Share

Kabanata 3

Author: Inked Snow
Malamig at seryoso ang mood sa Lynch Group ngayong umaga. Ang lahat ng staff members ay nakapila ng maayos habang magalang nilang hinihintay ang kanilang big boss.

Nang sumapit ang 8am, may marangyang kotse na huminto sa harap ng entrance. Ang isang lalaki na mukhang butler ang bumaba mula sa passenger seat at binuksan ang pinto sa likod.

Malamig ang ekspresyon ni Joshua at lumabas ang mahabang mga binti niya mula sa kotse at nilapag ang mga paa niya sa lupa para bumaba ng kotse. Mayabang siya at walang pakialam, ang aura niya ay mapagmataas at hirap huminga ang lahat ng nasa paligid niya dahil dito.

Tumingin siya paharap at naglakad paakyat ng hagdan.

“Daddy—!” may isang cute at batang boses na sumira sa mabigat na mood, mabilis na tumingin ang lahat sa direksyon nito.

May batang babae na tila biglang dumating at umakyat ng hagdan. May suot siya na pink dress na parang pang prinsesa. Kahit na hindi makita ang mukha niya, may marangal na aura rin siya tulad ni Mr. Lynch.

Umakyat ang batang babae sa hagdan at kumapit siya sa binti ni Joshua.

Higante si Joshua kumpara sa kanya, at ang puti niyang mga braso ay kumapit lamang sa mga binti ni Joshua.

“Daddy—!” ngumuso si Nellie habang tinawag niya si Joshua na tila nagrereklamo. Nabigla ang lahat ng nasa paligid.

Yumuko si Joshua, at habang nakatingin siya sa batang puno ng pink sa kanyang paanan, may bahid ng irita na namuo sa kanyang mga kilay. “Bitawan mo ako!”

Tumingala ang bata, at makikita na 70% hanggang 80% na kamukha siya nito. “Daddy…”

“Sir, ang batang ito…” lumaki ang mga mata ng butler sa tabi niya. Kamukha talaga ni Joshua ang batang ito!

“Daddy, hug, hug…” inabot ng bata ang mga kamay niya habang nakatitig ang malaking mga mata niya kay Joshua. Ang mga mata niya ay kasing liwanag ng kalangitang walang ulap.

Lumambot ang puso ni Joshua.

Hindi niya gusto ang mga bata dati, ngunit sa hindi malamang rason, gusto niyang yakapin ang kakaibang bata na ito!

Pagkatapos mag-alangan, lumuhod ang matangkad na lalaki at kinarga ang bata. Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa gusali. “Isara niyo ang lugar na ‘to at magsimula na sa imbestigasyon!”

Hindi naman siguro mag isa ang batang ito.

...

“Mr. Lynch, lumabas na ang resulta ng DNA test.”

Sa tuktok ng building, sa loob ng CEO’s office, kabadong inabot ng assistant ang report sa kanya. “Siya… ay anak niyo nga po talaga.”

Inagaw ni Joshua ang report sa mga kamay niya: 99.9%. Anak niya talaga ang batang babaeng ito,

Maliban kay Luna, wala siyang naaalala na ibang babaeng nakasiping niya...

Mabilis siyang tumingin sa batang nakaupo sa sofa. Nakasandal sa sofa ang batang babae habang hawak nito ang isang teddy bear at ngumunguya ito ng candy, makikita na masaya talaga ang bata.

Tila hindi ito ang unang pagbisita ng bata dito.

Tumayo si Joshua at naglakad siya patungo sa bata. “Anong pangalan mo?”

“Ako po si Princess Nellie!”

“Ilang taon ka na?”

Tumingala ang bata, ngumiti, at nagtaas ng limang daliri. “Six na po ako!”

Halos huminto ang pagtibok ng puso ni Joshua. Anim na taong gulang!

Kung hindi namatay dati si Luna, magiging anim na taong gulang na ang anak niya!

Nakaligtas ba si Luna sa aksidente noong anim na taon na ang nakalipas?

May bahid ng pagka sabik sa mga mata ng lalaki.

Nagpadala siya ng maraming tao para mag-imbestiga at naghire pa siya ng tao para maghanap sa dagat ng isang buong buwan, ngunit hindi niya talaga mahanap ang katawan ni Luna.

At ngayon, may bata sa harap niya na anim na taong gulang na kadugo niya!

Ibig sabihin ba ay nakaligtas si Luna pero pumunta siya sa isang lugar na hindi mahahanap ni Joshua para ipanganak ang batang ito?

Habang iniisip ito, mas nasabik si Joshua. “Eh ang nanay mo?”

“Si Mommy, siya po ay…” may sasabihin na sana si Nellie, ngunit naalala niya ang payo ng kapatid niya at binago niya ang kanyang sinabi, “Hindi ko po alam!”

Lumuhod si Joshua at tiningnan niya ang bata sa lebel ng mata nito, sinabi niya ng mahinay, “Hindi nagsisinungaling ang isang mabait na bata.”

Inosenteng pumikit ang Little Princess. “May nagsabi po sa akin na namamana ang pagsisinungaling. Daddy, mabait na lalaki po ba kayo?”

Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. “Sino ang nagsabi sayo niyan?”

Tinikom ni Nellie ang mga labi niya, “Nagsinungaling ka na ba, Daddy?”

Tumahimik si Joshua.

Nang makita na tumahimik ang boss dahil sa isang anim na taong gulang na bata, gusto na sanang tumawa ni Lucas Bean, ngunit hindi niya ito magagawa. Hirap na hirap siyang itago ang kanyang pagtawa. Tumingin sa kanya ng masama si Joshua. “May balita ba mula sa surveillance?”

“Opo.” huminga ng malalim si Lucas. “Nitong umaga po, na-hack po ng hindi kilalang hacker ang surveillance system na nakapalibot sa kumpanya, at nasira po ang lahat ng footage…”

Sumimangot si Joshua. Habang nakatingin sa Little Princess na nasa harap niya, namuo ang kalungkutan sa kanyang puso.

Hindi siguro nagkataon ang pagkahack ng CCTV at ang pagdating ng batang ito.

Hindi matiis ni Nellie ang naghihinalang tingin ni Joshua, kaya’t ngumiti siya habang nilagay niya sa sofa ang teddy bear. Pagkatapos, tumingala siya. “Daddy, gusto ko pong maligo!”

Maliligo ng ganito kaaga?

Tinago ng lalaki ang mapanghinalang ekspresyon sa mukha niya at tumango siya. “Lucas, dalhin mo ang maliit na binibini sa villa at mag utos ka na paliguan siya.”

“Little Princess po, hindi maliit na binibini!”

Tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi, nagsalita siya ng malinaw ngunit pambata. “Ayaw ko po na pinapaliguan ako ng mga taong hindi ko gusto!”

Medyo nalito si Joshua dahil sa anak niya na dumating galing sa kung saan. Tumingin siya kay Nellie at nagsalita siya ng mahinay na tono, “Ano pala ang gusto mo?”

“Gusto ko pong pumili ng tao na magpapaligo sa akin!”

Sinara ng Little Princess ang kanyang mga mata, tumalikod, at nagmamadali siyang lumabas ng pinto. “Lucas, ihatid mo na ako pauwi!”

“Mr. Lynch, ito ay…”

Kinaway ni Joshua ang kamay niya. “Makinig ka sa kanya.”

Walang nagawa si Lucas kundi sundan si Nellie habang binantayan niya ang marangal na Little Princess.

Makalipas ang kalahating oras, tumawag si Lucas kay Joshua. “Mr. Lynch, hindi pa po kuntento ang Little Princess sa mga katulong sa villa…”

Si Joshua, na siyang sinusuri ang mga CCTV ay hindi natuwa na marinig ang report na ‘to. “Kumuha kayo ng mga bagong katulong at hayaan niyo siya na pumili hanggang sa kuntento na siya.”

Nabigla si Lucas.

