Home / Werewolf / Into The Dark / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng Into The Dark: Kabanata 1 - Kabanata 10

72 Kabanata

Kabanata 1: Thanks but No Thanks

Mabilis na naglayag ang paningin ko sa paligid nang marinig ko ang kaluskos at mga yabag mula sa 'di kalayuan, kung nasaan ako naroon. Matatas na puno ang nakapalibot sa akin at mga damong malalago kung saan may nagtatagong nilalang. Naging alisto ako at tila naka-fight mode agad ang sistema ko para sa pwedeng mangyari.Dahan-dahan akong humakbang paabante habang pinapakiramdaman ko ang paligid dahil alam kong sa dilim maaaring mayroong nakatagong taong lobo na para sa akin isang kaaway kahit na sa physical na kaanyuan, kapareho ko sila.Pumosisyon ako nang lumakas ang kaluskos mula sa malalagong damo. Alam kong parating na ang nilalang na 'yon at kailangan kong maging handa.Napaatras ako nang lumabas mula sa malalagong damo ang tatlong malalaking baboy ramo na handang-handa nang sumugod para gawin akong gabihan pero hindi ko sila papahintulutang gawin iyon dahil hindi ako pinanganak para lang gawin
last updateHuling Na-update : 2021-10-23
Magbasa pa

Kabanata 2: Second Time

Sumalubong sa akin ang maraming bampira na nakakalat sa lugar kung saan nakatira si Volter. Lahat sila nakatingin sa akin kalakip ang takot sa kanilang mga mata. Ni isa sa kanila walang gustong lumapit. Ganoon ba talaga ako ka-intimidate na kahit dumaan lang ako babakas na sa mga mukha nila ang takot? Simula nang mamatay ang mga bampirang kinilala kong mga magulang, hindi na ako nanatili sa lugar na ito dahil pakiramdam ko sobrang sikip na nito para sa amin ni Volter. "Miss Syrie, kanina pa po kayong hinihintay ni Pinunong Volter," salubong sa akin ng babaeng nakapwesto sa entrance ng bahay. Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Bumukas ang pinto ng silid kung nasaan si Volter, nakaupo siya sa swivel chair habang naka-de kwatro at nakangiti. "Welcome to our house, Syrie," aniya. Kumunot ang noo ko. Hindi ito ang inaasahan kong ibubungad niya sa akin. Sinuri ko ang mukha niya pero blangko iyon na tila
last updateHuling Na-update : 2021-10-23
Magbasa pa

Kabanata 3: Plano ni Syrie

Maraming tanong ang ibinato sa akin nila Vernon at Trina nang makauwi ako nang nagdaang gabi habang si Persuz, tahimik lang sa isang tabi. Sino nga naman ang hindi magtatanong kung uuwi kang suot ang damit ng lalaki at walang pang-ibaba kung di isang Jacket. "Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?" Agad akong nabalik sa huwisyo at lumingon kay Trina na nagtataka. "Oh? Akala ko umalis ka kasama nila Vernon?" tanong ko. "Hindi ako sumama," aniya. "For sure mangha-hunt na naman sila ng mababangis na hayop at mas gusto kong maghintay ng sariwang dugo." Sa lahi ng mga bampirang kinagisnan ko, iilan na lang sa kanila ang hindi umiinom ng dugo ng tao at isa roon sila Trina. Iyon ang isang dahilan kung bakit ayaw kong bumalik kay Volter, hindi ko kayang makita kung paano sila pumatay ng mga inosenteng tao at kung paano nila ikinakalat ang pagiging bampira. Naniniwala kasi akong hindi
last updateHuling Na-update : 2021-10-23
Magbasa pa

Kabanata 4: Marcus

"Kumusta ang plano, Syrie did it work?" usisa agad ni Trina kasunod si Vernon nang madatnan ko sila sa bahay. Dumeretso ako sa sofa at hinarap silang seryoso ang mukha. Tumango ako. "Mukhang gumagana naman ang plano," pagkumpirma ko. "Pero hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang planong ito," dagdag ko. "Bakit? Paano mo nasabi?" tanong naman ni Vernon. Huminga ako ng malalim. "Alam nating hindi siya basta-bastang taong lobo, he's not that idiot na madaling paikutin." "Then, act normal," ani Trina. Tumango naman si Vernon. "At saka, mukhang iba ang tingin sa 'yo ng lobong 'yon, hindi ba?" dagdag pa niya na may kasamang panunukso. Ngumiti ang magkapatid at nagtinginan pa. "Anong pagtingin? Ginagawa lang niya ang lahat ng 'yon para umanib ako sa kanila na hindi kailanman mangyayari." Umikot ang mga mata ko at humalukipkip. "Oo nga pala, nasaan si Persuz?"
last updateHuling Na-update : 2021-11-03
Magbasa pa

Kabanata 5: Kiss

"Huh? Ginawa mo 'yon, Syrie?" gulat na reaction ni Vernon ng malaman niya ang mga naganap at ang pagkompronta ko kay Volter. Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit naniwala ako kay Marcus." "Pero bakit gusto kang patayin ng mga taong lobo na 'yon kung kasapi na sila ni Volter?" tanong naman ni Trina. Seryoso akong tumingin kay Trina maging si Vernon. "Anong ibig mong sabihin?" "Nakakapagtaka lang kasi, Syrie." Saglit siyang huminto. "Kung nagsisinungalin si Marcus, bakit niya pinatay ang mga kalahi niya? Hindi rin ito ang unang beses na sinubukan kang patayin ng mga alagad ni Volter. Kung hindi si Volter baka may ibang taong nasa likod nito," mahabang paliwanag ni Trina sa konklusyon niya. Hindi ako nakaimik. Tama si Trina, hindi lang naman ito ang unang beses na gusto siyang patayin ng mga kakampi ni Volter. Kung hindi si Volter sino? Bampira ba o lobo ang nasa likod ng pag-atakeng iyon? "At sino naman ang gagawa nito sa iyo?" nagtata
last updateHuling Na-update : 2021-11-04
Magbasa pa

Kabanata 6: Susubukan Ko

"Anong ginagawa mo rito, Volter?" gulat kong bungad nang bigla na lang sumulpot si Volter mula sa kung saan. "I'm here to visit your place, Syrie kung komportable ka ba rito o baka gusto mo ng another place to live," sagot niya na nagpakunot sa noo ko. Inilibot ni Volter ang mga mata niya sa paligid, tinitingnan ang bawat sulok ng bahay. "I don't need, Volter komportable na ako sa lugar na ito," pagtanggi ko sa gusto niyang sabihin. Kumibit-balikat si Volter. "Kung 'yan ang gusto mo, pero tandaam mo welcome ka pa rin sa mansiyon kapag nagbago ang isip mo," aniya, saka umupo sa sofa habang nakadipa ang mga braso sa sandalan niyon. Umupo ako malapit sa kaniya habang tinitingnan ko ng seryoso ang mukha niya. Alam kong hindi lang 'yon ang pakay ni Volter kung bakit siya nandito. "Anong kailangan mo, Volter?" diretsa kong tanong nang makaupo ako sa katapat niyang sofa. Wala akong oras para
last updateHuling Na-update : 2021-11-05
Magbasa pa

Kabanata 7: Batang Lobo

KINAUMAGAHAN, maaga akong naghanda para mangaso sa gubat. Hindi ko na maalala kung kailan 'yong huling pagkakataong nangaso ako. Nami-miss ko nang mang-hunting ng mababangis na hayop at patayin sila. Isa na rin 'yon sa paraan ng pag-e-ensayo ko at nagbibigay ng libang sa akin. "Oh, sa'n ka pupunta, Syrie?" bungad ni Trina na kalalabas lang sa silid niya. Inayos ko ang leather jacket na suot ko. "Sa gubat, mangangaso," simple kong sagot. "Matagal na rin kasing hindi ko nagagamit ang kakayahan ko sa paghuli ng mababangis na hayop," dagdag ko. "Are you with, Marcus?" Saglit akong natahimik at kapagkuwa'y umiling. "Hindi. ako lang ang aalis, Trina," sabi ko. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Marcus. Napangisi ako nang maalala ko ang kagustuhan nitong magkaroon ng kapayapaan para sa lahat. Isang suntok iyon sa buwan. Sa ngayon, gusto ko munang mag-isip ng magandang
last updateHuling Na-update : 2021-11-08
Magbasa pa

