“Hindi ko a-alam kung pa’no ko masusuklian ang g-ginawa n’yo,” sambit ko sa gitna ng paghikbi ko. Hinagod-hagod naman ni Damien ang likuran ko para mapakalma ako. Hinahalik-halikan niya rin ang buhok ko kaya mas lalo akong sumubsob sa dibdib niya. “Just be safe, baby. Wala lang mangyari sa ‘yo ay ayos na kami ro’n,” bulong niya sa akin. “Damien...” I cried. “Shhh, I’m here. You can cry, I’m here. We’re here,” pang-aalo niya. “I miss them... I miss my f-friends, Damien...” Mas lalo lang akong naiyak sa dahil sa mga kaibigan ko. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Nasa mabuti ba silang kalagayan katulad ko? May tumulong din kaya sa kanila? May nagmagandang-loob din ba na bigyan sila ng pangangailangan nila? God
Last Updated : 2021-11-21 Read more