Share

Kabanata 8

Author: Inked Snow
last update Last Updated: 2021-10-09 21:05:21
“Bantayan mo si Nellie, uuwi agad ako.”

Binaba ni Joshua ang phone at tumayo siya para umalis.

“Sandali lang, sandali!”

Nang marinig ni Luna na binanggit si Nellie, agad na tumayo si Luna. “Anong nangyari kay Nellie?”

Medyo nanginig ang kamay ni Joshua na nakahawak sa pinto. Lumingon siya at malamig niyang sinuri ang mukha ni Luna.

Habang nakaharap sa naghihinalang mga mata ni Joshua, huminga ng malalim si Luna. “Ako ang personal na yaya ni Nellie; dapat lang na nagmamalasakit ako sa kanya.”

Binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok siya sa hallway. “Tara na.”

Habang papunta sa Blue Bay Villa, sinubukang magtanong ni Luna tungkol sa sitwasyon ni Nellie. Tumingin sa kanya si Joshua at hinagis sa kanya ang kontrata, “Hindi ka pa niya personal na yaya.”

Tinikom ni Luna ang kanyang mga labi, pinirmahan ang kontrata, at inabot sa kanya. “Pwede niyo na po bang sabihin sa akin ang nangyari kay Nellie, Mr. Lynch”

Bahagyang sumimangot si Joshua. “Pinuntahan ni Aura si Nellie.”

Naramdaman ni Luna na nabasag ang puso niya nang marinig niya ito.

Pinuntahan ni Aura si Nellie!

Bakit?

Si Nellie ang pinakamaliit sa tatlong mga anak niya. Nakuha ng dalawang lalaking kapatid ni Nellie ang ang kalusugan mula sa tiyan ni Luna, kaya’t mukha siyang mallit at mahina nung pinanganak siya. Ito ang unang pagkakataon na humiwalay sa sa nanay niya sa loob ng anim na taon.

Hindi mapakali si Luna sa kanyang upuan. Ginitgit ang kanyang ngipin at tumingin siya sa bintana, halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha. “Pwede niyo po bang bilisan ang pag drive?”

Sa tabi niya, dumilim ang tingin sa kanya ni Joshua. “Ms. Luna, mukhang mas nagaalala ka pa sa kanya kaysa sa pagpapahalaga ko sa kanya, kahit na ako ang tatay niya.”

Napatigil si Luna.

Napagtanto niya lang na higit pa ang pagpapahalaga niya kumpara sa ibang mga yaya nung pinunto ito ni Joshua.

Tinikom niya ang kanyang mga labi. “Pinirmahan ko na po ang kontrata. Simula ngayon, si Nellie na po ang pinanggagalingan ng kita ko, kaya’t natural lang po na nagmamalasakit ako sa kanya.”

Ngumiti ng malabo si Joshua habang nakatingin siya kay Luna. “‘Yun lang ba?”

Hindi naging kumportable si Luna dahil sa malabong pag uugali ni Joshua. Tumango lang siya at sinabi, “Opo.”

Hindi na nagsalita si Joshua tungkol dito.

Hindi nagtagal, huminto ang kotse sa Blue Bay Villa.

“Sir, nakauwi na rin po kayo!” sa sandali na makahinto ang sasakyan, mabilis na lumapit ang butler.

“Kamusta ang sitwasyon sa loob?” ang tanong ni Joshua habang nakasimangot.

“Sila po ay…”

Bago pa siya matapos sa pagsasalita, biglang bumukas ang pinto ng passenger seat at mabilis na pumunta si Luna sa villa.

Parang may amoy ng dugo ang hangin sa loob ng sala. Pagpasok dito ni Luna, nakaupo si Nellie sa isang sulok ng sofa, nakayuko siya, na tila walang buhay.

Nakaupo sa harap niya si Aura na may mga mata na puno ng galit.

“Nellie!” nawala na ang lahat ng iniisip ni Luna at mabilis siyang lumapit at niyakap ang munting babae. “Ayos ka lang ba?”

Nanginginig ang boses ni Luna. “Ayos ka lang ba?” tahimik na yumakap si Nellie sa mga kamay niya. “Ayos lang po ako.”

