Nandito ako ngayon sa TV station dahil nga may meeting ako with my boss, mga top executive ng company. Kasalukuyan naming pinag uusapan ang posibleng extension ng program namin dahil maganda ang feedback ng mga televiewers. Noong unang lingo pa lang ay napakataas na ng ratings nito at hanggang ngayon ay pumapalo pa rin ito sa ratings. Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood, kinagat nila ang istorya maging ang mga artista. Bakit ba hindi, ang mga bida lang naman ng teleserye namin ay ang isa sa pinakasikat na loveteam sa bansa.
Alam ko na matinding pressure ang nakaatang sa balikat ko noong tinanggap ko ang proyektong ito dahil sa libo libong fans na nakabantay sa gawa ko. Kahit mahirap ay wala naman akong pinagsisisihan lalo pa at ito ang naging dahilan para muli kong makita ang babaeng makakapagpabago sa takbo ng buhay ko. Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa programang ito, dahil dito natupad ang pangarap ko. Ang pangarap na magkaroon ng kumpletong
“Babe, stop crying please.” Pagpapatahan ko kay Stacy. Ngayon ay nasa kotse ko na siya at papunta na kami sa ospital kung saan naroon raw ang Daddy niya. Pagdating ko sa bahay nila para sunduin siya ay hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na makababa pa ng sasakyan ko. Nasa gate na siya at mukha talagang naghihintay na sa akin dahil the moment na maiparada ko ang kotse sa gilid ng bahay nila ay agad siyang sumakay roon. Ni hindi nga man lang niya nasagot ang pagbati ko sa kanya bagkus ay mas lalo pa siyang napaiyak pagkapasok na pagkapasok niya sa kotse.“Si Daddy kasi, nag aalala ako sa kanya. Baka kung napaano na siya.”“Tahan na please. Ang sabi mo naman ay hindi naman boses nagpa panic ang tumawag sa iyo kanina.”“Richard, iyon ang girlfriend ni Daddy!”“Exactly Babe, kung malala ang condition ng Daddy mo ay sigurado ako na nagpapanic kanina iyong girlfriend niya. At sigurado ako
“Dad!”Pagbukas pa lang ni Richard ng pintuan ng hospital room ni Daddy ay mabilis na akong lumapit sa kanya. Hindi ko alintana ang babaeng kinaiinisan ko na nakita kong nakaupo sa gilid ng kama kaya doon ako pumwesto sa kabila noon. Hindi na ako nagpaalam, basta umupo ako sa gilid ng kama ni Daddy at hinawakan ang kamay niya. Napansin ko ang nakakabit na dextrose sa kanya kaya lalo lang akong kinabahan tungkol sa kalagayan niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at napansin lalo ang pamumutla ng tatay ko.“Stacy, anak.” Sagot ni Daddy sa akin, mukhang inaasahan naman niya ang pagdating ko dahil hindi na siya nagulat sa biglaan kong pagpasok. Agad akong yumakap sa kanya. Bakit ganito na ngayon ang hitsura ni Dad? Masyado ba akong nabulag sa sama ng loob ko sa kanya kung kaya’t hindi ko man lang napapansin na parang namamayat siya. Natatalo ba ako ng pangungulila ko sa kanya kung kaya’t sa tuwing magkikita kami ay hindi ko nap
“Napaano po ba kayo? Bakit kayo dinala rito?” Nagawa kong itanong sa kanya sa wakas.“Papunta na sana kami ng Tita Amanda mo sa bahay natin nang makaramdam ako ng pagkahilo. Parang biglang nagdilim ang paningin ko. At paggising ko nga ay nandito na ako sa ospital. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.”“Ano po ang sabi ng mga doctor na tumingin sa iyo? Teka lang dad, na-check na nga ba kayo ng doktor? At bakit dito kayo sa ospital na ito dinala? Sa dinami rami ng ospital, dito pa talaga?” Dito kasi sa ospital na ito na-confine si Mommy at dito na rin siya namatay. Kaya hate na hate ko ang ospital dahil naaalala ko lang ang naging paghihirap niya sa sakit niya noon.“Nakow, huwag mo nga akong masyadong alalahanin. Malamang ay mataas na naman ang blood pressure ko. Masyado ka na namang nag aalala na bata ka. Ikaw nga ang dapat na mag isip sa sarili mo. Parang ang laki ng ipinayat mo ngayon. Pinapabayaan mo
