Home / Werewolf / Into The Dark / Kabanata 5: Kiss

Share

Kabanata 5: Kiss

Author: Totoy
last update Last Updated: 2021-11-04 11:53:42

"Huh? Ginawa mo 'yon, Syrie?" gulat na reaction ni Vernon ng malaman niya ang mga naganap at ang pagkompronta ko kay Volter.

Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit naniwala ako kay Marcus."

"Pero bakit gusto kang patayin ng mga taong lobo na 'yon kung kasapi na sila ni Volter?" tanong naman ni Trina.

Seryoso akong tumingin kay Trina maging si Vernon. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nakakapagtaka lang kasi, Syrie." Saglit siyang huminto. "Kung nagsisinungalin si Marcus, bakit niya pinatay ang mga kalahi niya? Hindi rin ito ang unang beses na sinubukan kang patayin ng mga alagad ni Volter. Kung hindi si Volter baka may ibang taong nasa likod nito," mahabang paliwanag ni Trina sa konklusyon niya.

Hindi ako nakaimik. Tama si Trina, hindi lang naman ito ang unang beses na gusto siyang patayin ng mga kakampi ni Volter. Kung hindi si Volter sino? Bampira ba o lobo ang nasa likod ng pag-atakeng iyon?

"At sino naman ang gagawa nito sa iyo?" nagtataka ring tanong ni Vernon.

"Wala akong ideya," naguguluhan kong sagot. "Kung sino man siya, kailangan kong malaman," determinado kong saad. Hindi ko hahayaang makasagabal ang kung sino mang nasa likod ng pag-atakeng iyon sa mg plano ko.

"Paano?" kunot-noong sabi ni Trina at umupo sa sofa.

"Hindi ko rin alam kung paano, Trina basta kailangan kong malaman kung sino man ang gustong pumatay sa akin."

Hindi ko na alam ngayon kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan kung pati 'yong dapat kakampi ko tila gusto akong patayin.

Kung gayon, dapat pang maging mapagmasid ako at makiramdam sa mga lobo o bampirang malapit sa akin dahil baka isa sa kanila ang may planong patayin ako.

"It's not Volter, Marcus there's someone who want me to die," madiin kong sabi kay Marcus nang dumating siya sa batis.

Ngumiti siya. "If it is not Volter, sino?" tanong niya.

"Hindi ko pa alam at kailangan kong malaman kung sino man siya," matapang ko sabi.

"I can help," alok niya.

"Paano?"

"I have a plan." Umupo si Marcus sa malaking bitak na bato at nagmwestrang lumapit ako sa kaniya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. "what's your plan?" diretsa kong sabi.

"It's already working, Syrie magtiwala ka na lang sa plano ko at makikilala mo kung sino ang nasa likod ng mga pag-atake sa 'yo," tila kompiyansang sabi niya.

"Paano ka makakasigurong magtatagumpay ang plano mo?" O tama bang magtiwala ako sa plano ni Marcus gayong kalaban siya at hindi dapat pagkatiwalaan.

Kailangan kong isiksik sa isip ko na plano lang ang lahat ng ginagawa ko kung kaya pinipilit kong mapalapit kay Marcus kahit isa siyang kaaway at banta sa mga plano ko.

"Hindi ko alam, Syrie basta magtiwala ka lang at malalaman mo kung sino sila." Tumayo si Marcus sa pagkakaupo at tumingin sa malinaw na tubig ng batis.

"Come here, Syrie," mayamaya'y tawag niya sa akin.

Hindi agad ako sumunod. Tumaas ang mga kilay ko pero sa huli sumunod pa rin ako at lumapit sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya at tumingin din sa malinaw na tubig kung saan siya nakatingin.

"Bakit balak mong maligo?" tanong ko dahil sa pagkakatingin niya sa tubig na para bang gusto niyang maligo roon.

"Nakikita mo ba ang sarili mo sa tubig, Syrie?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya na napakawalang kwenta dahil alam naman niya ang sagot.

"Oo, bakit?"

Yumuko si Marcus at kumuha ng katamtamang laki ng bato sa lupa. Nagtaka ako nang ihulog niya ang bato sa tubig daan para gumalaw-galaw ang tahimik na tubig at masira ang imahe ko.

