Share

Kabanata 13

Author: Inked Snow
May sampung pahina ng impormasyon tungkol kay Luna.

Mahabang oras na sinuri ni Joshua ang dokumento at wala siyang nakita na mali dito. Medyo nainis na siya at tumayo siya para pumunta sa banyo.

“Okay, ikaw na ang bahala dyan.” narinig ni Joshua ang isang boses ng bata nung pumasok siya sa banyo, napatigil siya sa paghuhugas ng kamay.

Nakalagay sa patakaran na hindi pwedeng magdala ang mga staff member ng kanilang mga anak sa trabaho. Bakit may mga bata sa kumpanya ng ganitong oras?

Kumunot ang noo ng lalaki habang sinundan niya ang boses at napunta siya sa isang cubicle. Sa sandali na mapunta na siya sa harap ng cubicle, at bago pa siya kumatok sa pinto, bumukas ito.

Pak!

Mabigat at maingay na tumama ang pinto sa noo ng lalaki, napaaray si Joshua habang tinakpan niya ang kanyang noo.

Lumabas ng cubicle si Neil habang may pride sa sa kanyang mga mata bago siya tumingala at tumingin kay Joshua. “Pasensya na po, pasensya na! Hindi ko po alam na may tao sa labas, kaya’t binuksan ko po ang pinto! Pasensya na po!”

Inalis ni Joshua ang kamay na nasa noo niya at tumingin siya sa maliit na lalaki na mas mataas lang ng kaunti sa tuhod niya.

Kahit na maliit lang ang bata, marilag ang mukha niya habang naglalabas siya ng makisig na aura kahit sa ganitong edad.

Walang interes sa mga bata si Joshua dati, ngunit ngayon, tumingin siya sa batang nasa harap niya at inisip niya na kasing edad lang ito ni Nellie. Sa hindi inaasahan, hindi niya magawang kumilos ng istrikto.

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, tinanong niya ng may malamig na boses, “Bakit ka nandito?”

“Kakaibang tanong po ‘yan, uncle.” ngumiti si Neil. “Pumunta po ako sa banyo… para umihi po, syempre.”

Hindi siya pumunta dito para umihi. Nakita niya na lumabas si Joshua sa opisina at naghintay siya dito para tamaan si Joshua.

Sinong nagsabi na pwedeng apihin ng kabit niya si Nellie?

Sumimangot si Joshua at lumamig ang boses niya, “Ang ibig sabihin ko, bakit nandito ka sa gusali na ‘to? Sino ang mga magulang mo? Nasaan sila?”

Nagsimulang lumuha si Neil dahil sa seryosong tingin ng lalaki. “Patay na po ang tatay ko; mataas na po ang damo sa libingan niya…”

“Sinasamahan po ng nanay ko ang kapatid ko habang nagtatrabaho para kumita. Mahirap po talaga para sa amin…”

Huminga ng malalim si Joshua at tinaas niya ang kamay niya para pigilan si Neil. “Dahil wala dito ang mga magulang mo, bakit nandito ka?”

“Kasama ko po ang ninang ko.” tinikom ni Neil ang mga labi niya. “Nandito po si ninang para sa business.”

Gumaan ang mga kunot na noo ni Joshua.

“Waa… waa…!” Umiyak si Neil, sumisilip siya sa seryosong ekspresyon ni Joshua. “Sinisisi ko ang tatay ko! Bakit namatay siya ng maaga?! Kung buhay lang siya ng ilang taon, hindi sana mauuwi ang nanay ko sa ganito ngayon!”

Lumakas ng lumakas ang iyak niya, lumaki rin ng lumaki ang pagbibintang niya sa kanyang tatay.

Medyo sumama ang loob ni Joshua nang marinig niya na pinagbibintangan ng bata ang tatay niya.

Hindi kaya’t mas naging malapit siya sa mga bata pagkatapos bumalik sa kanya ni Nellie?

Umupo ang lalaki at hinimas niya ang likod ng bata, nagulat si Neil na napatahimik dahil dito.

Pinigilan niya ang kanyang ngiti, itinaas niya ang kanyang kamay para punasan ang mga luha. “Tama ka, hindi babalik sa buhay ang mga patay. Sana maging mabuting tao ang tatay ko sa susunod na buhay niya!”

Mas lumalala ang batang lalaking ito...

Tumayo si Joshua. “Mas mabuti na hindi punahin ng mga bata ang matatanda.”

“Okay po.”

Alam ni Neil ang hangganan niya at tumigil na siya sa pag iyak. Huminga siya ng malalim, tumalikod, at naglakad palabas ng banyo.”

“Neil!”

Matagal nang naghihintay si Anne na lumabas siya ng banyo, Nang makita niya na lumabas na ang bata, kumaway siya ng sabik. “Dito!”

