Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Buntis si Luna Gibson.Masaya siyang umuwi habang hawak ang pregnancy test result, iniisip niya rin kung paano niya ito ibabalita sa asawa , kay Joshua Lynch, bilang sorpresa. Kalahating buwan nang nasa business trip sa ibang bansa si Joshua, at makakauwi na rin siya bukas.Ngunit, sa oras na nakauwi na si Luna Gibson, napansin niya ang isang pares ng mga sapatos na pambabae na hindi sa kanya. Napasimangot siya.Alam niya kung kanino ito. Pag-aari iito ng kapatid niya, si Aura Gibson, at kailan lang nito binili ang sapatos.Hindi ba’t nasa business trip siya kasama si Joshua?Sa mga sandaling ito, narinig niya ang isang boses ng babae mula sa itaas ng hagdan.Ang boses na ito… ay ang boses ng kapatid niyang si Aura!Nakagat ni Luna ang kanyang labi at nanginig ang kanyang katawan. Sino pa bang lalaki ang nandito kundi ang asawa niya?Agad siyang umakyat ng hagdan. Habang lumalapit siya, lumalakas ang mga boses ng lalaki at babae mula sa bedroom.“Anong gagawin natin kapag naka
Nang binanggit ang pinakamatanda niyang anak, kumirot ang puso ni Luna.Ngumiti siya ng mapait. “May nag aalaga sa kanya doon. Baka manatili kami dito ng mas matagal ngayon.”Kailangan niyang asikasuhin ang ilang mga isyu.Sa nakalipas na anim na taon, nag sabwatan sina Joshua at Aura para patayin siya, kahit na tatlong buwan na siyang buntis. Pagkatapos ibalita sa publiko ang pagkamatay niya, walang hiya na gumawa si Aura ng last will ni Luna bilang pruweba na nagpakamatay ito.Ang rason daw ng pagkamatay niya ay dahil pinagtaksilan niya si Joshua at pinagsisihan niya ito.Kalokohan. Namuhay ng masaya ang traydor habang binansagan siya bilang isang manloloko kahit na sa pagkamatay niya. Para sa lahat ng ginawa nila, pagbabayarin sila nito ng dugo!Syempre, kasama rin ang katawan ni Nigel...Huminga ng malalim ang babae at lumingon siya kay Anne. “Anong balita sa job opening na pinatingnan ko sayo?”Medyo awkward ang itsura ni Anne. “May inutusan ako na magtanong tungkol dito,
Malamig at seryoso ang mood sa Lynch Group ngayong umaga. Ang lahat ng staff members ay nakapila ng maayos habang magalang nilang hinihintay ang kanilang big boss.Nang sumapit ang 8am, may marangyang kotse na huminto sa harap ng entrance. Ang isang lalaki na mukhang butler ang bumaba mula sa passenger seat at binuksan ang pinto sa likod.Malamig ang ekspresyon ni Joshua at lumabas ang mahabang mga binti niya mula sa kotse at nilapag ang mga paa niya sa lupa para bumaba ng kotse. Mayabang siya at walang pakialam, ang aura niya ay mapagmataas at hirap huminga ang lahat ng nasa paligid niya dahil dito.Tumingin siya paharap at naglakad paakyat ng hagdan.“Daddy—!” may isang cute at batang boses na sumira sa mabigat na mood, mabilis na tumingin ang lahat sa direksyon nito.May batang babae na tila biglang dumating at umakyat ng hagdan. May suot siya na pink dress na parang pang prinsesa. Kahit na hindi makita ang mukha niya, may marangal na aura rin siya tulad ni Mr. Lynch.Umakyat
“Oo, sa Blue Bay Villa. Ang pagmamay ari ni Mr. Lynch.”Tila naiirita ang boses ng lalaking nasa kabilang linya, “Desperado ang Little Princess namin para paliguan siya, at agad ka niyang pinili. Dalian mo na!”Pagkatapos, binaba na ng lalaki ang phone.Sumimangot si Luna at tumingin siya kay Neil na nasa harap niya. “Ito ang trabaho na nahanap mo para sa akin?”Tumango ang bata habang lumapit ito at hinawakan ang kanyang kamay. “Mommy, alam ko po na nandito ka dahil sa isang rason. Mas madali niyo pong malalapitan si Joshua Lynch sa bahay niya kaysa sa opisina, tama po ba?”Nagbuntong hininga si Luna, alam niya ito. Wala siyang maitatago sa mga maliit na batang ito. Lumuhod siya. “Tama ka, pero…”“Mommy, ‘wag po kayong mag alala!” tumingin sa kanya si Neil ng may maliwanag na mga mata. “Madali lang alagaan ang Little Princess!”Ngumiti na lang si Luna, naghilamos, at nagbihis.“Ah, nasaan si Nellie?” ang tanong niya habang sinusuot ang kanyang sapatos.Sasalubungin siya ng ba
Sumimangot si Joshua at pinalabas niya si Nellie. “Lucas, dalhan mo siya ng dessert.”Nung sumara ang pinto, pumasok siya sa banyo.Kahit na sinabi niya na pwedeng pumili ng katulong si Nellie, isang bata pa lang siya—ang kakayahan niyang humusga ng mga tao ay hindi kasing talim ng matatanda. Sadyang umuwi ang nag aalalang Joshua para tingnan ito.Sa loob ng banyo, natapos na maglinis ng lababo si Luna at tumalikod siya, napansin niya na may dalawang puting tuwalya sa rack. Tumalikod siya at binuksan niya ang aparador at nakita niya ang isang pink towel na nakasabit.Mahilig sa pink si Nellie.Puno ng singaw at hamog ang banyo, kumilos siya ng pamilyar sa banyo habang busy siya.Naramdaman ni Joshua na parang nananaginip siya dahil sa hugis at mga kilos ni Luna.“Lulu…” sinabi ito ni Joshua at agad na napahinto si Luna.Sa mga sandaling ito, tumalikod si Luna at tumingin siya kay Joshua ng nakangiti. “Hello po, Mr. Lynch.”Bumalik sa katotohanan ang isip ni Joshua nang makita