Home / Werewolf / Into The Dark / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Into The Dark: Chapter 21 - Chapter 30

72 Chapters

Kabanata 21: Simula

"TAMA BA ang narinig ko, Syrie? Inalok ka ng pakikipagkaibigan ni Faram?" hindi makapaniwalang tanong ni Trina nang ikwento ko sa kanila ang pag-uusap namin ni Faram sa silid na iyon sa mansyon. Tumango ako. "You heard it right, Trina nakipagkaibigan sa akin si Faram at sinabi niyang kalimutan na namin ang nangyari sa nakaraan," sabi ko pa. Umikot pa ang mga mata ko dahil hindi ko talaga iyon pinaniniwalaan. "Do you believe her, Syrie?" tanong naman ni Vernon na nasa harap ko habang nakaupo kami sa sofa. Saglit akong nag-isip. Paniniwalaan ko ba si Faram gayong nang makita ko siya sa long table na iyon, kita ko sa mga mata niya ang alab doon at ang kakaiba niyang tingin na animo'y isa akong kaaway. "Of course not, Vernon. Mahirap paniwalaan ang katulad ni Faram. Matalino siya at tuso," sagot ko. "I can't really believe she would asked you to befriend with her. Napakalaking himala niyon, Syrie. Well, hindi natin alam ang tunay na pakay niya pero ang hi
last updateLast Updated : 2021-12-07
Read more

Kabanata 22: Plano Pt.2

HINDI AKO makapaniwala sa naging desisyon ko sa pagpayag ko sa pakikipagkaibigang inalok ni Marcus sa akin. Tama ba ang desisyon kong tanggapin iyon? Umiling ako habang pauwi ako sa bahay. Hindi maalis sa isip ko ang tagpong iyon sa pagitan namin ni Marcus.Tama, ginawa ko lang iyon para sa maaari kong malaman sa kaniya at wala ng ibang dahilan. Pwede ko siyang gamitin at kapag nalaman ko na ang mga bagay na nais kong maintindihan, saka ko siya iiwasang muli at itataboy na parang basura. Pwede ko rin siyang magamit bilang tulay sa paghihigante ko. Kung iisipin niyang magkaibigan na kami, magiging madali na sa akin na mahanap ang mga lobong hinahanap ko. Itutuloy ko na ang plano ko sa kaniya at sisiguraduhin kong magtatagumpay na ako sa pagkakataong ito.Pero hindi ko pa rin pwedeng ilapit ng husto ang sarili ko sa kaniya dahil alam kong may posibilidad na magkaroon ng emosyong pwede kong maramdaman. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kaniya o sa kahit kanino man. Kailangan
last updateLast Updated : 2021-12-08
Read more

Kabanata 23.1: Alaala

HINDI KO pa rin tuluyang maalis sa isip ko ang mga bagay na sinabi ni Colby sa akin. Tila ba tinamaan ako sa lahat ng mga sinabi niya pero pilit ko iyong hindi pinaniniwalaan. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Pero paano niya ako nakilala ng ganoon? Paano niya alam ang ilang bagay sa buhay ko, eh hindi ko pa naman siya kilala ng ganoon katagal."Syrie, magugulat ka sa parating."Napukaw ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses na iyon ni Trina. Kumurap ako at nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya at ang pagtataka roon. Mayamaya pa'y napatingin ako sa babaeng pumasok sa bahay habang nakatingin sa paligid niyon."Faram?" hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. Napatayo pa ako habang nasa kaniya ang mga mata ko. May kasama siyang ilang mga bampira na wari ko'y bodyguard niya."You look surprised, Syrie," nakangiting sambit ni Faram. Ibang iba na siya mula sa dating Fara
last updateLast Updated : 2021-12-09
Read more

