NAGULAT AKO nang paglabas ko mula sa silid, nandoon si Colby, nakaupo siya sa sofa habang tila hinihintay ako. Kakaalis lang ni Vernon habang si Trina ay nakaupo lang sa tapat ni Colby at kapwa sila tahimik.
"Oh, nandiyan na pala si, Syrie," agad na bulalas ni Trina ng makita akong lumabas na ng silid ko. Hindi ko alam pero bakit parang may kakaiba kay Trina. Para bang nate-tense siya at bakit naman?
Lumingon sa akin si Colby. Ngumiti siya sa akin at saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Magandang araw, Syrie," magiliw na bati niya sa akin.
Umiwas ako sa kaniya ng tingin. Natatakot akong kausapin si Colby dahil pakiramdam ko lahat ng sasabihin niya tumatama sa akin. Parang ang dami niyang alam sa sarili ko habang pinipilit ko iyong hindi paniwalaan.
"Bakit ka nandito?" malamig kong tanong sa kaniya.
"Sige huh, iwan ko na kayo rito," tila tarantang ani Trina saka mabilis na naglakad patungo sa silid niya. Napakunot noo na lang ako. Ano'ng nangyari s
Salamat sa lahat ng sumusuporta sa ITD.
HANGGANG NGAYON hindi pa rin ako makapaniwala na nasa lugar ako ng mga lobong itinuturing kong kaaway. Hindi ako makapaniwalang darating sa puntong makakaramdam ako ng ganitong pakiramdam na animo'y may tumanggap sa akin ng buo, ng walang pagdududa.Nakaratay pa rin ako sa kama dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang igalaw ang mga binti ko dahil sumasakit ito. Hindi ko rin magawang tumayo dahil sa panghihinang nararamdaman ko. Hindi ko alam na may ganoon pa lang lason na pwedeng gamitin sa mga lobong kagaya ko. Paanong tila mas nagiging agresibo ang mga bampirang iyon? Handa na nila akong patayin. Sino sila? May mga bampira pa ba bukod sa mga nasa mansyon? Kung taga-mansyon ang mga bampirang gumawa nito sa akin, sino sila? Alam ba ni Volter ang ginagawa ng mga alagad nito? Ang daming tanong sa isip ko dahil sa nangyari sa akin."Ate, Syrie."Napaigtad ako, saka mabilis na nag-angat ng tingin sa batang tumawag sa pangalan ko. Lumiwanag ang mukha ko nang mak
DAHAN-DAHAN KONG iginalaw ang mga binti ko, may konting kirot pa rin akong naramdaman pero hindi na ganoon kasakit. Pakiramdam ko rin bumabalik na ang lakas ko. Ilang araw na ba akong nakahiga lang dito? Mag-aapat na araw na akong nandito sa village. Sigurado akong nag-aalala na sila Trina at Vernon sa akin dahil sa pagkawala ko. Malamang na alam na rin ito ni Volter.Nang maitapak ko ang mga paa ko sa sahig na gawa sa kawayan, naramdaman ko ang lamig niyon na gumapang sa buo kong katawan. Sinubukan kong lagyan ng lakas ang binti ko para itayo iyon. Kumapit muna ako sa gilid ng dingding at saka sinubukang tumayo. Napangiti ako ng sa wakas ramdam kong kahit pa paano may lakas na iyon na sapat para makatayo ako.Sinubukan kong bumitaw sa pagkakahawak. Nagkaroon ng saya at pag-asa sa akin dahil pakiramdam ko malapit ng bumalik ang lakas ko. Humakbang ako. Napangiwi ako dahil may kirot pa rin sa binti ko. Sinabi sa akin ni Marcus na hindi normal na lason lamang ang nakalag
HANGGANG NGAYON nasa isip ko pa rin ang lahat ng sinabi sa akin ni Marcus nang nagdaang umaga. Dahil sa mga sinabi niya, nagkaroon ako ng confusion. Napaisip ako at napatanong sa lahat ng mga narinig ko na hindi ko alam kung ano'ng tamang sagot doon. Kahit ipilit ko sa sarili ko na baka sinabi lang iyon ni Marcus para linlangin ako, hindi iyon tinatanggap ng bahagi ng isip ko. Nandoon pa rin ang confusion na hindi ko maalis. Parang ang dami ko pang hindi na alam na kailangan kong malaman tungkol sa mga bampira, maging sa mga lobo. Bumuntong-hininga ako at saka pumikit. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Natatakot ako na baka tuluyan ng lumambot ang puso ko sa mga lobo. Habang tumatagal ako sa village na ito, nararamdaman ko ang simpatiya sa kanila. Nakikita ko ang kasiyahang nararamdaman ng bawat isa na gusto ko ring maramdaman. "Hello, Ate Syrie." Mabilis na nagmulat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Yena. Sumampa siya sa kama at a