"Someone distorted your image, Syrie at 'yong ikaw na nakita mo sa tahimik na tubig, hindi dapat ikaw 'yon," makahulugang turan ni Marcus habang nakatingin sa tubig.

Sa sobrang lalim ng sinabi niya, hindi ko naintindihan. "Hindi ko maunawaan, Marcus," nakatingin kong sabi sa kaniya habang naguguluhan ako. Pilit kong inuunawa ang lahat ng mga sinabi niya.

"Marami kang 'di alam sa sarili mo maging sa mga taong nakapaligid sa 'yo," patuloy niya.

At ano namang alam ng lalaking ito sa pagkatao ko? Kung magkapagsalit siya akala mo'y mas kilala niya ako kaysa sa mga taong nakapaligid sa akin.

Sorry na lang kay Marcus dahil hindi ako madaling makuha kung 'yon ang inaakala niya. Hindi niya ako makukuha sa mga kasinungalin at gawa-gawa niyang kwento.

"Wait, Marcus naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi mo. Pakilinaw, please!" Kailangan kong umaktong interesado sa mga sinasabi niya para makuha ko pa ang loob niya.

Humarap siya sa akin. "Malalaman mo rin lahat pagdating ng panahon, Syrie at sana matanggap mo ang lahat ng katotohanang malalaman mo," seryosong aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Napakalalim niyon na para bang dinadala ako sa kung saan na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Ewan ko pero may bahagi sa akin na gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi niya pero mas nanaig ang bahaging hindi ko dapat siya paniwalaan dahil isa siyang kaaway.

Umiling ako at mapait na ngumiti. "Anong katotohanan, Marcus? Ano ba talagang alam mo tungkol sa akin? Gusto kong malaman." 

"I'm sorry, Syrie hindi ko pa maaaring sabihin ang lahat sa 'yo, may tamang panahon para roon." Lumapit siya sa akin at masuyong tumingin sa mga mata ko. Naramdaman kong kinuha niya ang mga kamay ko at marahan 'yong pinisil. Kapagkuwa'y inilapat niya ang kanang kamay sa pisngi ko at masuyo 'yong hinaplos na naghatid ng samu't saring pakiramdam. Parang may kung ano sa tiyan ko na nagdulot ng mabilis na pagkabog ng d****b ko. Pakiramdam ko rin nag-iinit ang mukha ko. Tama pa ba 'tong nararamdaman ko?

"Please, kung ano man ang malalaman mo, magtiwala ka sa akin, Syrie," makahulugan pa niyang dagdag.

Hindi agad ako nakagalaw dahil nararamdaman ko ang katawan ni Marcus sa akin. Pilit kong kinokontra ang isip ko na huwag maniwala sa mga sinasabi niya. Lilinlangin lang niya ako. Pero kahit anong pilit ko may tinig na nagsasabi sa isip ko na baka totoo ang mga narinig ko.

Ngumiti ako, pilit nilalabanan nag temtasyon na bumabalot sa akin. "Sige, maniniwala ako sa 'yo, Marcus dahil sinabi mong maniwala ako," ani ko. Sasakyan ko na lang lahat ng sasabihin niya sa akin.

"I will protect you, Syrie basta paniwalaan mo lang ako." Matamis na ngumiti si Marcus at mas inilpit pa ang mukha sa mukha ko hanggang magkadikit na ang mga noo namin. Wala akong makapang pagtutol. "Kaya kong ibuwis ang sarili kong buhay maprotektahan ka lang. Mahalaga ka sa sa akin, Syrie."

Nanuot sa ilong ko ang mabango niyang hininga. Ang sarap sa tainga ng mga katagang binitawan ni Marcus. Marahil kung hindi ko siya itinuturing na kaaway, baka mahalin ko siya.  

"Protektahan mo lang ako pero huwag mong ibuwis ang buhay mo para sa akin," pabulong kong balik. "Please, tulungan mo akong makilala ka at pati ang sarili ko, Marcus." 

Parte ito ng plano, Syrie ang sakyan siya sa mga sinasabi niya.