Kabanata 23.2: Trust

UMATRAS ako nang umatras sa bawat atake ni Volter sa akin. At nang makita ko ang direksyon ng kamao niya, sumalungat ako roon at mabilis na hinawakan ko ang braso niya at sinundan ko ng malakas na suntok sa kaniyang mukha, daan para tumilapon siya. Hindi ko nakontrol ang lakas ng atake ko kaya malayo ang naabot ni Volter. Nakita kong hindi agad nakatayo si Volter mula sa pagkatilapon niya. Bumalik ako sa gitna ng nagsisilbing arena. Mayamaya pa'y nakita kong nakatayo na uli si Volter. Salubong ang mga kilay na tumingin siya sa akin, bakas ang galit at pagkadismaya. Kita ko ang pagiging agresibo niya habang tila nangangalit ang mga ngipin niya habang papalapit siya sa akin. Mabilis niyang inilabas ang kaniyang mga kuko at ang pangil niya. Ginamit niya ang kaniyang bilis para makarating agad sa akin. Umatake siya at sinubukang sugatan ako gamit ang matilos niyang mga kuko pero naiwasan ko iyon. Sunod-sunod na atake ang ginawa niya, at lahat ng iyo
last updateLast Updated : 2021-12-10
Read more

Kabanata 24: Unconscious

NAGULAT AKO nang paglabas ko mula sa silid, nandoon si Colby, nakaupo siya sa sofa habang tila hinihintay ako. Kakaalis lang ni Vernon habang si Trina ay nakaupo lang sa tapat ni Colby at kapwa sila tahimik. "Oh, nandiyan na pala si, Syrie," agad na bulalas ni Trina ng makita akong lumabas na ng silid ko. Hindi ko alam pero bakit parang may kakaiba kay Trina. Para bang nate-tense siya at bakit naman? Lumingon sa akin si Colby. Ngumiti siya sa akin at saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Magandang araw, Syrie," magiliw na bati niya sa akin. Umiwas ako sa kaniya ng tingin. Natatakot akong kausapin si Colby dahil pakiramdam ko lahat ng sasabihin niya tumatama sa akin. Parang ang dami niyang alam sa sarili ko habang pinipilit ko iyong hindi paniwalaan. "Bakit ka nandito?" malamig kong tanong sa kaniya. "Sige huh, iwan ko na kayo rito," tila tarantang ani Trina saka mabilis na naglakad patungo sa silid niya. Napakunot noo na lang ako. Ano'ng nangyari s
last updateLast Updated : 2021-12-11
Read more

Kabanata 25: Trust Me, Syrie

HANGGANG NGAYON hindi pa rin ako makapaniwala na nasa lugar ako ng mga lobong itinuturing kong kaaway. Hindi ako makapaniwalang darating sa puntong makakaramdam ako ng ganitong pakiramdam na animo'y may tumanggap sa akin ng buo, ng walang pagdududa.Nakaratay pa rin ako sa kama dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang igalaw ang mga binti ko dahil sumasakit ito. Hindi ko rin magawang tumayo dahil sa panghihinang nararamdaman ko. Hindi ko alam na may ganoon pa lang lason na pwedeng gamitin sa mga lobong kagaya ko. Paanong tila mas nagiging agresibo ang mga bampirang iyon? Handa na nila akong patayin. Sino sila? May mga bampira pa ba bukod sa mga nasa mansyon? Kung taga-mansyon ang mga bampirang gumawa nito sa akin, sino sila? Alam ba ni Volter ang ginagawa ng mga alagad nito? Ang daming tanong sa isip ko dahil sa nangyari sa akin."Ate, Syrie."Napaigtad ako, saka mabilis na nag-angat ng tingin sa batang tumawag sa pangalan ko. Lumiwanag ang mukha ko nang mak
last updateLast Updated : 2021-12-12
Read more

Kabanata 26: Marcus Effect

DAHAN-DAHAN KONG iginalaw ang mga binti ko, may konting kirot pa rin akong naramdaman pero hindi na ganoon kasakit. Pakiramdam ko rin bumabalik na ang lakas ko. Ilang araw na ba akong nakahiga lang dito? Mag-aapat na araw na akong nandito sa village. Sigurado akong nag-aalala na sila Trina at Vernon sa akin dahil sa pagkawala ko. Malamang na alam na rin ito ni Volter.Nang maitapak ko ang mga paa ko sa sahig na gawa sa kawayan, naramdaman ko ang lamig niyon na gumapang sa buo kong katawan. Sinubukan kong lagyan ng lakas ang binti ko para itayo iyon. Kumapit muna ako sa gilid ng dingding at saka sinubukang tumayo. Napangiti ako ng sa wakas ramdam kong kahit pa paano may lakas na iyon na sapat para makatayo ako.Sinubukan kong bumitaw sa pagkakahawak. Nagkaroon ng saya at pag-asa sa akin dahil pakiramdam ko malapit ng bumalik ang lakas ko. Humakbang ako. Napangiwi ako dahil may kirot pa rin sa binti ko. Sinabi sa akin ni Marcus na hindi normal na lason lamang ang nakalag
last updateLast Updated : 2021-12-13
Read more

