MABILIS AKONG naglakad papasok sa mansyon matapos kong makauwi ng bahay. Nagkamali ako ng pinaniwalaan at nagpalinlang kay Marcus. Kaya pala ganoon na lang ang ipinaramdam niya sa akin. Pinasaya niya ako at ipinakita sa akin ang mundo sa labas ng mundo ko na puno ng poot at paghihigante. Ngunit lahat pala iyo'y may dahilan, para linlangin ako, para paniwalaan siya na nagsasabi siya ng totoo para ilayo ang isip at puso ko sa poot at paghihigante ko sa mga lobo at pumanig sa kanila para kalabanin ang mga bampira.
Ngunit ngayo'y alam ko na ang katotohanan. Sapat na ang ukit na buwan sa kanang braso niya para ibunyag sa akin ang tunay niyang pagkatao. Nilinlang niya ako at pinaniwala sa mga kasinungalingan niya para maging malinis siya sa harap ko, para hindi ko isiping isa siya sa pumatay sa mga bampirang mga kumupkop sa akin.
Pero alam kong sa kabila niyo'y nandoon ang sakit at lungkot sa puso ko dahil sa nalaman ko. Bakit si Marcus pa? Kung kailan handa na akong ipaglab
HINDI PA rin mawala ang pagkagulat ni Vernon at Trina sa mga narinig mula sa akin nang ikwento ko sa kanila ang nangyari sa akin. Ang mga bagay na tungkol sa mga magulang ko, ang kasinungalingan ni Marcus at ang katotohanang nalaman ko tungkol sa kaniya. Hindi nila inasahan ang mga narinig mula sa akin."Ibig mong sabihin lahat ng bagay na sinabi sa iyo ni Marcus tungkol sa mga magulang mo ay kasinungalingan lahat?" paglilinaw ni Trina sa akin.Hindi pa rin nawawala ang sakit at lungkot sa akin sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari. Parang ang bilis lang ng pangyayari. Parang natulog lang ako at pagkagising ko, biglang nagbago uli ang lahat. Mas naging magulo at mas naging masakit.Tumango ako kahit sa isip ko'y may nagsasabing baka totoo ang lahat ng sinabi ni Marcus tungkol sa mga magulang ko. "Iyon ang kutob ko, Trina para maniwala ako sa kaniya. Para malinlang niya ako dahil alam niya kung gaano ko kagustong malaman
TAHIMIK LANG AKO habang nakatingin sa paligid ng bahay. Nasa sariling silid ako habang nakatayo sa tapat ng bintana at pinagmamasdan ang paligid na tanging berdeng mga dahon at malalaking puno ang nakikita ko. Hanggang ngayon hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga sinabi ni Vernon tungkol sa maaaring tama lahat ng sinabi ni Marcus tungkol sa mga magulang ko. Hindi ko rin maalis ang mga sinabi ni Marcus sa akin tungkol sa mga bampira at sa pinaniwalaan ko. May nagtatanong sa isip na kung paano nga kung tama si Marcus at mali ako ng pinaniwalaan? Paano kung huli na ang lahat? Napailing ako at pilit iyong iwinaglit sa isip ko.Naalala ko muli ang mga kwento ni Marcus sa akin tungkol sa tunay kong mga magulang. Naramdaman ko muli ang saya at lungkot. Napag-isipan ko na iyon at maaaring totoo nga ang mga sinabi ni Marcus tungkol sa mga magulang ko dahil naramdaman ko sa sarili ko ang saya at ang pagmamahal nila sa isa't isa at sa akin habang ikinuwento niya iyon ni Marcus akin. N
"MARCUS!" banggit ko sa pangalan niya nang humarap siya sa akin matapos niyang patumbahin ang dalawang bampirang iyon. "Iyan ba ang itinuturing mong mga kakampi, Syrie, silang nagbabanta sa buhay mo?" seryosong tanong ni Marcus sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. "Hayag na sa harap mo ang katotohanan na pilit mong itinatanggi," dagdag pa niya. Hindi ako nagpatinag sa kaniya. Lumaban ako sa mga tingin niya sa akin habang kita ko roon ang lungkot at sakit. Ngumisi ako. "Wala ka ng pakialam, Marcus kung sino man ang paniwalaan ko. Hindi mo na ako malilinlang pa kahit ano'ng sabihin mo," madiin kong balik sa kaniya. Napasinghap si Marcus, saka napayuko ng saglit. Magsasalita pa sana ito nang bigla na lang itong atakihin ng isang bampira. Kita ko kung paano hiniwa ng bampirang iyon gamit ang matilos nitong kuko ang likod ni Marcus. Agad akong nabahala. Gumalaw ako nang mabilis at sinugod ang bampirang iyon. Nahawakan ko ang leeg nito at inihagis sa malaking
