Home / Werewolf / Into The Dark / Kabanata 43: Tattoo

Share

Kabanata 43: Tattoo

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"CURIOUS lang ako, Syrie bakit biglang nagkaroon ka ng interes sa kung sino ka?" 

Bahagya akong nagulat sa tanong na iyon ni Trina habang tahimik akong nakupo sa sofa at kaharap siya. Tiningnan ko muna siya ng seryoso bago ako sumagot. "Hindi ko rin alam, Trina I suddenly feel there's something missing in me. Pakiramdam ko kulang ang sarili ko kung hindi ko malalaman kung ano ang pagkato ko," litanya ko.

Tiningnan ako ni Trina na animo'y sinusuri ang reaction ng mukha ko. Kapagkuwa'y kumurap din siya. "Ok. Naiintindihan ko, Syrie at hindi kita masisisi kung ganiyan ang nararamdaman mo. Natural naman sigurong maramdaman mo ang paghahanap sa pagkatao mong hindi mo nakilala," pagsang-ayon naman ni Trina. "Pero hindi iyan magiging mabuti sakaling malaman ni Volter ang paghahanap mo sa pagkatao mo," aniya pa na bumakas sa mukha ang pagkadismaya. "Marahil isipin niyang trinatraydor mo siya."

"Alam ko na ang posibilidad na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
dapat tlga bumalik k doon sa village ng mga lobo Syrie para malaman mo na ung totoo mong pagkatao, wag kang mag-iisip ng d maganda sa mga sinasabi ng iba
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
ginugulo lang ni Trina Ang isip mo Syrie dahil sa tattoo na Yan Sana hindi kayo magkasira ni Marcus Kong sakaling may tattoo siya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Into The Dark   Kabanata 44: Trust (SPG)

    HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Trina sa akin. Ni hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon o kahit ang paghinalaan si Marcus, na baka isa siya sa mga lobong may ukit ng buwan sa kanang braso. Oo, hindi agad ako nagtiwala sa kaniya noon pero hindi ko naisip na baka isa siya sa hinahanap ko. Paano nga kung totoo iyon? Paano kung may ukit na buwan si Marcus sa kaniyang kanang braso? Paano ko haharapin ang pwedeng mangyari gayong nahulog na ako sa kaniya?Bumuntong-hininga ako habang yakap ko ang aking sarili na nakatayo sa tapat ng bintana sa sala kung saan nakatingin ang mga mata ko sa malaking punong iyon sa tapat ko. Madilim na ang paligid at bahagyang malamig ang simoy ng hangin sa gabi. Ako lang muli mag-isa sa bahay dahil nasa gubat ang magkapatid habang nasa mansyon si Persuz.Kanina pang gumagana ang isip ko sa bagay na sinabi ni Trina at natatakot akong malaman kung alin doon ang totoo at hindi. Ni hindi ko alam kung kaya kong tangg

  • Into The Dark   Kabanata 45: Confrontation

    KINAUMAGAHAN hindi pa rin napapawi ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Marcus nang nagdaang gabi. Punong-puno ng ligaya ang puso ko dahil doon at ayaw kong bitawan iyon. Gustong kong lasapin lang iyon dahil may katotohanang hindi ko alam kung hanggang kailan ko lang iyon mararamdaman. Kay Marcus ko lang talaga iyon naramdaman dahil marahil siya lang ang may kakayahang magbigay niyon sa akin."Oh! Mukhang ang saya ng mukha mo, Syrie, ah?" salubong sa akin ni Vernon nang makalabas ako mula sa silid ko.Ngumiti ako sa kaniya. "I'm just feel the happiness today, Vernon," balik ko sa kaniya.Dumeretso ako sala at umupo sa sofa roon. Sumunod naman si Vernon sa akin doon. "Nasaan nga pala si Trina?" tanong ko pa nang mapansin kong wala roon ito at si Vernon lang ang nandoon."Si Trina? I don't know where she is, basta umalis na lang siya kanina," sagot niya habang magkasalikop ang mga palad at

  • Into The Dark   Kabanata 46: Who's Colby?

    NGAYONG ALAM na ni Trina at Vernon ang ginagawa ko at ang tungkol kay Marcus, hindi na ako nahirapang magtago sa kanila. Tanging kay Persuz na lang ako nag-iingat dahil alam ko kung nakanino ang katapatan niya at wala iyon sa akin. Hindi ko na rin kailangang magpaliwanag kung aalis ako at sagutin ang tanong nila sa tuwing babalik ako. "Gusto ko mang pumunta sa village pero hindi maaari, Marcus. Kailangang kong mag-ingat sa bawat galaw ko," sambit ko sa kaniya habang nasa gilid kami ng batis. Gusto niya kasing pumunta kami sa village dahil may mga bagay daw siyang sasabihin sa akin pero hindi pwede dahil may mga alagad doon si Volter na maaaring makakita sa akin at sabihin iyon kay Volter. "Bakit hindi maaari, Syrie?" nagtatakang tanong niya sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan. "Marcus, hindi mo alam kung sino ang tunay na kakampi o kalaban kahit pa ito'y kauri at kasama mo," makahulugan kong paalala sa kaniya na lalong nagpakunot sa noo niya. "Ano'ng