Pagkatapos nito, nasilip niya ang isang matangkad at malamig na lalaki sa likod ni Neil. ‘Yun ba ay… si Joshua?

Napahinto si Anne.

“Naghihintay po sa akin ang ninang ko, kaya’t aalis na po ako!” Ngumiti si Neil at nagpaalam siya kay Joshua bago siya bumalik sa tabi ni Anne.

“Hindi pinapayagan ng Lynch Group na magdala ng mga bata sa opisina,” may malamig na boses na nagsalita sa sandali na sinubukan na tumakas ni Anne habang dala si Neil. “Kahit na hindi ka empleyado ng Lynch Group, pakiusap, ‘wag na kayong magdala ng mga bata sa susunod.”

Natapos na magsalita ang lalaki at tumalikod na ito para umalis.

“Hah!”

Tahimik na gumulong ang mga mata ni Neil sa lalaking paalis.

Natakot si Anne sa tapang ng batang ito. Mabilis niyang hinila si Neil at sinabi niya ng mahinang boses, “Bakit lumabas ka kasama niya?”

“Syempre, sabay po kaming pumasok ng banyo.”

Tinaas ni Anne ang kanyang kamay at tinapik niya ang noo ni Neil. “Alam mo naman na hindi ‘yan ang tinutukoy ko.” Huminga siya ng malalim, hinila si Neil, at naglakad patungo sa elevator. “Sinabi ko na sayo: ang lalaking ‘yun ay si Joshua!”

“Si Joshua, ang pinakamayaman na lalaki sa Banyan City! Sa kanya ang buong gusaling ito! Hindi lang siya mayaman, mapanganib din siya. Kapag ginalit natin siya, hindi na tayo mabubuhay ng maayos sa Banyan City! Lumayo ka na sa kanya sa susunod!”

Tumango si Neil. “Alam ko po.”

Ayaw niya rin naman na lumaki sa tabi ni Joshua.

“Daddy, masarap ang niluto ni Auntie, hindi po ba?” ang tanong ni Nellie. Nakasuot siya ng pink na palda habang papikit pikit ang malaki niyang mga mata.

“Hindi na masama.” yumuko si Joshua at sumimangot siya habang kumakain. “Medyo pamilyar ang lasa.”

Pamilyar talaga ito sa luto ni Luna Gibson noon. Halata na ginawa ng Luna na ito ang homework niya para maging malapit kay Joshua.

Tumingin ang lalaki ng malamig kay Luna, na siyang nakatayo sa tabi niya. “May nangyari ba ngayong araw?” nagsalita ng malamig si Joshua.

“Opo.” tumango at nagsalita ng magalang si Luna, “Nung nagshopping po ako para sa grocery nitong hapon, nakasalubong ko po si Ms. Gibson. Lumapit po siya sa akin at tinanong niya po kung ako ay… kung may masamang intensyon daw po ako sa inyo.”

Tumingala si Luna at nagpatuloy siya, “Sa tingin ko po ay may malalim na paghuhusga si Ms. Gibson sa akin. Para hindi po maapektuhan ang relasyon niyo ni Ms. Gibson, maipapayo ko po na araw araw akong mag aalaga kay Ms. Nellie, at uuwi na lang po ako pagsapit ng gabi.”

Tumingala si Luna at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Ayos lang ba ito?”

Kapag hindi siya tumira sa villa, magkakaroon pa siya ng oras para alagaan si Neil. Gustong alagaan ni Luna si Neil, hindi dahil sa hindi kayang alagaan ni Neil ang sarili niya.

Dahil nararamdaman niya na masyadong matalino si Neil, at hindi niya mapipigilan si Neil na gumawa ng kung ano anong bagay kapag hindi niya binantayan ang batang ito.

“Hindi na kailangan.” kaaya ayang tinaas ni Joshua ang kutsara at tinidor niya habang nagsalita siya ng kalmado sa pagitan ng pagsubo niya ng pagkain, “Wala siyang karapatan kontrolin kung sino ang nandito sa aking bahay.”

Ngumiti si Luna. “Hindi po ba’t nobya niyo si Ms. Gibson?”

“Mr. Lynch, may bagay po ako na hindi naiintindihan. Nakita ko po sa balita na higit sa limang taon na po kayong engaged. Bakit lumagpas na po ang limang taon at hindi pa po kayo kasal ni Ms. Gibson at hindi pa po siya dito nakatira?”