Kabanata 27: Yena's Parent

HANGGANG NGAYON nasa isip ko pa rin ang lahat ng sinabi sa akin ni Marcus nang nagdaang umaga. Dahil sa mga sinabi niya, nagkaroon ako ng confusion. Napaisip ako at napatanong sa lahat ng mga narinig ko na hindi ko alam kung ano'ng tamang sagot doon. Kahit ipilit ko sa sarili ko na baka sinabi lang iyon ni Marcus para linlangin ako, hindi iyon tinatanggap ng bahagi ng isip ko. Nandoon pa rin ang confusion na hindi ko maalis. Parang ang dami ko pang hindi na alam na kailangan kong malaman tungkol sa mga bampira, maging sa mga lobo. Bumuntong-hininga ako at saka pumikit. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Natatakot ako na baka tuluyan ng lumambot ang puso ko sa mga lobo. Habang tumatagal ako sa village na ito, nararamdaman ko ang simpatiya sa kanila. Nakikita ko ang kasiyahang nararamdaman ng bawat isa na gusto ko ring maramdaman. "Hello, Ate Syrie." Mabilis na nagmulat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Yena. Sumampa siya sa kama at a
last updateLast Updated : 2021-12-14
Read more

Kabanata 28: Magulong Isip

DAHAN-DAHAN akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama at sa pagkakataong iyon hindi na ako nakakaramdam ng matindi sakit, bahagya na lang iyon. Napangiti ako dahil alam kong bukas makalawa maaaring bumalik na sa normal ang lakas ko."Kumusta na ang pakiramdam mo, Syrie?"Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Marcus sa pintuan habang nakatingin sa akin. Humakbang siya palapit. Tiningnan niya ang mga paa ko."Pakiramdam ko bumabalik na ang lakas ko," masaya kong pagtatapat. Nag-angat siya ng tingin sa akin, mula sa pagkakatingin mula sa paa ko hanggang sa suot ko na pinahiram lang sa akin ni Rossa. Mabuti nga at halos magkasing laki lang kami ng katawan kaya nagkasya sa akin iyon."Mabuti naman kung ganoon, Syrie ibig sabihin lang niyon na nawawala na ang lason sa katawan mo," paliwanag niya. Hindi ko alam pero may naramdaman akong lungkot sa boses niya. "Alam kong gusto mo na ring makauwi sa inyo."Bumaling ako sa kaniya at kita ko s
last updateLast Updated : 2021-12-16
Read more

Kabanata 29: Pag-alis

HINDI KO pa rin alam kung ano'ng dapat kong isipin sa mga bagay na narinig ko mula kay Marcus at sa lalaking iyon na nagngangalang Trigo. Dapat ko ba silang paniwalaan sa lahat ng sinabi nila tungkol sa bampirang tinuring kong mga magulang at sa sinasabi nilang magulang ko? Ang hirap niyon dahil may bahagi sa isip ko na nagsasabing subukan kong pakinggan si Marcus at ang lalaking iyon.Napabuntong-hininga ako. Tahimik na lumingon ako sa harap ng bintana habang nakaupo ako sa kamang iyon. Maayos na ang pakiramdam ko. Sa totoo nga kaya ko ng bumalik sa bahay pero may kung ano'ng pumipigil sa akin at nagsasabing manatili pa ako sa lugar na iyon. May lungkot akong nadarama sa isiping aalis ako at iiwan ang lugar kung saan nakita ko ang tunay na saya at ang pagtanggap ng mga lobo."Kumusta ka na, Syrie?"Napalingon ako sa lalaking nagsalitang iyon at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Colby doon. Hindi ko nakita ang pagkagulat niya na makita ako roon.
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status