“Don’t worry anak. From now on ay ako na uli ang Daddy mo katulad ng dati. I will stay sa bahay natin at hindi na sa office para everyday tayong magkikita.”Hanggang ngayon ay paulit ulit ko pa ring naririnig sa isipan ko ang mga sinabi ni Daddy kanina. Isang oras na yata ang nakalipas pero iyon pa rin ang nasa isipan ko. Ayaw akong patahimikin ng mga sinabi niyang iyon sa akin. Yes, natutuwa naman ako. Natutuwa ako na sa wakas ay regular na kaming magkikita ni Daddy dahil makakasama ko na siya sa bahay namin. At sa tingin ko ay magbabalik na rin ang dati kong Dad, iyong malambing, maalaga at maaalalahanin. Sigurado rin ako na makakakwentuhan ko na rin siya parati katulad noon, makakapag bonding na ulit kami.Ang iniisip ko lang, no more on pinoproblema ko siya. Pinoproblema ko ngayon si Richard, paano na siya? Alam kong hindi siya matutuwa kapag sinabi ko ang balitang ito sa kanya, ibig sabihin kasi ay kinakailangan ko na ring mag-stay
Nandito lang ako sa loob ng kotse, nagpapalipas ng oras habang nanonood ng isang pelikula. Doon ko sana balak tumambay sa clinic ng kaibigan kong resident doctor sa ospital na ito pero nalaman ko na wala pala siyang clinic ngayong araw, kaya heto ako ngayon mag isa dito sa kotse.Nagdadalawang isip kasi ako kung aalis na lang ba ako at babalikan na lamang si Stacy kapag nagpasundo siya sa akin mamaya kaya lang naisip ko naman na baka iba ang isipin noon. Baka isipin noon na iniwan ko siya na hindi nagsasabi sa kanya, may pagka over thinker pa naman ang babaeng iyon. Pagkatapos ay madalas ngayon na may topak dahil nga buntis siya kaya pilit ko na lang iniintindi kahit na minsan ay hindi ko alam ang dahilan ng topak niya at madalas na ako ang panbuntunan noon. Inuunawa ko na lang dahil ang sabi nga ni Lola Cedes sa akin, ang bilin niya ay mas kailangan ngayon ni Stacy ng pang unawa dahil sa kalagayan niya. Na humanda ako sa maraming mood swings nito.Gusto
“Daddy naman, may ibang araw pa naman na pwede mong kilatisin si Richard. Isda ba iyon at kailangan mo pang kaliskisan?”“Stacy naman.” Balik ng tatay ko sa akin. Ngayon na okay na ang relasyon naming mag ama ay bumalik na ang kakulitan niya na sobrang na-miss ko noon. Yes, noon iyon. Ngayon kasi ay parang nagsisisi na ako na bumalik ang pagiging makulit niya. Isang oras pa lang kami naging maayos ay parang na-suffocate na ako sa kanya.“Dad!” Pinaikot ko pa ang mga mata ko tanda na medyo naiinis na ako at na-gets naman ng Daddy ko ang nararamdaman ko ngayon.“Anak, gusto ko lang naman na makilala ng husto ang lalaking ipapalit ng baby ko sa akin, or mas tamang sabihin na ipinalit sa akin ng baby ko. Naku parang sumama ang pakiramdam ko ngayon, para akong nahilo dahil may boyfriend ka na, hindi na ako ang only one mo.” Nginitian pa niya ako, iyong klase ng ngiti na hindi mo maintindihan kung para saan
“O Rekdi, nasaan si buntis?” Bungad sa akin ni Eric, pagkaupong pagkaupo ko sa dining area. Nagsipagtinginan pa ang mga taong ito sa likuran ko sa pag aakalang nahuli lang sa paglalakad ang girlfriend ko. Iba talaga ang charm ng babaeng mahal ko, heto ako sa harapan ng staff ko pero hindi man lang ako binati o alukin ng almusal bagkus ay unang hinanap si Stacy. Nasaan na kaya ang loyalty ng mga ito, nasa akin pa rin kaya o nandoon na kay Stacy?“Itigil n’yo na ang paglingon, wala siya ngayon. Hindi ko siya kasama.” Malungkot na sabi ko. Kagabi pa lang na nagsabi si Stacy na hindi siya sasama sa akin sa pag uwi sa bahay ko ay sobra na ang lungkot na naramdaman ko. At kanina naman, habang papunta ako rito sa location ay ramdam na ramdam ko na may kulang. Wala na akong kasabay papunta rito, walang nakaupo sa tabi ko. Wala iyong magandang tanawin na parati kong nakikita tuwing babaling ako sa kanan habang nagmamaneho ako.“
“Mabuti naman Babe at pwede nang ma-discharge bukas ang Daddy mo. Kamusta na ba ang pakiramdam niya ngayon?”“Ang sabi niya ay ayos na naman daw ang pakiramdam niya. Pero kung ako ang masusunod, gusto ko na dito muna sana siya sa ospital para ma-check siya lagi ng doctor niya. Kaya lang matigas ang ulo eh.” Ramdam ko ang frustration sa boses ng girlfriend ko sa kabilang linya pero parang mas lamang ang happiness sa boses niya eh.Natutuwa ako na nahahalata ko sa boses niya ngayon na masaya siya sa pagkakasundo nila ng Daddy niya. Alam ko na isang tinik ang naalis sa lalamunan niya dahil sa pagkakasundo nilang iyon.“Pagbigyan mo na lang muna Babe. O kaya makipag compromise ka na lang.” Suggestion ko pa sa kanya para kahit papaano ay mabawasan ang frustration niya.“Compromise? Paanong compromise?”“Simple lang, na papayag kang umuwi na siya s