Home / Werewolf / Into The Dark / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Into The Dark: Chapter 11 - Chapter 20

72 Chapters

Kabanata 11: Colby

HANGGANG ngayon hindi ko pa rin tuluyang naaalis sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Marcus. Apektado pa rin ako niyon at aminin ko man o hindi, alam kong tila may kulang sa akin ngayon na nasira na ang plano ko. Wala na, nawalang kabuluhan ang sinimulan ko.Mabilis kong isinuot ang itim na leather jacket, pupunta ako sa mansyon para hanapin ang bampirang muntik ng pumatay kay Yena. Hindi ko papatawarin ang kapangahasan niyon. Kilala ko sa mukhang ang lalaking iyon at ako mismo ang kikitil sa buhay niya. Hindi ako papayag na magpatuloy pa ang ganoong mga pangyayari. Hindi dapat nadadamay ang mga inosenteng nilalang.Lumabas ako ng bahay. Wala roon sila Vernon at Trina habang si Persuz nasa mansyon para isagawa ang unang hakbang ng plano namin, na sana sa pagkakataong ito, maging matagumpay na kami.Ilang dekada ko na bang hinahanap ang mga lobong may ukit na buwan sa kanang braso nila? Hanggang ngayon, hustisya pa rin
last updateLast Updated : 2021-11-21
Read more

Kabanata 12: Friendship?

WALANG pakundangang pumasok ako sa loob ng mansyon kahit pa nakatingin sa akin ang mga bampirang naroon na tila ba gusto na akong sakmalin. Pero dahil sa takot nila sa akin, hindi nila magawa.   Bumukas ang main door ng mansyon at tumambad sa akin ang ilang bampira na may matatas na katayuan sa lipunang ginagalawan namin. Napalingon sila sa akin pero hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon. Hindi sila ang kailangan ko.   Dumeretso ako sa silid ni Volter sa gawing kanan. Hindi ko na kailangan pang kumatok o humingi ng permiso sa kaniya na papasok ako roon. Walang paalam na binuksan ko ang pinto niyon at pumasok doon.   Saglit lang na nagulat si Volter nang tumambad ako sa paningin niya pero ang ilang bampira roon, gulat na gulat at naramdaman ko pa ang takot nila.   Napangisi ako nang makita ko ang bampirang hinahanap ko. Naroon siya, kaharap ni Volter na ngayon ay takot na takot na. Nakayuko ang lal
last updateLast Updated : 2021-11-26
Read more

Kabanata 13: Simpatiya

"SAAN KA galing, Syrie?" salubong sa akin ni Trina na animo'y nababahala sa kung anong bagay."Sa mansyon," pakli ko at dumeretso sa sofa. Umupo ako roon at nasapo ko ang aking ulo. Hindi ko alam pero hindi maalis sa isip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus sa akin. Pinipilit kong alisin iyon dahil natatakot akong baka maniwala ako sa kaniya."I've been looking for you, Syrie," ani Trina na sumunod sa akin sa sofa. "I saw some wolves here kanina, mukhang nagmamanman sila sa bahay."Napaangat ako ng tingin kay Trina dahil sa sinabi niya. "Anong ginawa nila?" nabahala kong tanong."So far they do nothing. Pauwi ako at nakita ko ang ilang lobo na nasa paligid ng bahay na tila may hinahanap," paliwanag ni Trina.Nakahinga ako ng maluwag ng malamang wala namang ginawa ang mga lobo. Marahil may hinahanap ang mga ito at maaaring ako iyon."A
last updateLast Updated : 2021-11-27
Read more

Kabanata 14: Another Side of Marcus

LUMABAS mula sa silid si Marcus suot ang damit ni Vernon na ibinigay ko para suotin niya. Simpleng pants at t-shirt iyon pero napalabas niyon ang taglay na kisig ng katawan ni Marcus. Lumapit siya sa akin sa gawi ng bintana kung saan ako nakatayo. Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko pa siyang patuluyin sa bahay. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling sa labas. Naramdaman ko siya sa tabi ko. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ng lalaking iyon tungkol kay Marcus at ang hitsura niya dahil doon. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman kong simpatiya para sa kaniya. "Bakit mo pinatay ang mga lobong iyon, Marcus? Kalahi mo sila." kapagkuwa'y tanong ko. Saglit ko lang siyang binalingan ng tingin. Hindi sa akin tumingin si Marcus, nanatili ang mga mata niya sa gubat. "Hindi ko gustong patayin ang mga kalahi ko, Syrie pero hindi ko rin pwedeng hayaan silang sirain ang lahi ng mga
last updateLast Updated : 2021-11-30
Read more

Kabanata 15: Knowing Yourself

"Reminiscing memories?"Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sorry, reminiscing memories isn't my thing, Marcus."Humakbang siya palapit sa akin. "Naalala mo ba ang pagkakataong nandito tayo noon? Ang halik?"Pinaliitan ko siya ng mga mata. Pinigilan kong hindi maipakita ng expression ko ang pagkahiya dahil sa natumbok niya ang iniisip ko.Pinilit akong ngumisi para ipakitang mali siya. "Ako? Sorry, pero walang epekto sa akin ang halik na 'yon, Marcus. Baka para sa 'yo mapakahalaga ng bagay na 'yon?" balik ko sa kaniya.Natawa siya at bahagya pang napayuko. "What if I say, you're right. The moment I kissed you, it stuck on my mind, Syrie."Saglit lang akong natigilan pero agad ding bumalik sa blanko kong expression. "Don't expect me to feel the same, Marcus."
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more