DAHAN-DAHAN akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama at sa pagkakataong iyon hindi na ako nakakaramdam ng matindi sakit, bahagya na lang iyon. Napangiti ako dahil alam kong bukas makalawa maaaring bumalik na sa normal ang lakas ko."Kumusta na ang pakiramdam mo, Syrie?"Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Marcus sa pintuan habang nakatingin sa akin. Humakbang siya palapit. Tiningnan niya ang mga paa ko."Pakiramdam ko bumabalik na ang lakas ko," masaya kong pagtatapat.Nag-angat siya ng tingin sa akin, mula sa pagkakatingin mula sa paa ko hanggang sa suot ko na pinahiram lang sa akin ni Rossa. Mabuti nga at halos magkasing laki lang kami ng katawan kaya nagkasya sa akin iyon."Mabuti naman kung ganoon, Syrie ibig sabihin lang niyon na nawawala na ang lason sa katawan mo," paliwanag niya. Hindi ko alam pero may naramdaman akong lungkot sa boses niya. "Alam kong gusto mo na ring makauwi sa inyo."Bumaling ako sa kaniya at kita ko s
HINDI KO pa rin alam kung ano'ng dapat kong isipin sa mga bagay na narinig ko mula kay Marcus at sa lalaking iyon na nagngangalang Trigo. Dapat ko ba silang paniwalaan sa lahat ng sinabi nila tungkol sa bampirang tinuring kong mga magulang at sa sinasabi nilang magulang ko? Ang hirap niyon dahil may bahagi sa isip ko na nagsasabing subukan kong pakinggan si Marcus at ang lalaking iyon.Napabuntong-hininga ako. Tahimik na lumingon ako sa harap ng bintana habang nakaupo ako sa kamang iyon. Maayos na ang pakiramdam ko. Sa totoo nga kaya ko ng bumalik sa bahay pero may kung ano'ng pumipigil sa akin at nagsasabing manatili pa ako sa lugar na iyon. May lungkot akong nadarama sa isiping aalis ako at iiwan ang lugar kung saan nakita ko ang tunay na saya at ang pagtanggap ng mga lobo."Kumusta ka na, Syrie?"Napalingon ako sa lalaking nagsalitang iyon at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Colby doon. Hindi ko nakita ang pagkagulat niya na makita ako roon.
HINDI KO NA hinintay pa na magising si Yena sa tabi ko, maging ang iba pang mga lobo bago ako umalis. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon at bumalik na sa normal ang lakas ko. Nagsisimula ng lumiwanag ang paligid pero tahimik pa rin ang lahat sa village. Muli akong lumingon kay Yena na mahimbing pa rin na natutulog. Nilapitan ko muli siya at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. Alam kong pananabikan ko ang batang ito at ang lugar na ito na nagparamdam sa akin ng mga bagay na hindi ko nararamdaman sa lugar kung saan ako namulat. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Marcus. Umiling ako para alisin sa isip ko na pananabikan ko rin siya. Tumayo ako at lumayo na sa kamang iyon. Huling tingin ang ginawa ko kay Yena bago ko tuluyang nilisan ang silid na iyon. May nararamdaman akong bigat habang inihahakbang ko ang mga paa ko palayo sa village na iyon. Sa mahigit pitong araw na pananatili ko roon, napalapit na sa akin ang lugar na nagparamdam sa akin ng tunay na pagtanggap. N
KATULAD NG inaasahan ko, inulan ako ng mga tanong mula kay Vernon at Persuz nang bumalik sila sa bahay ng araw ding iyon kung kailan ako bumalik. Katulad ng isinagot ko kay Trina, iyon din ang sinabi ko sa kanila. Bakas din sa mukha ni Vernon ang pag-aalala sa akin habang hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha ni Persuz.Seryosong nakatingin lang sa akin si Persuz na animo'y binabasa ang mukha ko. "Kung sinasabi mong napulot ka ng taong iyon mula sa gubat bakit hindi ka agad bumalik o kaya nama'y gumawa ng paraan para ipaalam sa amin ang nangyari sa 'yo?" patuloy na pag-uusisa ni Persuz na halatang hindi kumbinsido sa mga sinabi ko.Nanliit ang mga mata kong bumaling kay Persuz. "Pinagdududahan mo ba ako, Persuz? Gustuhin ko mang bumalik agad o ipaalam sa inyo ang nangyari, hindi ko iyon magawa dahil wala akong lakas dulot ng lasong nasa katawan ko dahil sa palasong iyon na tumama sa akin," inis kong paliwanag uli sa kaniya."Sino ang lalaking iyon na tumulong sa
