Home / Werewolf / Into The Dark / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Into The Dark: Chapter 41 - Chapter 50

72 Chapters

Kabanata 40: Desisyon

TAMA BA ang naging desisyon ko? Hindi ko alam ang kahahantungan ng nagawa kong desisyon pero iyon ang ibinubulong sa akin na puso ko na gawin ko—ang tanggapin si Marcus at ang pag-ibig niya sa akin. Hindi ko na pwedeng itanggi ang kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya dahil sa tuwing mas lumalapit siya sa akin, pakiramdam ko'y hindi ko na iyon mapipigilan pa.Inabot na kami ng gabi sa batis na iyon habang yakap ako ni Marcus sa likod at nakamasid sa liwanag ng buwan at bituin. Sa bawat pagdampi ng balat niya sa akin, hatid niyo'y pakiramdam na safe ako sa kaniya. "I don't know if I'm doing the right thing, Marcus. Tama ba 'tong ginagawa natin?" kapagkuwa'y tanong ko. Sa kabila ng pagtanggap ko sa kaniya, nandoon pa rin sa isip ko ang mga tanong na iyon.Marahang gumalaw si Marcus, humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kaniya. Tumambad sa akin ang seryoso niyang mukha. "Hindi ko alam kung ano ang tama para sa iyo, Syrie pero para sa akin wal
last updateLast Updated : 2022-01-02
Read more

Kabanata 41: Doubt

GUSTUHIN ko mang pumunta sa village para makita roon si Marcus, maging si Yena at Rossa, hindi ko magawa sapagkat alam kong mayroong spy doon si Volter para kilalanin kung sino ang mga lobong mayroong ukit sa kanilang kanang balikat. Maari nilang malaman na pumupunta ako sa village at siguradong makakarating agad iyon kay Volter at pagsisimulan iyon ng pagdududa.Pabagsak akong umupo sa sofa. Mas magiging kumplikado na ngayon ang sitwasyong dahil sa desisyon ginawa ko at kailangan kong maging mas maingat dahil magiging malaki ang epekto niyon sa akin at sa mga bampira."Oh, Syrie wala kang lakad ngayon?"Nag-angat ako ng tingin kay Vernon na kakapasok lang sa bahay mula sa 'di ko alam na pinanggalingan niya. Simula nang mapunta ako sa village, hindi ko na rin alam kung ano'ng pinagkakaabalahan ng mga kasama ko sa bahay."Saan ka galing, Vernon?" balik kong tanong sa kaniya. Hindi ko naman kailangang sagutin ang tanong niyang iyon."Sa mansyon, kina
last updateLast Updated : 2022-01-03
Read more

Kabanata 42: Heart

SERYOSO LANG akong nakatingin sa lumalagaslas na batis na iyon habang umiihip ang malakas na hangin. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Volter sa akin. Pero kahit ganoon, nakakaramdam pa rin ako ng lungkot at panghihinayang dahil sa matagal din naming pinagsamahan na mauuwi lang sa pagdududa namin sa isa't isa. Ang laki na ng nagbago sa pagitan namin ni Volter simula nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa amin. Simula ng makaramdam siya ng selos sa akin."You're thinking so deep, baby."Bahagya akong nagulat at napakurap nang maramdaman ko ang pagyakap ni Marcus mula sa likod ko, isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa leeg ko na nagdala ng kiliti sa akin.Bumuntong-hininga ako at hinayaan siya roon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maramdaman ang pangambang baka makita kami roon ng sino man at malaman ang namamagitan sa amin. Ang alam ko lang kasi safe ako kapag kasama ko si Marcus."Hindi ko lang maiwasang isipin ang mga bagay na nagbago sa buha
last updateLast Updated : 2022-01-04
Read more