Related chapters

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 14

    Napahinto ang kamay ni Joshua na may hawak na chopsticks.Tumingala siya at tumingin siya ng malamig sa mukha ni Luna. “Kapag pinatira ka siya dito, edi mawawalan na ng pag asa ang mga babaeng pinupuntirya ako, hindi ba?”Bahagyang lumiit ang mga mata ni Luna sa mga sinabi ng lalaki, ngunit matapos ang ilang saglit, ngumiti siya. “Inisip ko po na matibay ang relasyon sa pagitan nila Mr. Lynch at Ms. Gibson. Mukhang marami lang po pala akong iniisip.”Ngumiti si Joshua. “Pero, walang pag asa ang ilang tao na lumapit sa akin na may layunin sa simula pa lamang.”“Edi tapat at mapagmahal na lalaki po pala si Mr. Lynch,” ang sagot ni Luna. “Mukhang mali po pala ang pagkakaintindi ko sa inyo.”Nang mapansin ni Nelli na mas naging malupit at mabigat ang mood, mabilis niyang inabot ang kanyang kamay para harangan ang kanilang mga mata. “‘Wag na po kayong magtalo!”“Hindi naman kami nagtatalo.”Bumalik sa sarili si Luna dahil sa balisang boses ng anak niya.Agad siyang kumalma at ngumi

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 15

    “Gusto ko pong kumain ng cake ngayong araw!”Sa loob ng kwarto ni Nellie, binuksan ni Nellie ang pinto gamit ang isang kamay at hawak naman ang kamay ni Luna sa kabila. “Yung ube flavor na natikman ko po dati.”Ngumiti si Luna at tumango siya. “Okay.”Bumaba ng hagdan ang mag-ina, babad sila sa pag uusap. Nang makarating sila sa tuktok ng hagdan, nakita ni Luna ang litrato na nasa pader sa tabi ng hagdan.Napahinto siya. Nakita sa litrato ang dati niyang itsura.Nakatayo siya sa tabi ni Joshua habang suot ang wedding dress at nakatingin sa lalaki, puno ang mga mata niya ng pagmamahal sa litrato na ito.Ang mukha naman ni Joshua, ay tulad pa rin ng dati—walang laman at walang ekspresyon.Habang nakatingin sa litrato, naramdaman ni Luna na umakyat ang lahat ng dugo niya.Naalala niya kung paano niya pinili ng maingat ang mga wedding photo nila ni Joshua. Binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa kanyang munting proyekto at sinabit niya ito sa lahat ng lugar na pwedeng makita. Inisi

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 16

    Hindi nagtagal pagkatapos umalis ang nurse, pinapasok na si Aura sa opisina ni Anne.“Mag ingat ka sa pagtahi sa sugat ko. Ayaw kong magkaroon ng peklat!” ang malamig na pag uutos ni Aura habang nakasandal siya sa upuan at nanonood ng mga video sa kanyang phone.Hindi natuwa si Anne sa pag uugali ni Aura, ngunit doctor pa rin siya sa huli. Yumuko siya at nagsimula na siya sa pagtatahi ng sugat ni Aura ng seryoso.Nang magsisimula na sa pagtahi si Anne, habang nanonood ng drama si Aura sa kanyang phone, aksidenteng natumba si Neil kay Anne.“Aray!”Napunta ang daliri niya sa sugat ni Aura. Ginamit niya ang pagkakataong ito para ipahid ang asin na nasa daliri niya, sa sugat ni Aura—“Argh!” sa sobrang sakit ng naramdaman ni Aura ay namilipit ang mukha niya, at halos napatalon na siya sa upuan. Nagulat si Anne dahil dito.“Pasensya na po…” mabilis na yumuko si Neil at inamin niya ang pagkakamali niya, “Magandang Auntie, hindi ko po sinasadya. Kasi po… aksidente po akong natumba…”

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 17

    Hindi natakot si Luna sa malamig na tingin ng lalaki habang siya ay tumango. “Naiintindihan ko po.”Pagkatapos ay umakyat na si Luna, ngunit tumigil siya nung nasa taas na siya ng hagdan. “Pumunta po si Ms. Gibson kaninang umaga at sinira ang mga litrato. Buong araw pong malungkot si Ms. Nellie. Kung hindi niyo po maayos ang relasyon niyo ni Ms. Gibson, at hindi natupad ang mga hiling ni Ms. Nellie, magkakaroon po ng sitwasyon na hindi masaya ang parehong babae.”Tumingin si Joshua sa likod ni Luna, mas malamig pa ang boses niya kaysa sa hangin, “Sinusubukan mo ba akong turuan kung paano ko harapin ang mga problema ko?”“Isang payo lang po.” kalmado at walang emosyon ang boses ni Luna. “Kung sabagay, kung hindi po masaya si Ms. Nellie, dadami lang po ang trabaho ko.”Pagkatapos sabihin ito, nagpatuloy na siya sa pag akyat, ang likod niya na lamang ang nakita.Nakasimangot ang lalaki habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa paalis na hugis ni Luna.......Umagang umaga, nakatangga