  • Into The Dark   Kabanata 47.1: Ang katotohanan (Pt.1)

    HINDI PA rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa mga lobong iyon. Pilit ko iyong inuunawa at hinahanap ang katotohanan sa mga iyon. Totoo bang lahat ng iyon? Pero may nagsasabi sa akin na paniwalaan ko iyon dahil nagsasabi sila ng totoo pero may bahaging ipinapaalala sa akin ang mga bampirang kumupkop sa akin at ang kabutihang ginawa nila para sa akin.Nagulat lang marahil ako sa mga nalaman ko. Paanong naging kapatid ni Amang Trevor ang tunay kong ama na si Amaro? At kung ganoon, paanong hindi nila sinabi sa akin iyon. Bakit hindi nila pinagtapat sa akin ang mga bagay na iyon na dapat alam ko. Ni hindi nila nabanggit sa akin ang tungkol sa Amarong iyon na sinasabi nilang ama ko. Ang gulo ng lahat at hindi ko alam kung alin doon ang totoo."Are you ok?"Narinig ko ang boses ni Marcus. Tumabi siya sa akin sa veranda ng bahay na iyon kung saan din ako tumuloy noon. Nanatili akong nakatingin sa paligid kung saan kita ang malalago at nagtataasang mga puno. Bu

  • Into The Dark   Kabanata 47.2: Ang katotohanan (Pt.2)

    HINDI AKO papayag na aalis ako sa village na ito na hindi ko nalalaman ang ibang mga bagay tungkol sa tunay kong mga magulang. Kumakalat na ang dilim sa paligid at kailangan ko ring bumalik sa bahay dahil alam kong magtatanong na naman si Persuz kung saan ako nagpunta kung hindi ako uuwi roon.Matagal-tagal din kaming naglaro ni Yena dahil din sa pananabik namin sa isa't isa bago dumating si Rossa at kinuha ang bata.Kanina pang hindi bumabalik si Marcus simula nang ipatawag siya ni Amang Trigo kaya ako na lang ang tutungo roon para malinawan ako sa magulong nakaraan ng mga magulang ko. Gusto kong malinawan bago ako umalis dahil baka hindi ako makatulog kung sakaling patuloy iyong gugulo sa isip ko.Nagulat sila Marcus at Amang Trigo nang makita akong pumasok sa silid. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito."Syrie, ano'ng ginagawa mo rito?" salubong sa akin ni Marcus. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit na pagkabahala sa mukha niya, ganoon d

  • Into The Dark   Kabanata 48: Another Side of Story

    HANGGANG SA makarating ako sa bahay nang gabing iyon, hindi ko pa rin lubos maisip ang lahat ng nalaman ko. Patuloy iyong gumugulo sa isip ko habang hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin at paniniwalaan. Naiipit ako ngayon sa dalawang panig at hindi ko alam kung saan ako dapat maniwala, kung sino ba ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Nalilito ako at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin."Hey! Kanina pa kitang tinatawag, Syrie bakit parang wala ka sa iyong sarili?"Napakurap ako dahil sa pagkaway ni Vernon ng kaniyang palad sa mukha ko. Bumungad sa akin ang nagtataka niyang mukha."Parang kakaiba na 'yang pagkatulala mo, Syrie, ah? Kanina pa kaya kami rito pero parang wala kang nakikita o nararamdaman man lang?" nakahalukipkip naman na sabi ni Trina habang nakatayo ito sa gilid ng sofa. Kapagkuwa'y umupo rin ito roon.Pilit akong ngumiti habang nakatingin sa dalawang ito. Inilayo ko ang likod ko sa sofa at sumeryoso ang mukha. Ba

  • Into The Dark   Kabanata 49: Let's Rest

    MAS LALO lang gumulo ang utak ko nang manggaling ako sa mansyon. Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Magkaibang kwento kasi ang nalaman ko at naging dahilan lamang iyon ng matinding pagkalito sa akin. Hindi ko alam ngayon kung sinong paniniwalaan ko, kung sino ang nagsasabi ng totoong nangyari noon.Pabagsak akong umupo sa sofa at nasapo ang noo ko. Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng mga nalaman ko. Kusang gumagana ang aking utak sa pag-iisip kung sino ang nagsasabi ng totoo."Oh! Galing ka raw mansyon sabi ni Vernon?"Hindi ko nilingon si Trina. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ko habang nakapikit ako at hinihimas ang sumasakit kong sentido. "Nanggaling nga ako roon, Trina," pag-amin ko."Kumusta? Mukhang hindi ka ok? Ano bang ginawa mo sa mansyon?" usisa niya.Bumuntong-hininga ako, saka nilingon si Trina. "May mga bagay lang akong nilinaw, Trina. Mga bagay na kailangan kong makunan ng sagot," makahulugan kong balik.Nakita k