Kabanata 16: Feeling Incomplete

HINDI PA rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Marcus sa akin nang nagdaang araw. Pilit ko man iyong alisin sa isip ko pero pilit din iyon doong sumisiksik at pinaaalala sa akin. Dapat ko nga ba kilalanin pa ang sarili ko? Ika nga nila, makilala mo lang ang sarili mo kung alam mo kung saan ka nagmula pero sa sitwasyon ko, dapat pa ba? "Trina, wala ka ba talagang alam tungkol sa kung paano ako napadpad sa poder nila Amang Trevor at Inang Viola?"  Napakunot ang noo ni Trina na nandoon sa kaniyang mukha ang pagtataka sa naging tanong ko sa kaniya, na animo'y hindi niya inaasahang itatanong ko. Napaisip siya, bahagya pang kumiling ang ulo niya. "Kung anong alam mo 'yon lang din ang alam ko, Syrie. Na napulot ka nila Tiyo Trevor sa gubat kung saan iniwan ka ng mga magulang mo," sagot niya. Iyon din ang alam kong pangyayari noon. Ayon kay Inang Viola, naglalakbay sila noon patungo sa gitna ng gubat
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more

Kabanata 17: Panaginip

NAGTATAKANG lumingon ako sa paligid dahil sa hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan ko. Nasaan ako? Tila may mga usok sa paligid na lalong nagpapa-creepy sa lugar. Madilim din ang paligid pero nakikita ko ang mga puno sa paligid at ang mga baging gumagapang sa kung saan-saan.Hinawi ko ang makapal na dahon at ang mga baging sa harapan ko para pumunta sa hindi ko alam na bahagi ng gubat na ito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa lugar na ito."Syrie."Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng babaeng iyon na um-echo pa sa buong gubat. Luminga ako sa paligid pero wala akong nakitang tao roon. Umihip ang malamig na hangin na nagdala ng tila kilabot sa akin.Nagpatuloy ako sa paghakbang sa hindi pamilyar na lugar na ito. Ni wala akong makitang ibang nilalang sa lugar. Humakbang lang ako nang humakbang hanggang sa makarating ako sa lugar na mas malakas ang tila usok doon at ang makakapal na
last updateLast Updated : 2021-12-03
Read more

Kabanata 18: Care?

HINDI PA rin malinaw sa akin ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Marcus sa akin. Iniisip ko pa rin kung karapat-dapat ba siyang pagkatiwalaan. Naglalaban ang utak ko sa dalawang bagay na iyon, kung dapat ba o hindi na magtiwala sa kaniya? "Syrie, bukas na darating si Faram, are going?" Napakurap ako sa tanong ni Trina sa akin habang nakapatong ang mga palad ko sa hamba ng bintana at tahimik na nakatingin sa labas ng bahay. Humarap ako sa kaniya. "I have no choice, Trina kung hindi ako pupunta roon, siguradong pagdududahan ako ni Faram, kilala mo siya handa niyang gawin lahat masira lang ang reputasyon ko sa lahat ng mga bampira," paliwanag ko. Si Faram lang naman ang babaeng bampira na ayaw na ayaw sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Noon pa man, simula nang mamulat ako sa mundong ginagalawan ko, tila lahat ng ginagawa ko tinututulan ni Faram. Marami na ring pagkakataong sinubukan niya akong si
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more

Kabanata 19: Welcome Faram

SA BAHAY pa lang kita na sa mukha ng magkapatid na Trina at Vernon ang excited sa gaganaping salo-salo para sa pagdating ni Faram. Nakasuot ng isang black suit si Vernon habang backless na dress na kulay pula naman ang suot ni Trina. Habang ako nagsuot ng simpleng pantalon at T-shirt, saka jacket sa ibabaw niyon. Habang si Persuz naman ay kanina pang umalis.Sa labas pa lang ng mansyon, makikita na roon ang abalang mga bampira at ilang lobo sa paghahanda para sa gaganaping salo-salo. Maaga kaming dumating doon kaya nadatnan namin na abala pa ang marami. Walang emosyong gumuhit sa mukha ko nang pumasok kami sa malawak na bakuran ng malaking mansyon. Ni hindi ko na pinaglaanan ng pansin ang mga bampirang nakatingin sa amin na animo'y gusto akong sugurin at patayin at may ilan ding natuwang makita ako. Well, hindi na iyon bago sa akin alam ko na ang sistema sa tuwing tumutungtung ang paa ko sa mansyong ito."Syrie, look ikaw lang ang kakaiba sa mga narito," s
last updateLast Updated : 2021-12-05
Read more

Kabanata 20: Pagpuslit

DUMERETCHO ako sa veranda ng mansyon nang umalis ako sa mahabang table na iyon. I felt uncomfortable with them. Hindi ko gusto ang mga tingin nila sa akin na tila pa pinaparamdam nila sa akin na hindi ako kabilang sa kanila. Well, hindi nga naman nila ako kauri dahil isa akong lobo habang mga bampira sila. Dalawa lang ang paa nila habang kaya kong gawing apat ang mga paa ko. Nararamdaman ko pa rin ang pagdududa nila sa akin at sa katapatan ko sa mga bampira.Naalala ko noon, no'ng panahong buhay pa si Amang Trvor at Inang Viola, maraming nagtanong sa kanila kung bakit nila ako kinupkop gayong hindi naman nila ako kauri. Maraming nagdududa, maraming tutol na manatili ako. Kaya nang mawala ang mga magulang ko, mas naramdaman ko ang kagustuhan ng marami na mawala ako sa mansyon pero dahil nandiyan pa rin sila Volter at Tiyo Freud sa tabi ko, wala nagawa ang mga ito kung 'di tanggapin ako bilang anak nila Amang Trevor at isa sa na kanila. Ako na lang ang nagdesisyong lumayo at um
last updateLast Updated : 2021-12-06
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status