“Okay po, Sir.”

Limang taon na siyang nagtatrabaho para kay Joshua. Kahit na sa nobya niyang si Aura, malamig siya.

Sa ngayon, sinunod niya ang bawat utos ng maliit na prinsesa...

Ito talaga ang tinatawag na ‘Daddy’s girl’!

...

Ginamit ni Luna ang buong lakas ng katawan niya para ilipat ang ilang mabibigat na box sa loob ng kwarto.

Pagod siya na humiga sa sofa at sumigaw siya ng galit sa loob ng maliit na kwarto, “Neil Gibson! Ano ba ‘tong pinadala mo sa bahay?!”

May maliit na ulo na maingat na sumilip sa kwarto. “Pinadala ko po ang mga design manuscripts niyo.”

Napahinto si Luna. “Bakit mo pinadala lahat ‘yun?”

Sumuko na siya sa kasikatan at kayamanan niya sa ibang bansa, at umuwi siya para magsimula ulit.

“Paano po kapag kailangan mo pa sila?”

Nanginig ang mga mata ni Neil at lumabas siya ng kwarto habang nakangiti. “Mommy, nagsend na po ako ng resume niyo, at isang trabaho po ‘yun ka kaya niyo, madali lang. Tatawagan ka na rin po nila para sa interview.”

Sumimangot si Luna at may sasabihin na sana siya, nang biglang nagring ang phone.

“Hi, ito ba si Ms. Luna? Pinili ka ng maliit na prinsesa namin. Mag report agad kayo sa Blue Bay Villa.”

Tumigas ang katawan niya.

Blue Bay Villa?

“‘Yun… ‘yun ba ang Blue Bay Villa kung saan nakatira si Joshua Lynch?”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
bibong mga bata gumagawa ng paraan para makilala sila ng kanilang ama
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 4

    “Oo, sa Blue Bay Villa. Ang pagmamay ari ni Mr. Lynch.”Tila naiirita ang boses ng lalaking nasa kabilang linya, “Desperado ang Little Princess namin para paliguan siya, at agad ka niyang pinili. Dalian mo na!”Pagkatapos, binaba na ng lalaki ang phone.Sumimangot si Luna at tumingin siya kay Neil na nasa harap niya. “Ito ang trabaho na nahanap mo para sa akin?”Tumango ang bata habang lumapit ito at hinawakan ang kanyang kamay. “Mommy, alam ko po na nandito ka dahil sa isang rason. Mas madali niyo pong malalapitan si Joshua Lynch sa bahay niya kaysa sa opisina, tama po ba?”Nagbuntong hininga si Luna, alam niya ito. Wala siyang maitatago sa mga maliit na batang ito. Lumuhod siya. “Tama ka, pero…”“Mommy, ‘wag po kayong mag alala!” tumingin sa kanya si Neil ng may maliwanag na mga mata. “Madali lang alagaan ang Little Princess!”Ngumiti na lang si Luna, naghilamos, at nagbihis.“Ah, nasaan si Nellie?” ang tanong niya habang sinusuot ang kanyang sapatos.Sasalubungin siya ng ba

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 5

    Sumimangot si Joshua at pinalabas niya si Nellie. “Lucas, dalhan mo siya ng dessert.”Nung sumara ang pinto, pumasok siya sa banyo.Kahit na sinabi niya na pwedeng pumili ng katulong si Nellie, isang bata pa lang siya—ang kakayahan niyang humusga ng mga tao ay hindi kasing talim ng matatanda. Sadyang umuwi ang nag aalalang Joshua para tingnan ito.Sa loob ng banyo, natapos na maglinis ng lababo si Luna at tumalikod siya, napansin niya na may dalawang puting tuwalya sa rack. Tumalikod siya at binuksan niya ang aparador at nakita niya ang isang pink towel na nakasabit.Mahilig sa pink si Nellie.Puno ng singaw at hamog ang banyo, kumilos siya ng pamilyar sa banyo habang busy siya.Naramdaman ni Joshua na parang nananaginip siya dahil sa hugis at mga kilos ni Luna.“Lulu…” sinabi ito ni Joshua at agad na napahinto si Luna.Sa mga sandaling ito, tumalikod si Luna at tumingin siya kay Joshua ng nakangiti. “Hello po, Mr. Lynch.”Bumalik sa katotohanan ang isip ni Joshua nang makita

