Home / Werewolf / Into The Dark / Kabanata 16: Feeling Incomplete

Share

Kabanata 16: Feeling Incomplete

Author: Totoy
last update Last Updated: 2021-12-02 22:54:09

HINDI PA rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Marcus sa akin nang nagdaang araw. Pilit ko man iyong alisin sa isip ko pero pilit din iyon doong sumisiksik at pinaaalala sa akin. Dapat ko nga ba kilalanin pa ang sarili ko? Ika nga nila, makilala mo lang ang sarili mo kung alam mo kung saan ka nagmula pero sa sitwasyon ko, dapat pa ba?

"Trina, wala ka ba talagang alam tungkol sa kung paano ako napadpad sa poder nila Amang Trevor at Inang Viola?" 

Napakunot ang noo ni Trina na nandoon sa kaniyang mukha ang pagtataka sa naging tanong ko sa kaniya, na animo'y hindi niya inaasahang itatanong ko.

Napaisip siya, bahagya pang kumiling ang ulo niya. "Kung anong alam mo 'yon lang din ang alam ko, Syrie. Na napulot ka nila Tiyo Trevor sa gubat kung saan iniwan ka ng mga magulang mo," sagot niya.

Iyon din ang alam kong pangyayari noon. Ayon kay Inang Viola, naglalakbay sila noon patungo sa gitna ng gubat

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
masaya k na nakatulong sa mga taong lobo, ibig sabihin nasa puso mo pa rin ang pagiging taong lobo, feeling q inilayo k lng ng totoo mong magulang kc baka may nagtangka sa buhay mo Syrie kya iniwan k nila sa gubat, feeling q lng un para mabuhay k baka may nagtangka sa buhay mo
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
bakit ayaw mong subukan Syrie na kilalanin Ang lahing pinagmulan mo at masaya ka sa pagtulong sa kanila ibig sabihin nasa puso mo pa Rin Ang lahi mo kahit na anung pagtanggi na sinasabi mo sa mga bampira lumalabas pa Rin Ang pagiging matulungin mo sa kapwa mong lobo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Into The Dark   Kabanata 17: Panaginip

    NAGTATAKANG lumingon ako sa paligid dahil sa hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan ko. Nasaan ako? Tila may mga usok sa paligid na lalong nagpapa-creepy sa lugar. Madilim din ang paligid pero nakikita ko ang mga puno sa paligid at ang mga baging gumagapang sa kung saan-saan.Hinawi ko ang makapal na dahon at ang mga baging sa harapan ko para pumunta sa hindi ko alam na bahagi ng gubat na ito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa lugar na ito."Syrie."Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng babaeng iyon na um-echo pa sa buong gubat. Luminga ako sa paligid pero wala akong nakitang tao roon. Umihip ang malamig na hangin na nagdala ng tila kilabot sa akin.Nagpatuloy ako sa paghakbang sa hindi pamilyar na lugar na ito. Ni wala akong makitang ibang nilalang sa lugar. Humakbang lang ako nang humakbang hanggang sa makarating ako sa lugar na mas malakas ang tila usok doon at ang makakapal na

    Last Updated : 2021-12-03
  • Into The Dark   Kabanata 18: Care?

    HINDI PA rin malinaw sa akin ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Marcus sa akin. Iniisip ko pa rin kung karapat-dapat ba siyang pagkatiwalaan. Naglalaban ang utak ko sa dalawang bagay na iyon, kung dapat ba o hindi na magtiwala sa kaniya? "Syrie, bukas na darating si Faram, are going?" Napakurap ako sa tanong ni Trina sa akin habang nakapatong ang mga palad ko sa hamba ng bintana at tahimik na nakatingin sa labas ng bahay. Humarap ako sa kaniya. "I have no choice, Trina kung hindi ako pupunta roon, siguradong pagdududahan ako ni Faram, kilala mo siya handa niyang gawin lahat masira lang ang reputasyon ko sa lahat ng mga bampira," paliwanag ko. Si Faram lang naman ang babaeng bampira na ayaw na ayaw sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Noon pa man, simula nang mamulat ako sa mundong ginagalawan ko, tila lahat ng ginagawa ko tinututulan ni Faram. Marami na ring pagkakataong sinubukan niya akong si