  • Into The Dark   Kabanata 50: Rest

    HINDI KO alam kung saan ako dadalhin ni Marcus basta sumama na lang ako sa kaniya nang sabihin niyang magpahinga kami. Wala akong ideya sa pahingang sinasabi niya pero iyon ang gusto ko ngayon, ang magpahinga na kasama siya. 'Yong kami lang dalawa. 'Yong maramdaman ko muli ang kapanatagan ng loob at kapayapaan ng isip.Marahang hawak ni Marcus ang braso ko habang naglalakad kami patungo sa hindi ko alam na lugar. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nasa gitna pa rin kami ng gubat kung saan malalaking puno ang nakikita ko sa paligid."Saan ba tayo pupunta, Marcus?" usisa ko sa kaniya.Hindi siya lumingon sa akin. Nagpatuloy lang siya sa paglakad. "Sa lugar kung saan ipagpapahinga kita, Syrie. I know you need rest. Kailangan mo ng tahimik na lugar para makapagpahinga at dadalhin kita roon," aniya.Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang sa paglalakad kung saan man niya ako dalhin. Napak

Pinakabagong kabanata

  • Into The Dark   Finale

    HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa."Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo."Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay."Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa

  • Into The Dark   Kabanata 68: Digmaan pt.2

    "VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag."The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay.Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik.Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo.""Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya.

  • Into The Dark   Kabanata 67: Digmaan pt.1

    HUMAHANGOS AT halatang takot na takot ang lobong iyon nang dumating siya sa silid ni amang Trigo kung nasaan kami. Animo'y hinabol siya ng sampung kabayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ito na Natatakot. "A-ang mga bampira! Na-nandiyan na sila!" anunsiyo ng lobong iyon ba halata ang takot at kaba sa boses nito. Mabilis kaming napatayong lahat at gulat na nagkatinginan sa isa't isa. "Kailangan nating maghanda!" ani amang Trigo. "Ihanda ang mga lobo at ilikas ang mga bata," utos pa niya na agad namang tumalima ang mga lobong nandoon. "Magsipaghanda kayo, sasalubungin natin sila sa gubat!" Mabilis na lumabas ng silid si amang Trigo matapos niyang sabihin iyon. Mabilis na nagsipaghanda ang mga naroon habang ako'y napatulala. Nakaramdam ano ng pangamba at kaba sa pwedeng mangyari. Ito na ba ang tuluyang pagwawakas ng kasamaan o patuloy na paghahari ng kasamaan? "Syrie!"

  • Into The Dark   Kabanata 66: Kalaban

    NAPAHINTO KAMI ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid ng gubat. Nandito kami para maglagay ng iba't ibang patibong sa paligid ng village para sa paghahanda sa maaaring gawing pagsugod ng mga bampira.Sinenyasan ko sila na huminto. Kasama ko si Marcus, ang magkapatid na si Trina at Vernon, saka si Colby at ang ilang mga lobo para tumulong sa amin. Nagsimula na ang madilim na gabi at nararamdaman kong may kalaban sa paligid."Magsipaghanda kayo may kalaban sa paligid," mahina kong paalala sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya pa'y umulan ng palaso mula sa kung saan. Mabuti na lang at nakailag kaming lahat at nakatago sa malalaking puno na nakakalat doon. Nagulat pa ako nang muntik na akong tamaan ng ligaw na palasong iyon ng sumilip ako sa kinatataguan ko."Mag-ingat kayo, mapanganib ang palasong ginagamit nila," paalala ko sa mga kasama ko na nagtago sa malalaking puno na iyon. Nakita ko 'di kalayu

  • Into The Dark   Kabanata 65: Happy Together

    HINDI KO maipaliwanag ang sayang bumalot sa akin nang muli akong makatapak sa village ng mga lobo. Para akong naging bagong nilalang na binabalot ng espirito ng pagiging isang ganap na lobo. Naramdaman ko rin na may bahagi sa akin na napunan. Ito na ba 'yong pakiramdam na buo ako? Na buo ang pagkatao ko? Ang sarap pala niyon sa pakiramdam, na maramdaman mong buo ka na dahil kilala mo na kung sino at ano'ng pinagmulan mo, kasabay ng pagkilala mo sa iyong sarili.Hindi naman nahirapan si Trina at Vernon na makisalamuha sa mga bampira, ang totoo nga nito animo'y madali nilang naibagay ang kanilang sarili sa lugar at sa mga lobo rito. Nasa kabilang bahay sila tumutuloy at pinagsisilbihan ng mga lobo.Simula nang makabalik ako sa village, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Yena dahil daw na-miss niya ako ng husto at ganoon din naman ako sa kaniya. I miss her so much. Lahat sa village na ito pinanabikan ko. Tahimik kong pinagmamasdan si Yena na