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 6

    Sa loob ng rented apartment.Nakahiga si Luna sa sofa ng may malamig na mukha sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa lalaking busy sa loob ng kusina.Noong magkasama sila, kapag sinabi ni Joshua na gutom siya, tatayo si Luna para paglutuan siya sa kahit na anong oras, kahit na alas dos na ng madaling araw.Hindi pa siya nakapagluto dati . Hindi pa siya nakapasok dati sa kusina, ngunit ngayon, nagluluto siya ng seryoso, para lahat ito kay Nellie, na siyang nakilala niya lang ng wala pang isang araw.Pumikit si Luna.Tila marunong pala magluto si Joshua, ngunit hindi niya ito ginawa dati dahil hindi mahalaga si Luna para sa kanya.Mabuti na lang at mabuti ang pakikitungo ni Joshua kay Nellie.At least, hindi siya masama at malupit na tulad ng dati.…Sa Blue Bay Villa.Habang nakaupo si Nellie sa upuan na pambata, tiningin niya ang pangit na pagkain sa harap niya at tahimik na kinuha ang cookies na ginawa sa kanya ni Luna. “Hindi na po ako gutom, Daddy, kaya’t ito na lang p

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 7

    Hindi makapaniwala si Luna at sumimangot siya. “Mr. Lynch, nakikipag biruan po ba kayo sa akin? Ang isang babaeng tulad ko, na kumilos ng nakaka panghinala sa inyo, na ang pangalan ay kinuha mula sa ex-wife niyo, sigurado po ba kayo na tatanggapin niyo ako?”Alam ni Joshua ang ginawa niya bago siya nilait ni Luna.Bahagyang kumunot ang mga kilay ng lalaki.Kung hindi dahil umuwi si Nellie at hindi niya maintindihan ang ugali ng bata, hindi niya isusugal ang pride niya para tanggapin ang kakaibang babaeng ito.Binasa niya ang tungkol sa babaeng ito habang papunta sa apartment na ito.Bilang isang babae na umuwi mula sa ibang bansa, wala siyang problema sa pera, ngunit ang unang trabaho na inapplyan niya pagkauwi niya ay ang posisyon ng katulong sa Blue Bay Villa?Kung hindi si Joshua o ang Lynch Group, sino ang puntirya ng babaeng ito?“Wow.”Habang walang progreso sa kanilang dalawa sa pintuan, may gulat na boses na narinig mula sa kapitbahay ni Luna na nasa corridor. “Siya… ay

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 8

    “Bantayan mo si Nellie, uuwi agad ako.”Binaba ni Joshua ang phone at tumayo siya para umalis.“Sandali lang, sandali!”Nang marinig ni Luna na binanggit si Nellie, agad na tumayo si Luna. “Anong nangyari kay Nellie?”Medyo nanginig ang kamay ni Joshua na nakahawak sa pinto. Lumingon siya at malamig niyang sinuri ang mukha ni Luna.Habang nakaharap sa naghihinalang mga mata ni Joshua, huminga ng malalim si Luna. “Ako ang personal na yaya ni Nellie; dapat lang na nagmamalasakit ako sa kanya.”Binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok siya sa hallway. “Tara na.”Habang papunta sa Blue Bay Villa, sinubukang magtanong ni Luna tungkol sa sitwasyon ni Nellie. Tumingin sa kanya si Joshua at hinagis sa kanya ang kontrata, “Hindi ka pa niya personal na yaya.”Tinikom ni Luna ang kanyang mga labi, pinirmahan ang kontrata, at inabot sa kanya. “Pwede niyo na po bang sabihin sa akin ang nangyari kay Nellie, Mr. Lynch”Bahagyang sumimangot si Joshua. “Pinuntahan ni Aura si Nellie.”Naramdama

