“Mommy! Ang romantic!”Habang nakaupo siya sa Ferris Wheel, lumuhod si Nellie sa upuan at tumingin siya sa tanawin ng buong amusement park. Sabik siyang pumalakpak. “Hindi ko alam na malaki po pala ang amusement park!”Nagsayaw ng masaya ang batang babae na sumakay sa Ferris Wheel ng unang beses. “Kapag tumaas pa tayo, kasing liit na ng mga langgam ang mga tao sa amusement park!” Nakaupo si Luna sa tabi niya at tinapik niya ng mahina ang likod nito, napuno ng emosyon ang puso niya.Nagdusa ang tatlong anak niya, lalo na si Nellie.Mabait ba bata siya, at kung hindi siya pinanganak sa ganitong pamilya, siya ay magiging isang Little Princess na minahal ng lahat.Ang unang pagbisita niya sa amusement ay hindi sana nung anim na taong gulang na siya.Hindi sana siya pupuntiryahin ng isang tao na tulad ni Aura.Namuo ang kalungkutan sa lalamunan ni Luna habang iniisip ito.Huminga siya ng malalim, tinaas ang kanyang kamay para yakapin si Nellie, at nilapag ang kanyang ulo sa leeg ng
Screek!May nakakabinging ingay ng mga brake.Dumaan ang itim na Maserati sa amusement park sa special passageway. Bumukas ang pinto ng kotse at may matangkad na lalaki na lumabas ng mabilis.“Bayaw—!" ang luhaan na Aura ay tumakbo patungo kay Joshua nung lumabas siya at pumunta siya sa mga braso ni nito. “Anong gagawin ko? Nasa loob si Nellie! Kasalanan ko ang lahat!”“Hindi ko dapat hinayaan na dalhin ng katulong na ‘yun si Nellie sa taas! Sinabi ko na sa kanila na delikado sa Ferris Wheel, pero hindi pa rin nakinig sa akin ‘yung katulong. Para matuwa si Nellie, sinundan niya ang hiling niya.”Nalilito si Joshua, hindi niya alam kung totoo ang mga sinasabi ni Aura. “Gaano katagal na silang nasa taas?”“Sampung minuto na.” pinunasan ni Aura ang kanyang mga luha, sa sobrang lungkot niya ay tila naghihingalo siya. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Nellie! Kung nalaman ko lang na mapupunta siya sa panganib, ako na lang sana ang kasama niya kahit na masama a
Mabilis na hinarap ni Luna si Nellie at tinaas ang baba nito.Sa sobrang putla ng mukha ng anak niya ay parang wala nang buhay sa mga pisngi nito. Sarado ang mga mata nito na parang natutulog.Kasunod ng mga kilos ni Luna, mahinang bumagsak ang kamay ng batang babae...“Nellie? Nellie!”Napuno ng takot ang isip ni Luna habang hawak niya na parang isang baliw ang batang babae. “Nellie, gumising ka! Maliligtas na tayo! Nellie—”“Anong nangyari kay Nellie?” may malaking kamay na kumapit sa labas ng car nung malapit nang mawalan na ng malay si Luna.May pawisan na Joshua na kumapit sa handrail at pumasok sa loob ng car.Sa sobrang pagod niya ay puno ng pawis ang kanyang noo, ngunit agad niyang niyakap si Nellie, puno ng pag aalala ang boses niya habang siya ay nagtanong, “Anong nangyari sa kanya?”Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua; napuno ng kalungkutan at galit ang kanyang dibdib.“Tinatanong mo ako kung anong nangyari sa kanya?” may malagim na ngiti na namuo sa mukha
“Joshua!” tumayo sa gulat si Aura mula sa kanyang upuan.Kumapit si Joshua sa sirang parte ng pinto at halos mahulog na siya… Agad na tumulo ang dugo sa kanyang mga daliri.Nakasabit ang buong katawan niya sa labas ng car, at napatili ang mga tao sa ibaba.Tumingin ng balisa si Aura sa bodyguard. “Iutos mo na ayusin na nila, dali!”Bakit si Joshua ang nalaglag? Bakit hindi ang mga p*ta? Gusto lang ni Aura na mawala sila, at hindi niya gustong mapahamak si Joshua!“Daddy!” inabot ni Nellie ang kanyang maliit na kamay at sinubukan niyang kumapit sa kamay ni Joshua bago siya pinigilan ni Luna. “Masyado kang magaan, at mahihila ka lang ng bigat niya.” Huminga ng malalim si Luna, tinali si Nellie, at muling hinigpitan ang tali sa katawan niya. Pagkatapos ay gumapang siya palapit kay Joshua.Inabot niya ang kamay niya kay Joshua. “Tara dito.”Hindi gumalaw si Joshua.Humawak siya ng mahigpit sa bakal na parte ng car habang nangutya siya ng malamig, “Ayaw mo na akong patayin?”Namu