Kabanata 8: Tiyo Freud

WALANG pakundangang pinasok ko ang bukana ng mansiyon, maraming nakatingin na mga mata sa akin, ang ila'y hindi natutuwa na makita ako roon. Hindi na 'yon bago. Ang ilan pa'y napapaatras sa pagdaan ko sa kanila. Dapat lang nila akong katakutan dahil kahit sino sa kanila na gumawa ng bagay na hindi ko magustuhan, hindi ko sila sasantuhin. Nang makapasok ako sa malaking bahay na iyon, lumingon ako sa paligid at may ilang mga bampira doon at mayroon ding mga lobo na tuluyan nang umanib kay Volter. In some way, makatutulong 'yon sa plano ni Volter na gamitin ang lahi ng lobo laban sa sariling lahi nito. Nakararamdam ako ng pagkasabik at pangungulila nang maramdaman ko uli ang yakap ng bahay na ito, ang mga alaalang nabuo ko kasama ang pamilyang kinikilala ko. Ang mga tawa at harutan na hanggang ngayon, nasa puso ko na tanging nagpapaalala sa kanila sa tuwing nangungulila ako. Sa totoo lang, nami-miss ko ang tahanan na 'to,
last updateHuling Na-update : 2021-11-09
Magbasa pa

Kabanata 9: Maling Akala

MALUNGKOT na tiningnan ko si Yena na tahimik na nilalaro ang isang manika na nakita ko pa sa lumang mga gamit ko at ibinigay ko sa kaniya. Nalulungkot ako sa bata dahil alam kong nami-miss na niya ang mga magulang niya, kagaya ko. Dalawang araw na siya rito at alam ko ang pakiramdam na malayo sa mga magulang kahit sa loob lamang ng maikling panahon. "Look, Ate Syrie ang sexy nang manika," masayang sabi ni Yena sa akin. Ngumiti ako. "Parang ikaw, 'di ba? Ang sexy mong bata," balik ko sa kaniya. "Hindi po, Ate Syrie parang ikaw po kasi ang sexy mo at ang ganda pa." Na-flutter naman ako sa papuring iyon ni Yena sa akin. "Yena, may kapatid ka ba sa inyo?" Marahil kung hindi niya magulang ang dalawang nakita ko sa gubat, maaaring kapatid niya iyon. Tumango ang bata habang nakagiti. Napa-cute. "Kapatid ko po si Ate Rossa," aniya. "Sexy po din siya kagaya niyo," masayang da
last updateHuling Na-update : 2021-11-12
Magbasa pa

Kabanata 10: Bakit Masakit?

"SYRIE, are you ok?" gulat at puno ng pag-aalalang salubong sa akin ni Trina nang makita niya ako sa labas. Mabilis niya akong dinaluhan. Doon sa harap ng bahay, nagpalit ako ng anyo. Walang saplot. Hinubad ni Trina ang suot niyang Jacket at agad iyong ibinalot sa katawan ko at iginiya niya ako papasok sa loob ng bahay.   Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan, ramdam na ramdam ko ang panghihina ko na hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Ramdam ko rin lahat ng hapdi at kirot ng mga sugat sa katawan ko na hindi ko magawang pagaliin.   Dahan-dahan akong pinaupo ni Trina sa kama ko. Nakita kong tinungo niya ang closet ko at naghanap ng damit doon. Nang makakita siya, agad niya iyong isinuot sa akin.   "What happened, Syrie? Anong nangyari sa 'yo?" nababahalang tanong ni Trina habang inaayos ang pagkakasuot ng damit ko.   "I don't know, Trina I feel weak hindi ko makuha ang lakas sa katawa
last updateHuling Na-update : 2021-11-17
Magbasa pa
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status