    Last Updated : 2021-12-04
  • Into The Dark   Kabanata 19: Welcome Faram

    SA BAHAY pa lang kita na sa mukha ng magkapatid na Trina at Vernon ang excited sa gaganaping salo-salo para sa pagdating ni Faram. Nakasuot ng isang black suit si Vernon habang backless na dress na kulay pula naman ang suot ni Trina. Habang ako nagsuot ng simpleng pantalon at T-shirt, saka jacket sa ibabaw niyon. Habang si Persuz naman ay kanina pang umalis.Sa labas pa lang ng mansyon, makikita na roon ang abalang mga bampira at ilang lobo sa paghahanda para sa gaganaping salo-salo. Maaga kaming dumating doon kaya nadatnan namin na abala pa ang marami.Walang emosyong gumuhit sa mukha ko nang pumasok kami sa malawak na bakuran ng malaking mansyon. Ni hindi ko na pinaglaanan ng pansin ang mga bampirang nakatingin sa amin na animo'y gusto akong sugurin at patayin at may ilan ding natuwang makita ako. Well, hindi na iyon bago sa akin alam ko na ang sistema sa tuwing tumutungtung ang paa ko sa mansyong ito."Syrie, look ikaw lang ang kakaiba sa mga narito," s

    Last Updated : 2021-12-05
  • Into The Dark   Kabanata 20: Pagpuslit

    DUMERETCHO ako sa veranda ng mansyon nang umalis ako sa mahabang table na iyon. I felt uncomfortable with them. Hindi ko gusto ang mga tingin nila sa akin na tila pa pinaparamdam nila sa akin na hindi ako kabilang sa kanila. Well, hindi nga naman nila ako kauri dahil isa akong lobo habang mga bampira sila. Dalawa lang ang paa nila habang kaya kong gawing apat ang mga paa ko. Nararamdaman ko pa rin ang pagdududa nila sa akin at sa katapatan ko sa mga bampira.Naalala ko noon, no'ng panahong buhay pa si Amang Trvor at Inang Viola, maraming nagtanong sa kanila kung bakit nila ako kinupkop gayong hindi naman nila ako kauri. Maraming nagdududa, maraming tutol na manatili ako. Kaya nang mawala ang mga magulang ko, mas naramdaman ko ang kagustuhan ng marami na mawala ako sa mansyon pero dahil nandiyan pa rin sila Volter at Tiyo Freud sa tabi ko, wala nagawa ang mga ito kung 'di tanggapin ako bilang anak nila Amang Trevor at isa sa na kanila. Ako na lang ang nagdesisyong lumayo at um

    Last Updated : 2021-12-06
  • Into The Dark   Kabanata 21: Simula

    "TAMA BA ang narinig ko, Syrie? Inalok ka ng pakikipagkaibigan ni Faram?" hindi makapaniwalang tanong ni Trina nang ikwento ko sa kanila ang pag-uusap namin ni Faram sa silid na iyon sa mansyon. Tumango ako. "You heard it right, Trina nakipagkaibigan sa akin si Faram at sinabi niyang kalimutan na namin ang nangyari sa nakaraan," sabi ko pa. Umikot pa ang mga mata ko dahil hindi ko talaga iyon pinaniniwalaan. "Do you believe her, Syrie?" tanong naman ni Vernon na nasa harap ko habang nakaupo kami sa sofa. Saglit akong nag-isip. Paniniwalaan ko ba si Faram gayong nang makita ko siya sa long table na iyon, kita ko sa mga mata niya ang alab doon at ang kakaiba niyang tingin na animo'y isa akong kaaway. "Of course not, Vernon. Mahirap paniwalaan ang katulad ni Faram. Matalino siya at tuso," sagot ko. "I can't really believe she would asked you to befriend with her. Napakalaking himala niyon, Syrie. Well, hindi natin alam ang tunay na pakay niya pero ang hi

