Share

Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko
Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko
Author: Inked Snow

Kabanata 1

Buntis si Luna Gibson.

Masaya siyang umuwi habang hawak ang pregnancy test result, iniisip niya rin kung paano niya ito ibabalita sa asawa , kay Joshua Lynch, bilang sorpresa. Kalahating buwan nang nasa business trip sa ibang bansa si Joshua, at makakauwi na rin siya bukas.

Ngunit, sa oras na nakauwi na si Luna Gibson, napansin niya ang isang pares ng mga sapatos na pambabae na hindi sa kanya. Napasimangot siya.

Alam niya kung kanino ito. Pag-aari iito ng kapatid niya, si Aura Gibson, at kailan lang nito binili ang sapatos.

Hindi ba’t nasa business trip siya kasama si Joshua?

Sa mga sandaling ito, narinig niya ang isang boses ng babae mula sa itaas ng hagdan.

Ang boses na ito… ay ang boses ng kapatid niyang si Aura!

Nakagat ni Luna ang kanyang labi at nanginig ang kanyang katawan. Sino pa bang lalaki ang nandito kundi ang asawa niya?

Agad siyang umakyat ng hagdan. Habang lumalapit siya, lumalakas ang mga boses ng lalaki at babae mula sa bedroom.

“Anong gagawin natin kapag nakauwi na siya?” Kumpara sa mahinay na boses ni Aura, malamig at malalim ang boses ni Joshua. “Wala akong pakialam.”

“Pangarap niya na magkaroon kayo ng anak, pero naunahan ko siya. Paano mo ‘to ipapaliwanag sa kanya?”

Malamig pa rin ang boses ng lalaki. “Wala akong pakialam.”

Nilamig na parang yelo ang puso ni Luna. Matapos ang ilang sandali, inalis niya ang kamay mula sa handle ng pinto. Tumalikod siya at umalis, wala na siyang lakas ng loob para harapin ang eksena sa kwarto.

Kahit buksan pa niya ang pinto, ano pa ang magagawa niya? Alam niya na hindi siya mahal ng asawa.

Si Luna ang nagpilit, nilabanan ang buong mundo, para pakasalan siya si Joshua.

Sa dalawang taon nilang kasal, para mabigyan ng anak si Joshua, binisita ni Luna ang bawat hospital sa syudad at humanap ng iba’t ibang paraan.

Ngayong nagtagumpay na siya sa pagbubuntis, sumiping si Joshua sa kapatid-sa-labas ni Luna, sa kama pa nila. Ang malala pa nito, buntis din si Aura.

Nakakaawang lumabas ng villa si Luna habang tahimik na tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Hindi niya na pinansin ang malakas na ulan, at habang naglalakad siya ng mabagal, nanatili sa pandinig niya ang mga boses ni Aura at Joshua.

Magkasama pala sila sa lahat ng oras na ito.

Nakasuot na ng damit si Aura at nakatayo siya sa tabi ng bintana ng bedroom habang pinapanood ang kapatid niya. May malamig na ngiti na namuo sa mukha nito.

Ang boses ng lalaking narinig ni Luna ay ang resulta ng mahusay na pag eedit ni Aura. Isang recording lamang ang boses ni Joshua. Alam ni Aura na hindi papasok ng kwarto si Luna.

“Asawa ko si Luna. Pakiusap, respetuhin mo ang sarili mo.”

“Wala akong planong makipag-divorce sa mga susunod na taon.”

Malupit ang boses ni Joshua habang tinanggihan niya si Aura.

Nanunuyang inilabas ni Aura ang kanyang phone at nag-dial siya ng numero.

...

Naglalakad si Luna sa ilalim ng bumubuhos na ulan hanggang sa isang tulay. Walang tao dito dahil sa maulan na panahon.

Biglang may cargo truck na papunta sa direksyon niya. Dahil sa kalungkutan niya, hindi agad siya nakakilos sa oras.

Bang!

Tumalsik siya mula sa pagkabangga at bumagsak siya ng malubha sa dulo ng tulay. Naramdaman niya na tila nagbago ang lugar ng mga laman loob niya habang tumulo ang makapal at sariwang dugo mula sa ulo niya. Naging pula ang kanyang paningin dahil dito.

Habang nahihilo siya, nakita niya na may taong bumaba sa truck at tiningnan nito kung humihinga pa siya. Pagkatapos malaman na buhay pa si Luna, tumawag sa phone ang lalaki. “Mr. Lynch, buhay pa po siya. Ibunggo ko po ba ulit ang truck sa kanya?”

Kumirot ang puso ni Luna na para bang nasagasaan ito ng truck at nabasag sa maliliit na piraso.

Kausap ng driver si Mr. Lynch.

Isa lang ang kilala niyang Mr. Lynch sa buhay niya—si Joshua Lynch.

Ang lalaking minahal niya ng buo, ang lalaking nakasama niya at minahal ng maraming taon, si Joshua Lynch.

Sinubukan ba siyang patayin ni Joshua, dahil lang nalaman niya ang lihim na relasyon nila ni Aura?

Dahil… dahil ba gusto ni Joshua na bigyan ng mabuting pangalan at pagkakakilanlan ang bata sa tiyan ni Aura? Ang bata sa tiyan ni Luna ay sa kanya rin...

