Hindi makapaniwala si Luna at sumimangot siya. “Mr. Lynch, nakikipag biruan po ba kayo sa akin? Ang isang babaeng tulad ko, na kumilos ng nakaka panghinala sa inyo, na ang pangalan ay kinuha mula sa ex-wife niyo, sigurado po ba kayo na tatanggapin niyo ako?”Alam ni Joshua ang ginawa niya bago siya nilait ni Luna.Bahagyang kumunot ang mga kilay ng lalaki.Kung hindi dahil umuwi si Nellie at hindi niya maintindihan ang ugali ng bata, hindi niya isusugal ang pride niya para tanggapin ang kakaibang babaeng ito.Binasa niya ang tungkol sa babaeng ito habang papunta sa apartment na ito.Bilang isang babae na umuwi mula sa ibang bansa, wala siyang problema sa pera, ngunit ang unang trabaho na inapplyan niya pagkauwi niya ay ang posisyon ng katulong sa Blue Bay Villa?Kung hindi si Joshua o ang Lynch Group, sino ang puntirya ng babaeng ito?“Wow.”Habang walang progreso sa kanilang dalawa sa pintuan, may gulat na boses na narinig mula sa kapitbahay ni Luna na nasa corridor. “Siya… ay
“Bantayan mo si Nellie, uuwi agad ako.”Binaba ni Joshua ang phone at tumayo siya para umalis.“Sandali lang, sandali!”Nang marinig ni Luna na binanggit si Nellie, agad na tumayo si Luna. “Anong nangyari kay Nellie?”Medyo nanginig ang kamay ni Joshua na nakahawak sa pinto. Lumingon siya at malamig niyang sinuri ang mukha ni Luna.Habang nakaharap sa naghihinalang mga mata ni Joshua, huminga ng malalim si Luna. “Ako ang personal na yaya ni Nellie; dapat lang na nagmamalasakit ako sa kanya.”Binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok siya sa hallway. “Tara na.”Habang papunta sa Blue Bay Villa, sinubukang magtanong ni Luna tungkol sa sitwasyon ni Nellie. Tumingin sa kanya si Joshua at hinagis sa kanya ang kontrata, “Hindi ka pa niya personal na yaya.”Tinikom ni Luna ang kanyang mga labi, pinirmahan ang kontrata, at inabot sa kanya. “Pwede niyo na po bang sabihin sa akin ang nangyari kay Nellie, Mr. Lynch”Bahagyang sumimangot si Joshua. “Pinuntahan ni Aura si Nellie.”Naramdama
“Sinaktan niya si Nellie.”Ngumuso si Aura at nagpatuloy, “Sa sandali na pumasok siya ng kwarto, inakusahan niya si Nellie na ginalit ako bago niya sinampal si Nellie. Hindi ko siya agad napigilan.”Nagpanggap pa siya na nababalisa habang lumuhod siya para hawakan ang mukha ni Nellie. “Masakit siguro ‘no?”Tumingin ng masama si Nellie, puno ng galit ang mga mata niya, at sinampal niya ang kamay ni Aura at umalis siya sa kandungan ni Joshua. Tumakbo siya papunta kay Luna at hinawakan niya ang kamay nito. “Ayos… lang po ba kayo?”Idiniretso ni Luna ang likod, ngunit masakit pa rin ito dahil sa sipa. “Ayos lang ako.”Binuhos ni Aura ang buong lakas niya sa sipang ito, at dala pa rin ni Luna ang dating sugat niya mula sa aksidente noong anim na taon na nakalipas. Halos hindi na siya nakatayo dahil sa sipa.Alam ito ni Nellie. Kaya’t balisa niyang hinawakan ang kamay ni Luna at dinala niya ito sa sulok ng sofa. “Masakit po ba?”“Bahagyang tumaas ang kilay ni Joshua dahil sa nag aalal
“Masakit pa rin ba?”Sa maliit na kwarto sa taas, lumuhod si Luna sa harap ni Nellie habang maingat siyang naglagay ng ointment sa munting bata gamit ang bulak.“Ang sakit!” tumingin si Nellie kay Luna ng luhaan. “Mommy, masakit po.”“Shh.” sumimangot si Luna at nagtaas isang daliri at nilagay ito sa mga labi niya. “Mag ingat sa mga sinasabi mo. Ako ang yaya mo, kaya’t tawagin mo akong Auntie.”“Ah.”Pinunasan ni Nellie ang mga luha sa malaki niyang mga mata na puno ng pagkabalisa. “Auntie, ito po ang unang beses na sinaktan ako ng isang tao simula nung pinanganak ako.” nanginig ang maliit niyang katawan habang umiiyak.Kumirot ang puso ni Luna habang naging pink ang dulo ng ilong niya.Kasalanan niya ang lahat ng ito.Hindi niya na dapat iniwan si Nellie ng mag isa sa villa para mabawasan ang paghihinala sa kanya ni Joshua.Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ni Nellie, sinisisi niya ang kanyang sarili. “Hindi mo ‘to kasalanan; dahil lahat ito sa masamang baba