  • Into The Dark   Kabanata 64: Unity

    "ANO'NG GAGAWIN natin ngayon, Syrie?" nababahalang tanong sa akin ni Trina. Kahapon lang ay pinagtabuyan kami ng mga bampira sa mansyon dahil sa kapangahasan namin at hindi ko rin alam kung ano'ng sunod na hakbang ang dapat naming gawin. Ito na ba ang panahon para lumapit ako sa mga lobo at makipagkaisa sa kanila? Pero paano?"Hindi ko rin alam, Trina. Hindi ko alam ang sunod nating gagawin. Hindi ko alam kung paano lalapit sa mga lobo dahil alam ko ang ginawa kong kasalanan sa kanila," malungkot kong sagot kay Trina. Alam ko kasi kung paano ko sila nasaktan nang pinagbintangan ko sila at pinagdudahan at ngayong kailangan ko sila saka ako lalapit?"Wala tayong magagawa sa ngayon, Trina kung 'di ang maghintay sa sunod na mangyayari, sa sunod na hakbang na gagawin nila Volter. Nararamdaman kong malapit ng lumabas ang itinatago nila sa atin," segunda naman ni Vernon."Sa tingin niyo, tuluyan na ba tayong itinakwil ng

  • Into The Dark   Kabanata 63: Ang Silid

    NAGULAT NA lang ako nang pagmulat ko ng aking mga mata nasa gilid na ako ng batis kung saan palagi kong pinupuntahan. Katulad nang nakita ko noon, ganoon pa rin ang lugar. Madilim ang pigid, animo'y may apoy na gumagawa ng usok na kumakalat sa paligid. Tahimik din ang lugar at tanging huni ng kuliglig at iba pang mga insekto ang naririnig ko. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at napako ang paningin ko sa dalawang iyon na nakatayo 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Isang babae at lalaki iyon na alam kong kapwa parehong mga lobo. Dahan-dahang humarap ang dalawa habang pigil ko ang aking paghinga. Siya na naman! Napaawang ang bibig ko ng makilala ko ang babaeng iyon. Siya ang palaging nakikita ko sa lugar na ito na kamukha ko pero sino ang kasama niyang lalaki? Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila at nakita iyong magkahawak. "Syrie, anak!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig

  • Into The Dark   Kabanata 62: Pagpapanggap

    "MAY NALAMAN ba kayo sa loob ng mansyon, Vernon?" seryoso kong tanong habang nakaupo kami sa sofa kasama si Trina. "May kahina-hinala bang nangyayari roon?"Nagtinginan ang magkapatid na bakas sa kanilang mga mukha na may kakaiba silang nararamdaman. "Sa totoo lang, Syrie wala kaming nahanap na anumang impormasyon sa mansyon. Limitado ang bawat galaw namin sa loob niyon. Ni hindi kami makapasok o makalapit man lang ng basta sa silid ni Volter. Bantay sarado kami dahil alam nilang nasa panig mo kami. Pero ang pinagtataka namin ni Trina, ang silid na inuukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. Noon ay walang bantay roon pero ngayo'y may mga bampirang nandoon sa labas ng silid at masusing nagbabantay roon. Hindi rin kami pinapalapit doon at walang gustong sumagot sa amin. Nakita ko rin na pumasok doon si Volter dala ang mga bihag nilang mga lobo," pagkwekwento ni Vernon.Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang naramdaman ko sa silid na iyon at

  • Into The Dark   Kabanata 61: Please!

    NAPAHINTO AKO habang tahimik akong naglalakad palabas ng mansyon. Animo'y may kung ano akong naramdaman nang madaanan ko ang lumang silid na iyon kung saan inukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. May enerhiya akong naramdaman sa bahaging iyon, kakaibang enerhiya at alam kong mayroong nilalang doon.Dahan-dahan akong pumihit paharap sa hallway na iyon at humakbang papalapit sa silid na iyon. Nakaramdam ako ng pananabik na muli kong mapasok ang lugar na iyon na naging tahanan din ng maraming kong alaala kasama si Amang Trevor at Inang Viola. Napalunok ako. Nandoon pa rin ang enerhiyang nararamdaman ko.Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob ng pinto habang nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan."Syrie, what are you doing here?"Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Tiyo Freud. Saglit pa akong napapikit bago humarap sa kaniya. "I just felt something inside this r

DMCA.com Protection Status