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 18

    Sumimangot si Luna. “Bakit?”“Masama po ang intensyon ng babaeng ‘yun!” mabilis na sumagot ang emosyonal na si Neil, “Mommy, hindi ko po maipapaliwanag kung paano ko nalaman, pero halata na gusto niya pong saktan si Nellie. ‘Wag po kayong sumama sa bukas!”Nagbuntong hininga si Luna. “Neil, ang iniisip moa ay iniisip ko na rin, pero alam mo naman na wala akong kapangyarihan. Hindi ako pwedeng mag desisyon para kay Nellie. Lagi siyang binabantayan ni Joshua.”Kapag pinigilan ni Luna ang ‘bonding’ nila Nellie at Aura, mas lalaki ang paghihinala sa kanya ni Joshua. Maliit lang ang kapangyarihan niya para protektahan si Nellie dahil sa katayuan niya, kaya’t talagang nagalit siya nung pinadala ni Neil si Nellie kay Joshua.Huminga siya ng malalim. “‘Wag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat para protektahan si Nellie.”Kung sabagay, maraming tao sa loob ng amusement park. Sa publiko, kasama si Luna at ang mga bodyguard na pinadala ni Joshua, hindi magagawa ni Aura ang mga gusto niya.

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 19

    “Mommy! Ang romantic!”Habang nakaupo siya sa Ferris Wheel, lumuhod si Nellie sa upuan at tumingin siya sa tanawin ng buong amusement park. Sabik siyang pumalakpak. “Hindi ko alam na malaki po pala ang amusement park!”Nagsayaw ng masaya ang batang babae na sumakay sa Ferris Wheel ng unang beses. “Kapag tumaas pa tayo, kasing liit na ng mga langgam ang mga tao sa amusement park!” Nakaupo si Luna sa tabi niya at tinapik niya ng mahina ang likod nito, napuno ng emosyon ang puso niya.Nagdusa ang tatlong anak niya, lalo na si Nellie.Mabait ba bata siya, at kung hindi siya pinanganak sa ganitong pamilya, siya ay magiging isang Little Princess na minahal ng lahat.Ang unang pagbisita niya sa amusement ay hindi sana nung anim na taong gulang na siya.Hindi sana siya pupuntiryahin ng isang tao na tulad ni Aura.Namuo ang kalungkutan sa lalamunan ni Luna habang iniisip ito.Huminga siya ng malalim, tinaas ang kanyang kamay para yakapin si Nellie, at nilapag ang kanyang ulo sa leeg ng

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 20

    Screek!May nakakabinging ingay ng mga brake.Dumaan ang itim na Maserati sa amusement park sa special passageway. Bumukas ang pinto ng kotse at may matangkad na lalaki na lumabas ng mabilis.“Bayaw—!" ang luhaan na Aura ay tumakbo patungo kay Joshua nung lumabas siya at pumunta siya sa mga braso ni nito. “Anong gagawin ko? Nasa loob si Nellie! Kasalanan ko ang lahat!”“Hindi ko dapat hinayaan na dalhin ng katulong na ‘yun si Nellie sa taas! Sinabi ko na sa kanila na delikado sa Ferris Wheel, pero hindi pa rin nakinig sa akin ‘yung katulong. Para matuwa si Nellie, sinundan niya ang hiling niya.”Nalilito si Joshua, hindi niya alam kung totoo ang mga sinasabi ni Aura. “Gaano katagal na silang nasa taas?”“Sampung minuto na.” pinunasan ni Aura ang kanyang mga luha, sa sobrang lungkot niya ay tila naghihingalo siya. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Nellie! Kung nalaman ko lang na mapupunta siya sa panganib, ako na lang sana ang kasama niya kahit na masama a

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 21

    Mabilis na hinarap ni Luna si Nellie at tinaas ang baba nito.Sa sobrang putla ng mukha ng anak niya ay parang wala nang buhay sa mga pisngi nito. Sarado ang mga mata nito na parang natutulog.Kasunod ng mga kilos ni Luna, mahinang bumagsak ang kamay ng batang babae...“Nellie? Nellie!”Napuno ng takot ang isip ni Luna habang hawak niya na parang isang baliw ang batang babae. “Nellie, gumising ka! Maliligtas na tayo! Nellie—”“Anong nangyari kay Nellie?” may malaking kamay na kumapit sa labas ng car nung malapit nang mawalan na ng malay si Luna.May pawisan na Joshua na kumapit sa handrail at pumasok sa loob ng car.Sa sobrang pagod niya ay puno ng pawis ang kanyang noo, ngunit agad niyang niyakap si Nellie, puno ng pag aalala ang boses niya habang siya ay nagtanong, “Anong nangyari sa kanya?”Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua; napuno ng kalungkutan at galit ang kanyang dibdib.“Tinatanong mo ako kung anong nangyari sa kanya?” may malagim na ngiti na namuo sa mukha

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3074

    Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3073

    Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3072

    “Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status