    Last Updated : 2021-12-07
  • Into The Dark   Kabanata 22: Plano Pt.2

    HINDI AKO makapaniwala sa naging desisyon ko sa pagpayag ko sa pakikipagkaibigang inalok ni Marcus sa akin. Tama ba ang desisyon kong tanggapin iyon? Umiling ako habang pauwi ako sa bahay. Hindi maalis sa isip ko ang tagpong iyon sa pagitan namin ni Marcus.Tama, ginawa ko lang iyon para sa maaari kong malaman sa kaniya at wala ng ibang dahilan. Pwede ko siyang gamitin at kapag nalaman ko na ang mga bagay na nais kong maintindihan, saka ko siya iiwasang muli at itataboy na parang basura. Pwede ko rin siyang magamit bilang tulay sa paghihigante ko. Kung iisipin niyang magkaibigan na kami, magiging madali na sa akin na mahanap ang mga lobong hinahanap ko. Itutuloy ko na ang plano ko sa kaniya at sisiguraduhin kong magtatagumpay na ako sa pagkakataong ito.Pero hindi ko pa rin pwedeng ilapit ng husto ang sarili ko sa kaniya dahil alam kong may posibilidad na magkaroon ng emosyong pwede kong maramdaman. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kaniya o sa kahit kanino man. Kailangan

    Last Updated : 2021-12-08
  • Into The Dark   Kabanata 23.1: Alaala

    HINDI KO pa rin tuluyang maalis sa isip ko ang mga bagay na sinabi ni Colby sa akin. Tila ba tinamaan ako sa lahat ng mga sinabi niya pero pilit ko iyong hindi pinaniniwalaan. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Pero paano niya ako nakilala ng ganoon? Paano niya alam ang ilang bagay sa buhay ko, eh hindi ko pa naman siya kilala ng ganoon katagal."Syrie, magugulat ka sa parating."Napukaw ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses na iyon ni Trina. Kumurap ako at nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya at ang pagtataka roon. Mayamaya pa'y napatingin ako sa babaeng pumasok sa bahay habang nakatingin sa paligid niyon."Faram?" hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. Napatayo pa ako habang nasa kaniya ang mga mata ko. May kasama siyang ilang mga bampira na wari ko'y bodyguard niya."You look surprised, Syrie," nakangiting sambit ni Faram. Ibang iba na siya mula sa dating Fara

    Last Updated : 2021-12-09
  • Into The Dark   Kabanata 23.2: Trust

    UMATRAS ako nang umatras sa bawat atake ni Volter sa akin. At nang makita ko ang direksyon ng kamao niya, sumalungat ako roon at mabilis na hinawakan ko ang braso niya at sinundan ko ng malakas na suntok sa kaniyang mukha, daan para tumilapon siya. Hindi ko nakontrol ang lakas ng atake ko kaya malayo ang naabot ni Volter. Nakita kong hindi agad nakatayo si Volter mula sa pagkatilapon niya. Bumalik ako sa gitna ng nagsisilbing arena. Mayamaya pa'y nakita kong nakatayo na uli si Volter. Salubong ang mga kilay na tumingin siya sa akin, bakas ang galit at pagkadismaya. Kita ko ang pagiging agresibo niya habang tila nangangalit ang mga ngipin niya habang papalapit siya sa akin. Mabilis niyang inilabas ang kaniyang mga kuko at ang pangil niya. Ginamit niya ang kaniyang bilis para makarating agad sa akin. Umatake siya at sinubukang sugatan ako gamit ang matilos niyang mga kuko pero naiwasan ko iyon. Sunod-sunod na atake ang ginawa niya, at lahat ng iyo

    Last Updated : 2021-12-10

Latest chapter

  • Into The Dark   Finale

    HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa."Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo."Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay."Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa

  • Into The Dark   Kabanata 68: Digmaan pt.2

    "VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag."The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay.Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik.Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo.""Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya.

