“Babe, stop crying please.” Pagpapatahan ko kay Stacy. Ngayon ay nasa kotse ko na siya at papunta na kami sa ospital kung saan naroon raw ang Daddy niya. Pagdating ko sa bahay nila para sunduin siya ay hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na makababa pa ng sasakyan ko. Nasa gate na siya at mukha talagang naghihintay na sa akin dahil the moment na maiparada ko ang kotse sa gilid ng bahay nila ay agad siyang sumakay roon. Ni hindi nga man lang niya nasagot ang pagbati ko sa kanya bagkus ay mas lalo pa siyang napaiyak pagkapasok na pagkapasok niya sa kotse.
“Si Daddy kasi, nag aalala ako sa kanya. Baka kung napaano na siya.”
“Tahan na please. Ang sabi mo naman ay hindi naman boses nagpa panic ang tumawag sa iyo kanina.”
“Richard, iyon ang girlfriend ni Daddy!”
“Exactly Babe, kung malala ang condition ng Daddy mo ay sigurado ako na nagpapanic kanina iyong girlfriend niya. At sigurado ako
“Dad!”Pagbukas pa lang ni Richard ng pintuan ng hospital room ni Daddy ay mabilis na akong lumapit sa kanya. Hindi ko alintana ang babaeng kinaiinisan ko na nakita kong nakaupo sa gilid ng kama kaya doon ako pumwesto sa kabila noon. Hindi na ako nagpaalam, basta umupo ako sa gilid ng kama ni Daddy at hinawakan ang kamay niya. Napansin ko ang nakakabit na dextrose sa kanya kaya lalo lang akong kinabahan tungkol sa kalagayan niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at napansin lalo ang pamumutla ng tatay ko.“Stacy, anak.” Sagot ni Daddy sa akin, mukhang inaasahan naman niya ang pagdating ko dahil hindi na siya nagulat sa biglaan kong pagpasok. Agad akong yumakap sa kanya. Bakit ganito na ngayon ang hitsura ni Dad? Masyado ba akong nabulag sa sama ng loob ko sa kanya kung kaya’t hindi ko man lang napapansin na parang namamayat siya. Natatalo ba ako ng pangungulila ko sa kanya kung kaya’t sa tuwing magkikita kami ay hindi ko nap
“Napaano po ba kayo? Bakit kayo dinala rito?” Nagawa kong itanong sa kanya sa wakas.“Papunta na sana kami ng Tita Amanda mo sa bahay natin nang makaramdam ako ng pagkahilo. Parang biglang nagdilim ang paningin ko. At paggising ko nga ay nandito na ako sa ospital. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.”“Ano po ang sabi ng mga doctor na tumingin sa iyo? Teka lang dad, na-check na nga ba kayo ng doktor? At bakit dito kayo sa ospital na ito dinala? Sa dinami rami ng ospital, dito pa talaga?” Dito kasi sa ospital na ito na-confine si Mommy at dito na rin siya namatay. Kaya hate na hate ko ang ospital dahil naaalala ko lang ang naging paghihirap niya sa sakit niya noon.“Nakow, huwag mo nga akong masyadong alalahanin. Malamang ay mataas na naman ang blood pressure ko. Masyado ka na namang nag aalala na bata ka. Ikaw nga ang dapat na mag isip sa sarili mo. Parang ang laki ng ipinayat mo ngayon. Pinapabayaan mo
“Don’t worry anak. From now on ay ako na uli ang Daddy mo katulad ng dati. I will stay sa bahay natin at hindi na sa office para everyday tayong magkikita.”Hanggang ngayon ay paulit ulit ko pa ring naririnig sa isipan ko ang mga sinabi ni Daddy kanina. Isang oras na yata ang nakalipas pero iyon pa rin ang nasa isipan ko. Ayaw akong patahimikin ng mga sinabi niyang iyon sa akin. Yes, natutuwa naman ako. Natutuwa ako na sa wakas ay regular na kaming magkikita ni Daddy dahil makakasama ko na siya sa bahay namin. At sa tingin ko ay magbabalik na rin ang dati kong Dad, iyong malambing, maalaga at maaalalahanin. Sigurado rin ako na makakakwentuhan ko na rin siya parati katulad noon, makakapag bonding na ulit kami.Ang iniisip ko lang, no more on pinoproblema ko siya. Pinoproblema ko ngayon si Richard, paano na siya? Alam kong hindi siya matutuwa kapag sinabi ko ang balitang ito sa kanya, ibig sabihin kasi ay kinakailangan ko na ring mag-stay