Sumang-ayon ang isip ko sa paalalang iyon. Tama, mas madali kong makukuha ang loob niya kung sasakyan ko ang mga sinasabi niya. Ngunit hindi ko maitatangging apektado ako sa mga narinig ko mula sa kaniya, na tila ba bahagi ako ng mga 'yon. 

Tumango si Marcus at muling hinaplos ang pisngi ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa na tila mayroong enerhiya roon dahilan para hindi kami makabitaw. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, mabilis na tibok ng puso, ligaya at hindi mapaliwanag na excitement at saya. Ano bang meron sa 'yo Marcus? Bakit ganito na lang mag-react ang sarili ko sa 'yo? Alam kong kaaway ka pero bakit iba ang epekto mo sa akin?

Tila automatic ang mga mata ko ng maramdaman ko ang paglapat ng labi ni Marcus sa labi ko. Hindi ko alam kung paano mag-response at hindi ko rin alam kung paanong walang pagtutol sa katawan ko. 

Marahang gumalaw ang mga labi niya habang nananatili ang labi ko sa ganoong posisyon. Dinadama ko lang ang malambot niyang labi.

Ilang sandali pang nagtagal ang h***k na iyon bago kami kapwa bumitaw. Yumuko ako habang sapo ko ang labi ko. Pakiramdam ko mapulang-mapula ang pisngi ko dahil sa hiya. "I-I'm sorry, Marcus I don't really know how to kiss," mahina kong sabi.

Kung isa ito sa paraan para madali kong makuha ang tiwala niya, gagawin ko para sa plano kong pasukin ang mundo nila at hanapin ang mga lobong may ukit na buwan sa kanang kamay. Pero hindi ko itatanggi nagustuhan ko rin ang h***k na 'yon. That was my first time.

Saglit na walang response si Marcus, tanging narinig ko lang ang pagtawa niya na ang sarap pakinggan. Ewan ba.

"You're a great fighter but you don't know how to kiss?" natatawa pa rin niyang sabi.

Sumimangot akong nag-angat nang tingin sa kaniya at umatras. "Masaya ka roon, Marcus? Ano bang alam ko sa paghalik, eh buong buhay ko nandoon ako sa gitna nang gubat at nakikipaglaban," depensa ko.

"Uh-uh! Sweetie, chill lang ako lang 'to," aniya na natatawa pa rin. Lumapit siya sa akin at tinapatan ang bibig sa tainga ko. "I'm satisfied with your kissing skills, Syrie" aniya.

Tumaas ang balahibo ko sa katawan dahil sa hininga ni Marcus na nanuot sa tainga ko. Lalo na sa pagtawag niya sa akin sa ganoong tawag. 

Napaka-romantiko noon. Mabilis ko siyang pinalo sa braso. "Stop flirting me, Marcus," singhal ko. Natatawa lang siya.

"Uh-uh!"

Natawa na lang din ako sa 'di ko malamang dahilan. Mukhang magiging masaya ang plano ko dahil sa mga galawan ni Marcus. 

Sige lang, landiin mo ako hanggang tuluyan kitang mahawakan sa leeg at ituro sa akin ang mga lobong hinahanap ko.

"HOW'S the plan, Syrie?" salubong sa akin ni Persuz nang makauwi ako galing sa gubat kung saan nagtagpo kami ni Marcus.

Dumeretso ako sa sofa. "Don't worry it is working, Persuz," kumpirma ko sa kaniya na may matamis na ngiti.

"Well that's good, Syrie," nakangiting aniya. "Pero tandaan mo kalaban pa rin sila at huwag mong hayaang mahulog ka sa lalaki 'yon and if it's happen, you'll be the one who lose," paalala niya na tila may pagdududa sa kakayahan ko at sa plano ko.

"I know that, you don't need to remind me Persuz, I know my limitation," seryoso kong sabi. Alam ko nga ba talaga ang limitasyon ko sa plano ito?

"Kung ganoon, good luck." Tumayo siya at ngumiti, saka naglakad palabas ng bahay.

Alam ko na ang posibilidad na mangyari sa planong ito at handa ako sa lahat ng iyon. Protektado ang puso ko kahit aminin ko mang apektado ako sa mga ginagawa ni Marcus sa akin.

