“Tapos ka nang gumawa?” Tanong ko nang maabutan ko siyang nagliligpit na. Nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang churros sa paligid.Ipinakita niya sa akin ang dough na nakabalot na ngayon sa cling wrap. “Ilalagay ko na lang ito sa ref, then I’m done.”“Done” Nagtataka kong tanong.“Yup, bukas ko na lang ito lulutuin. Gabi na rin kasi at pagod na ako kung magluluto pa.”“So, no churros for tonight, how about my pandesal?” Bahagya ko pang itinaas ang suot kong t-shirt para ipakita ang tiyan ko. “I hope you are not that tired for this, Babe.” Kumindat pa ako at bahagya kong kinagat ang pang ibaba kong labi para sana akitin siya.“Ibaba mo nga iyan, at huwag kang mangarap. Walang pandesal diyan sa tiyan mo. Kung dati oo, may pandesal diyan noong una kong makita iyan. But now? I don’t think so. Baka hindi mo napapansin, tumataba ka na.”
Read more