SIMULA NANG pumunta ako sa mansyon at nakausap ko si Volter, hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit may nararamdaman akong pagdududa sa kaniya, sa mga bampira. Hindi maalis sa isip ko ang mga lumabas sa bibig ni Volter na hindi ko inaasahan. Maari bang tama si Marcus tungkol sa mga bampira? Marami pa ba akong hindi nalalaman sa kanila? "Kumusta, Syrie?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon at tumambad sa akin si Colby na seryoso lang na nakatingin sa akin. Nasa tapat ako ng bintana sa sala at hindi ko namalayang dumating siya dahil sa dami ng iniisip ko. Lumapit pa siya sa akin at bumaling sa labas. Wala roon ang magkapatid na abala sa pagha-hunt. "Ano'ng ginagawa mo rito, Colby?" walang emosyong tanong ko sa kaniya habang ang mga paningin ko ay nasa labas. Bakit hindi ko magawang sabihin kay Volter ang tungkol kay Colby? Dapat galit din ako sa kaniya pero heto ako, kalmadong hinarap siya. Bumaling siya sa akin. "I'm here to
HINDI pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Marcus nang nagdaang araw tungkol kay Amang Trevor, na buhay daw ito. Pilit kong iniisip kung posible ba iyong mangyari pero bakit ako kinakabahan? Bakit pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari? Natatakot ako sa pwedeng maging resulta ng lahat. Mas naging kumplikado ang bawat sitwasyon sa maraming bagay na lumilitaw. Bumuntong-hininga ako habang nakahalukipkip at nakatayo sa harap ng bintana. Umihip ang hangin na naramdaman ko sa balat ko. Saglit akong pumikit, saka pumihit at naglakad patungo sa sofa. Nanatili akong tahimik, nakatingin sa kawalan. Ang daming bagay na gumugulo sa isip ko. Mga tanong na hindi ko makuha ang sagot. "Syrie, are you ok?" Napakurap ako at agad na nag-angat ng tingin kay Vernon nang marinig ko ang boses niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Umupo siya sa bakanteng sofa sa tapat ko. Mayamaya pa'y dumating naman si Trina galing sa kung saan. Nagtatakang tiningnan
HINDI KO ALAM ang iisipin ko sa mga narinig ko mula kay Rossa at Marcus nang iligtas nila ako mula sa mga lobong iyon na gusto akong patayin. Hindi ko lubos maisip kung paano mabubuhay si Amang Trevor gayong tandang-tanda ko pa kung paano siya pinatay ng mga lobong iyon at hindi ko iyon makalilimutan. Nagkaroon noon ng paglusob ang mga lobo sa mansyon, kabilugan ng buwan noon nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga bampira at lobo at natalo ang mga bampira dahil sa taglay na kagamitan at husay ng mga lobo sa pakikipaglaban. Sinubukang lumaban ni Amang Trevor at Inang Viola sa mga lobo at muntik nang mapatay ni Amang Trevor ang marami sa mga lobong iyon pero dumating ang ilan pang mga lobong iyon na may dalang mga armas. Nakipaglaban si Amang Trevor at si Inang Viola habang nakatago ako sa likod ng aparador kung saan nila ako itinago. Wala pa akong gaanong kakayahan para lumaban at alam nilang mapapahamak lamang ako kung lalabas ako para makipaglaban. Pilit na lum
HINDI PA RIN ako makapaniwala sa nakita kong ukit na buwan sa kanang braso ko nang nagdaang gabi. Lalo lamang nagulo ang utak ko ng maraming tanong na alam kong si Marcus lamang ang nakakaalam ng mga sagot na lalo kong gustong marinig ngayon. Gusto kong maintindihan ang nangyayari sa akin na animo ba'y alam niyang lahat iyon. Mabilis akong lumabas ng bahay matapos kong isuot ang itim na leather jacket. Hindi ko alam kung ano'ng maririnig ko at malalaman, maging ang mararamdaman ko pero gusto kong malaman ang katotohanan sa likod ng ukit na buwan na lumitaw sa braso ko. Hindi ko iyon pwedeng balewalain dahil alam kong may malaking parte iyon sa pagkatao ko. Kailangan kong mabuo ang sarili ko sa mga bagay na iyon at baka sa pamamagitan niyon malaman ko kung kaninong panig dapat ako naroon at nagtitiwala. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, binilisan ko ang pagtakbo ko para mas mabilis akong makarating sa village ng mga lobo kung saan alam kong doon ko mahahanap ang mga