"OPPS! Sinong nagsabi sa 'yong pwede mo akong yakapin, huh?" agad kong pigil kay Marcus nang akmang yayakapin niya ako ng makarating ako sa batis kung saan kami palaging nagkikita.

Sumimangot si Marcus. "Damot mo, yakap lang naman, eh," parang batang nagtatampong sabi ni Marcus. "Na-miss lang naman kita, eh."

Natawa ako sa naging reaction niya. "Miss agad? Parang kahapon lang nagkita tayo ah? Isa pa, we are not yet official, Marcus," paglilinaw ko.

Nagkaroon ng malaking pag-asa sa puso ko na magtagumpay sa plano ko. Mukhang hulog na hulog sa akin ni Marcus at magagamit ko 'yon laban sa kaniya.

"Ganoon? Even we've kissed?" Tumango ako na nagpasimangot sa mukha ni Marcus. "Uh-uh, fine," dagdag pa niya kasabay ang pagtaas ng dalawang kamay sa ere, tanda ng pagsuko.

Natawa na lang ako at napailing dahil sa kapilyuhan ni Marcus. "How's your plan, Marcus?" biglang seryoso kong tanong.

Dapat kong alamin kung ano na ang plano niya na pwedeng makatulong sa akin para malaman kung sino pang kalaban meron sa paligid ko.

"It's working but no progress yet." Biglang nawala ang kapilyuhan niya at napalitan ng pagkaseryoso.

"Sinubukan kong magmasid sa kampo ni Volter at wala akong nakitang kahina-hinala roon bukod sa mas dumaraming mga taong lobo sa kampo," pagtatapat ko.

Nabahala si Marcus, gumuhit ang galit sa mukha niya. "Damn!" narinig kong mura niya habang makikita ang pagkagigil sa mukha niya. "Is this how Volter play? Gagamitin niya ang mga taong lobo para patayin ang mga kalahi nila."

Hindi ko mawari pero nakaramdam ako ng awa at simpatiya kay Marcus. Gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat at babalik din ang mga taong lobo sa kung nasaan sila dapat. Hindi ko alam o baka bahagi ito ng pagkatao ko? 

Mali 'to, Syrie hindi pwedeng maawa sa lahi nila at wala kang pakiaalam sa nangyayari sa kanila. Nagising nag isip ko sa paaalang iyon.

"Magtiwala ka sa mga kalahi mo, Marcus kung mayroon mang umalis para kalabanin kayo, mayroon pa ring nandiyan para lumaban at ipagtanggol ang lahi ng mga taong lobo," seryoso ngunit pagpapanggap na sabi ko. Pagpapanggap nga ba?

Paulit-ulit kong sinasaksak sa isip ko na nandito ako para sa plano ko at hindi para makisimpatiya sa mga lobo at maawa sa kanila.

"And I'm hoping that you're one of those werewolves who are there to fight for our clan, Syrie," baling niya sa akin.

Hindi ako nakaimik at umiwas ng tingin kay Marcus. Hinding hindi iyon mangyayari dahil hindi ako sasapi sa mga taong pumatay sa pamilya ko. Kalaban ko sila at hindi kailanman magiging kaanib.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
Naku Syrie makiramdam k rin parang ginagamit k lng ni Volter kaya dapat makinig k kay Marcus
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nakakakilig naman nag kiss sila......... Minsan Syrie pakinggan mo Rin Ang nararamdaman mo kesa sa sinasabi ng iba
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Into The Dark   Kabanata 6: Susubukan Ko

    "Anong ginagawa mo rito, Volter?" gulat kong bungad nang bigla na lang sumulpot si Volter mula sa kung saan. "I'm here to visit your place, Syrie kung komportable ka ba rito o baka gusto mo ng another place to live," sagot niya na nagpakunot sa noo ko. Inilibot ni Volter ang mga mata niya sa paligid, tinitingnan ang bawat sulok ng bahay. "I don't need, Volter komportable na ako sa lugar na ito," pagtanggi ko sa gusto niyang sabihin. Kumibit-balikat si Volter. "Kung 'yan ang gusto mo, pero tandaam mo welcome ka pa rin sa mansiyon kapag nagbago ang isip mo," aniya, saka umupo sa sofa habang nakadipa ang mga braso sa sandalan niyon. Umupo ako malapit sa kaniya habang tinitingnan ko ng seryoso ang mukha niya. Alam kong hindi lang 'yon ang pakay ni Volter kung bakit siya nandito. "Anong kailangan mo, Volter?" diretsa kong tanong nang makaupo ako sa katapat niyang sofa. Wala akong oras para