Nandito lang ako sa loob ng kotse, nagpapalipas ng oras habang nanonood ng isang pelikula. Doon ko sana balak tumambay sa clinic ng kaibigan kong resident doctor sa ospital na ito pero nalaman ko na wala pala siyang clinic ngayong araw, kaya heto ako ngayon mag isa dito sa kotse.Nagdadalawang isip kasi ako kung aalis na lang ba ako at babalikan na lamang si Stacy kapag nagpasundo siya sa akin mamaya kaya lang naisip ko naman na baka iba ang isipin noon. Baka isipin noon na iniwan ko siya na hindi nagsasabi sa kanya, may pagka over thinker pa naman ang babaeng iyon. Pagkatapos ay madalas ngayon na may topak dahil nga buntis siya kaya pilit ko na lang iniintindi kahit na minsan ay hindi ko alam ang dahilan ng topak niya at madalas na ako ang panbuntunan noon. Inuunawa ko na lang dahil ang sabi nga ni Lola Cedes sa akin, ang bilin niya ay mas kailangan ngayon ni Stacy ng pang unawa dahil sa kalagayan niya. Na humanda ako sa maraming mood swings nito.Gusto
“Daddy naman, may ibang araw pa naman na pwede mong kilatisin si Richard. Isda ba iyon at kailangan mo pang kaliskisan?”“Stacy naman.” Balik ng tatay ko sa akin. Ngayon na okay na ang relasyon naming mag ama ay bumalik na ang kakulitan niya na sobrang na-miss ko noon. Yes, noon iyon. Ngayon kasi ay parang nagsisisi na ako na bumalik ang pagiging makulit niya. Isang oras pa lang kami naging maayos ay parang na-suffocate na ako sa kanya.“Dad!” Pinaikot ko pa ang mga mata ko tanda na medyo naiinis na ako at na-gets naman ng Daddy ko ang nararamdaman ko ngayon.“Anak, gusto ko lang naman na makilala ng husto ang lalaking ipapalit ng baby ko sa akin, or mas tamang sabihin na ipinalit sa akin ng baby ko. Naku parang sumama ang pakiramdam ko ngayon, para akong nahilo dahil may boyfriend ka na, hindi na ako ang only one mo.” Nginitian pa niya ako, iyong klase ng ngiti na hindi mo maintindihan kung para saan
“O Rekdi, nasaan si buntis?” Bungad sa akin ni Eric, pagkaupong pagkaupo ko sa dining area. Nagsipagtinginan pa ang mga taong ito sa likuran ko sa pag aakalang nahuli lang sa paglalakad ang girlfriend ko. Iba talaga ang charm ng babaeng mahal ko, heto ako sa harapan ng staff ko pero hindi man lang ako binati o alukin ng almusal bagkus ay unang hinanap si Stacy. Nasaan na kaya ang loyalty ng mga ito, nasa akin pa rin kaya o nandoon na kay Stacy?“Itigil n’yo na ang paglingon, wala siya ngayon. Hindi ko siya kasama.” Malungkot na sabi ko. Kagabi pa lang na nagsabi si Stacy na hindi siya sasama sa akin sa pag uwi sa bahay ko ay sobra na ang lungkot na naramdaman ko. At kanina naman, habang papunta ako rito sa location ay ramdam na ramdam ko na may kulang. Wala na akong kasabay papunta rito, walang nakaupo sa tabi ko. Wala iyong magandang tanawin na parati kong nakikita tuwing babaling ako sa kanan habang nagmamaneho ako.“
“Mabuti naman Babe at pwede nang ma-discharge bukas ang Daddy mo. Kamusta na ba ang pakiramdam niya ngayon?”“Ang sabi niya ay ayos na naman daw ang pakiramdam niya. Pero kung ako ang masusunod, gusto ko na dito muna sana siya sa ospital para ma-check siya lagi ng doctor niya. Kaya lang matigas ang ulo eh.” Ramdam ko ang frustration sa boses ng girlfriend ko sa kabilang linya pero parang mas lamang ang happiness sa boses niya eh.Natutuwa ako na nahahalata ko sa boses niya ngayon na masaya siya sa pagkakasundo nila ng Daddy niya. Alam ko na isang tinik ang naalis sa lalamunan niya dahil sa pagkakasundo nilang iyon.“Pagbigyan mo na lang muna Babe. O kaya makipag compromise ka na lang.” Suggestion ko pa sa kanya para kahit papaano ay mabawasan ang frustration niya.“Compromise? Paanong compromise?”“Simple lang, na papayag kang umuwi na siya s
Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko. “Stacy, anak. Gising ka na ba?” mahinang tanong ni Daddy sa likod ng pintuan pagkatapos ay muling kumatok ng tatlong beses.“Opo, Dad. Kagigising ko lang po.” Pagkatapos kong mag unat ay tinatamad at inaantok ko pang tiningnan ang relo sa uluhan ko.Pagkakita na ala una na ng hapon ay napabalikwas ako ng bangon. “Omg! Ala una na!”May usapan kami ni Richard na pagkatapos ng meeting nila ay dito na siya sa bahay namin didiretso, dito na siya kakain ng lunch. Pero mukhang imposible yata iyon, ala una na pero wala pa akong nailuluto na kahit anong pagkain.Pagkarating namin ni Dad kaninang umaga galing sa ospital ay nagpaalam siya sa akin na magpapahinga na muna sa kuwarto niya. Habang ako naman, since masyado pang maaga para magluto ng pananghalian dahil alas nuwebe pa lang kanina ay nagpasya rin na umidlip na muna pagkatapos ong mag-shower. Alam ko na idl
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma