Si Quentin, sa halip na sagutin niya ang mga tanong ni Luna, lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Nakita mo na; isa itong kulungan, at isa lang ang taong nakakulong dito. Isa ba itong magandang kulungan sa litrato na tinutukoy mo?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at sinuri niya ng mabuti ang kulungan. Ang istraktura ng kulungan ay pareho sa litrato… ngunit ang lahat ng bagay sa kulungan ay nilipat. Ito ay para bang nagpapanggap si Quentin na wala siyang alam tungkol sa tauhan na nakatanim sa bahay nila. Hindi lang sa alam niya ang tungkol sa espiya, alam niya pa kung sino ang espiya at kung kailan kinuha ang litrato. Hindi maitatanggi na ang lalaking ito ay metikuloso. Tumingin si Joshua kay Quentin, at nagkataon, nakatingin din sa kanya si Quentin. Ang pagkakaiba ay ang mga mata ni Joshua ay malamig, habang ang mga mata ni Quentin ay nakangiti. “Marami ka pa bang tanong, Mr. Lynch?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Walang problema sa kulungan na ito.” Naniniwala siy
Nakasalubong ang mga kilay ni Luke. Paano nawala ang isang tao sa loob ng mansion? Sa mga sandaling ito, tumakbo palapit si Lucas kay Joshua, binulong niya sa tainga nito, “Sir, hindi po namin mahanap si June. Hinanap na po namin kahit saan, hindi pa rin po namin mahanap sina Charlotte o June.” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Joshua. Gusto niyang halughugin ang mansyon hindi lang dahil gusto niyang mahanap si Charlotte, higit sa lahat, gusto niyang mahanap si June. Alam niya kung ano ang binabalak ng pamilya Quinn. Si June ang kahinaan ni Christopher, at kapag kontrolado na ng pamilya Quinn si June, ibig sabihin nito ay pwede nilang utusan si Christopher na gawin ang kahit anong gusto nila. Tutal, nasa proseso si Christopher ng paggawa ng antidote para bumalik ang mga alaala ni Jim. Higit sa lahat, hawak ni Christopher ang prescription ng lason na ginawa ni Rosalyn. Ito ang lason na ginamit para mawala ang mga alaala ni Jim at ang rason kung bakit kayang ibrainwash si Jim.
Gayunpaman, hindi apektado si Quentin. “Nakikipag usap ako kay Ms. Craig, Mr. Landry, at sa tingin ko ay wala ka sa lugar para sumingit.” Pagkatapos, tumingin siya kay Bonnie at sinabi niya, “Kinakausap kita, Ms. Craig.” Medyo nalito si Bonnie sa mga kilos ni JIm. Sinabi ng lalaking ito na wala siyang pakialam kay Bonnie, ngunit hindi ito ang pinapakita ng kilos niya. Kahit na tinatawag niya na manloloko at magaling mag manipula si Bonnie, pinipilit niya na pakasalan ito kahit ayaw, at sa mga sandaling ito, biglang parang nag aalala siya tungkol sa 30% ng shares ng Craig Group na sinusugal nila. Kahit na mas ayaw ni Bonnie kay Quentin, at least ay hindi tinatago ni Quentin ang intensyon niya. Ni hindi na magkasama sila ni Jim! Tumigil ng ilang sandali ni Bonnie, nilagpasan niya si Jim, at naglakad siya papunta sa tabi ni Luna. “Mr. Simms, isa akong babae na tumutupad sa salita niya, pero hindi pa tapos ang mga tauhan ko sa paghahanap sa bahay. “Hayaan mo kami na halughugi
Tumigas ang buong katawan ni Luna nang mabasa niya ang pulang mga salita sa papel. Mabilis na lumapit si Bonnie sa tabi niya nang makita niya ang gulat na tingin ni Luna at tumingin siya sa mensahe na nakasulat gamit ang dugo. [May lihim na pinto sa bedroom ni Granny Quinn.] Biglang naramdaman ni Bonnie na umakyat ang dugo sa kanyang ulo. May lihim na pinto sa bedroom ni Granny Quinn! Ang kwarto lang ni Granny Quinn ang lugar sa Quinn Mansion na hindi pwedeng puntahan ng kahit sino. Halos 80 taong gulang na siya at may dalawang anak siya—ang isa ay patay na, at ang isa ay isang pari na. Hindi rin maganda ang lugar ng mga apo niya. Si Hunter Quinn ay nasa kulungan, at tumakas si Malcolm, isang kriminal na pinalayas ng pamilya Quinn. Bilang resulta ng mga emosyonal na pangyayaring ito, nagkasakit si Granny Quinn at hindi niya man lang kayang bumaba ng kama. Gayunpaman, may respeto sa kanya ang lahat ng kilala niya. Hindi lang sa hindi inabala ng mga tauhan nila Joshua at
