Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2171 - Kabanata 2180

3080 Kabanata

Kabanata 2171

Tumingin si Bonnie sa labas ng bintana at hindi na siya nag abala na tumingin kay Jim. “Ah, ‘wag mo nang alalahanin ‘yun.” Ayaw niya rin naman sabihin ang katotohanan, at dahil sinabi ni Jim ang mga ito, hindi niya na rin babanggitin ang nakaraan sa usapan nila. Bukod pa dito, kahit na sinabi siya kay Jim na siya si Number-9, iisipin lang ni Jim na gumagawa lang siya ng pakana para maging malapit kay Jim. Hindi ito maganda. Hindi nagtagal, nakarating ang kotse sa Quinn Mansion. Nang makarating sina Bonnie, sina Joshua, Luna, Luke, at Gwen ay naghihintay na sa loob ng lobby ng mansion. Nang mapansin ang pagdating nila Jim at Bonnie, ngumiti ng maliit si Gwen, may panunuya sa kanyang mga mata. “Gumaling na ba ang kamay ni Mr. Jim sa pagkapaso? Bakit ka pumunta dito?” Naalala niya na sa napaso ang kamay nito dahil kay Charlotte, lumapit si Jim para kay Charlotte, nilagay ang kamay sa takure para tahimik na ipagtanggol at humingi ng tawad para kay Charlotte. “Ang sakripisyo ni
Magbasa pa

Kabanata 2172

Sumingkit ang mga mata ni Quentin sa mga litrato sa sahig, at dumilim agad ang kanyang mga mata. Ito ay ang mga litrato ni Charlotte na masaya lang, nakahiga sa kama ng kulungan ng Quinn Mansion. Base sa anggulo ng mga litrato, kinuha ito sa loob ng kulungan sa harap ni Charlotte. Wala sa mga tao nila Joshua o Luke ang makakapasok sa sikretong lugar sa mansion. Isa lang ang ibig sabihin nito: ang mga tauhan ni Joshua o Luke ay nakalusot sa mansion, at may nakatanim silang tauhan sa gusali! Habang iniisip ito, ngumiti si Quentin at umupo siya, kinuha niya ng isa isa ang mga litrato. “Saan nakuha ni Mr. Jones ang mga litrato na ito?” Ngumisi si Luke at tumingin siya kay Quentin. “Bakit? Umaasa ka ba na matutulungan kita na matanggal ang problema sa mansion mo?” Tumawa si Quentin. “Syempre hindi. Kaya nga lang…” Tumawa ulit siya. “Peke at inedit ang mga litrato na ito.” Lumingon si Quentin at umupo siya sa sofa, elegante at mapagmataas, habang sinuri niya ang mga litrato. Ma
Magbasa pa

Kabanata 2173

“Hindi kaya’t tinatago mo talaga si Ms. Jacobs, Mr. Landry?” Sumulyap si Jim kay Quentin, humigpit ang kanyang mga kamao. Makalipas ang ilang sandali, uminom ng tsaa si Joshua at sumingit siya, “Tama si Mr. Landry. Hindi kami pupunta dito kung wala kaming ebidensya.” Tumingin siya kay Quentin at sinabi niya, “Kailangan ko pa ba ipakita sayo ang ebidensya na dinukot si Charlotte ng kotse na pag mamayari ng pamilya Quentin? Sigurado ako na alam mo ang kahihinatnan kapag binigay ko ang ebidensya na ito sa pulis at kapag inilabas ito sa media.” Sumingkit ang mga mata ni Quentin, ngunit may bahid ng kalupitan sa mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ni Joshua. Nakatanggap siya ng impormasyon tungkol kay Joshua mula kay Laura, ngunit ito ang unang beses na nakaharap niya si Joshua. Kahit na mayabang at malamig lagi, hindi niya inaasahan na organisado at agresibo si Joshua pag kinakailangan. Hindi niya agad binigay ang ebidensya sa pulis at sa halip ay dumirecho siya sa mansion
Magbasa pa

