Home / Werewolf / Into The Dark / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Into The Dark: Chapter 51 - Chapter 60

72 Chapters

Kabanata 49: Let's Rest

MAS LALO lang gumulo ang utak ko nang manggaling ako sa mansyon. Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Magkaibang kwento kasi ang nalaman ko at naging dahilan lamang iyon ng matinding pagkalito sa akin. Hindi ko alam ngayon kung sinong paniniwalaan ko, kung sino ang nagsasabi ng totoong nangyari noon.Pabagsak akong umupo sa sofa at nasapo ang noo ko. Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng mga nalaman ko. Kusang gumagana ang aking utak sa pag-iisip kung sino ang nagsasabi ng totoo."Oh! Galing ka raw mansyon sabi ni Vernon?"Hindi ko nilingon si Trina. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ko habang nakapikit ako at hinihimas ang sumasakit kong sentido. "Nanggaling nga ako roon, Trina," pag-amin ko."Kumusta? Mukhang hindi ka ok? Ano bang ginawa mo sa mansyon?" usisa niya.Bumuntong-hininga ako, saka nilingon si Trina. "May mga bagay lang akong nilinaw, Trina. Mga bagay na kailangan kong makunan ng sagot," makahulugan kong balik.Nakita k
last updateLast Updated : 2022-01-12
Read more

Kabanata 50: Rest

HINDI KO alam kung saan ako dadalhin ni Marcus basta sumama na lang ako sa kaniya nang sabihin niyang magpahinga kami. Wala akong ideya sa pahingang sinasabi niya pero iyon ang gusto ko ngayon, ang magpahinga na kasama siya. 'Yong kami lang dalawa. 'Yong maramdaman ko muli ang kapanatagan ng loob at kapayapaan ng isip. Marahang hawak ni Marcus ang braso ko habang naglalakad kami patungo sa hindi ko alam na lugar. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nasa gitna pa rin kami ng gubat kung saan malalaking puno ang nakikita ko sa paligid.  "Saan ba tayo pupunta, Marcus?" usisa ko sa kaniya. Hindi siya lumingon sa akin. Nagpatuloy lang siya sa paglakad. "Sa lugar kung saan ipagpapahinga kita, Syrie. I know you need rest. Kailangan mo ng tahimik na lugar para makapagpahinga at dadalhin kita roon," aniya. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang sa paglalakad kung saan man niya ako dalhin. Napak
last updateLast Updated : 2022-01-13
Read more

Kabanata 51: Syrie's Parents (SPG)

NAPANGITI AKO habang yakap ako ni Marcus mula sa likod ko habang nakatingin kami sa labas ng bahay na iyon kung saan kita namin ang nagtataasang mga puno at ang mga dahong bumabagsak mula sa mga sanga niyon. Ramdam ko rin ang ihip ng sariwang hangin na dumadampi sa balat ko na nagbibigay ng kapanatagan sa akin. Excited ako sa mga bagay na ikwekwento ni Marcus tungkol sa mga magulang ko. Gusto ko silang makilala at malaman ang buhay nila para kahit sa pamamagitan niyon, kahit wala na sila, mapalapit sila sa akin at maramdaman ko sila."Gusto kong malaman kung ano'ng hitsura ng aking ina at ama, Marcus," tanong ko sa kaniya habang nakapulupot ang bisig niya sa baywang ko at nakasandal ang katawan ko sa malapad niyang dibdib. "Gusto kong makita sila kahit sa isip ko lang."Naramdaman ko ang hininga niya sa balikat ko na nagparamdam sa akin ng kakaibang temtasyon at init. "Look at yourself, Syrie at makikita mo ang iyong ina. You're a beautiful like Savanna," simula niya a
last updateLast Updated : 2022-01-14
Read more

