Share

Kabanata 2173

“Hindi kaya’t tinatago mo talaga si Ms. Jacobs, Mr. Landry?”

Sumulyap si Jim kay Quentin, humigpit ang kanyang mga kamao.

Makalipas ang ilang sandali, uminom ng tsaa si Joshua at sumingit siya, “Tama si Mr. Landry. Hindi kami pupunta dito kung wala kaming ebidensya.”

Tumingin siya kay Quentin at sinabi niya, “Kailangan ko pa ba ipakita sayo ang ebidensya na dinukot si Charlotte ng kotse na pag mamayari ng pamilya Quentin? Sigurado ako na alam mo ang kahihinatnan kapag binigay ko ang ebidensya na ito sa pulis at kapag inilabas ito sa media.”

Sumingkit ang mga mata ni Quentin, ngunit may bahid ng kalupitan sa mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ni Joshua. Nakatanggap siya ng impormasyon tungkol kay Joshua mula kay Laura, ngunit ito ang unang beses na nakaharap niya si Joshua. Kahit na mayabang at malamig lagi, hindi niya inaasahan na organisado at agresibo si Joshua pag kinakailangan.

Hindi niya agad binigay ang ebidensya sa pulis at sa halip ay dumirecho siya sa mansion
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status