Kabanata 2174

Nang marinig ang mga sinabi ni Joshua, tumawa si Quentin. “Hindi ba’t nangyari ang pag aaway ng pamilya Landry at ng pamilya Quinn dahil pinatay ng mga Landry si Lucy?” Hinawakan niya ang baba niya at sinabi niya, “Naaalala ko na sobrang sama ng itsura ni Lucy noong namatay siya…” May pekeng lungkot sa mukha ni Quentin habang nagbuntong hininga siya. “Isa siyang maganda at matalinong babae. Sayang… pumanaw siya dahil hindi siya inalagaan at pinabayaan siya ni Charles Landry. Tsk, tsk, tsk! Nabalitaan ko na dose dosenang mga lalaki ang—” “Tumahimik ka!” Ang galit na sinabi ni Jim, tumayo siya mula sa upuan bago pa matapos magsalita si Quentin. Dahil galit na galit si Jim, malupit niyang pinagalitan si Quentin, “Hindi ko hahayaan na sabihin ang ganitong mga bagay tungkol sa nanay ko!” Gayunpaman, tumawa lang si Quentin sa galit na ekspresyon ni Jim. “Mr. Landry, bakit ka galit na galit? Naaalala ko na isang taong gulang ka pa lang noong pumanaw si Lucy. Inalagaan ka ni Rosalyn s
Magbasa pa

Kabanata 2175

Ito ay para bang alam ni Quentin ang lahat tungkol kay Jim… ngunit ito ang unang beses na nakaharap niya si Jim. Nakuntento si Quentin sa ekspresyon ni Jim. Ngumiti siya ng maliit kay Jim, pagkatapos ay tumingin siya kay Luke. “Paano ka nakakasiguro na ang babaeng si Charlotte ay nandito, Mr. Jones?” Habang nakaupo siya ng mas komportable sa sofa at tumingin siya sa lahat, muling ngumisi si Quentin. “Sasabihin ko ulit ito: wala kaming kulungan na puno ng dekorasyon dito, at wala kaming malaking kama at mga pasilidad dito. Bukod pa dito, sumusunod sa batas ang pamilya Quinn at hindi kami nagtatago ng isang kriminal na si Charlotte.” Naglabas siya ng isang sigarilyo at sinindihan niya ito. Ngunit, pagkatapos ng isang hithit, bigla siyang may naalala at tumingin siya kay Bonnie. “Ms. Craig, ayos lang ba sayo na mag sigarilyo ako? Kung hindi, papatayin ko na ito.” Nabigla dito si Bonnie. Tumingin siya kay Quentin, na siyang nakangiti habang nakatingin ito sa tiyan niya. “Ayos lan
Magbasa pa

Kabanata 2176

Tumingin si Joshua sa dokumento na pinasa sa kanya ni Quentin. Samantala, nagsalubong ang mga kilay ni Jim. Sa mga sandaling ito, doon nila pinag isipan ng tahimik kung nandito talaga si Charlotte sa Quinn Mansion, nang makita nila ang kampanteng mukha ni Quentin. Gayunpaman, pinalibutan na ng mga tauhan nila Joshua at Luke ang paligid at kontrolado na nila ang mansion, ang bawat kilos ay nakamonitor at inimbestigahan ng dalawang araw. Sinuri pa ng mga tauhan nila ang mga basura na tinapon mula sa mansion. Kumpirmado nila na nasa mansion pa rin si Charlotte at hindi pa ito nililipat. Gayunpaman, kahit na ginawa nila ang lahat ng ito, mas naging maingat sina Joshua at Jim sa pagkilos ni Quentin. Tangka ba ito para magtago, o palihim na inilipat si Charlotte sa ibang lugar? “Ano sa tingin niyo? Kaya niyo bang sumugal?” Ngumiti si Quentin habang humithit siya sa sigarilyo. Mahinahon ang tingin at boses niya, sinabi niya, “Kung hindi kayo papayag, makakaalis na kayo. Butler
Magbasa pa

Kabanata 2177

“Para sa ilan sa inyo, si Charlotte ay isang sinuman na pumatay kay Roanne. Gusto niyong isuko siya sa mga otoridad para mabawasan ang pagsisisi ni Theo…” “Pero higit pa ito sa ganun para sa akin.” Tumingin si Bonnie kila Joshua at Luna ng may seryosong ekspresyon. “Sa tingin ko ay naiintindihan niyo pareho ang balak kong sabihin.” Nagbuntong hininga si Luna; syempre alam niya ang ibig sabihin ni Bonnie. Inagaw ni Charlotte ang pagkakakilanlan ni Bonnie noong maraming taon na ang nakalipas, at siya ang naging kasintahan ni Jim sa pagkakakilanlan na ito. Higit pa dito, niloko niya si Bonnie na gumawa ng anak para kay Jim nang utusan niya si Jason at plano niyang patayin ito! Makalipas ang anim na taon nang bumalik si Charlotte sa Merchant City, muli niyang pinakialaman ang relasyon nila Bonnie at Jim, kaya’t napunta ang dalawa sa mapait na sitwasyon ngayon. Kinamumuhian ni Bonnie si Charlotte sa kahit sinong nasa sala ngayon. Pagkatapos itong pag isipan, tumango si Luna. “
Magbasa pa