Hindi nagtagal pagkatapos umupo ni Neil, pinagsilbihan na ng waitress si Aura.Inabot ni Neil ang kamay niya para pigilan ang waitress—na siyang nagdadala ng pagkain kay Aura—at tinanong niya habang kumukurap ang malaki niyang mga mata, “Hi, ano po ang pagkain na ‘yan?”Sa sobrang cute at bait ng batang lalaki ay napatigil ang waitress at ngumiti ito sa kanya. “Ang tawag dito ay filet mignon. Kung gusto mong kumain nito, sabihin mo sa mama mo na umorder nito!”Tumingin si Neil sa waitress habang nakangiti at tumango siya. “Salamat po, ang ganda niyo po!”Ang waitress, na nasa kanyang forties, ay natuwa sa papuri ng batang lalaki, at mas gumaan pa ang pagsi serve nito ng food dahil dito.“Gusto mo bang kainin ang steak na’yun?” ang tanong ng nakasimangot na Anne.Ngumiti ng pailalim si Neil. “Hindi po.”“Bakit pala—” ‘Ninang,” sumingit si Neil bago pa matapos si Anne.“Mag pustahan po tayo.”Kinuha ng bata ang phone ni Anne at sinimulan ang stopwatch. “Pupusta po ako na hindi n
Nilampasan lamang siya ni Luna at nagpatuloy ito sa pagpunta sa bus stop. “Wala na tayong dapat pag usapan.”“Walang dapat pag usapan, o natatakot kang makipag usap?” binuksan ni Aura ang pinto at lumabas siya ng pinto, hinawakan niya ang braso ni Luna. “‘Wag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip mo!”“Mas bata ka dapat sa akin. Bata ka pa rin naman para magkaroon ng anak, hindi ba? Ang isang babae na hindi pa nanganak, ngunit desperado na magpaalipin sa isang anim na taong gulang na babae para lang sa ilang libong dolyar sa isang buwan?”Hinila ni Luna palayo ang braso niya. “Sabihin mo pala sa akin: bakit ko ginagawa ito?”Lumiit ang mga mata ni Aura.Magulo ang sitwasyon kahapon kaya’t hindi niya pinansin ang itsura ng babaeng ito. Ngayon at malapit sila sa isa’t isa, nakita niya na makinis ang mukha ng babaeng ito na para bang hinulma ng isang artist.“Maganda ka, pero dapat mo ring malaman na si Joshua ang nobyo ko. Maipapayo ko lamang sayo na ‘wag ka maging walang hiya a
May sampung pahina ng impormasyon tungkol kay Luna.Mahabang oras na sinuri ni Joshua ang dokumento at wala siyang nakita na mali dito. Medyo nainis na siya at tumayo siya para pumunta sa banyo.“Okay, ikaw na ang bahala dyan.” narinig ni Joshua ang isang boses ng bata nung pumasok siya sa banyo, napatigil siya sa paghuhugas ng kamay.Nakalagay sa patakaran na hindi pwedeng magdala ang mga staff member ng kanilang mga anak sa trabaho. Bakit may mga bata sa kumpanya ng ganitong oras?Kumunot ang noo ng lalaki habang sinundan niya ang boses at napunta siya sa isang cubicle. Sa sandali na mapunta na siya sa harap ng cubicle, at bago pa siya kumatok sa pinto, bumukas ito.Pak!Mabigat at maingay na tumama ang pinto sa noo ng lalaki, napaaray si Joshua habang tinakpan niya ang kanyang noo.Lumabas ng cubicle si Neil habang may pride sa sa kanyang mga mata bago siya tumingala at tumingin kay Joshua. “Pasensya na po, pasensya na! Hindi ko po alam na may tao sa labas, kaya’t binuksan ko
Napahinto ang kamay ni Joshua na may hawak na chopsticks.Tumingala siya at tumingin siya ng malamig sa mukha ni Luna. “Kapag pinatira ka siya dito, edi mawawalan na ng pag asa ang mga babaeng pinupuntirya ako, hindi ba?”Bahagyang lumiit ang mga mata ni Luna sa mga sinabi ng lalaki, ngunit matapos ang ilang saglit, ngumiti siya. “Inisip ko po na matibay ang relasyon sa pagitan nila Mr. Lynch at Ms. Gibson. Mukhang marami lang po pala akong iniisip.”Ngumiti si Joshua. “Pero, walang pag asa ang ilang tao na lumapit sa akin na may layunin sa simula pa lamang.”“Edi tapat at mapagmahal na lalaki po pala si Mr. Lynch,” ang sagot ni Luna. “Mukhang mali po pala ang pagkakaintindi ko sa inyo.”Nang mapansin ni Nelli na mas naging malupit at mabigat ang mood, mabilis niyang inabot ang kanyang kamay para harangan ang kanilang mga mata. “‘Wag na po kayong magtalo!”“Hindi naman kami nagtatalo.”Bumalik sa sarili si Luna dahil sa balisang boses ng anak niya.Agad siyang kumalma at ngumi