    Last Updated : 2021-11-05
  • Into The Dark   Kabanata 7: Batang Lobo

    KINAUMAGAHAN, maaga akong naghanda para mangaso sa gubat. Hindi ko na maalala kung kailan 'yong huling pagkakataong nangaso ako. Nami-miss ko nang mang-hunting ng mababangis na hayop at patayin sila. Isa na rin 'yon sa paraan ng pag-e-ensayo ko at nagbibigay ng libang sa akin. "Oh, sa'n ka pupunta, Syrie?" bungad ni Trina na kalalabas lang sa silid niya. Inayos ko ang leather jacket na suot ko. "Sa gubat, mangangaso," simple kong sagot. "Matagal na rin kasing hindi ko nagagamit ang kakayahan ko sa paghuli ng mababangis na hayop," dagdag ko. "Are you with, Marcus?" Saglit akong natahimik at kapagkuwa'y umiling. "Hindi. ako lang ang aalis, Trina," sabi ko. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Marcus. Napangisi ako nang maalala ko ang kagustuhan nitong magkaroon ng kapayapaan para sa lahat. Isang suntok iyon sa buwan. Sa ngayon, gusto ko munang mag-isip ng magandang

    Last Updated : 2021-11-08
  • Into The Dark   Kabanata 8: Tiyo Freud

    WALANG pakundangang pinasok ko ang bukana ng mansiyon, maraming nakatingin na mga mata sa akin, ang ila'y hindi natutuwa na makita ako roon. Hindi na 'yon bago. Ang ilan pa'y napapaatras sa pagdaan ko sa kanila. Dapat lang nila akong katakutan dahil kahit sino sa kanila na gumawa ng bagay na hindi ko magustuhan, hindi ko sila sasantuhin. Nang makapasok ako sa malaking bahay na iyon, lumingon ako sa paligid at may ilang mga bampira doon at mayroon ding mga lobo na tuluyan nang umanib kay Volter. In some way, makatutulong 'yon sa plano ni Volter na gamitin ang lahi ng lobo laban sa sariling lahi nito. Nakararamdam ako ng pagkasabik at pangungulila nang maramdaman ko uli ang yakap ng bahay na ito, ang mga alaalang nabuo ko kasama ang pamilyang kinikilala ko. Ang mga tawa at harutan na hanggang ngayon, nasa puso ko na tanging nagpapaalala sa kanila sa tuwing nangungulila ako. Sa totoo lang, nami-miss ko ang tahanan na 'to,

    Last Updated : 2021-11-09
  • Into The Dark   Kabanata 9: Maling Akala

    MALUNGKOT na tiningnan ko si Yena na tahimik na nilalaro ang isang manika na nakita ko pa sa lumang mga gamit ko at ibinigay ko sa kaniya. Nalulungkot ako sa bata dahil alam kong nami-miss na niya ang mga magulang niya, kagaya ko. Dalawang araw na siya rito at alam ko ang pakiramdam na malayo sa mga magulang kahit sa loob lamang ng maikling panahon. "Look, Ate Syrie ang sexy nang manika," masayang sabi ni Yena sa akin. Ngumiti ako. "Parang ikaw, 'di ba? Ang sexy mong bata," balik ko sa kaniya. "Hindi po, Ate Syrie parang ikaw po kasi ang sexy mo at ang ganda pa." Na-flutter naman ako sa papuring iyon ni Yena sa akin. "Yena, may kapatid ka ba sa inyo?" Marahil kung hindi niya magulang ang dalawang nakita ko sa gubat, maaaring kapatid niya iyon. Tumango ang bata habang nakagiti. Napa-cute. "Kapatid ko po si Ate Rossa," aniya. "Sexy po din siya kagaya niyo," masayang da

    Last Updated : 2021-11-12
  • Into The Dark   Kabanata 10: Bakit Masakit?