  • Into The Dark   Kabanata 67: Digmaan pt.1

    HUMAHANGOS AT halatang takot na takot ang lobong iyon nang dumating siya sa silid ni amang Trigo kung nasaan kami. Animo'y hinabol siya ng sampung kabayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ito na Natatakot. "A-ang mga bampira! Na-nandiyan na sila!" anunsiyo ng lobong iyon ba halata ang takot at kaba sa boses nito. Mabilis kaming napatayong lahat at gulat na nagkatinginan sa isa't isa. "Kailangan nating maghanda!" ani amang Trigo. "Ihanda ang mga lobo at ilikas ang mga bata," utos pa niya na agad namang tumalima ang mga lobong nandoon. "Magsipaghanda kayo, sasalubungin natin sila sa gubat!" Mabilis na lumabas ng silid si amang Trigo matapos niyang sabihin iyon. Mabilis na nagsipaghanda ang mga naroon habang ako'y napatulala. Nakaramdam ano ng pangamba at kaba sa pwedeng mangyari. Ito na ba ang tuluyang pagwawakas ng kasamaan o patuloy na paghahari ng kasamaan? "Syrie!"

  • Into The Dark   Kabanata 66: Kalaban

    NAPAHINTO KAMI ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid ng gubat. Nandito kami para maglagay ng iba't ibang patibong sa paligid ng village para sa paghahanda sa maaaring gawing pagsugod ng mga bampira.Sinenyasan ko sila na huminto. Kasama ko si Marcus, ang magkapatid na si Trina at Vernon, saka si Colby at ang ilang mga lobo para tumulong sa amin. Nagsimula na ang madilim na gabi at nararamdaman kong may kalaban sa paligid."Magsipaghanda kayo may kalaban sa paligid," mahina kong paalala sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya pa'y umulan ng palaso mula sa kung saan. Mabuti na lang at nakailag kaming lahat at nakatago sa malalaking puno na nakakalat doon. Nagulat pa ako nang muntik na akong tamaan ng ligaw na palasong iyon ng sumilip ako sa kinatataguan ko."Mag-ingat kayo, mapanganib ang palasong ginagamit nila," paalala ko sa mga kasama ko na nagtago sa malalaking puno na iyon. Nakita ko 'di kalayu

  • Into The Dark   Kabanata 65: Happy Together

    HINDI KO maipaliwanag ang sayang bumalot sa akin nang muli akong makatapak sa village ng mga lobo. Para akong naging bagong nilalang na binabalot ng espirito ng pagiging isang ganap na lobo. Naramdaman ko rin na may bahagi sa akin na napunan. Ito na ba 'yong pakiramdam na buo ako? Na buo ang pagkatao ko? Ang sarap pala niyon sa pakiramdam, na maramdaman mong buo ka na dahil kilala mo na kung sino at ano'ng pinagmulan mo, kasabay ng pagkilala mo sa iyong sarili.Hindi naman nahirapan si Trina at Vernon na makisalamuha sa mga bampira, ang totoo nga nito animo'y madali nilang naibagay ang kanilang sarili sa lugar at sa mga lobo rito. Nasa kabilang bahay sila tumutuloy at pinagsisilbihan ng mga lobo.Simula nang makabalik ako sa village, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Yena dahil daw na-miss niya ako ng husto at ganoon din naman ako sa kaniya. I miss her so much. Lahat sa village na ito pinanabikan ko. Tahimik kong pinagmamasdan si Yena na