Kabanata 52: Truth About Marcus

NARAMDAMAN KO ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa h***d kong katawan nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Bumaling ako kay Marcus na nasa tabi ko na mahimbing pa rin ang tulog habang nakaunan ako sa braso niya at yakap ako. Napaungol pa siya at bahagyang gumalaw. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha na hindi ko pagsasawaang tingnan. Napangiti ako at muling gumuhit ang ligaya sa mga labi ko nang maalala ko ang namagitan sa amin ni Marcus kanina at ang hatid niyong saya. Marahan kong hinaplos ang makinis at malambot niyang pisngi habang pinagmamasdan ang bawat bahagi niyon. Gusto kong palaging makita ang mukha niya sa isip ko dahil nagbibigay iyon sa akin ng saya at ligaya. Ayaw kong mawaglit iyon sa isip ko. Mayamaya pa'y marahan akong gumalaw at dahan-dahang inalis ang braso ni Marcus na nakayakap sa akin. Ayaw kong istorbuhin ang mahimbing niyang tulog. Matapos kong maalis iyon, dahan-dahan akong bumaba sa higaan na iyon at pinulot ang mga
last updateLast Updated : 2022-01-15
Read more

Kabanata 53: Galit

MABILIS AKONG naglakad papasok sa mansyon matapos kong makauwi ng bahay. Nagkamali ako ng pinaniwalaan at nagpalinlang kay Marcus. Kaya pala ganoon na lang ang ipinaramdam niya sa akin. Pinasaya niya ako at ipinakita sa akin ang mundo sa labas ng mundo ko na puno ng poot at paghihigante. Ngunit lahat pala iyo'y may dahilan, para linlangin ako, para paniwalaan siya na nagsasabi siya ng totoo para ilayo ang isip at puso ko sa poot at paghihigante ko sa mga lobo at pumanig sa kanila para kalabanin ang mga bampira.Ngunit ngayo'y alam ko na ang katotohanan. Sapat na ang ukit na buwan sa kanang braso niya para ibunyag sa akin ang tunay niyang pagkatao. Nilinlang niya ako at pinaniwala sa mga kasinungalingan niya para maging malinis siya sa harap ko, para hindi ko isiping isa siya sa pumatay sa mga bampirang mga kumupkop sa akin.Pero alam kong sa kabila niyo'y nandoon ang sakit at lungkot sa puso ko dahil sa nalaman ko. Bakit si Marcus pa? Kung kailan handa na akong ipaglab
last updateLast Updated : 2022-01-16
Read more

Kabanata 54: Ukit na Buwan

HINDI PA rin mawala ang pagkagulat ni Vernon at Trina sa mga narinig mula sa akin nang ikwento ko sa kanila ang nangyari sa akin. Ang mga bagay na tungkol sa mga magulang ko, ang kasinungalingan ni Marcus at ang katotohanang nalaman ko tungkol sa kaniya. Hindi nila inasahan ang mga narinig mula sa akin. "Ibig mong sabihin lahat ng bagay na sinabi sa iyo ni Marcus tungkol sa mga magulang mo ay kasinungalingan lahat?" paglilinaw ni Trina sa akin. Hindi pa rin nawawala ang sakit at lungkot sa akin sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari. Parang ang bilis lang ng pangyayari. Parang natulog lang ako at pagkagising ko, biglang nagbago uli ang lahat. Mas naging magulo at mas naging masakit. Tumango ako kahit sa isip ko'y may nagsasabing baka totoo ang lahat ng sinabi ni Marcus tungkol sa mga magulang ko. "Iyon ang kutob ko, Trina para maniwala ako sa kaniya. Para malinlang niya ako dahil alam niya kung gaano ko kagustong malaman
last updateLast Updated : 2022-01-17
Read more

Kabanata 55.1: Syrie's Dream

TAHIMIK LANG AKO habang nakatingin sa paligid ng bahay. Nasa sariling silid ako habang nakatayo sa tapat ng bintana at pinagmamasdan ang paligid na tanging berdeng mga dahon at malalaking puno ang nakikita ko. Hanggang ngayon hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga sinabi ni Vernon tungkol sa maaaring tama lahat ng sinabi ni Marcus tungkol sa mga magulang ko. Hindi ko rin maalis ang mga sinabi ni Marcus sa akin tungkol sa mga bampira at sa pinaniwalaan ko. May nagtatanong sa isip na kung paano nga kung tama si Marcus at mali ako ng pinaniwalaan? Paano kung huli na ang lahat? Napailing ako at pilit iyong iwinaglit sa isip ko.Naalala ko muli ang mga kwento ni Marcus sa akin tungkol sa tunay kong mga magulang. Naramdaman ko muli ang saya at lungkot. Napag-isipan ko na iyon at maaaring totoo nga ang mga sinabi ni Marcus tungkol sa mga magulang ko dahil naramdaman ko sa sarili ko ang saya at ang pagmamahal nila sa isa't isa at sa akin habang ikinuwento niya iyon ni Marcus akin. N
last updateLast Updated : 2022-01-18
Read more