    "SYRIE, are you ok?" gulat at puno ng pag-aalalang salubong sa akin ni Trina nang makita niya ako sa labas. Mabilis niya akong dinaluhan. Doon sa harap ng bahay, nagpalit ako ng anyo. Walang saplot. Hinubad ni Trina ang suot niyang Jacket at agad iyong ibinalot sa katawan ko at iginiya niya ako papasok sa loob ng bahay. Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan, ramdam na ramdam ko ang panghihina ko na hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Ramdam ko rin lahat ng hapdi at kirot ng mga sugat sa katawan ko na hindi ko magawang pagaliin. Dahan-dahan akong pinaupo ni Trina sa kama ko. Nakita kong tinungo niya ang closet ko at naghanap ng damit doon. Nang makakita siya, agad niya iyong isinuot sa akin. "What happened, Syrie? Anong nangyari sa 'yo?" nababahalang tanong ni Trina habang inaayos ang pagkakasuot ng damit ko. "I don't know, Trina I feel weak hindi ko makuha ang lakas sa katawa

    Last Updated : 2021-11-17
  • Into The Dark   Kabanata 11: Colby

    HANGGANG ngayon hindi ko pa rin tuluyang naaalis sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Marcus. Apektado pa rin ako niyon at aminin ko man o hindi, alam kong tila may kulang sa akin ngayon na nasira na ang plano ko. Wala na, nawalang kabuluhan ang sinimulan ko.Mabilis kong isinuot ang itim na leather jacket, pupunta ako sa mansyon para hanapin ang bampirang muntik ng pumatay kay Yena. Hindi ko papatawarin ang kapangahasan niyon. Kilala ko sa mukhang ang lalaking iyon at ako mismo ang kikitil sa buhay niya. Hindi ako papayag na magpatuloy pa ang ganoong mga pangyayari. Hindi dapat nadadamay ang mga inosenteng nilalang.Lumabas ako ng bahay. Wala roon sila Vernon at Trina habang si Persuz nasa mansyon para isagawa ang unang hakbang ng plano namin, na sana sa pagkakataong ito, maging matagumpay na kami.Ilang dekada ko na bang hinahanap ang mga lobong may ukit na buwan sa kanang braso nila? Hanggang ngayon, hustisya pa rin

    Last Updated : 2021-11-21
  • Into The Dark   Kabanata 12: Friendship?

    WALANG pakundangang pumasok ako sa loob ng mansyon kahit pa nakatingin sa akin ang mga bampirang naroon na tila ba gusto na akong sakmalin. Pero dahil sa takot nila sa akin, hindi nila magawa. Bumukas ang main door ng mansyon at tumambad sa akin ang ilang bampira na may matatas na katayuan sa lipunang ginagalawan namin. Napalingon sila sa akin pero hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon. Hindi sila ang kailangan ko. Dumeretso ako sa silid ni Volter sa gawing kanan. Hindi ko na kailangan pang kumatok o humingi ng permiso sa kaniya na papasok ako roon. Walang paalam na binuksan ko ang pinto niyon at pumasok doon. Saglit lang na nagulat si Volter nang tumambad ako sa paningin niya pero ang ilang bampira roon, gulat na gulat at naramdaman ko pa ang takot nila. Napangisi ako nang makita ko ang bampirang hinahanap ko. Naroon siya, kaharap ni Volter na ngayon ay takot na takot na. Nakayuko ang lal

    Last Updated : 2021-11-26
  • Into The Dark   Kabanata 13: Simpatiya

    "SAAN KA galing, Syrie?" salubong sa akin ni Trina na animo'y nababahala sa kung anong bagay."Sa mansyon," pakli ko at dumeretso sa sofa. Umupo ako roon at nasapo ko ang aking ulo. Hindi ko alam pero hindi maalis sa isip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus sa akin. Pinipilit kong alisin iyon dahil natatakot akong baka maniwala ako sa kaniya."I've been looking for you, Syrie," ani Trina na sumunod sa akin sa sofa. "I saw some wolves here kanina, mukhang nagmamanman sila sa bahay."Napaangat ako ng tingin kay Trina dahil sa sinabi niya. "Anong ginawa nila?" nabahala kong tanong."So far they do nothing. Pauwi ako at nakita ko ang ilang lobo na nasa paligid ng bahay na tila may hinahanap," paliwanag ni Trina.Nakahinga ako ng maluwag ng malamang wala namang ginawa ang mga lobo. Marahil may hinahanap ang mga ito at maaaring ako iyon."A

    Last Updated : 2021-11-27

Latest chapter

  • Into The Dark   Finale

    HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa."Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo."Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay."Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa

  • Into The Dark   Kabanata 68: Digmaan pt.2

    "VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag."The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay.Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik.Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo.""Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya.