Kabanata 43: Tattoo

"CURIOUS lang ako, Syrie bakit biglang nagkaroon ka ng interes sa kung sino ka?"  Bahagya akong nagulat sa tanong na iyon ni Trina habang tahimik akong nakupo sa sofa at kaharap siya. Tiningnan ko muna siya ng seryoso bago ako sumagot. "Hindi ko rin alam, Trina I suddenly feel there's something missing in me. Pakiramdam ko kulang ang sarili ko kung hindi ko malalaman kung ano ang pagkato ko," litanya ko. Tiningnan ako ni Trina na animo'y sinusuri ang reaction ng mukha ko. Kapagkuwa'y kumurap din siya. "Ok. Naiintindihan ko, Syrie at hindi kita masisisi kung ganiyan ang nararamdaman mo. Natural naman sigurong maramdaman mo ang paghahanap sa pagkatao mong hindi mo nakilala," pagsang-ayon naman ni Trina. "Pero hindi iyan magiging mabuti sakaling malaman ni Volter ang paghahanap mo sa pagkatao mo," aniya pa na bumakas sa mukha ang pagkadismaya. "Marahil isipin niyang trinatraydor mo siya." "Alam ko na ang posibilidad na
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more

Kabanata 44: Trust (SPG)

HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Trina sa akin. Ni hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon o kahit ang paghinalaan si Marcus, na baka isa siya sa mga lobong may ukit ng buwan sa kanang braso. Oo, hindi agad ako nagtiwala sa kaniya noon pero hindi ko naisip na baka isa siya sa hinahanap ko. Paano nga kung totoo iyon? Paano kung may ukit na buwan si Marcus sa kaniyang kanang braso? Paano ko haharapin ang pwedeng mangyari gayong nahulog na ako sa kaniya?Bumuntong-hininga ako habang yakap ko ang aking sarili na nakatayo sa tapat ng bintana sa sala kung saan nakatingin ang mga mata ko sa malaking punong iyon sa tapat ko. Madilim na ang paligid at bahagyang malamig ang simoy ng hangin sa gabi. Ako lang muli mag-isa sa bahay dahil nasa gubat ang magkapatid habang nasa mansyon si Persuz.Kanina pang gumagana ang isip ko sa bagay na sinabi ni Trina at natatakot akong malaman kung alin doon ang totoo at hindi. Ni hindi ko alam kung kaya kong tangg
last updateLast Updated : 2022-01-07
Read more

Kabanata 45: Confrontation

KINAUMAGAHAN hindi pa rin napapawi ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Marcus nang nagdaang gabi. Punong-puno ng ligaya ang puso ko dahil doon at ayaw kong bitawan iyon. Gustong kong lasapin lang iyon dahil may katotohanang hindi ko alam kung hanggang kailan ko lang iyon mararamdaman. Kay Marcus ko lang talaga iyon naramdaman dahil marahil siya lang ang may kakayahang magbigay niyon sa akin. "Oh! Mukhang ang saya ng mukha mo, Syrie, ah?" salubong sa akin ni Vernon nang makalabas ako mula sa silid ko. Ngumiti ako sa kaniya. "I'm just feel the happiness today, Vernon," balik ko sa kaniya.Dumeretso ako sala at umupo sa sofa roon. Sumunod naman si Vernon sa akin doon. "Nasaan nga pala si Trina?" tanong ko pa nang mapansin kong wala roon ito at si Vernon lang ang nandoon. "Si Trina? I don't know where she is, basta umalis na lang siya kanina," sagot niya habang magkasalikop ang mga palad at
last updateLast Updated : 2022-01-08
Read more

Kabanata 46: Who's Colby?

NGAYONG ALAM na ni Trina at Vernon ang ginagawa ko at ang tungkol kay Marcus, hindi na ako nahirapang magtago sa kanila. Tanging kay Persuz na lang ako nag-iingat dahil alam ko kung nakanino ang katapatan niya at wala iyon sa akin. Hindi ko na rin kailangang magpaliwanag kung aalis ako at sagutin ang tanong nila sa tuwing babalik ako. "Gusto ko mang pumunta sa village pero hindi maaari, Marcus. Kailangang kong mag-ingat sa bawat galaw ko," sambit ko sa kaniya habang nasa gilid kami ng batis. Gusto niya kasing pumunta kami sa village dahil may mga bagay daw siyang sasabihin sa akin pero hindi pwede dahil may mga alagad doon si Volter na maaaring makakita sa akin at sabihin iyon kay Volter. "Bakit hindi maaari, Syrie?" nagtatakang tanong niya sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan. "Marcus, hindi mo alam kung sino ang tunay na kakampi o kalaban kahit pa ito'y kauri at kasama mo," makahulugan kong paalala sa kaniya na lalong nagpakunot sa noo niya. "Ano'ng
last updateLast Updated : 2022-01-09
Read more

