa rin nito. 

"Gwapo naman ang asawa ko. Pinakagwapo sa balat ng earth." Usal pa ng babae. Nanatili itong nakapikit ngunit sumilay ang munting ngiti sa labi nito.

Nakatulugan na niya iyon. At mula nang mawala ang kanyang mister ay ngayon lamang siya nakatulog ng mahimbing.

Paggising ni Amber kinab

Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status