  • Into The Dark   Kabanata 67: Digmaan pt.1

    HUMAHANGOS AT halatang takot na takot ang lobong iyon nang dumating siya sa silid ni amang Trigo kung nasaan kami. Animo'y hinabol siya ng sampung kabayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ito na Natatakot. "A-ang mga bampira! Na-nandiyan na sila!" anunsiyo ng lobong iyon ba halata ang takot at kaba sa boses nito. Mabilis kaming napatayong lahat at gulat na nagkatinginan sa isa't isa. "Kailangan nating maghanda!" ani amang Trigo. "Ihanda ang mga lobo at ilikas ang mga bata," utos pa niya na agad namang tumalima ang mga lobong nandoon. "Magsipaghanda kayo, sasalubungin natin sila sa gubat!" Mabilis na lumabas ng silid si amang Trigo matapos niyang sabihin iyon. Mabilis na nagsipaghanda ang mga naroon habang ako'y napatulala. Nakaramdam ano ng pangamba at kaba sa pwedeng mangyari. Ito na ba ang tuluyang pagwawakas ng kasamaan o patuloy na paghahari ng kasamaan? "Syrie!"

  • Into The Dark   Kabanata 66: Kalaban

    NAPAHINTO KAMI ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa paligid ng gubat. Nandito kami para maglagay ng iba't ibang patibong sa paligid ng village para sa paghahanda sa maaaring gawing pagsugod ng mga bampira.Sinenyasan ko sila na huminto. Kasama ko si Marcus, ang magkapatid na si Trina at Vernon, saka si Colby at ang ilang mga lobo para tumulong sa amin. Nagsimula na ang madilim na gabi at nararamdaman kong may kalaban sa paligid."Magsipaghanda kayo may kalaban sa paligid," mahina kong paalala sa kanila. Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya pa'y umulan ng palaso mula sa kung saan. Mabuti na lang at nakailag kaming lahat at nakatago sa malalaking puno na nakakalat doon. Nagulat pa ako nang muntik na akong tamaan ng ligaw na palasong iyon ng sumilip ako sa kinatataguan ko."Mag-ingat kayo, mapanganib ang palasong ginagamit nila," paalala ko sa mga kasama ko na nagtago sa malalaking puno na iyon. Nakita ko 'di kalayu

  • Into The Dark   Kabanata 65: Happy Together

    HINDI KO maipaliwanag ang sayang bumalot sa akin nang muli akong makatapak sa village ng mga lobo. Para akong naging bagong nilalang na binabalot ng espirito ng pagiging isang ganap na lobo. Naramdaman ko rin na may bahagi sa akin na napunan. Ito na ba 'yong pakiramdam na buo ako? Na buo ang pagkatao ko? Ang sarap pala niyon sa pakiramdam, na maramdaman mong buo ka na dahil kilala mo na kung sino at ano'ng pinagmulan mo, kasabay ng pagkilala mo sa iyong sarili.Hindi naman nahirapan si Trina at Vernon na makisalamuha sa mga bampira, ang totoo nga nito animo'y madali nilang naibagay ang kanilang sarili sa lugar at sa mga lobo rito. Nasa kabilang bahay sila tumutuloy at pinagsisilbihan ng mga lobo.Simula nang makabalik ako sa village, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni Yena dahil daw na-miss niya ako ng husto at ganoon din naman ako sa kaniya. I miss her so much. Lahat sa village na ito pinanabikan ko. Tahimik kong pinagmamasdan si Yena na