"SERYOSO ka ba sa sinabi mo, Syrie? Na mayroon ka ring ukit na buwan sa kanang braso mo?" gulat na tanong ni Vernon habang nanlaki naman ang mga mata ni Trina nang sabihin ko ang lumitaw na ukit na buwan sa kanang braso ko nang magkaroon ng full moon."Paano mangyayari iyon, Syrie? Hindi ba't ang ukit na iyon ay ang ukit na mayroon din si Marcus?" usisa naman ni Trina.Malungkot at marahan akong tumango sa kanila. "Tama kayo, ang ukit na nasa braso ko ay ang ukit na mayroon din si Marcus at ang iba pang mga lobo. Ang ukit na buwan sa kanang braso ng piling mga lobo ay tanda na mataas sila sa lipunan ng mga lobo at mas malalakas. Sinasabi rin nila na mayroon din nito si Savanna ang aking inang lobo," paliwanag ko sa kanila.Gulat na nagkatinginan ang magkapatid na bakas pa rin ang gulat sa kanilang mga mukha. "So ibig sabihin isa ka sa matataas at malalakas na lobo kaya mayroon ka ng ukit na iyon?" tanong ni Trina."At bakit ngayon lang lumabas ang ukit sa
HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa."Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo."Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay."Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa
"VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag."The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay.Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik.Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo.""Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya.
HUMAHANGOS AT halatang takot na takot ang lobong iyon nang dumating siya sa silid ni amang Trigo kung nasaan kami. Animo'y hinabol siya ng sampung kabayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ito na Natatakot. "A-ang mga bampira! Na-nandiyan na sila!" anunsiyo ng lobong iyon ba halata ang takot at kaba sa boses nito. Mabilis kaming napatayong lahat at gulat na nagkatinginan sa isa't isa. "Kailangan nating maghanda!" ani amang Trigo. "Ihanda ang mga lobo at ilikas ang mga bata," utos pa niya na agad namang tumalima ang mga lobong nandoon. "Magsipaghanda kayo, sasalubungin natin sila sa gubat!" Mabilis na lumabas ng silid si amang Trigo matapos niyang sabihin iyon. Mabilis na nagsipaghanda ang mga naroon habang ako'y napatulala. Nakaramdam ano ng pangamba at kaba sa pwedeng mangyari. Ito na ba ang tuluyang pagwawakas ng kasamaan o patuloy na paghahari ng kasamaan? "Syrie!"
NAPAHINTO KAMI ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid ng gubat. Nandito kami para maglagay ng iba't ibang patibong sa paligid ng village para sa paghahanda sa maaaring gawing pagsugod ng mga bampira.Sinenyasan ko sila na huminto. Kasama ko si Marcus, ang magkapatid na si Trina at Vernon, saka si Colby at ang ilang mga lobo para tumulong sa amin. Nagsimula na ang madilim na gabi at nararamdaman kong may kalaban sa paligid."Magsipaghanda kayo may kalaban sa paligid," mahina kong paalala sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya pa'y umulan ng palaso mula sa kung saan. Mabuti na lang at nakailag kaming lahat at nakatago sa malalaking puno na nakakalat doon. Nagulat pa ako nang muntik na akong tamaan ng ligaw na palasong iyon ng sumilip ako sa kinatataguan ko."Mag-ingat kayo, mapanganib ang palasong ginagamit nila," paalala ko sa mga kasama ko na nagtago sa malalaking puno na iyon. Nakita ko 'di kalayu
HINDI KO maipaliwanag ang sayang bumalot sa akin nang muli akong makatapak sa village ng mga lobo. Para akong naging bagong nilalang na binabalot ng espirito ng pagiging isang ganap na lobo. Naramdaman ko rin na may bahagi sa akin na napunan. Ito na ba 'yong pakiramdam na buo ako? Na buo ang pagkatao ko? Ang sarap pala niyon sa pakiramdam, na maramdaman mong buo ka na dahil kilala mo na kung sino at ano'ng pinagmulan mo, kasabay ng pagkilala mo sa iyong sarili.Hindi naman nahirapan si Trina at Vernon na makisalamuha sa mga bampira, ang totoo nga nito animo'y madali nilang naibagay ang kanilang sarili sa lugar at sa mga lobo rito. Nasa kabilang bahay sila tumutuloy at pinagsisilbihan ng mga lobo.Simula nang makabalik ako sa village, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Yena dahil daw na-miss niya ako ng husto at ganoon din naman ako sa kaniya. I miss her so much. Lahat sa village na ito pinanabikan ko. Tahimik kong pinagmamasdan si Yena na