Kabanata 2178

Nabigla siya na ang babaeng nakaupo sa kulungan ay hindi si Charlotte. Kahit na ang hugis at buhok nito ay pareho kay Charlotte… ito ay hindi si Charlotte. Lumingon ang babaeng may magulong itsura ay lumingon sa mga taong nakatayo at tumingin ito kay Joshua, tumulo ang mga luha niya pagkatapos nito. Bumukas ang bibig niya, ngunit walang tunog na lumabas. Ito ay para bang… hindi siya makapagsalita. Sa paraan ng pagbukas ng bibig ng babae, nagtaka si Luna kung bakit pamilyar ang mukha ng babaeng ito. Pagkatapos obserbahan ng mabuti, nilagay ni Luna ang kamay niya sa bibig dahil sa gulat. Ang babaeng ito… ay si… Kinagat ni Luna ang labi niya, at tinanong niya ng may nanginginig na boses, “Ikaw ba si Laura Suess? Dr. Suess?” Tumango ng mabilis ang babae habang nakaturo siya sa bibig niya para ipakita ka Luna na hindi na siya makapagsalita. Mas nagulat si Luna nang matanggap niya ang sagot na ito mula sa babae. Napatingin siya kay Bonnie, na siyang nakatayo sa tabi niya. Pareho
Magbasa pa

Kabanata 2179

Si Quentin, sa halip na sagutin niya ang mga tanong ni Luna, lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Nakita mo na; isa itong kulungan, at isa lang ang taong nakakulong dito. Isa ba itong magandang kulungan sa litrato na tinutukoy mo?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at sinuri niya ng mabuti ang kulungan. Ang istraktura ng kulungan ay pareho sa litrato… ngunit ang lahat ng bagay sa kulungan ay nilipat. Ito ay para bang nagpapanggap si Quentin na wala siyang alam tungkol sa tauhan na nakatanim sa bahay nila. Hindi lang sa alam niya ang tungkol sa espiya, alam niya pa kung sino ang espiya at kung kailan kinuha ang litrato. Hindi maitatanggi na ang lalaking ito ay metikuloso. Tumingin si Joshua kay Quentin, at nagkataon, nakatingin din sa kanya si Quentin. Ang pagkakaiba ay ang mga mata ni Joshua ay malamig, habang ang mga mata ni Quentin ay nakangiti. “Marami ka pa bang tanong, Mr. Lynch?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Walang problema sa kulungan na ito.” Naniniwala siy
Magbasa pa

Kabanata 2180

Nakasalubong ang mga kilay ni Luke. Paano nawala ang isang tao sa loob ng mansion? Sa mga sandaling ito, tumakbo palapit si Lucas kay Joshua, binulong niya sa tainga nito, “Sir, hindi po namin mahanap si June. Hinanap na po namin kahit saan, hindi pa rin po namin mahanap sina Charlotte o June.” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Joshua. Gusto niyang halughugin ang mansyon hindi lang dahil gusto niyang mahanap si Charlotte, higit sa lahat, gusto niyang mahanap si June. Alam niya kung ano ang binabalak ng pamilya Quinn. Si June ang kahinaan ni Christopher, at kapag kontrolado na ng pamilya Quinn si June, ibig sabihin nito ay pwede nilang utusan si Christopher na gawin ang kahit anong gusto nila. Tutal, nasa proseso si Christopher ng paggawa ng antidote para bumalik ang mga alaala ni Jim. Higit sa lahat, hawak ni Christopher ang prescription ng lason na ginawa ni Rosalyn. Ito ang lason na ginamit para mawala ang mga alaala ni Jim at ang rason kung bakit kayang ibrainwash si Jim.
Magbasa pa
PREV
1
...
216217218219220
...
308
DMCA.com Protection Status