  • Into The Dark   Kabanata 64: Unity

    "ANO'NG GAGAWIN natin ngayon, Syrie?" nababahalang tanong sa akin ni Trina. Kahapon lang ay pinagtabuyan kami ng mga bampira sa mansyon dahil sa kapangahasan namin at hindi ko rin alam kung ano'ng sunod na hakbang ang dapat naming gawin. Ito na ba ang panahon para lumapit ako sa mga lobo at makipagkaisa sa kanila? Pero paano?"Hindi ko rin alam, Trina. Hindi ko alam ang sunod nating gagawin. Hindi ko alam kung paano lalapit sa mga lobo dahil alam ko ang ginawa kong kasalanan sa kanila," malungkot kong sagot kay Trina. Alam ko kasi kung paano ko sila nasaktan nang pinagbintangan ko sila at pinagdudahan at ngayong kailangan ko sila saka ako lalapit?"Wala tayong magagawa sa ngayon, Trina kung 'di ang maghintay sa sunod na mangyayari, sa sunod na hakbang na gagawin nila Volter. Nararamdaman kong malapit ng lumabas ang itinatago nila sa atin," segunda naman ni Vernon."Sa tingin niyo, tuluyan na ba tayong itinakwil ng

  • Into The Dark   Kabanata 63: Ang Silid

    NAGULAT NA lang ako nang pagmulat ko ng aking mga mata nasa gilid na ako ng batis kung saan palagi kong pinupuntahan. Katulad nang nakita ko noon, ganoon pa rin ang lugar. Madilim ang pigid, animo'y may apoy na gumagawa ng usok na kumakalat sa paligid. Tahimik din ang lugar at tanging huni ng kuliglig at iba pang mga insekto ang naririnig ko. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at napako ang paningin ko sa dalawang iyon na nakatayo 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Isang babae at lalaki iyon na alam kong kapwa parehong mga lobo. Dahan-dahang humarap ang dalawa habang pigil ko ang aking paghinga. Siya na naman! Napaawang ang bibig ko ng makilala ko ang babaeng iyon. Siya ang palaging nakikita ko sa lugar na ito na kamukha ko pero sino ang kasama niyang lalaki? Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila at nakita iyong magkahawak. "Syrie, anak!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig

  • Into The Dark   Kabanata 62: Pagpapanggap

    "MAY NALAMAN ba kayo sa loob ng mansyon, Vernon?" seryoso kong tanong habang nakaupo kami sa sofa kasama si Trina. "May kahina-hinala bang nangyayari roon?"Nagtinginan ang magkapatid na bakas sa kanilang mga mukha na may kakaiba silang nararamdaman. "Sa totoo lang, Syrie wala kaming nahanap na anumang impormasyon sa mansyon. Limitado ang bawat galaw namin sa loob niyon. Ni hindi kami makapasok o makalapit man lang ng basta sa silid ni Volter. Bantay sarado kami dahil alam nilang nasa panig mo kami. Pero ang pinagtataka namin ni Trina, ang silid na inuukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. Noon ay walang bantay roon pero ngayo'y may mga bampirang nandoon sa labas ng silid at masusing nagbabantay roon. Hindi rin kami pinapalapit doon at walang gustong sumagot sa amin. Nakita ko rin na pumasok doon si Volter dala ang mga bihag nilang mga lobo," pagkwekwento ni Vernon.Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang naramdaman ko sa silid na iyon at

  • Into The Dark   Kabanata 61: Please!

    NAPAHINTO AKO habang tahimik akong naglalakad palabas ng mansyon. Animo'y may kung ano akong naramdaman nang madaanan ko ang lumang silid na iyon kung saan inukupa noon ni Amang Trevor at Inang Viola. May enerhiya akong naramdaman sa bahaging iyon, kakaibang enerhiya at alam kong mayroong nilalang doon.Dahan-dahan akong pumihit paharap sa hallway na iyon at humakbang papalapit sa silid na iyon. Nakaramdam ako ng pananabik na muli kong mapasok ang lugar na iyon na naging tahanan din ng maraming kong alaala kasama si Amang Trevor at Inang Viola. Napalunok ako. Nandoon pa rin ang enerhiyang nararamdaman ko.Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob ng pinto habang nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan."Syrie, what are you doing here?"Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Tiyo Freud. Saglit pa akong napapikit bago humarap sa kaniya. "I just felt something inside this r

DMCA.com Protection Status