Kabanata 47.1: Ang katotohanan (Pt.1)

HINDI PA rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa mga lobong iyon. Pilit ko iyong inuunawa at hinahanap ang katotohanan sa mga iyon. Totoo bang lahat ng iyon? Pero may nagsasabi sa akin na paniwalaan ko iyon dahil nagsasabi sila ng totoo pero may bahaging ipinapaalala sa akin ang mga bampirang kumupkop sa akin at ang kabutihang ginawa nila para sa akin.Nagulat lang marahil ako sa mga nalaman ko. Paanong naging kapatid ni Amang Trevor ang tunay kong ama na si Amaro? At kung ganoon, paanong hindi nila sinabi sa akin iyon. Bakit hindi nila pinagtapat sa akin ang mga bagay na iyon na dapat alam ko. Ni hindi nila nabanggit sa akin ang tungkol sa Amarong iyon na sinasabi nilang ama ko. Ang gulo ng lahat at hindi ko alam kung alin doon ang totoo."Are you ok?"Narinig ko ang boses ni Marcus. Tumabi siya sa akin sa veranda ng bahay na iyon kung saan din ako tumuloy noon. Nanatili akong nakatingin sa paligid kung saan kita ang malalago at nagtataasang mga puno. Bu
last updateLast Updated : 2022-01-10
Read more

Kabanata 47.2: Ang katotohanan (Pt.2)

HINDI AKO papayag na aalis ako sa village na ito na hindi ko nalalaman ang ibang mga bagay tungkol sa tunay kong mga magulang. Kumakalat na ang dilim sa paligid at kailangan ko ring bumalik sa bahay dahil alam kong magtatanong na naman si Persuz kung saan ako nagpunta kung hindi ako uuwi roon.Matagal-tagal din kaming naglaro ni Yena dahil din sa pananabik namin sa isa't isa bago dumating si Rossa at kinuha ang bata.Kanina pang hindi bumabalik si Marcus simula nang ipatawag siya ni Amang Trigo kaya ako na lang ang tutungo roon para malinawan ako sa magulong nakaraan ng mga magulang ko. Gusto kong malinawan bago ako umalis dahil baka hindi ako makatulog kung sakaling patuloy iyong gugulo sa isip ko.Nagulat sila Marcus at Amang Trigo nang makita akong pumasok sa silid. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito."Syrie, ano'ng ginagawa mo rito?" salubong sa akin ni Marcus. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit na pagkabahala sa mukha niya, ganoon d
last updateLast Updated : 2022-01-10
Read more

Kabanata 48: Another Side of Story

HANGGANG SA makarating ako sa bahay nang gabing iyon, hindi ko pa rin lubos maisip ang lahat ng nalaman ko. Patuloy iyong gumugulo sa isip ko habang hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin at paniniwalaan. Naiipit ako ngayon sa dalawang panig at hindi ko alam kung saan ako dapat maniwala, kung sino ba ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Nalilito ako at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin."Hey! Kanina pa kitang tinatawag, Syrie bakit parang wala ka sa iyong sarili?"Napakurap ako dahil sa pagkaway ni Vernon ng kaniyang palad sa mukha ko. Bumungad sa akin ang nagtataka niyang mukha."Parang kakaiba na 'yang pagkatulala mo, Syrie, ah? Kanina pa kaya kami rito pero parang wala kang nakikita o nararamdaman man lang?" nakahalukipkip naman na sabi ni Trina habang nakatayo ito sa gilid ng sofa. Kapagkuwa'y umupo rin ito roon.Pilit akong ngumiti habang nakatingin sa dalawang ito. Inilayo ko ang likod ko sa sofa at sumeryoso ang mukha. Ba
last updateLast Updated : 2022-01-11
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status