“Sino ka?” tumingin ng malamig at puno ng panlalait ang mga mata ni Aura, na siyang nakaupo sa harap nila. “Isang bagong katulong? Mukha kang isang malanding babae. Sino ang sinusubukan mong akitin?”

Tinikom ni Luna ang kanyang bibig sa mga sinabi ni Aura, ngunit wala siyang oras o lakas para makipagtalo dito, kaya’t yumuko na lang siya at tinaas ang baba ni Nellie. “Patingin nga.”

“Ayos lang po ako.” makulit na yumuko ang munting babae, ayaw niyang ipakita ito kay Luna.

May masamang kutob sa puso ni Luna habang nagngangalit ang kanyang ngipin at muli niyang tinaas ang mukha ng bata.

Tulad ng inaasahan.

May bakas ng palad sa munting pisngi ng bata; pula at namamaga.

Sa sobrang lalim ng bakas ay makikita ang mga detalye ng palad sa mukha ni Nellie!

Halata na hindi ito ginawa ng isang bata, at malakas rin ang pagkasampal.

Halos lumuha si Luna sa pagkabalisa niya.

“Ayos lang po ako,” pinalubag ni Nellie ang loob niya. “Binigyan po ako ng yelo ng butler, kaya’t hindi na po masakit.”

Dahil sa mabait na ugali ni anak niya, kumirot ang puso ni Luna na parang bang sinaksak ito.

Tumingala siya at humigpit ang mga kamao niya habang tumitig siya kay Aura na nasa harap niya.

“Sinampal ko siya.” humalukipkip si Aura na para bang walang pakialam. “Gusto mo bang maghiganti para sa bwisit na ‘yan?”

“Sino ang tinatawag mong bwisit?” nagngalit muli kanyang ngipin.

Binaba niya si Nellie, tumayo, at lumapit siya kay Aura. “Bata lang siya. Paano mo siya nagawang saktan?! Isang matandang babae na sinaktan ang isang limang taong gulang bata ng ganito, wala kabang konsensya?”

Nanunuya si Aura, tumingin siya ng malamig kay Luna. “Hindi ko siya pwedeng saktan dahil bata lang siya? Nararapat lang ‘to sa tiyanak na yan dahil tinatawag niya na tatay ang kung sino sinong lalaki.”

Pagkatapos niya magsalita ,lumapit si Luna at sinampal niya sa pisngi si Aura.

Pak!

May malutong na tunog na mariring sa loob ng sala habang natumba si Aura sa sofa mula sa lakas nito. Nanginig ang ulo niya habang nahirapan siyang tumayo ng ilang saglit.

Kinagat ni Luna ang labi niya at tumitig siya ng malamig kay Aura.

Noon, minahal niya talaga si Aura.

Sa Aura ang batang kapatid niya, kaya’t binigay niya ang lahat para dito. Kahit na nung kinasal siya at walang mahanap na trabaho si Aura, nirekomenda niya ito na magtrabaho sa kumpanya ni Joshua.

Biglang resulta, naging personal na secretary ni Joshua si Aura at nagtulungan sila na itulak si Luna sa kamatayan.

At ngayon, sinaktan ni Aura si Nellie, at ang isang sampal sa mukha niya ay hindi sapat para mawala ang galit niya!

“Ang lakas ng loob mo na saktan ako?!” tumayo si Aura mula sa sofa at galit siyang lumapit kay Luna. “Alam mo ba na ako ang nobya ni Joshua, ang magiging Madam ng pamilyang ito? Gusto mo pa bang magpatuloy sa pagtatrabaho sa bahay na ‘to?! Sige na, palayasin niyo siya!”

Nanood ang mga katulong sa malayo, ngunit walang may lakas ng loob lumapit sa kanila.

Sinumpa sila ni Aura sa loob at tinawag sila na basura bago siya lumapit para awayin si Luna.

“‘Wag po kayong mag away…” narinig niya ang nakakaawang boses ni Nellie sa likod.

Tumayo ang munting babae sa sofa at sinubukan siyang pigilan, ngunit dahil sa sobrang balisa niya, natumba siya sa carpet.