TAHIMIK AKONG nakatingin sa maingay na batis na umaagos ang tubig pababa sa kung saan ang tungo niyon. Nalala ko ang mga sinabi ni Volter sa akin. Tama siya, nakakalimutan ko na ang totoong pakay ko. Ang paghihigante. Nawawala ako sa pokus na dapat nandoon lang ang sentro ng isip ko. Dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinaparamdam sa akin ng mga lobo, nakakalimutan ko ang pakay ko sa kanila.Bumuntong-hininga ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malaking tipak ng bato. Umihip ang malakas na hangin, pumikit ako at nilasap ang sariwang hanging iyon na yumayakap sa akin na naghahatid ng bahagyang kaginhawahan.Nagmulat ako ng maramdaman kong may ibang tao roon. Nagulat ako at halos hindi makagalaw ng tumambad sa akin si Marcus na halos isang dipa na lang ang layo ng mukha sa akin. Parang tumigil ang paligid. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naaamoy ko na nga ang mabango niyang hininga at ang mainit na h
HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa."Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo."Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay."Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa
"VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag."The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay.Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik.Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo.""Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya.
HUMAHANGOS AT halatang takot na takot ang lobong iyon nang dumating siya sa silid ni amang Trigo kung nasaan kami. Animo'y hinabol siya ng sampung kabayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ito na Natatakot. "A-ang mga bampira! Na-nandiyan na sila!" anunsiyo ng lobong iyon ba halata ang takot at kaba sa boses nito. Mabilis kaming napatayong lahat at gulat na nagkatinginan sa isa't isa. "Kailangan nating maghanda!" ani amang Trigo. "Ihanda ang mga lobo at ilikas ang mga bata," utos pa niya na agad namang tumalima ang mga lobong nandoon. "Magsipaghanda kayo, sasalubungin natin sila sa gubat!" Mabilis na lumabas ng silid si amang Trigo matapos niyang sabihin iyon. Mabilis na nagsipaghanda ang mga naroon habang ako'y napatulala. Nakaramdam ano ng pangamba at kaba sa pwedeng mangyari. Ito na ba ang tuluyang pagwawakas ng kasamaan o patuloy na paghahari ng kasamaan? "Syrie!"
NAPAHINTO KAMI ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid ng gubat. Nandito kami para maglagay ng iba't ibang patibong sa paligid ng village para sa paghahanda sa maaaring gawing pagsugod ng mga bampira.Sinenyasan ko sila na huminto. Kasama ko si Marcus, ang magkapatid na si Trina at Vernon, saka si Colby at ang ilang mga lobo para tumulong sa amin. Nagsimula na ang madilim na gabi at nararamdaman kong may kalaban sa paligid."Magsipaghanda kayo may kalaban sa paligid," mahina kong paalala sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya pa'y umulan ng palaso mula sa kung saan. Mabuti na lang at nakailag kaming lahat at nakatago sa malalaking puno na nakakalat doon. Nagulat pa ako nang muntik na akong tamaan ng ligaw na palasong iyon ng sumilip ako sa kinatataguan ko."Mag-ingat kayo, mapanganib ang palasong ginagamit nila," paalala ko sa mga kasama ko na nagtago sa malalaking puno na iyon. Nakita ko 'di kalayu
HINDI KO maipaliwanag ang sayang bumalot sa akin nang muli akong makatapak sa village ng mga lobo. Para akong naging bagong nilalang na binabalot ng espirito ng pagiging isang ganap na lobo. Naramdaman ko rin na may bahagi sa akin na napunan. Ito na ba 'yong pakiramdam na buo ako? Na buo ang pagkatao ko? Ang sarap pala niyon sa pakiramdam, na maramdaman mong buo ka na dahil kilala mo na kung sino at ano'ng pinagmulan mo, kasabay ng pagkilala mo sa iyong sarili.Hindi naman nahirapan si Trina at Vernon na makisalamuha sa mga bampira, ang totoo nga nito animo'y madali nilang naibagay ang kanilang sarili sa lugar at sa mga lobo rito. Nasa kabilang bahay sila tumutuloy at pinagsisilbihan ng mga lobo.Simula nang makabalik ako sa village, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Yena dahil daw na-miss niya ako ng husto at ganoon din naman ako sa kaniya. I miss her so much. Lahat sa village na ito pinanabikan ko. Tahimik kong pinagmamasdan si Yena na