"ANO'NG GAGAWIN natin ngayon, Syrie?" nababahalang tanong sa akin ni Trina. Kahapon lang ay pinagtabuyan kami ng mga bampira sa mansyon dahil sa kapangahasan namin at hindi ko rin alam kung ano'ng sunod na hakbang ang dapat naming gawin. Ito na ba ang panahon para lumapit ako sa mga lobo at makipagkaisa sa kanila? Pero paano?"Hindi ko rin alam, Trina. Hindi ko alam ang sunod nating gagawin. Hindi ko alam kung paano lalapit sa mga lobo dahil alam ko ang ginawa kong kasalanan sa kanila," malungkot kong sagot kay Trina. Alam ko kasi kung paano ko sila nasaktan nang pinagbintangan ko sila at pinagdudahan at ngayong kailangan ko sila saka ako lalapit?"Wala tayong magagawa sa ngayon, Trina kung 'di ang maghintay sa sunod na mangyayari, sa sunod na hakbang na gagawin nila Volter. Nararamdaman kong malapit ng lumabas ang itinatago nila sa atin," segunda naman ni Vernon."Sa tingin niyo, tuluyan na ba tayong itinakwil ng
NAGULAT NA lang ako nang pagmulat ko ng aking mga mata nasa gilid na ako ng batis kung saan palagi kong pinupuntahan. Katulad nang nakita ko noon, ganoon pa rin ang lugar. Madilim ang pigid, animo'y may apoy na gumagawa ng usok na kumakalat sa paligid. Tahimik din ang lugar at tanging huni ng kuliglig at iba pang mga insekto ang naririnig ko. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at napako ang paningin ko sa dalawang iyon na nakatayo 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Isang babae at lalaki iyon na alam kong kapwa parehong mga lobo. Dahan-dahang humarap ang dalawa habang pigil ko ang aking paghinga. Siya na naman! Napaawang ang bibig ko ng makilala ko ang babaeng iyon. Siya ang palaging nakikita ko sa lugar na ito na kamukha ko pero sino ang kasama niyang lalaki? Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila at nakita iyong magkahawak. "Syrie, anak!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig
"MAY NALAMAN ba kayo sa loob ng mansyon, Vernon?" seryoso kong tanong habang nakaupo kami sa sofa kasama si Trina. "May kahina-hinala bang nangyayari roon?"Nagtinginan ang magkapatid na bakas sa kanilang mga mukha na may kakaiba silang nararamdaman. "Sa totoo lang, Syrie wala kaming nahanap na anumang impormasyon sa mansyon. Limitado ang bawat galaw namin sa loob niyon. Ni hindi kami makapasok o makalapit man lang ng basta sa silid ni Volter. Bantay sarado kami dahil alam nilang nasa panig mo kami. Pero ang pinagtataka namin ni Trina, ang silid na inuukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. Noon ay walang bantay roon pero ngayo'y may mga bampirang nandoon sa labas ng silid at masusing nagbabantay roon. Hindi rin kami pinapalapit doon at walang gustong sumagot sa amin. Nakita ko rin na pumasok doon si Volter dala ang mga bihag nilang mga lobo," pagkwekwento ni Vernon.Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang naramdaman ko sa silid na iyon at
NAPAHINTO AKO habang tahimik akong naglalakad palabas ng mansyon. Animo'y may kung ano akong naramdaman nang madaanan ko ang lumang silid na iyon kung saan inukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. May enerhiya akong naramdaman sa bahaging iyon, kakaibang enerhiya at alam kong mayroong nilalang doon.Dahan-dahan akong pumihit paharap sa hallway na iyon at humakbang papalapit sa silid na iyon. Nakaramdam ako ng pananabik na muli kong mapasok ang lugar na iyon na naging tahanan din ng maraming kong alaala kasama si Amang Trevor at Inang Viola. Napalunok ako. Nandoon pa rin ang enerhiyang nararamdaman ko.Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob ng pinto habang nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan."Syrie, what are you doing here?"Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Tiyo Freud. Saglit pa akong napapikit bago humarap sa kaniya. "I just felt something inside this r