“Nallie!” nataranta si Luna sa tunog ng pagbagsak ng anak niya. Nung tumalikod siya para tingnan ang sitwasyon, hinawakan ni Aura ang kamay niya at—

Pack!

Sa isang sampal, nanginig ang loob ng tainga ni Luna, at napuno ng lasa ng dugo ang kanyang bibig.

Tumaas ang kamay ni Aura para sa isa pang sampal, ngunit dahil hindi pa siya nagtrabaho ng mabigat sa buong buhay niya, mas mabagal at mas mahina siya kay Luna.

Hindi pinansin ni Luna ang katayuan niya bilang isang guest at tinulak niya sa sahig si Aura.

Dinilaan niya ang dugo an tumulo sa sulok ng bibig niya. “Gusto mo pa ba?”

Tinaas ni luna ang kamay niya at lumipad ito sa direksyon ng mukha ni Aura ng biglang may humawak sa braso niya.

Si Joshua.

Kasing lamig ng yelo ang ekspresyon niya. “Anong ginagawa mo?”

“Joshua, sinaktan ako ng katulong mo!”

Sinamantala niya ang posisyon ni Luna at nagmadaling tumayo si Aura at sinipa si Luna ng buong lakas niya. “Ang lakas ng loob mo na hawakan ako! Sino ka ba sa tingin mo?!”

Ang matalim na takong sa sapatos ni Aura ay bumaon sa likod ni Luna, kumunot ang noo niya sa sakit nito.

“Auntie!” gumapang si Nellie at nag alala itong lumapit at tinanggal ang kamay ni Joshua. “Auntie, ayos lang po ba kayo?”

Lumingon si Joshua at may sasabihin sana siya, ngunit agad niyang nakita ang mukha ni Nellie.

Halata ang bakas ng isang palad sa munting pisngi ng bata.

Dinala niya sa mga braso niya si Nellie habang may malamig at nakakatakot na aura na nanggaling sa kanya. “Sino ang nanakit sayo?”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku aura humanda ka sinajtan mo si nellie
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 9

    “Sinaktan niya si Nellie.”Ngumuso si Aura at nagpatuloy, “Sa sandali na pumasok siya ng kwarto, inakusahan niya si Nellie na ginalit ako bago niya sinampal si Nellie. Hindi ko siya agad napigilan.”Nagpanggap pa siya na nababalisa habang lumuhod siya para hawakan ang mukha ni Nellie. “Masakit siguro ‘no?”Tumingin ng masama si Nellie, puno ng galit ang mga mata niya, at sinampal niya ang kamay ni Aura at umalis siya sa kandungan ni Joshua. Tumakbo siya papunta kay Luna at hinawakan niya ang kamay nito. “Ayos… lang po ba kayo?”Idiniretso ni Luna ang likod, ngunit masakit pa rin ito dahil sa sipa. “Ayos lang ako.”Binuhos ni Aura ang buong lakas niya sa sipang ito, at dala pa rin ni Luna ang dating sugat niya mula sa aksidente noong anim na taon na nakalipas. Halos hindi na siya nakatayo dahil sa sipa.Alam ito ni Nellie. Kaya’t balisa niyang hinawakan ang kamay ni Luna at dinala niya ito sa sulok ng sofa. “Masakit po ba?”“Bahagyang tumaas ang kilay ni Joshua dahil sa nag aalal

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 10

    “Masakit pa rin ba?”Sa maliit na kwarto sa taas, lumuhod si Luna sa harap ni Nellie habang maingat siyang naglagay ng ointment sa munting bata gamit ang bulak.“Ang sakit!” tumingin si Nellie kay Luna ng luhaan. “Mommy, masakit po.”“Shh.” sumimangot si Luna at nagtaas isang daliri at nilagay ito sa mga labi niya. “Mag ingat sa mga sinasabi mo. Ako ang yaya mo, kaya’t tawagin mo akong Auntie.”“Ah.”Pinunasan ni Nellie ang mga luha sa malaki niyang mga mata na puno ng pagkabalisa. “Auntie, ito po ang unang beses na sinaktan ako ng isang tao simula nung pinanganak ako.” nanginig ang maliit niyang katawan habang umiiyak.Kumirot ang puso ni Luna habang naging pink ang dulo ng ilong niya.Kasalanan niya ang lahat ng ito.Hindi niya na dapat iniwan si Nellie ng mag isa sa villa para mabawasan ang paghihinala sa kanya ni Joshua.Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ni Nellie, sinisisi niya ang kanyang sarili. “Hindi mo ‘to kasalanan; dahil lahat ito sa masamang baba