Kabanata 55.2: Amang Trevor

"MARCUS!" banggit ko sa pangalan niya nang humarap siya sa akin matapos niyang patumbahin ang dalawang bampirang iyon. "Iyan ba ang itinuturing mong mga kakampi, Syrie, silang nagbabanta sa buhay mo?" seryosong tanong ni Marcus sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. "Hayag na sa harap mo ang katotohanan na pilit mong itinatanggi," dagdag pa niya. Hindi ako nagpatinag sa kaniya. Lumaban ako sa mga tingin niya sa akin habang kita ko roon ang lungkot at sakit. Ngumisi ako. "Wala ka ng pakialam, Marcus kung sino man ang paniwalaan ko. Hindi mo na ako malilinlang pa kahit ano'ng sabihin mo," madiin kong balik sa kaniya. Napasinghap si Marcus, saka napayuko ng saglit. Magsasalita pa sana ito nang bigla na lang itong atakihin ng isang bampira. Kita ko kung paano hiniwa ng bampirang iyon gamit ang matilos nitong kuko ang likod ni Marcus. Agad akong nabahala. Gumalaw ako nang mabilis at sinugod ang bampirang iyon. Nahawakan ko ang leeg nito at inihagis sa malaking
last updateLast Updated : 2022-01-19
Read more

Kabanata 56: Pag-amin

SIMULA NANG pumunta ako sa mansyon at nakausap ko si Volter, hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit may nararamdaman akong pagdududa sa kaniya, sa mga bampira. Hindi maalis sa isip ko ang mga lumabas sa bibig ni Volter na hindi ko inaasahan. Maari bang tama si Marcus tungkol sa mga bampira? Marami pa ba akong hindi nalalaman sa kanila? "Kumusta, Syrie?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon at tumambad sa akin si Colby na seryoso lang na nakatingin sa akin. Nasa tapat ako ng bintana sa sala at hindi ko namalayang dumating siya dahil sa dami ng iniisip ko. Lumapit pa siya sa akin at bumaling sa labas. Wala roon ang magkapatid na abala sa pagha-hunt. "Ano'ng ginagawa mo rito, Colby?" walang emosyong tanong ko sa kaniya habang ang mga paningin ko ay nasa labas. Bakit hindi ko magawang sabihin kay Volter ang tungkol kay Colby? Dapat galit din ako sa kaniya pero heto ako, kalmadong hinarap siya. Bumaling siya sa akin. "I'm here to
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more

Kabanata 57: Pagkabuhay

HINDI pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Marcus nang nagdaang araw tungkol kay Amang Trevor, na buhay daw ito. Pilit kong iniisip kung posible ba iyong mangyari pero bakit ako kinakabahan? Bakit pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari? Natatakot ako sa pwedeng maging resulta ng lahat. Mas naging kumplikado ang bawat sitwasyon sa maraming bagay na lumilitaw. Bumuntong-hininga ako habang nakahalukipkip at nakatayo sa harap ng bintana. Umihip ang hangin na naramdaman ko sa balat ko. Saglit akong pumikit, saka pumihit at naglakad patungo sa sofa. Nanatili akong tahimik, nakatingin sa kawalan. Ang daming bagay na gumugulo sa isip ko. Mga tanong na hindi ko makuha ang sagot. "Syrie, are you ok?" Napakurap ako at agad na nag-angat ng tingin kay Vernon nang marinig ko ang boses niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Umupo siya sa bakanteng sofa sa tapat ko. Mayamaya pa'y dumating naman si Trina galing sa kung saan. Nagtatakang tiningnan
last updateLast Updated : 2022-01-21
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status