“‘Wag mo akong sisihin. Sisihin mo ang sarili mo at nahulog ka sa maling lalaki!”

Tinapos ng driver ang tawag at walang awa niyang sinipa si Luna.

Dalawang metro lang ang layo ni Luna mula sa dulo ng tulay.

Malakas na matandang lalaki ang driver, at walang awa niyang sinipa ang sirang katawan ni Luna. Sa ilang subok lang, lumipad sa ere si Luna.

“Magkita na lang tayo sa susunod na buhay.”

Nahulog sa tulay si Luna.

Bumalik sa isip niya ang imahe ni Joshua na nakatayo sa puno ng cherry blossom. Siya ang parehong lalaki: gwapo, malambing, at mabait.

“Kinamumuhian kita, Joshua Lynch…”

...

Sa Sea City.

May matangkad at gwapong lalaki na lumabas mula sa meeting room, mukha siyang marangal ngunit tila mayabang. Balisang lumapit ang kanyang assistant. “Sir, ang asawa niyo po. May nangyari.”

Bahagyang sumimangot ang lalaki, at hindi ito tumigil sa paglalakad. “Anong gulo na naman ang pinasok niya?”

“Si Madam, siya po… siya po ay nabangga ng truck at nahulog siya sa dagat. Hindi pa rin po natatagpuan ang katawan niya.”

Agad na lumaki ang mga mata ng lalaki.

Sa mga sandaling ito, tumunog ang phone ni Joshua. Ito ay isang tawag mula sa hospital.

“Mr. Lynch, ayaw ng asawa niyo na sabihin ko ‘to sa inyo, pero sa tingin ko po ay kailangan niyong malaman ‘to. Buntis po ang asawa niyo ng tatlong buwan na…”

_________

Makalipas ang anim na taon.

Nag-landing ang isang international flight mula Europe papuntang Banyan City.

Hinihila ni Luna ang kanyang bagahe at dumaan siya sa security clearance.

Sa nakaraan na anim na taon, siya ay si Luna Gibson. Pagkatapos niyang makaligtas mula sa aksidente, pinili niya na simpleng Luna na lang ang tawag sa kanya.

Ang kulay chestnut niyang buhok ay nakalaylay sa mga balikat niya. May suot siyang pulang shirt at may itim na trench coat na nakapatong dito, nagmukha siyang malamig at misteryoso.

May nakasunod sa kanya ang dalawang bata, isang lalaki at isang babae, habang pareho itong may suot din na coat at may dala na parehong bagahe.

Mula sa itsura nila, hindi sila lalagpas sa lima o anim na taong gulang, ngunit marangal at malamig ang aura na nilalabas nila, at tila walang makakalapit sa kanila.

“Luna!”

Si Anne Zimmer, na siyang naghihintay sa entrance, at mabilis na kumaway para batiin siya. “Dito!”

Sikat na plastic surgeon si Anne Zimmer sa Banyan City. Sa limang taon na nakalipas noong nag aaral siya sa Europe, nakuha niya ang pagkakataon na tumulong sa surgery ni Luna. Habang tumagal, naging malapit sila sa isa’t isa at naging mag best friends.

Dahil nakabalik na si Luna sa Banyan City, masaya siyang tinanggap ni Anne.

Mabilis at sabik na kinuha ni Anne ang bagahe sa mga kamay ni Luna. “Handa na ang bahay. Pupunta na tayo doon!”

“Salamat.” ngumiti ng bahagya si Luna at tumalikod siya para ipakilala ang mga bata sa likod niya, “Neil, Nellie, ito ang Auntie Anne niyo.”

“Hi, Auntie!”

Matamis na umihip ng halik ang mala prinsesang Nellie kay Anne. “Alagan niyo po kami ng mabuti!”

Samantala, nakatingin lang si Neil mula sa sulok ng mga mata niya. “Auntie Anne, wala po kayong boyfriend, tama?”

Napahinto si Anne. “Paano mo nalaman?”

Tinikom ng batang lalaki ang kanyang bibig at lumapit, pagkatapos ay kinuha niya ang bagahe mula sa mga kamay ni Anne. Dalawa na ang hawak niyang mga bagahe habang naglalakad—isang malaki at isang maliit. “Ang mga babaeng nagtatrabaho ng mabigat ay mahirap makahanap ng pakakasalan.”

Nabigla si Anne. Bwisit na batang ‘yun!

Walang nagawa si Luna kundi ayusin ang sitwasyon, “Hindi lang siya magaling pumili ng salita, pero mabait na bata ‘yan. Nag aalala lang siya na baka mapagod ka.”

Tinikom ni Anne ang kanyang mga labi. “Mas magandang pakinggan ‘yun.”

Dahil dito, kumapit siya sa kamay ni Luna at tinanong niya, “Bakit biglang nagdesisyon ka na bumalik dito? At dinala mo lang sina Neil at Nellie. Nasaan si Nigel?”

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jubeth Abril
parang may katulad ito ung billionaires ex wife alam mo na agad ang kwento...mas maikli pa...iikot lang nmn yan sa revenge tas realization diba..tas forgiveness..
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
maganda sana kaso sobrang haba naman yong 200 chapters nga lang nakakatamad ng basahin ei
goodnovel comment avatar
Catherine Rubo
haba Naman Pala Ng story na to tapos di pa free nakakatamad basahin pag mahaba
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status