"ANO'NG GAGAWIN natin ngayon, Syrie?" nababahalang tanong sa akin ni Trina. Kahapon lang ay pinagtabuyan kami ng mga bampira sa mansyon dahil sa kapangahasan namin at hindi ko rin alam kung ano'ng sunod na hakbang ang dapat naming gawin. Ito na ba ang panahon para lumapit ako sa mga lobo at makipagkaisa sa kanila? Pero paano?"Hindi ko rin alam, Trina. Hindi ko alam ang sunod nating gagawin. Hindi ko alam kung paano lalapit sa mga lobo dahil alam ko ang ginawa kong kasalanan sa kanila," malungkot kong sagot kay Trina. Alam ko kasi kung paano ko sila nasaktan nang pinagbintangan ko sila at pinagdudahan at ngayong kailangan ko sila saka ako lalapit?"Wala tayong magagawa sa ngayon, Trina kung 'di ang maghintay sa sunod na mangyayari, sa sunod na hakbang na gagawin nila Volter. Nararamdaman kong malapit ng lumabas ang itinatago nila sa atin," segunda naman ni Vernon."Sa tingin niyo, tuluyan na ba tayong itinakwil ng
NAGULAT NA lang ako nang pagmulat ko ng aking mga mata nasa gilid na ako ng batis kung saan palagi kong pinupuntahan. Katulad nang nakita ko noon, ganoon pa rin ang lugar. Madilim ang pigid, animo'y may apoy na gumagawa ng usok na kumakalat sa paligid. Tahimik din ang lugar at tanging huni ng kuliglig at iba pang mga insekto ang naririnig ko. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at napako ang paningin ko sa dalawang iyon na nakatayo 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Isang babae at lalaki iyon na alam kong kapwa parehong mga lobo. Dahan-dahang humarap ang dalawa habang pigil ko ang aking paghinga. Siya na naman! Napaawang ang bibig ko ng makilala ko ang babaeng iyon. Siya ang palaging nakikita ko sa lugar na ito na kamukha ko pero sino ang kasama niyang lalaki? Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila at nakita iyong magkahawak. "Syrie, anak!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig
"MAY NALAMAN ba kayo sa loob ng mansyon, Vernon?" seryoso kong tanong habang nakaupo kami sa sofa kasama si Trina. "May kahina-hinala bang nangyayari roon?"Nagtinginan ang magkapatid na bakas sa kanilang mga mukha na may kakaiba silang nararamdaman. "Sa totoo lang, Syrie wala kaming nahanap na anumang impormasyon sa mansyon. Limitado ang bawat galaw namin sa loob niyon. Ni hindi kami makapasok o makalapit man lang ng basta sa silid ni Volter. Bantay sarado kami dahil alam nilang nasa panig mo kami. Pero ang pinagtataka namin ni Trina, ang silid na inuukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. Noon ay walang bantay roon pero ngayo'y may mga bampirang nandoon sa labas ng silid at masusing nagbabantay roon. Hindi rin kami pinapalapit doon at walang gustong sumagot sa amin. Nakita ko rin na pumasok doon si Volter dala ang mga bihag nilang mga lobo," pagkwekwento ni Vernon.Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang naramdaman ko sa silid na iyon at
NAPAHINTO AKO habang tahimik akong naglalakad palabas ng mansyon. Animo'y may kung ano akong naramdaman nang madaanan ko ang lumang silid na iyon kung saan inukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. May enerhiya akong naramdaman sa bahaging iyon, kakaibang enerhiya at alam kong mayroong nilalang doon.Dahan-dahan akong pumihit paharap sa hallway na iyon at humakbang papalapit sa silid na iyon. Nakaramdam ako ng pananabik na muli kong mapasok ang lugar na iyon na naging tahanan din ng maraming kong alaala kasama si Amang Trevor at Inang Viola. Napalunok ako. Nandoon pa rin ang enerhiyang nararamdaman ko.Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob ng pinto habang nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan."Syrie, what are you doing here?"Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Tiyo Freud. Saglit pa akong napapikit bago humarap sa kaniya. "I just felt something inside this r