  • Into The Dark   Kabanata 64: Unity

    "ANO'NG GAGAWIN natin ngayon, Syrie?" nababahalang tanong sa akin ni Trina. Kahapon lang ay pinagtabuyan kami ng mga bampira sa mansyon dahil sa kapangahasan namin at hindi ko rin alam kung ano'ng sunod na hakbang ang dapat naming gawin. Ito na ba ang panahon para lumapit ako sa mga lobo at makipagkaisa sa kanila? Pero paano?"Hindi ko rin alam, Trina. Hindi ko alam ang sunod nating gagawin. Hindi ko alam kung paano lalapit sa mga lobo dahil alam ko ang ginawa kong kasalanan sa kanila," malungkot kong sagot kay Trina. Alam ko kasi kung paano ko sila nasaktan nang pinagbintangan ko sila at pinagdudahan at ngayong kailangan ko sila saka ako lalapit?"Wala tayong magagawa sa ngayon, Trina kung 'di ang maghintay sa sunod na mangyayari, sa sunod na hakbang na gagawin nila Volter. Nararamdaman kong malapit ng lumabas ang itinatago nila sa atin," segunda naman ni Vernon."Sa tingin niyo, tuluyan na ba tayong itinakwil ng

  • Into The Dark   Kabanata 63: Ang Silid

    NAGULAT NA lang ako nang pagmulat ko ng aking mga mata nasa gilid na ako ng batis kung saan palagi kong pinupuntahan. Katulad nang nakita ko noon, ganoon pa rin ang lugar. Madilim ang pigid, animo'y may apoy na gumagawa ng usok na kumakalat sa paligid. Tahimik din ang lugar at tanging huni ng kuliglig at iba pang mga insekto ang naririnig ko. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at napako ang paningin ko sa dalawang iyon na nakatayo 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Isang babae at lalaki iyon na alam kong kapwa parehong mga lobo. Dahan-dahang humarap ang dalawa habang pigil ko ang aking paghinga. Siya na naman! Napaawang ang bibig ko ng makilala ko ang babaeng iyon. Siya ang palaging nakikita ko sa lugar na ito na kamukha ko pero sino ang kasama niyang lalaki? Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila at nakita iyong magkahawak. "Syrie, anak!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig

  • Into The Dark   Kabanata 62: Pagpapanggap

    "MAY NALAMAN ba kayo sa loob ng mansyon, Vernon?" seryoso kong tanong habang nakaupo kami sa sofa kasama si Trina. "May kahina-hinala bang nangyayari roon?"Nagtinginan ang magkapatid na bakas sa kanilang mga mukha na may kakaiba silang nararamdaman. "Sa totoo lang, Syrie wala kaming nahanap na anumang impormasyon sa mansyon. Limitado ang bawat galaw namin sa loob niyon. Ni hindi kami makapasok o makalapit man lang ng basta sa silid ni Volter. Bantay sarado kami dahil alam nilang nasa panig mo kami. Pero ang pinagtataka namin ni Trina, ang silid na inuukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. Noon ay walang bantay roon pero ngayo'y may mga bampirang nandoon sa labas ng silid at masusing nagbabantay roon. Hindi rin kami pinapalapit doon at walang gustong sumagot sa amin. Nakita ko rin na pumasok doon si Volter dala ang mga bihag nilang mga lobo," pagkwekwento ni Vernon.Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang naramdaman ko sa silid na iyon at

  • Into The Dark   Kabanata 61: Please!

    NAPAHINTO AKO habang tahimik akong naglalakad palabas ng mansyon. Animo'y may kung ano akong naramdaman nang madaanan ko ang lumang silid na iyon kung saan inukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. May enerhiya akong naramdaman sa bahaging iyon, kakaibang enerhiya at alam kong mayroong nilalang doon.Dahan-dahan akong pumihit paharap sa hallway na iyon at humakbang papalapit sa silid na iyon. Nakaramdam ako ng pananabik na muli kong mapasok ang lugar na iyon na naging tahanan din ng maraming kong alaala kasama si Amang Trevor at Inang Viola. Napalunok ako. Nandoon pa rin ang enerhiyang nararamdaman ko.Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob ng pinto habang nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan."Syrie, what are you doing here?"Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Tiyo Freud. Saglit pa akong napapikit bago humarap sa kaniya. "I just felt something inside this r

DMCA.com Protection Status