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 11

    Hindi nagtagal pagkatapos umupo ni Neil, pinagsilbihan na ng waitress si Aura.Inabot ni Neil ang kamay niya para pigilan ang waitress—na siyang nagdadala ng pagkain kay Aura—at tinanong niya habang kumukurap ang malaki niyang mga mata, “Hi, ano po ang pagkain na ‘yan?”Sa sobrang cute at bait ng batang lalaki ay napatigil ang waitress at ngumiti ito sa kanya. “Ang tawag dito ay filet mignon. Kung gusto mong kumain nito, sabihin mo sa mama mo na umorder nito!”Tumingin si Neil sa waitress habang nakangiti at tumango siya. “Salamat po, ang ganda niyo po!”Ang waitress, na nasa kanyang forties, ay natuwa sa papuri ng batang lalaki, at mas gumaan pa ang pagsi serve nito ng food dahil dito.“Gusto mo bang kainin ang steak na’yun?” ang tanong ng nakasimangot na Anne.Ngumiti ng pailalim si Neil. “Hindi po.”“Bakit pala—” ‘Ninang,” sumingit si Neil bago pa matapos si Anne.“Mag pustahan po tayo.”Kinuha ng bata ang phone ni Anne at sinimulan ang stopwatch. “Pupusta po ako na hindi n

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 12

    Nilampasan lamang siya ni Luna at nagpatuloy ito sa pagpunta sa bus stop. “Wala na tayong dapat pag usapan.”“Walang dapat pag usapan, o natatakot kang makipag usap?” binuksan ni Aura ang pinto at lumabas siya ng pinto, hinawakan niya ang braso ni Luna. “‘Wag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip mo!”“Mas bata ka dapat sa akin. Bata ka pa rin naman para magkaroon ng anak, hindi ba? Ang isang babae na hindi pa nanganak, ngunit desperado na magpaalipin sa isang anim na taong gulang na babae para lang sa ilang libong dolyar sa isang buwan?”Hinila ni Luna palayo ang braso niya. “Sabihin mo pala sa akin: bakit ko ginagawa ito?”Lumiit ang mga mata ni Aura.Magulo ang sitwasyon kahapon kaya’t hindi niya pinansin ang itsura ng babaeng ito. Ngayon at malapit sila sa isa’t isa, nakita niya na makinis ang mukha ng babaeng ito na para bang hinulma ng isang artist.“Maganda ka, pero dapat mo ring malaman na si Joshua ang nobyo ko. Maipapayo ko lamang sayo na ‘wag ka maging walang hiya a

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 13

    May sampung pahina ng impormasyon tungkol kay Luna.Mahabang oras na sinuri ni Joshua ang dokumento at wala siyang nakita na mali dito. Medyo nainis na siya at tumayo siya para pumunta sa banyo.“Okay, ikaw na ang bahala dyan.” narinig ni Joshua ang isang boses ng bata nung pumasok siya sa banyo, napatigil siya sa paghuhugas ng kamay.Nakalagay sa patakaran na hindi pwedeng magdala ang mga staff member ng kanilang mga anak sa trabaho. Bakit may mga bata sa kumpanya ng ganitong oras?Kumunot ang noo ng lalaki habang sinundan niya ang boses at napunta siya sa isang cubicle. Sa sandali na mapunta na siya sa harap ng cubicle, at bago pa siya kumatok sa pinto, bumukas ito.Pak!Mabigat at maingay na tumama ang pinto sa noo ng lalaki, napaaray si Joshua habang tinakpan niya ang kanyang noo.Lumabas ng cubicle si Neil habang may pride sa sa kanyang mga mata bago siya tumingala at tumingin kay Joshua. “Pasensya na po, pasensya na! Hindi ko po alam na may tao sa labas, kaya’t binuksan ko