Habang may mga luha sa mukha, nagmamadaling lumapit si Aura, gusto niyang pumunta sa yakap ni Joshua, pero...Ang kaliwang braso ni Joshua ay hawak si Nellie at ang kanang braso niya ay nakasuporta kay Luna, at wala nang lugar pa para sa kanya.Sa mga sandaling ito, sila Joshua, Luna, at Nellie ay parang isang pamilya na nagmamahalan.Tumigil sa paglalakad si Aura. Kumalat ang pait sa mga mata ng babaeng ito.Mabilis na dinala ng medical staff sina Luna at Nellie sa mga stretcher at dinala sila sa loob ng ambulansya.“Joshua, halos mamatay na ako sa takot!” Habang hinihintay na umalis ang ambulansya, dinala ni Aura ang ulo niya sa dibdib ni Joshua. “Umiyak ako ng sobra! Akala ko hindi na kita makikita ulit…”Kalmadong umatras si Joshua.“Sir!” gulat na lumapit si Lucas, puno ng pasa at namamaga ang mukha niya. “Ayos lang po ba kayo? Akala ko po nagsisinungaling ‘yung bata sa akin, pero alam niya pala ang ginagawa niya at niligtas ka niya!”Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Josh
Sa kabilang dulo ng phone, nakaupo sa isang bench sa tabi ng kalsada si Neil habang nakatingin siya sa paalis na ambulansya. “Congratulations,” ang sagot niya ng walang gana.Kahit na naligtas sila Mommy at Nellie, nakaramdam pa rin ng pagsisisi si Neil.Hindi niya inaasahan na ganito kasama si Aura kay Nellie.Kung hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil pinagtagpo niya sila Nellie at ang basurang si Joshua, hindi sana mangyayari ito.Habang iniisip ito, umasim ang mood ni Neil.Hindi napansin ng dalawang security guard ang malungkot na ekspresyon ni Neil, sabik pa rin nilang ipinahayag ang magandang balita, “Salamat sayo, papasok na kami sa Lynch Group bukas!”“Kung kailangan mo ng tulong sa susunod, sabihin mo lang sa amin!”Magtrabaho sa Lynch Group? Lumiwanag ang mga mata ni Neil.Kung sabagay, kailangan niya ng tauhan sa loob ng Lynch Group!...Sa loob ng hospital.Marahan na tinulak ni Joshua ang pinto ng ward, at lumingon si Luna nang marinig niya na bumukas ang pint
Humampas ang likod ni Luna sa matigas na pader, namilipit ang mukha niya sa lakas nito.Sinakal ni Joshua ang leeg niya habang napuno ng lamig ang mga mata nito. “Katulong ka lang na kailangang alagaan si Nellie para matuwa ako. Sino ka ba sa tingin mo?”“Natutuwa ako sa mga kilos mo ngayon araw, pero hindi ibig sabihin nito na pwede kang magsalita tungkol sa mga bagay tungkol sa amin ng ex-wife ko. Sa mundong ito, walang pwedeng kumausap sakin ng ganito maliban sa tunay na nanay ni Nellie!”Humigpit ang hawak ng lalaki sa leeg ni Luna, nag kulay asul ang mukha niya dahil sa kakulangan sa hangin.Makalipas ang ilang saglit, nung mawawalan na siya ng malay, binitawan siya ng lalaki. “Tandaan mo kung sino ka!”“Uhu, uhu…”Nakahinga na ulit si Luna, bumagsak siya sa sahig habang hawak ang kanyang leeg at umubo siya.“Oh, anong nangyari?” maririnig ang boses ni Aura sa corridor. Tumingala si Luna.Sa harap niya, nakasuot ng pulang dress si Aura habang may suot itong takong na piton
Dapat huminahon si Luna!Huminga ng malalim si Luna at tumingin siya kay Joshua, bahagyang nanginig ang boses niya, “Kapag sinabi ko na nagsearch ako ng mga panganib na maaaring mangyari sa amusement park dahil natatakot ako na may pwedeng mangyaring masama kay Nellie, maniniwala ba kayo sa akin?”Nangutya si Aura, “Paano pala ang number na ‘yun?”Ginitgit ni Luna ang kanyang ngipin at tiniis niya ang namumuong galit at kamuhian. “Ang numero na ‘yun… ay galing sa kaibigan ko. Alam niya na pupunta ako sa amusement park, para matulungan niya ako kung sakaling may nangyari.”Tumingin siya kay Joshua at sinubukan niyang maging magmukhang tapat.Bahagyang sumimangot si Joshua. “Tawagan mo ang kaibigan mo, at personal natin siyang tanungin.”“Hindi siya pupunta.” nanginig ang mga labi ni Luna. “Hindi ako aamin sa ganitong akusasyon, at hindi kailangan ipaliwanag ng mga kaibigan ko ang sarili nila.”Sinara niya ang kanyang mga mata at sinabi niya ng malamig. “Ang lahat ng ginawa ko kan
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya