Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero agad din iyong nagdilim nang makabawi siya at humalakhak. "Hindi ko inaasahan na mas maaga mong malalaman. Pinahahanga mo ako, Anveshika." Marahan pa siyang pumalakpak. Napairap ako at bumaba sa sasakyan para makaharap siya ng maayos. "What are you doing, Anveshika? Stay inside the fucking car!" Rinig ko ang boses ni Damien mula sa earpiece na suot ko. Napangisi ako. "What now, Liher Jimenez? The father of Lhianne and Rhianne Jimenez, right? Also, the mastermind behind the Heart Forest Crime," mariin kong sabi. "Ano ngayon ang gagawin mo ngayong alam mo na?" nakangisi niyang tanong sa akin. "You're busted." Nakangisi lang ako sa kaniya habang nakatitig at maya-maya lang ay narinig na namin ang sirena ng mga pulis. Nakita kong natigilan siya dahil sa tunog na iyon. Agad siyang humugot ng bari
Last Updated : 2022-04-04 Read more