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 14

    Napahinto ang kamay ni Joshua na may hawak na chopsticks.Tumingala siya at tumingin siya ng malamig sa mukha ni Luna. “Kapag pinatira ka siya dito, edi mawawalan na ng pag asa ang mga babaeng pinupuntirya ako, hindi ba?”Bahagyang lumiit ang mga mata ni Luna sa mga sinabi ng lalaki, ngunit matapos ang ilang saglit, ngumiti siya. “Inisip ko po na matibay ang relasyon sa pagitan nila Mr. Lynch at Ms. Gibson. Mukhang marami lang po pala akong iniisip.”Ngumiti si Joshua. “Pero, walang pag asa ang ilang tao na lumapit sa akin na may layunin sa simula pa lamang.”“Edi tapat at mapagmahal na lalaki po pala si Mr. Lynch,” ang sagot ni Luna. “Mukhang mali po pala ang pagkakaintindi ko sa inyo.”Nang mapansin ni Nelli na mas naging malupit at mabigat ang mood, mabilis niyang inabot ang kanyang kamay para harangan ang kanilang mga mata. “‘Wag na po kayong magtalo!”“Hindi naman kami nagtatalo.”Bumalik sa sarili si Luna dahil sa balisang boses ng anak niya.Agad siyang kumalma at ngumi

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 15

    “Gusto ko pong kumain ng cake ngayong araw!”Sa loob ng kwarto ni Nellie, binuksan ni Nellie ang pinto gamit ang isang kamay at hawak naman ang kamay ni Luna sa kabila. “Yung ube flavor na natikman ko po dati.”Ngumiti si Luna at tumango siya. “Okay.”Bumaba ng hagdan ang mag-ina, babad sila sa pag uusap. Nang makarating sila sa tuktok ng hagdan, nakita ni Luna ang litrato na nasa pader sa tabi ng hagdan.Napahinto siya. Nakita sa litrato ang dati niyang itsura.Nakatayo siya sa tabi ni Joshua habang suot ang wedding dress at nakatingin sa lalaki, puno ang mga mata niya ng pagmamahal sa litrato na ito.Ang mukha naman ni Joshua, ay tulad pa rin ng dati—walang laman at walang ekspresyon.Habang nakatingin sa litrato, naramdaman ni Luna na umakyat ang lahat ng dugo niya.Naalala niya kung paano niya pinili ng maingat ang mga wedding photo nila ni Joshua. Binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa kanyang munting proyekto at sinabit niya ito sa lahat ng lugar na pwedeng makita. Inisi

    Last Updated : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 16

    Hindi nagtagal pagkatapos umalis ang nurse, pinapasok na si Aura sa opisina ni Anne.“Mag ingat ka sa pagtahi sa sugat ko. Ayaw kong magkaroon ng peklat!” ang malamig na pag uutos ni Aura habang nakasandal siya sa upuan at nanonood ng mga video sa kanyang phone.Hindi natuwa si Anne sa pag uugali ni Aura, ngunit doctor pa rin siya sa huli. Yumuko siya at nagsimula na siya sa pagtatahi ng sugat ni Aura ng seryoso.Nang magsisimula na sa pagtahi si Anne, habang nanonood ng drama si Aura sa kanyang phone, aksidenteng natumba si Neil kay Anne.“Aray!”Napunta ang daliri niya sa sugat ni Aura. Ginamit niya ang pagkakataong ito para ipahid ang asin na nasa daliri niya, sa sugat ni Aura—“Argh!” sa sobrang sakit ng naramdaman ni Aura ay namilipit ang mukha niya, at halos napatalon na siya sa upuan. Nagulat si Anne dahil dito.“Pasensya na po…” mabilis na yumuko si Neil at inamin niya ang pagkakamali niya, “Magandang Auntie, hindi ko po sinasadya. Kasi po… aksidente po akong natumba…”

    Last Updated : 2021-10-09

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3074

    Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3073

    Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3072

    “Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya

DMCA.com Protection Status