“Don’t worry anak. From now on ay ako na uli ang Daddy mo katulad ng dati. I will stay sa bahay natin at hindi na sa office para everyday tayong magkikita.”Hanggang ngayon ay paulit ulit ko pa ring naririnig sa isipan ko ang mga sinabi ni Daddy kanina. Isang oras na yata ang nakalipas pero iyon pa rin ang nasa isipan ko. Ayaw akong patahimikin ng mga sinabi niyang iyon sa akin. Yes, natutuwa naman ako. Natutuwa ako na sa wakas ay regular na kaming magkikita ni Daddy dahil makakasama ko na siya sa bahay namin. At sa tingin ko ay magbabalik na rin ang dati kong Dad, iyong malambing, maalaga at maaalalahanin. Sigurado rin ako na makakakwentuhan ko na rin siya parati katulad noon, makakapag bonding na ulit kami.Ang iniisip ko lang, no more on pinoproblema ko siya. Pinoproblema ko ngayon si Richard, paano na siya? Alam kong hindi siya matutuwa kapag sinabi ko ang balitang ito sa kanya, ibig sabihin kasi ay kinakailangan ko na ring mag-stay
Read more