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 9

    “Sinaktan niya si Nellie.”Ngumuso si Aura at nagpatuloy, “Sa sandali na pumasok siya ng kwarto, inakusahan niya si Nellie na ginalit ako bago niya sinampal si Nellie. Hindi ko siya agad napigilan.”Nagpanggap pa siya na nababalisa habang lumuhod siya para hawakan ang mukha ni Nellie. “Masakit siguro ‘no?”Tumingin ng masama si Nellie, puno ng galit ang mga mata niya, at sinampal niya ang kamay ni Aura at umalis siya sa kandungan ni Joshua. Tumakbo siya papunta kay Luna at hinawakan niya ang kamay nito. “Ayos… lang po ba kayo?”Idiniretso ni Luna ang likod, ngunit masakit pa rin ito dahil sa sipa. “Ayos lang ako.”Binuhos ni Aura ang buong lakas niya sa sipang ito, at dala pa rin ni Luna ang dating sugat niya mula sa aksidente noong anim na taon na nakalipas. Halos hindi na siya nakatayo dahil sa sipa.Alam ito ni Nellie. Kaya’t balisa niyang hinawakan ang kamay ni Luna at dinala niya ito sa sulok ng sofa. “Masakit po ba?”“Bahagyang tumaas ang kilay ni Joshua dahil sa nag aalal

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 10

    “Masakit pa rin ba?”Sa maliit na kwarto sa taas, lumuhod si Luna sa harap ni Nellie habang maingat siyang naglagay ng ointment sa munting bata gamit ang bulak.“Ang sakit!” tumingin si Nellie kay Luna ng luhaan. “Mommy, masakit po.”“Shh.” sumimangot si Luna at nagtaas isang daliri at nilagay ito sa mga labi niya. “Mag ingat sa mga sinasabi mo. Ako ang yaya mo, kaya’t tawagin mo akong Auntie.”“Ah.”Pinunasan ni Nellie ang mga luha sa malaki niyang mga mata na puno ng pagkabalisa. “Auntie, ito po ang unang beses na sinaktan ako ng isang tao simula nung pinanganak ako.” nanginig ang maliit niyang katawan habang umiiyak.Kumirot ang puso ni Luna habang naging pink ang dulo ng ilong niya.Kasalanan niya ang lahat ng ito.Hindi niya na dapat iniwan si Nellie ng mag isa sa villa para mabawasan ang paghihinala sa kanya ni Joshua.Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ni Nellie, sinisisi niya ang kanyang sarili. “Hindi mo ‘to kasalanan; dahil lahat ito sa masamang baba

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 11

    Hindi nagtagal pagkatapos umupo ni Neil, pinagsilbihan na ng waitress si Aura.Inabot ni Neil ang kamay niya para pigilan ang waitress—na siyang nagdadala ng pagkain kay Aura—at tinanong niya habang kumukurap ang malaki niyang mga mata, “Hi, ano po ang pagkain na ‘yan?”Sa sobrang cute at bait ng batang lalaki ay napatigil ang waitress at ngumiti ito sa kanya. “Ang tawag dito ay filet mignon. Kung gusto mong kumain nito, sabihin mo sa mama mo na umorder nito!”Tumingin si Neil sa waitress habang nakangiti at tumango siya. “Salamat po, ang ganda niyo po!”Ang waitress, na nasa kanyang forties, ay natuwa sa papuri ng batang lalaki, at mas gumaan pa ang pagsi serve nito ng food dahil dito.“Gusto mo bang kainin ang steak na’yun?” ang tanong ng nakasimangot na Anne.Ngumiti ng pailalim si Neil. “Hindi po.”“Bakit pala—” ‘Ninang,” sumingit si Neil bago pa matapos si Anne.“Mag pustahan po tayo.”Kinuha ng bata ang phone ni Anne at sinimulan ang stopwatch. “Pupusta po ako na hindi n

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3074

    Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3073

    Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3072

    “Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status