“Natatakot ka ba na masaktan namin siya, o nag aalala ka na matuklasan namin ang lihim na pinto sa kwarto niya? ‘Wag kang mag alala, Mr. Simss, aayusin natin ito kapag nahalughog na namin ang kwarto.” Pagkatapos, muli niyang hinawakan ang kamay ni Bonnie at naglakad siya palayo. Angy grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim ay sumunod sa kanila. Nang kumalat ang init ng palad ni Jim sa kanya, tumitig si Bonnie sa mga hibla ng buhok ni Jim at bigla niyang naramdaman na para bang bumalik siya sa panahon noong isang taon na ang nakalipas noong unang beses niyang nakita si Jim. Sa mga oras na ‘yun, nakatayo silang dalawa ni Jim sa gumuhong bahay ng Blue Bay Villa, na nasunog dahil sa kagagawan ni Aura. Ang matangkad na katawan ni Jim ay nakaupo kasama si Harvey sa tabi ng gumuhong bahay. Hinangin ang ilang hibla ng buhok niya, umihip ito sa mukha niya at salungat ito sa matulis at mayabang na itsura niya. Lumingon siya para tumingin kay Bonnie, may bahid ng gulat sa kanyang tin
Ang pag uugali ni Granny Quinn ay kumpirmasyon para sa paghihinala ni Jim, at sumingkit ang mga mata niya. “Ang gusto ko lang ay tingnan ang kama mo, Granny Quinn. Bakit ka nagagalit?” Tumawa siya at lumapit siya kay Granny Quinn. Mas naging istrikto ang boses niya at sinabi niya, “Ano ang tinatago mo sa ilalim ng kama mo?” Dumilim ang ekspresyon ni Granny Quinn nang marinig niya ito. Umubo siya ng mahina, pagkatapos ay ngumiti siya ng awkward. “Pasensya na—overacting lang ako siguro kanina.” Patuloy siya sa pag ubo sa kamao niya, nagpanggap siya na nanghihina, at sinabi niya, “Nabigla lang ako, ‘yun lang… Ito ang unang beses na pumasok kayo ng girlfriend mo sa kwarto ko, Mr. Landry, at dinemanda mo pa na tingnan ang kama ko!” “Sa totoo lang, isang matandang babae na ako ngayon, at natural… nabigla ako sa hiling mo na ito.” “Tutal, ano pa ang kailangan mong tingnan sa isang madumi at magulong kama ng isang matanda at mahinang babae?” Pagkatapos, tumingin siya na parang nagm
Gayunpaman… Pareho ang iniisip ni Bonnie kay Jim. Ang kadiliman na nasa harap nila ay maaaring ang pinaka mapanganib na bagay na makaharap nila, kaya’t paano niya hahayaan si Jim na harapin ito ng mag isa? Naaalala niya pa rin… Noong nasa bahay ampunan sila, sinabi ni Jim kay Bonnie dati na sikreto niya na takot siya sa dilim. Sa nakalipas na taon na magkasama sila, aasarin minsan ni Bonnie si Jim dahil takot ito sa dilim. Kahit na ang mga damdamin niya ngayon kay Jim ay pagkamuhi kaysa pag ibig, hindi nagbago ang katotohanan na iisang tao dating Jim at ang Jim ngayon, kaya’t pareho ang kinakatakutan nila. Sa sandali na maisip ito ni Bonnie, mas naging determinado siya na sumama kay Jim. “Kapag hindi mo ako sinama, hindi kita hahayaan na pumunta doon.” Napuno ng init ang puso ni Jim nang marinig niya ito. Tumalikod siya para tumitig kay Bonnie, na siyang mga mata ay puno ng determinasyon at pag aalala. Alam niya na hindi nagdadabog si Bonnie at hindi siya sinasadyan
Tumalon ang puso ni Bonnie nang marinig niya ito. Pamilyar siya sa boses na ito. Sa nakalipas na taon na magkasama sila ni Jim, kasama niya rin si Jim, kaya naman, ang bestfriend ni Harvey, si June, ay laging kasama ni Bonnie ng buong araw. Hindi pwedeng hindi makilala ni Bonnie ang boses ni June! “Tulungan niyo ako—” “Tulungan niyo ako, pakiusap—!” Ang mga sigaw ni June ay mas malakas pa kaysa sa huli. Nararamdaman ni Bonnie na humigpit ang mga ugat sa kanyang katawan, at hindi niya mapigilan na manginig sa lugar habang naglalakad siya papunta sa direksyon ng boses. Biglang kumunot ang noo ni Jim at humigpit ang hawak niya sa kamay ni Bonnie. “‘Wag kang kumilos ng basta basta.” Naglakad siya paharap para protektahan ang katawan ni Bonnie sa likod niya, pagkatapos ay nagpatuloy siya na maglakad papunta sa direksyon ng boses. Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang kulungan, at ang pinto papunta dito ay bahagyang nakabukas. Habang mas malapit sila, mas lumakas ang